ABS-CBN KPEx Talk 612: Beating Cardo is like Finding YOU Between the Maybes

12357251

Comments

  • ceryhill1000ceryhill1000 Member 🐯 Tiger Squad🥈
    totobits said:
    pero @totobits kilurg kilurg akez sa  Chicchana Mune No Tokimeki ..:rofl:
    No idea kung ano yan, kaya ginoogle ko, mga bata pala hahaha!!!!!
    gaga...puppy love feels kaya..hang kekeri ng mga bida 12 years old pa lang..bwahahahah :rofl:
  • CoryKongCoryKong Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Please lend me your ears, everyone? Sino yong bagong cast ng Los Bastardos na lalabas next week? Hindi ko ma recognize face at voice niya. 
  • ceryhill1000ceryhill1000 Member 🐯 Tiger Squad🥈
    CoryKong said:
    Please lend me your ears, everyone? Sino yong bagong cast ng Los Bastardos na lalabas next week? Hindi ko ma recognize face at voice niya. 
    Jean Subirit something..:lol:
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    Jinggoy Estrada concedes defeat in senatorial race
    by Jojo Gabinete posted on May 17, 2019


    IMAGE Sen. Jinggoy Estrada Facebook


    Kahit hindi pinalad manalo, ipinarating ni former Senator Jinggoy Estrada ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang senatorial candidacy sa midterm polls noong May 13, 2019. 

    Ang Facebook post ni Jinggoy ang unang pagkakataong naglabas siya ng saloobin matapos hindi palaring magwagi ang mga kandidatura nila ng kanyang anak na si Janella, na tumakbo bilang alkalde ng San Juan City, at ng tatay niyang si Joseph Estrada, na re-electionist bilang mayor ng Maynila. 

    Base sa partial and unofficial results, nasa ika-15 puwesto si Jinggoy sa senatorial race.

    Ito ang buong mensahe ni Jinggoy para sa lahat:

    "Sa aking mga minamahal na kababayan,

    "Sa lahat po ng mga bumoto, nagdasal at sumuporta po sa akin, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. 

    "Bagamat hindi po tayo pinalad na makapasok sa magic 12, ayon sa unofficial count ng Comelec at mga VCM’s, tatanawin ko pa rin ng malaking utang na loob sa inyo ang inyong ipinakitang suporta sa akin lalong lalo na ang masang Pilipino na kahit kailan hindi po ako iniwanan. 

    "Sa lahat ng mga pinalad na maging bahagi ng senado, ang aking taos pusong pagbati sa inyong lahat.

    "Sa lahat ng neophyte senators na nagwagi, Sens. Bong Go, Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Imee Marcos, nawa’y tuparin ninyo ang inyong mga binitiwang pangako nu'ng panahon ng kampanya at malaki ang aking paniniwala na magiging maayos at productive ang senado dahil subok na ang inyong kasipagan at determinasyon na manilbihan sa taong bayan.

    "Sa aking mga dating kasamahan sa Senado na nanalo, Sens. Sonny Angara, Koko Pimentel, Grace Poe, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Lito Lapid at Nancy Binay, ang aking pagbati.

    "I truly hope that all of you maintain the independence of the Senate, an institution where our people look up to. 

    "Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. 

    "Keep it up! You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend. 

    "Sa aking BFF at kakosa na si Sen. Bong Revilla, bagamat matagal tayong nagkasama at ngayon lang tayo maghihiwalay, ipagdadasal ko ang iyong tagumpay sa Senado at ipagpatuloy mo ang laban para sa katotohanan. I love you my friend! 

    "Sa kapatiran ng Iglesia ni Cristo at kay Ka Eduardo Manalo, maraming salamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin na mapabilang sa mga sinuportahan ninyo. Ito’y tatanawin ko na malaking utang na loob sa inyo habangbuhay. 

    "Kay Mayor Inday Sara at sa buong staff ng HNP, maraming salamat sa inyo. Hindi ko makakalimutan ang ating mga tawanan at mga kulitan. I will treasure all those memories. 

    "At panghuli, sa lahat ng aking mga campaign staff na naghirap nu'ng nakaraang kampanya, ang aking pasasalamat sa inyo.

