ABS-CBN KPExTalk 610: Don't be a Fool, Hanggang Saan, SUMMER is LOVE, mga Idol!

12357250

Comments

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    edited April 11

    Yen Santos picks most memorable scene with Yam Concepcion in Halik

    by Jerry Olea posted on April 10, 2019

    IMAGE Noel Orsal

    Yen Santos (left) on her role as Jacky in Halik: "Dati, pinangarap ko na magkaroon ako ng character na pag lumalabas ako ng bahay, yun ang itatawag sa akin. Ngayon, eto na..."


    Wala pang ideya si Yen Santos kung paano magwawakas ang Kapamilya teleseryeng Halik na tinatampukan nila nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, at Sam Milby. 

    “Maski kami po, hindi pa po namin alam kung ano ang mangyayari dahil iyong script namin, dumadating lang the day itself ng taping,” kuwento ni Yen sa shooting ng pelikulang Two Love You nitong Abril 9, Martes ng gabi, sa Sampaloc, Manila. 

    “Kahit po kami... nagdedebate po sila, wala pa, hindi pa alam kung ano ang mangyayari talaga.

    "Andami pa nilang twists na maiisip. Eto nga lang, si Aliyah [Bianca King], patay na, ibinalik, binuhay. Di ba? 

    “Siguro, isa rin yun sa ikinagaganda ng story. Hindi predictable yung mangyayari kaya talagang kinapitan ng mga tao.

    “Ngayong patapos na ang Halik, expect natin, mabigat ‘yan.”

    Malaki ang nagawa ng Halik sa career ni Yen.

    Napangiti nang matamis ang aktres, “Dati, pinangarap ko na magkaroon ako ng character na pag lumalabas ako ng bahay, yun ang itatawag sa akin. 

    “Ngayon, eto na... Sabi ko nga, meron akong bagong pangalan. Parang mas maaano ka na konti na lang yung tumatawag sa akin na Yen. 

    “Mas marami na yung tumatawag sa akin na Jacky.

    “So, sobrang happy! 

    "Kasi, alam mong tinutukan talaga yung show para pag nakikita ka nila, yung character name na ang ipinangatawag sa ‘yo. Hindi na yung totoo mong pangalan.”

    YEN SANTOS ON YAM CONCEPCION

    Kumusta sila ni Yam Concepcion? Ang mga karaker nilang sina Jade at Jackie ang tila pinagsasabong nang bonggang-bongga.

    “Hindi kami madalas na magkasama sa set,” pagbuntong-hininga ni Yen.

    “Iyon ang totoo. Palagi akong naiiwan sa unit ko.

    "So, kung makikita ninyo sa pictures, lagi akong missing in action.

    “Sabi ko nga, pag nag-post sila sa Facebook, ‘Sige na, i-Photoshop niyo ang picture ko diyan, kunwari kasama niyo ako.’

    “Kapag nagkikita naman kami ni Yam, chikahan, super-chikahan kami. Dahil parang deprived kaming magkuwentuhan.

    “Dahil madalas, sa taping, eto... court scene, wala ako doon.

    "So, parang lahat ng eksena sa korte, ayan, all-star cast sila. Ako yung maiiwan sa main unit.

    “So, every time na magkikita-kita, alam mo yun? Super-chika!”

    Sa mga eksena nila ni Yam, alin yung pinakatumatak sa kanya?

    Natigilan sandali si Yen at nag-isip-isip bago nagsalita, “Siguro yung binuhusan ko siya ng tubig. Kasi yung lines namin doon, wala sa script.

    “Impromptu namin. Nag-iisip kami ng tatatak sa tao.

    “So, ang saya ng ganun! Kasi, in fairness sa writers... open sila sa inputs ng mga artista.

    “Lalo na si Echo, sobrang hands on nun.”


    PHOTO: Courtesy of ABS-CBN

    CANADA TOUR

    Matapos ang Halik, magtu-tour sa Canada sina Jericho, Yen at Sam. 

    Acoustic Heartthrobs ang title ng kanilang show na gaganapin sa Toronto (May 3, Friday, Toronto Pavilion), Edmonton (May 4, Saturday, South Pointe Community Center), at Winnipeg (May 5, Sunday, Burton Cummings Theater). 

    Hindi alam ni Yen kung bakit hindi nila kasama si Yam sa tour. 

    Posibleng dahil sa desisyon ng management ni Yam. 

    “Baka may bakasyon na rin si Bakla, di ba?” pakli ni Yen. 

