E-games/E-bingo/Casino gambling stories

WadoinksWadoinks Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
It all started 7 years ago. Pumunta ako sa Isang mall para kumain ng lunch. Right after, naglakad-lakad lang ako sa mall hanggang sa napadaan ako sa Isang bingo boutique. Since wala naman akong ginagawa, nagtry akong mag bingo. Ito yung bingo na binobola. May Game no. 1, Game no. 2 at Game no. 3 yun yung Blackout. Noong una masaya, nakalilibang. Marami akong nakakausap. Karamihan nga lang sa kanila matatanda. Hahaha. Ilang months din akong naglaro nun. Minsan tumatama, madalas talo. Pero sabi ko okay lang, enjoy naman. Yung bingo boutique na yun may 2nd floor (dun yung smoking area at yung mga slot machines). Habang tumatagal ako sa kalalaro ng bingo na yun for months, iisipin mo nakakabore. Ang tagal. One hour yata inaabot ang 3 games. Yung naka-close ko na sa bingohan tawag ko sa kaniya/kanila "CLASSMATE/S" kasi halos everyday lagi kaming nagkikita. Hahaha. Sabi nung classmate ko na yun, bakit di ko raw subukan mag slot machine. Nung una, tingin tingin lang ako. Hanggang sa nagtry ako. Nagsuksok ako ng 1k. Sabi ko baka swerte. Beginner's luck ika nga. At totoo naman. Nag cover all ako sa bet 1. 1,500 din yun. Sabi ko sa sarili ko, ang bilis ng pera dito. Mas nakalilibang pa kesa sa binobolang bingo sa baba. Nakakatuwa ang bingo slot machines. Ang gaganda ng graphics nung Ilan. Ang gaganda ng tunog. Maho-hook ka talaga. Mga wala pang Isang buwan, naka-jackpot ako sa Multi-Mega. Bet 2. Mga 50,000 yun. Sobrang tuwa ko talaga. Ang daming natuwa din for me. Marami rin humingi ng balato. In short, na-hook ako sa Bingo slot machines. May times na umuuwi ako ng panalo at maraming times na umuuwi akong talunan. Nung una, okay lang. Lagi Kong sinasabi sa sarili ko, mababawi ko din yung natalo ko. Naiinis pa nga ako kasi sa mall yung bingo boutique dun from 10am-1am lang. Minsan nga, 930am nasa mall nako naghihintay magbukas ang mall para makapag laro na agad. Sa sobrang enjoy o inis dimo namamalayan ang oras, 1am na pala. Halos once lang kumain sa maghapon. Umabot talaga ako sa ganun. The worst part may nagsabi sa akin na may bingo boutique outside the mall na almost 24 hrs bukas. Doon ako lumipat. Minsan nagdadala ako ng 10k. Minsan napapalago ko minsan hindi. Minsan kapag talo, uuwi ako sa bahay para kunin ang atm ko para makapag withdraw lang dahil sabi ng isip ko nun, babawiin ko ang talo ko. 7 years yun!!!! 7 years na nag-iba ang buhay ko. Me, being the masayahin, the makulit, the friendly, the thoughtful, nagbago lahat lahat. I isolate myself from family and friends. May partner ako at lagi akong nagsisinungaling sa kaniya (dahil nahuli na nya ako before at super talak talaga siya sakin). Unti-unting naubos ang savings ko. Dumating talaga sa point na humihiram nako ng pera sa partner ko, sa family ko at friends ko. Nagrereason out ako ng kung anu-ano para lang masustain ko ang gambling addiction ko. Nagiging iritable ako kapag hindi ako nakakapag slot machine sa Isang araw. Kinain na ako ng Slot machine. Dumating din sa point na nagsasanla/nagbebenta na ako ng gamit ko. From appliances to mobile devices. Name it all nagawa ko na yata. I even consider myself na ibenta ang katawan ko sa mga bakla may pang dagdag lang sa pagsusugal ko pero buti nalang diko naituloy. May araw na natatalo ako ng 50k in one sitting. Alam nyo yung feeling na after mo matalo at wala kang choice kundi umuwi ay parang gusto mo nang tumalon sa building? Dumating ako sa point ng buhay ko na ganun. Uuwi ako sa apartment na walang madadatnang pagkain. Di ka makatulog. Wala kang choice kundi umiyak nalang sa isang sulok nang bahay mo at mainis sa sarili na kung bakit nangyare sa iyo ang ganun. Ang turning point sa addiction kong ito ay nung halos wala na akong makain. Walang trabaho. Wala na halos kaibigan dahil nalaman nilang nagpakalango ako sa sugal. Yung patong-patong na mga pagsisinungaling ko. Nawala ako sa sarili ko ng 7 years. Doon ako nakapag isip-isip na Tama na!!! 