    "Wag na kayong malungkot, tanggapin na natin ang pasya ng taong bayan.

    "Till we meet again! SALAMAT SALAMAT SALAMAT!!!"

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    Toni Gonzaga accepts father's defeat in mayoral race in Taytay, Rizal

    by Bernie V. Franco posted on May 17, 2019

    IMAGE Noel Orsal 

    ABS-CBN host-actress Toni Gonzaga opens up about her father's loss in the mayoral race in Taytay, Rizal.


    Tanggap ni Toni Gonzaga ang pagkatalo ng amang si Carlito “Bonoy” Gonzaga sa mayoral race ng Taytay, Rizal, nitong katatapos lang na 2019 midterm elections.

    Si Bonoy ay nagsilbing vice mayor ng Taytay bago tumakbo sa pagka-mayor.

    Ang kalaban nitong si Joric Gacula ang nanalong mayor ng Taytay. 

    Nakausap si Toni ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa press conference ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home Extra Sweet nitong May 16, Huwebes.

    Dito ay tinanong siya kung kumusta ang kanyang ama pagkatapos malaman ng kanilang pamilya na talo ito sa eleksyon.

    Sagot ng TV host-actress, “Okay naman siya.

    "Kasi matagal nang nasa public service si Daddy and alam niya ang politics. Sanay na sanay na siya sa politics.

    “Prepared kami sa outcome from the very start… prepared na yung family namin.

    “And my dad did his best. He fought a good fight, he fought clean.

    "That’s what’s more important.”

    Sa tantiya ni Toni, may siyam hanggang 12 taon naging public servant ang ama.

    TONI GONZAGA THANKFUL THAT HER FATHER IS ALIVE

    Ang mahalaga raw sa kanilang pamilya ay buhay at ligtas ang kanyang ama.

    Makahulugang pahayag ni Toni, “What I’m really thankful for after this whole campaign, that he is alive, that he’s safe up to this day.

    "That’s what we are thankful for...

    “After everything that he has been through and what we have witnessed the whole campaign, the only thing that we are grateful for is that my dad is still alive.

    "And he’s still with us. And he’s happy with his family."

    Nakatanggap ba ng banta sa buhay ang kanyang ama during the campaign season?

    Umiwas si Toni na direktang sagutin ang tanong.

    Pahayag niya, “I don’t wanna go into details about the whole situation that happened.

    “What I really wanna say is, I’m thankful and I'm grateful sa love and support na nakita namin.

    “I’ve never seen this much love and support mula sa mga kababayan namin, and that is enough for me to be grateful for… all the love na na-receive namin.”

    SUPPORT SYSTEM

    Ano ang sinabi ni Toni sa kanyang ama nang lumabas ang resulta ng botohan?

    “Ang daddy ko kasi magaling magdala, kasi matagal na sa pulitika, kaya alam niya ang ganitong mga pangyayari,” aniya.

    Paano ipinakita ni Toni ang suporta sa ama pagkatapos nitong matalo?

    Saad niya, “Wala naman nagbago sa amin during the campaign and after the campaign.

    “We’re solid as a family, so wala namang nagbago.

    “Mas umigting yung pagmamahal, mas masaya kami actually, kasi mas makakasama na namin siya lagi pag nagta-travel kami.

    "Hindi na siya uuwi nang maaga, kasi lagi niya kaming iniiwan pag nagta-travel kaming family. Kasi nga, may responsibility siya.

    “Ngayon, sabi namin, puwede na siyang mag-stay with us.”  

  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    CoryKong said:
    Please lend me your ears, everyone? Sino yong bagong cast ng Los Bastardos na lalabas next week? Hindi ko ma recognize face at voice niya. 
    Matutuloy na roon si Miss Jean Saburit
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    noong storycon kasi ng Los Bastardos present siya, then noong nag-tape hindi siya na-include sa initial cast
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    edited May 17

    Vina Morales tours US with 2016 American Idol finalist Thomas Stringfellow

    by Arniel C. Serato posted on May 17, 2019


    Kuntento daw ngayon si Vina Morales sa kanyang pagiging ina sa anak na si Ceana.

