GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

MMFF 2019: MOMALLAND (Vice Ganda & Anne Curtis)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
edited July 12 in Showbiz - Movies

GUIDE

Vice Ganda, Anne Curtis to team up for possible MMFF 2019 entry

by Jocelyn Dimaculangan posted on April 26, 2019

    

Vice Ganda and Anne Curtis will work together for the first time in an upcoming movie. The Vice-Anne movie will be submitted for consideration to the 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

In the April 25 episode of It's Showtime, Vice Ganda revealed his main co-star in his possible entry to the 45th edition of the MMFF.

First, Vice Ganda thanked the organizers of the 1st Cine Expo for recognizing the strong box-office performance of his past movies.

"Maraming, maraming salamat po. Every year, binibigyan ako ng Guillermo ng award na Phenomenal Box-Office Star of the Year.

"Ngayon, naka-receive Box-Office Star of the Decade.

"Dahil sa Showtime 'yan, kasabay na pinanganak ang career ko sa pelikula.

Vice Ganda then announced that he will be joined by one of his It's Showtime co-hosts in the upcoming movie.

"Abangan niyo po ang pelikula ko ngayong Pasko, kasama ko ang napakagandang si...Anne Curtis!"

The ABS-CBN show will mark its first decade on the air this October 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW 

"Kasama ito sa regalo namin sa Showtime dahil 10th year. Mula nang maging magkaibigan kami ni Anne, hindi pa kami gumagawa ng pelikula together, so regalo namin ito ngayong Pasko,” added Vice Ganda.


Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/142840/vice-ganda-anne-curtis-to-team-up-for-possible-mmff-2019-entry-a2670-20190426#rLMifqQXrg4ICFfB.99

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    GUIDE

    Vice Ganda celebrates 10 years of friendship with Anne Curtis via MMFF 2019 aspiring entry

    by Melba R. Llanera posted on May 6, 2019

       

    IMAGE Noel Orsal

    Vice Ganda tells Anne Curtis: "Kung ano iyong confidence na ginagawa mo pag kasama ko ako sa Showtime, iyon lang din iyon!"


    Excited si Vice Ganda sa unang pelikulang pagsasamahan nila ng kaibigan at It's Showtime co-host na si Anne Curtis.

    Ang pelikulang gagawin ng dalawang Kapamilya stars ay aspiring entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

    “Ang sarap lang na habang gumagawa kami ng pelikula, nagse-celebrate din kami ng 10 years ng friendship namin,” excited na sambit ni Vice nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Mayo 1, Miyerkules, sa set ng It’s Showtime.

    “Maganda ito, maganda, kasi mas malala kaysa doon sa ginagawa namin sa Showtime."

    Regalo nina Vice at Anne sa mga tagasubaybay ng It’s Showtime para sa ika-10 anibersaryo ng show ang pagsasanib nila ng puwersa.

    “Concept ng Star Cinema, kasi dalawa yun, e. Dalawa yung characters,” pagtatapat ni Vice.

    “'Tapos, tinanong nila ako kung sino yung gusto ko sa isa. Gusto ko si Anne Curtis.

    “Tenth anniversary ng Showtime, gusto ko, regalo namin yun sa Madlang Pipol. Kasama yun sa pangsopresa namin."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW 

    Malaking advantage bang malapit silang magkaibigan ni Anne para higit na maging mas magaan at maganda ang pelikulang gagawin nila?

    Tugon ni Vice, “Yes, mas advantage. Kasi alam namin pareho ang work ethics namin.

    "Alam ko kung ano ang mga ganap ni Anne. Siya rin, alam niya kung paano ako magtrabaho.

    “Saka mahirap lalo pag gumagawa ako ng pelikula, hindi lang kasi ako actor doon sa production, part ako ng creative.

    “E, si Anne, alam niya yun kung paano ako magtrabaho sa Showtime.

    “Minsan kasi siyempre, hesitant ka, baka ma-off yung iba.

    "Iba kapag araw-araw kong nakakasama sa trabaho. Mas kilala namin ang isa't isa."

    Kabado si Anne sa pagsasama nila ni Vice, pero tiwala itong hindi siya pababayaan ng kaibigan.

    Pag-ayon ni Vice, “Ninenerbiyos siya, pero sabi ko sa kanya, ‘Naku, wala. Kung ano yung confidence na ginagawa mo pag kasama mo ako sa Showtime, yun lang din yun.’


    “Ang maganda kasi, si Anne, mas kampante siya kapag kasama niya ako."


    Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/143089/vice-ganda-celebrates-10-years-of-friendship-with-anne-curtis-via-mmff-2019-aspiring-entry-a739-20190506#o7oeFd2zPgsS70K7.99
  • ilovehalilovehal Confidently Beautiful PEx Expert 🎖️
    Viva-Star pa rin kaya to or Viva na lang?
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Thursday, July 11, 2019

    4 MMFF 2019 Entries Revealed





    Images courtesy of Facebook: Metro Manila Film Festival (MMFF) Official

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file