    “Birthday niya rin yun, baka mayroon siyang out of the country.” 

    "Bakla" ang tawag niya kay Yam? 

    “Lahat kami! Ha! Ha! Ha! Ha! Papi, paps! Mga ganyan,” paglilinaw ni Yen. 

    “Sa taping naman kasi, talagang naging ano yung mga tao, e. Ang tagal naming nagsama-sama.”

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    Jericho Rosales, ayaw nang mag-teleserye pagkatapos ng Halik

    by PEP Troika posted on April 11, 2019

    IMAGE Jerry Olea 

    JERRY OLEA: Gaya ni Piolo Pascual, ayaw nang magteleserye ni Jericho Rosales matapos ang 23 taon na ginagawa niya ito. 

    Inihayag ito ni Jericho sa finale mediacon ng Kapamilya teleseryeng Halik nitong Abril 11, Huwebes ng hapon, sa R20 Hub events place, Mindanao Avenue, Quezon City.

    “I don’t wanna do soaps anymore, and it is not a problem for me,” matatas na sambit ni Jericho. 

    “Do I want to stop TV? No.

    "It’s time for me to challenge myself to create something new for myself. Hopefully, it works.” 

    Ga-graduate na si Jericho sa soap opera sa pagtatapos ng Halik in two weeks, pero tuloy ang kanyang pag-aartista. 

    Gusto niyang gumawa ng mga pelikula at mga digital content para sa iWant TV. 

    Gusto rin niyang mag-aral para maging scriptwriter, producer at direktor. 

    Three years ago pa nakapag-decide si Jericho na tumigil sa paggawa ng teleserye.

    NOEL FERRER: Bakit ba umaayaw na ang A-listers na mag-teleserye?

    Is it the story, the working atmosphere, the lack of artistic rewards or all of the above? 

    But in fairness, ang tingin ng ibang stars sa teleserye ay goldmine. 

    Dahil sa regular teleserye, marami na ring artista ang nakapundar ng bahay, sasakyan o negosyo dahil steady source of income ito. 

    Marahil, may sapat nang ipon si Jericho at gusto na niya ang mas relaxed na buhay pamilya.

    Naiintindihan natin ang mga ganyan!

    GORGY RULA: Parang gusto ko nang maniwalang nakaka-drain talaga ang halos araw-araw na taping.

    Iyon ang naririnig ko sa ibang malalaking artista dahil sinasaid ang energy mo sa magdamagang taping. 

    Saka pag nagma-mature ka, kailangan mo na rin talagang ingatan ang kalusugan mo. Hindi maganda ang halos araw-araw na puyatan.

    Sabi ng isang magaling na aktres, itong pag-aartista ay hanap-buhay, hindi hanap-patay.

    Walang kailangang patunayan pa si Jericho, kaya dapat magdahan-dahan na siya.

    Sana, baby na ang kasunod na mabalitaan natin sa kanya.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    Miles Ocampo admits second thoughts about accepting Maledicto role

    by Rose Garcia posted on April 10, 2019

    IMAGE Rose Garcia

    Miles Ocampo (left, with Tom Rodriguez and Jasmine Curtis Smith) says her role as possessed girl in Maledicto drained her physically, emotionally, and spiritually.


    Saktong birthday ni Miles Ocampo ang showing ng pelikula niyang Maledicto—Mayo 1, Labor Day.

    “Kaninang sinu-shoot nila ako ng promo, doon lang nag-sink-in sa akin!” natatawang sambit ni Miles sa mini-presscon ng horror movie noong Abril 4, Huwebes, sa Prime Hotel, QC.

    “Magagamit ko sa promo ang linyang, ‘Birthday gift niyo na po sa akin.’ Naks, first time!”

    Ang Maledicto ang unang Pinoy film na produced ng FOX Productions, at co-produced ng Unitel at Cignal Entertainment.

    Hindi dumaan sa audition si Miles.

    “Napili po nila ako,” aniya.

    “Noong una, natakot ako. Para bang hindi ako kumportable. Parang nagdalawang-isip akong tanggapin ang project.

    “Sabi ko, sige, pabasa muna po ako ng script. Noong nabasa ko ang script, ang ganda ng story at yun nga, collaboration ito ng Cignal at Fox Philippines.

    “Talagang ang laking project niya.” 

    Nasa cast din ng Maledicto sina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith, Inah de Belen, Menggie Cobarrubias, Martin Escudero, at Eric Quizon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW 

    First time ito ni Miles na gumanap bilang nasasapian ng masamang espiritu. 

