COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Teleserye and Main Lead Cast Suggestions

Habang lumilipas ang maraming taon, marami nang nagbabago at isa na diyan ang unti-unting pagbabago ng loveteam system sa entertainment industry. Ang thread na ito ay para sa mga kapamilya fan na katulad ko na naghahangad ng pagbabago sa ating industriya. Narito ang mga suggestions ko sa management ng ABS-CBN. Maaari din kayong magpost dito ng mga teleserye and main lead cast suggestions niyo. Maraming salamat kapamilya!

Comments

  • okkimisbackokkimisback PEx Rookie ⭐
    edited April 21
    #1 Teleserye and Main Lead Cast Suggestion:

    Eternal Spring
    Romance, Comedy

    Plot:
    Si Jeremy at Angela ay magkaklase noong 4th year high school sila sa public school. May lihim na pagtingin si Angela kay Jeremy noong mga panahon na iyon at siya ang lihim na naglalagay ng love letter sa bag ni Jeremy. Matalino, mabait si Jeremy ngunit siya ay mahiyain at tahimik kaya minsan lang mag recite sa klase at sumasali lang sa mga curricular activities kapag may katumbas na dagdag grade. Samantala, si Angela naman ay ibang iba kay Jeremy, siya ay hindi matalino ngunit masipag mag-aral at malakas ang loob. Nagpapaturo siya kay Jeremy sa library kapag tapos na ang kanilang klase at usually math ang subject na tinuturo sa kanya ni Jeremy dahil mahina siya sa subject na iyon. Walang nagkakacrush kay Jeremy sa school nila dahil ang tingin sa kanya ay bakla dahil madalas na babae ang lagi niyang kasama at kinakausap. Sabay na nag-graduate si Jeremy at Angela ngunit magkaibang landas ang tinahak nila. Matapos ang maraming taon ay muli silang nagkita. Marami na din ang nagbago sa kanila pero ang nararamdaman ni Angela kay Jeremy ay hindi pa din nagbabago. Si Jeremy ay isa nang abogado at si Angela naman ay pinagpatuloy ang pangarap na maging doctor.

    Main cast:

    First and original choices
    Donny Pangilinan - Jeremy
    Jessy Mendiola - Angela

    Second choices
    Gab Lagman - Jeremy
    Bela Padilla - Angela

    Third Choices
    -
    -
  • chickenfox99chickenfox99 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Atlantika remake- Tom Rodriguez

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file