Having trouble about my girlfriend ex boyfriend.

almost mag 1 year na kami nang girlfriend ko wala naman sanang problema na meet ko naman parents nya and na meet naman nya parents ko kumbaga legal kami.

ang problema is ung ex bf nya na nangungulit parin hanggang ngayon, nangugulo sa aming dalawa ngayon kasi hindi parin nya tanggap na wala na sila.

hindi nya maiiwasan na wag replyang mga message nung ex bf nya mga tawag nung ex nya minsan ung gf ko pa nag memessage at tumatawag don sa ex nya.

gusto ko sana i open ung topic sa kanya kaso kapag sinasabi ko sa kanya na gagalit agad sya kapag pinag uusapan namin ung ginagawa nya tsaka nung ex nya.

tsaka di ko rin maiwasan na wag mangamba kasi 3x times nya na ako niloko nung ex bf nya.

Comments

  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    Kung totoong disente ang gf mo, hindi na siya makikipag communicate sa ex niya. 

    Bring it up otherwise ikaw lang ang lugi sa dulo.
  • lagi ko naman bini-bring it up sa kanya un kaso lagi syang nagagalit wala daw akong tiwala sa kanya.
  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    edited May 27
    lagi ko naman bini-bring it up sa kanya un kaso lagi syang nagagalit wala daw akong tiwala sa kanya.
    Then quit. Why? Kasi imbis intindihin ka niya at ayusin ang problema, inuuna niya ang kadramahan na iyan.

    Masyadong maiksi ang buhay para ipagpilitan ang sarili sa ganyan ka-immature na babae.
  • Mahal ko po lagi naman na po nya sinasabi na wala na daw sila naka move on na daw sya Kaya wag daw ako mag alala
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Sabihan mo si gf na magpalit na ng cell # upang di na siya ma-kontak ng ex-bf. Kung ayaw niyang palitan ibig sabihin mayroon pa rin siyang pagtingin sa ex-bf at [email protected] ka lang! Iyan ang totoo!
  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    Mahal ko po lagi naman na po nya sinasabi na wala na daw sila naka move on na daw sya Kaya wag daw ako mag alala
    Naive ka ata chong. Saan ka ba mas maniwala, sa salita or gawa?

    Huwag ka ng manghingi ng advice kung wala ka rin naman palang lakas ng loob harapin ang totoo. 
  • ValorianValorian Do no harm PEx Influencer ⭐⭐⭐
    uto-uto ka men

    anong preventive measures ginawa ng jowa mo?

    nagpalit na ba ng number? na-block na ba sa lahat ng SNS yung ex niya?

    kung hindi nya ginawa yan, magkaka problema lang kayo
  • tidgetidge lie and die PEx Influencer ⭐⭐⭐
    tatlong beses ka ng niloko ng ex bf nya?  :open_mouth: irresistible si ex BF no?  :D
  • richardrnrichardrn Member PEx Rookie ⭐
    Quit it. 3 times ka na pala niloko
  • ethan911ethan911 Member PEx Veteran ⭐⭐
    Obviously rebound ka lang! Hiwalay na agad wala ng open open pa. Baka naman tigas t.t. ka lang kaya pinagpipilitan mo pa sarili mo.

    Magbasketball ka na lang para point guard ka.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file