    Saad niya, “Meron na po akong mga nagawang horror before, pero ito iyung pinakaiba sa lahat. Ito ang pinaka-challenging na nagawa ko.

    “Nakapag-horror ako before pero barkada movie siya. Ito, very different. 

    “Yung role ko rito, I’m Agnes, sa Catholic school siya nag-aaral and then, sabi nga nila, sobrang perfect daw si Agnes—mapagmahal sa mga magulang, mahal siya ng mga tao. 

    "Kapag nangyari na yung mga nangyari sa kanya, siyempre, mag-iiba ang personality niya at maaapektuhan na ang mga taong nakapaligid sa kanya. 

    “Ito yung klase ng trabaho at pelikula na hindi ka lang physically pagod. 

    "Emotionally, physically and spiritually, kasi, di ba, matatakot ka?”

    EXORCISM OF MILES OCAMPO

    Hindi pa napapanood ni Miles ang supernatural horror film na The Exorcism of Emily Rose (2005) pero parang naalala raw niya rito ang kanyang karakter sa Maledicto.

    “Natatakot ako sa movie, e,” hirit ni Miles. 

    “Pero siguro, sa buong pelikula, yun talaga ang pinaka-challenging sa akin—yung nasasapian ako.

    "Kasi, wala naman tayong konsepto ng totoong sinasapian.

    “Never po tayong nakakakita ng totoong nangyayari."

    Nagpapasalamat si Miles kay Direk Mark Meily sa paggabay sa kanya. 

    “Akala mo, sigaw agad. Pero hindi, merong level 6 para puwede ka pa sa level 7, level 8 hanggang level 10. 

    “So yun, yun ang pinakamasaya with this project, kasi hindi ko siya palaging ginagawa. 

    "And sana, nabigyan ko ng justice yung role.”

  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    Paapak. Congrats sa new thread.
    magandang gabi :)
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    Gretchen Barretto reacts to photo of Marjorie Barretto, Recom Echiverri
    by Arniel C. Serato posted on April 10, 2019


    IMAGE Courtesy: @juansarte / @niceprintphoto on Instagram

    Gretchen Barretto maintains that her estranged sister Marjorie Barretto is in a longtime relationship with former Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri.


    Hindi nakaligtas kay Gretchen Barretto ang larawan ng kanyang estranged sister na si Marjorie Barretto kasama ang rumored longtime partner nitong si dating Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri.

    Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang na-upload na litrato sa Instagram account ng isang photo-video coverage company na kuha sa 7th birthday party ng bunsong anak ni Marjorie na si Erich.

    In-upload ito bandang alas-4 ng hapon ngayong Miyerkules, April 10.

    IMAGE NICE PRINT PHOTO INSTAGRAM

    Naka-blur ang mga mukha nina Marjorie at Recom sa larawan, kung saan ang naka-focus lamang ay si Julia Barretto at ang kapatid nitong si Erich.

    Isang netizen ang nag-tag kay Gretchen ng nasabing Instagram post.

    Kaagad namang nagkomento rito ang aktres.

    Pilyang komento ni Gretchen: “oh how sWEET.”

    LONGTIME RUMOR

    Matagal nang usap-usapang may relasyon umano si Marjorie at ang dating alkalde ng Caloocan City.

    Taong 2008, sinagot ni Marjorie ang isyu sa kanila ni Echiverri.

    Pareho pa silang naglilingkod noon sa kanilang siyudad bilang councilor at mayor, respectively.

    Pero itinanggi ni Marjorie na may relasyon sila ng pulitiko.

    Sabi niya, “There's nothing to clear and I don't owe anybody an explanation.

    "Wala rin dapat iklaro si Mayor Recom, wala siyang dapat ipaliwanag o klaruhin dahil nadamay nga lang yung tao.”

    Nitong March 21, 2019, muling inungkat ni Gretchen ang relasyon nina Marjorie at Recom.

    Sa Instagram Live, kasama ang isa pa nilang kapatid na si Claudine Barretto, ipinagtanggol ni Gretchen si Kier Legaspi, ang biological father ng panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto.

    Ito ay matapos sabihin ni Dani na tanging ang ina niyang si Marjorie ang nagpalaki sa kanya, at hindi niya naramdaman ang presensiya ni Kier sa kanyang buhay.

    Sabi ni Gretchen, "Kier Legaspi was not a wealthy father.

    "Siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani is yung hindi siya mayaman.

    “Hindi siya mayor ng Caloocan, ng ganun, di ba, na wala siyang limpak-limpak na pera.