    Sa edad na 43, wala pa daw sa isip ng singer-actress ang usapin sa pag-ibig dahil buhos ang kanyang oras sa pamilya at sa kanyang trabaho.

    Noong tumawag nga siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa isang kampanya si Vina sa probinsiya at pagkatapos naman ng eleksyon, lilipad naman kaagad siya patungong Amerika para sa kanyang concert series.

    Ngayong Friday, May 17, magtatanghal si Vina sa Michael D. Rose Theater ng University of Memphis, Memphis, Tennessee kasama ang kanyang guest na si American Idol 2016 finalist Thomas Stringfellow.

    Bukas, May 18, sa F.G. Gruich Sr. Community Center, Biloxi magku-concert si Vina kasama pa rin si Thomas.

    Sa May 25, sa Morocco Shrine Activity Center, Jacksonville, Florida naman magku-concert ang Kapamilya singer.

    Ang kanyang mga guests ay sina Rey Killay, Kian Sanchez, at Amor Bodin.

    Sa Philippine Cultural Center, Virginia Beach ang venue ng concert ni Vina kasama si Rey sa May 31.

    Sa June 1, magtatanghal si Vina sa Ichiban Filipino Cuisine, sa South San Francisco, California.

    Sa San Pedro Village Event Center ay magko-concert ang singer sa darating na June 7 at sa June 8, sa Reed Conference Center naman sa Oklahoma siya magtatanghal.

    Masaya pa niyang balita, bukod sa maayos na takbo ng kanyang career, bukas na daw ang kanilang family-owned salon sa Ystilo for franchising.

    Kaya nung hiniritan namin ng tanong kung wala ba talaga siyang itinatagong manliligaw o lovelife, isang maiksing sagot lamang ang sinabi ni Vina, “Walang time.”




  • immortal_badmikeimmortal_badmike Bаnned by Admіn 🥇 Eagle Captain
    Please Liza Soberano ikaw na lang ulit ang Darna!!


    Keshe Ayaw ko naman ng Darna na kamukha ni Nicki Minaj chowzzz
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    JV Ejercito, sinagot ang patutsada ng half-brother na si Jinggoy Estrada
    by Jojo Gabinete posted on May 17, 2019


    IMAGE Facebook / Instagram

    Kung ibabalik sa local television ang game show na Family Feud, ideal contestants ang Binay siblings na sina Makati City Mayor Abby Binay at Junjun Binay at ang half-brothers na sina Senator JV Ejercito at former Senator Jinggoy Estrada.

    Ito ay dahil sa kanilang mga away na nag-ugat sa pulitika.

    Nagkaroon ng mga haka-hakang lalong magiging matindi ang sibling rivalry nina JV at Jinggoy, mga anak nina dating Pangulo at outgoing Manila Mayor Joseph Estrada.

    Pinaghihinalaan kasing nagpasaring si Jinggoy sa kanyang half-brother nang tanggapin nito kahapon ang pagkatalo sa senatorial race sa midterm elections noong May 13.

    Pinatutsadahan ni Jinggoy si JV ang pagkakaintindi ng karamihan sa kanyang mensahe para kay Senator Nancy Binay na: 

    "Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Keep it up! 

    "You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend."

    Ang "The Good One" ang campaign slogan ni JV nang kumandidato itong senador.

    Tinapatan ito ni Jinggoy ng "I’m the better one" noong panahon ng kampanya.

    Hindi pinalampas ni JV ang pangungutya sa kanya ni Jinggoy matapos lumabas ang Facebook post ng kapatid niya sa ama.

    Sumagot siya ng: "And I am really the Good One."

    Sinundan niya ito ng: "Bitter, not me. Its another person."

    Sa panayam kay JV ng GMA News noong May 13, inamin niyang nakaapekto sa magkasabay na senatorial candidacy nila ni Jinggoy ang kanilang tsansang manalo.

    Sinabi rin ni JV na baka-sakaling magkasundo sila ni Jinggoy kapag kapwa wala na sila sa pulitika.

