Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Ano po ba dapat gawin ko?

Ran120Ran120 PEx Rookie ⭐
Ano po ba dapat gawin ko sa gf ko ? nahihirapan na po ako minsan pero mahal na mahal ko po talaga kaya hindi ko maiwan iwan. pag nagaaway kami, pupunta ako hindi niya sasabihin kung ano dahilan talaga, tapos pauuwiin ako, tapos dati di naman siya umaabot sa pananakit , at nagsasalita masyado ng masama sakin pag galit , e ngayon sobra po pag galit siya ,  tapos nasusuntok na ako o kung ano man, basta pananakit, hindi naman masakit pero emotionally masakit siya. kahit kailan hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay at hindi pa po ako sa kanya nagagalit ng sobrang todo, inis lang pero nadadaan namin sa usapan, pero siya, yun malakas magalit at mahirap idaan sa usapan kasi yun nga ayaw niya pagusapan at nauuna ang galit. Nakakalito po minsan din kasi bigla nagagalit, isang araw ayos kami masaya siya sobra, tapos mamaya galit na. Mahal na mahal ko po siya sobra , sasabihin ko yan sa kanya pag galit siya e sasabihin naman sakin sinungaling ako, hindi naman ako nagchecheat or anything, mahal ko talaga siya, hindi ko po alam ang gagawin ko ginagawa ko ang makakaya ko na intindihin siya kasi nga galit nagpapadala sa emosyon, pero minsan nahihirapan po ako, aminado naman ako na ako din e may mga pagkakamali minsan pero pinipilit ko naman po talaga ayusin ang sarili ko para sa amin , at sa kanya. Ano po ang dapat gawin? 

Comments

  • Ran120Ran120 PEx Rookie ⭐
    ginusto niya makipag break pinigilan ko lng, humingi po ako ng isa pang pagkktaon, pero sabi niya  tatanggapin nya ako at bibigyan ng pagkakataon sa pagmamahal namin pero walang kmi daw at walang relasyon na nngyari. tapos pinipgilan ako magpakita o lumapit, nakkalito, akala ko ba binigyan ng pagkakataon. why cant i bring myself to hate my girlfriend, i really really love her, and i know na masakit na sobra kahit noon pa, pero why cant i hate her and leave her be. nakakadepress po at nakakabaliw na, may galit ako pero di ko naman sya mapgalitan bakit gnito. ano po ba dapat ang gawin ko tulong po, :cry::cry:
  • Ayaw niya sa iyo. Hiwalayan mo na hanap ka ng iba.

    Huwag mo pahirapin ang buhay mo.
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    red flags are just flags when you're wearing rose tinted glasses

    lakas saltik/toyo niyang jowa mo
  • lilyamlaclilyamlac PEx Rookie ⭐
    Wag ka mag beg (ganyan din ginawa ko dati nagpaka *****) sa una lang masakit pero after non marerealize mo hindi nakapdepende sakanya hapiness mo, ok lang sa babae na mag topak minsan pero kung hindi niya ioopenn up kung bakit sya nagtotopak aba iba na yan.

    Babae rin ako tinotopak din, pero inoopen up ko naman kung bakit ako nagkaka ganoon. Hindi mo siya deserve lalo na't sinasaktan ka niya both physically and emotionally.

    Alam ko mahal na mahal mo siya why not try na ikaw naman ang magmatigas nawawalan ka ng value sa kanya. Hindi siya natatakot na mawala ka kasi ikaw lagi gumagawa ng way para isave relationship nyo. Pagusapan niyo pero wag mo siyang lagi kunsitihin lalo na kung mali siya. Explain mo mali ang ginagawa niya. Tao ka rin may feelings nasasaktan at may nararamdaman.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file