Casinos and bingo boutiques are designed to take away all your savings. Walang yumaman sa sugal. Maraming nasira ang buhay. Maraming nasira ang pamilya at maraming nagkitil ng sariling buhay. Kung tutuusin, napakalungkot ng atmosphere ng Isang casino at bingo boutiques. Doon makikita mo sa mga players ang desperation at depression. It's the saddest place that I've ever been. Hindi madali ang mag quit. I almost went to rehab pero buti nalang may natira pang power sa mind and soul ko para sabihin sa sarili kong IT'S ENOUGH. Napakahirap!


Kung may kakilala kayong may katulad nang naging karanasan ko o higit pa. They NEED HELP. Tulungan po natin sila na magbago at makarecover. Gambling addiction is a mental disease na kung di maagapan, baka humantong pa sa hindi magandang pangyayari. Huwag po natin silang husgahan bagkus ay ating tulungan. 


Sa ngayon, I believe nakarecover na ako. Nagpa self exclusion ako sa lahat ng Casinos at Bingo boutiques. Oo pwede yun! Isang way yun para matanggal mo sa sistema mo ang itch ng pagsusugal. Through my will and prayers, naibangon ko ulit ang sarili ko sa pagkakalugmok. 💪


Kayo, ano ang kwento niyo?

Comments

  • Mga boss! Meron bang mahilig mag laro ng casino? Kung meron baka gusto nyong 
    mag join sa GC ko. Gawan ko kayo ng account sa Jack72.com at ma-assist
    para less hassle na kayo sa pag byahe at pag punta ng casino. Maraming mga laro.

    Baccarat
    Baccarat Ins
    Dragon Tiger
    Roulette
    Xocdia
    Fantan
    Belangkai 
    Slots and marami pa. Meron ding Sports and E-sports betting! :D (Lalo na't NBA Finals)

    Highly secured and Highly financed kaya sure kayo dito! :D :)

    24/7 cash in and out, no cashout deduction, mabibigay ng buo walang bawas. 
    Madaming admins, three shifts kaya 24/7 ang laro.
    Highly financed di na uubusan ng chips. Kung meron pong may gusto paki PM nalang
    ako sa fb para ma-assist ko  https://www.facebook.com/chinnie.furniss
    Looking for agent din kame, kung marami kang kakilala na mahilig sa online betting
    at casino sabihan mo lang ako, para maipasok kita as agent.Ang commision is based 
    10% na talo  ng mga players na naipasok mo. Sa isang daan na talo nila may 10 ka.

    Salamat mga boss! :D :) PM NALANG KAYO.
  • FillHoypFillHoyp PEx Rookie ⭐
    edited June 19
    I like gambling too. This is my favorite site casino games for money. Here I play a variety of slots and earn good money. My hobby is my job. I'm happy to be able to do this. I know when to tell myself to stop, so I have success in this business.
  • xbox360xbox360 Your Welcome... PEx Rookie ⭐
    Nakaka adik talaga ang E-Bingo! Napakasaya maglaro pero talagang pag hindi nagbibigay ang machine is mauubos ka talaga. I'm a casino player also. There were times that you'll be unable to control yourself thinking you have money to gamble. Maiisip mo nalang yan kapag ubos kana at halos lahat ng gamit mo is nabenta mo n. TS is right, walang umaasenso sa sugal. 

    Pero believe me, masaya kasi at iba ang feeling ng sugal. 
  • Whether you are a casino veteran, or you’ve never spun the reels of a slot game in your life, I am your one-stop-shop for all things casino related. The expression ‘fail to prepare; prepare to fail’ is never more appropriate than when talking about playing online casino games. A casino is a dangerous place for the unwary as there are plenty of opportunities to burn through your cash in a hurry. That's why I check LINK now and again to get the best bonuses and online casinos. Many of the people who have visited a brick-and-mortar casino will know what to expect when it comes to the type of real money casino games you will find online. However, there are some differences between playing casino games online as opposed to visiting a physical casino.
  • mikewmichaelmikewmichael PExer
    edited July 27
    Hello! Having quite a good experience in online casinos, I managed to play on many different sites. But I would like to mention online casinos, where I mainly play, namely https://casinostop10.com/. My choice is justified by the fact that on these offered online casinos site there is a choice of many different games, a convenient and fairly simple interface, fast implementation of games. To start playing, as well as on many other sites of online casinos, just go through a quick registration (takes about 5 minutes). Good luck!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file