    Pero tila malabo itong mangyari sa lalong madaling panahon dahil sa patuloy na pagpapalitan nila ng maaanghang na salita.

  • peskykidpeskykid Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kaloka si Bela sa Mea Culpa.  Excited.  
    Pero hula kes pampagulo lang yung anggulong may Multiple personality si Juris.. pero iba pala ang nagpa tegi kay Bogs...
  • ceryhill1000ceryhill1000 Member 🐯 Tiger Squad🥈
    abogado din ba ang kakambal ni Bogs???
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    Jerome Ponce, di natulungan sa kampanya ang amang si Jessie Delgado

    by Jojo Gabinete posted on May 17, 2019

    IMAGE Instagram / Facebook 

    Kung hindi pa namin nakausap si Jerome Ponce sa presscon ng Finding You ng Regal Entertainment Inc., hindi namin malalamang kumandidatong konsehal ang kanyang ama, ang former actor na si Jessie Delgado (real name: Jessie Porciuncula) na lumabas sa mga action movie noong dekada ’90.

    Unfortunately, hindi pinalad si Jessie na magwagi bilang konsehal ng 6th District ng City of Manila.

    Nagkaroon naman si Jerome ng sama ng loob dahil hindi siya nakatulong sa kampanya ng tatay niya. 

    "Medyo sumama ang loob ko kasi hindi ako nakapagbigay ng time sa kanya para tulungan siya," sabi ni Jerome.

    Ang busy schedule ang ibinigay na dahilan ng Kapamilya actor sa hindi niya pagsipot sa campaign rallies ni Jessie. 

    Nang sabihin naming imposibleng hindi nagtampo ang kanyang ama, sumagot si Jerome ng, "Hindi naman siguro masamang-masama ang loob niya.

    "Pero katulad noong May 15, birthday niya, nag-sorry naman ako. In-explain ko sa kanya na fully-booked ako. 

    "Ako ang nag-set ng birthday party niya. In-explain ko sa kanya ang schedules ko.

    "Lagi niya akong hinihikayat na mag-politics, pero sabi ko, ayoko. 

    "Ayokong magsarado ng pintuan, pero baka hindi pa ngayon."

    Nang magsimula ang showbiz career ni Jerome noong 2012, nagkaroon sila ng tampuhan ni Jessie dahil sa desisyon niyang umalis sa tahanan nila at mamuhay nang solo.

    "Okey na kami kasi, before, masama ang loob niya dahil umalis ako, iniwan ko siya. 

    "Personal issues ang dahilan ng pag-alis ko sa bahay, kung paano siya magpalakad sa bahay, sa pamilya. 

    "Matigas ang ulo ko, nagsarili ako."

    Ano ang reaksiyon ni Jessie dahil nalampasan mo na ang mga achievement ng ama noong active pa ito sa showbiz?

    "Hindi niya sinabi sa akin. Nakikita ko lang, masaya siya para sa akin," sagot ni Jerome.

    Grateful si Jeome sa Regal Entertainment Inc. dahil sa mga movie project na ipinagkakatiwala sa kanya. 

    Ang Finding You, na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 29, ang pangatlong movie assignment ni Jerome sa Regal.

    Susundan ito ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love. 

    Nabanggit ni Jerome na may special participation sa Finding You si Jesus Porciuncula, ang kanyang aspiring actor younger brother na carbon copy niya ang hitsura.

  • elijah.elijah. ᴛʀʙʟ PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
  • ceryhill1000ceryhill1000 Member 🐯 Tiger Squad🥈
    nakakaloka tong SAMS..di talaga makaka G ang vaklang cliffy.:rofl:
  • peskykidpeskykid Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    abogado din ba ang kakambal ni Bogs???
    Parang businessman eh...
  • L.A.S.E.R.SL.A.S.E.R.S Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    Yesterday Trailer #1 (2019) | Movieclips Trailers



    June 26 release in the Philippines



    Imagine a world where The Beatles never came to be.
    This is something na panonoorin ng parents ko..
    yes mukhang pang family movie, director pa niyan ay yung sa Slumdog Millionaire =) 
This discussion has been closed.