Pwede po bang singilin ng pinag kakautangan ng magulang ang anak?

Pwede po bang singilin ng pinag kakautangan ng magulang ang anak?

Eto po ang kwento...


Nung nakaraan may pumunta dito sa office namin, tapos ako yung hinahanap. So tinanong ko kung bakit nya ko hinahanap, sinabi nya naman kung anong pakay nya saakin. May pinakita siya sakin na kasulatan patungkol sa utang, pagkabasa ko nakita ko agad yung name ng nanay ko, pirma na at yung mga co-maker. Inexplain sakin nung babae yung nasa papel, nag tanong ako kung bakit ako ang kinakausap nya patungkol sa utang na yon na in the first place wala naman akong alam. Ang sabi nya kasi daw nagtatago na ang nanay ko, by the way wala kasi ako saamin dahil nga sa gantong problema ng nanay ko, kaya wala akong alam sa mga sinasabi nya, pinatapos ko sya sa mga sinasabi nya pero dahil na istorbo ako sa trabaho ko nagalit ako sakanya, dahil nga bakit ako yung pinupuntahan nya na at hindi yung mga tao sa bahay namin. 

Mga ilang araw naka lipas, sunod sunod na ang nag pupunta sakin na pinag kakautangan ng nanay ko. Ako ang sinisingil.

tanong ko lang po, may karapatan ba sila na guluhin ako para sa utang na wala naman akong kinalaman? thank you po. (medyo magulo kwento ko sorry)

Comments

  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    Wala.

    Inform her na you will file a harrassment case kung hindi pa siya titigil. Get your phone and take a video as an evidence or mag usap kayo na may guard sa malapit.
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Kung wala kang lagda sa kasulatan ng utang wala kang dapat bayaran!
  • hon3ykowhon3ykow Member PEx Veteran ⭐⭐
    Baket di mo po  kausapin Mother nyo?para mapag usapan ang dapat at pamilya kayo.Ang case ng RA9262 kung walang mapagkukunan ang ama sa suporta at ang magulang (lolo o lola) ay May kaya,sila ang susuporta sa bata.malayo pero opinion ko Lang  Naman.😀

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file