    “Yun lang ang kasalanan ni Kier.”

    Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito. 

  • mp4chikitita1mp4chikitita1 Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐

    Shooooorrroooooop :blush:
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    Tangäng DDS lang ang naniniwala sa surveys na yan

    Vote wisely kapamilya



    April 11, 2019
    By Efren Montano
    People's Journal

    THE majority of Filipinos have remained satisfied with President Rodrigo Duterte’s performance as chief executive, results of a Social Weather Stations (SWS) survey showed.

    Duterte’s net satisfaction rating went up from plus-60 in December to plus-66 in the first quarter of the year, still in the “very good” range.

    The survey found that 79 percent of adult Filipinos were satisfied with Duterte’s performance, while only 13 percent was dissatisfied. The other 8 percent, meanwhile, was undecided.

    This represents a 5-point increase from 74 percent gross satisfaction in December, while dissatisfaction fell by 2 percentage points from 15 percent.

    Duterte’s plus-66 score ties a personal high he set in June 2017.

    SWS attributed the rise in Duterte’s net satisfaction rating to increases in his rating across Metro Manila, Balance Luzon, and Visayas, where he maintained his “very good” rating.

    Duterte, who hails from Davao City, maintained his “excellent” rating in Mindanao, with a new record-high plus-88 score in March 2019, up by 15 points from his plus-73 in December 2018.

    He also enjoyed an increase in his satisfaction rating in all socio-economic classes and in all age groups.

    In social classes A, B, and C, Duterte set a record-high plus-69 score, a 7-point increase from his plus-62 “very good” rating in December 2018.

    He also set a record-high plus-68 score from class D or the “masa” (masses) class, up 10 points from his plus-58 rating in December 2018.

    Duterte’s satisfaction rating remained “very good” in class E, although his plus-58 score in March went down by 7 points from his plus-65 rating in December.

    The first quarter survey, conducted from March 28 to 31, 2019, was done using face-to-face interviews of 1,440 adults nationwide and has a plus/minus 2.6-percent margin of error for national percentages.
  • hackerz_mackyhackerz_macky Pure ♥ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited April 11
    patapak sa new thread kapams  =)
  • PrincessAndiPrincessAndi queen of music PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    BWAHAHAHAHA!!! Kaloka yung FOOD Showdown ni ROMINA and DANIELA bwahahaha kalerks!

    ano to nutrition month?! LMFAO
  • iheartyou143iheartyou143 `FIGHTING!` PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hi mga friendship!  paapak sa bagong bahay! 
  • gmerek2019gmerek2019 PEx Rookie ⭐
    PaPi2010 said:

    Jericho Rosales, ayaw nang mag-teleserye pagkatapos ng Halik

    by PEP Troika posted on April 11, 2019

    IMAGE Jerry Olea 

    JERRY OLEA: Gaya ni Piolo Pascual, ayaw nang magteleserye ni Jericho Rosales matapos ang 23 taon na ginagawa niya ito. 

    Inihayag ito ni Jericho sa finale mediacon ng Kapamilya teleseryeng Halik nitong Abril 11, Huwebes ng hapon, sa R20 Hub events place, Mindanao Avenue, Quezon City.

    “I don’t wanna do soaps anymore, and it is not a problem for me,” matatas na sambit ni Jericho. 

    “Do I want to stop TV? No.

    "It’s time for me to challenge myself to create something new for myself. Hopefully, it works.” 

    Ga-graduate na si Jericho sa soap opera sa pagtatapos ng Halik in two weeks, pero tuloy ang kanyang pag-aartista. 

    Gusto niyang gumawa ng mga pelikula at mga digital content para sa iWant TV. 

    Gusto rin niyang mag-aral para maging scriptwriter, producer at direktor. 

    Three years ago pa nakapag-decide si Jericho na tumigil sa paggawa ng teleserye.

    NOEL FERRER: Bakit ba umaayaw na ang A-listers na mag-teleserye?

    Is it the story, the working atmosphere, the lack of artistic rewards or all of the above? 

    But in fairness, ang tingin ng ibang stars sa teleserye ay goldmine. 

    Dahil sa regular teleserye, marami na ring artista ang nakapundar ng bahay, sasakyan o negosyo dahil steady source of income ito. 

    Marahil, may sapat nang ipon si Jericho at gusto na niya ang mas relaxed na buhay pamilya.

    Naiintindihan natin ang mga ganyan!

    GORGY RULA: Parang gusto ko nang maniwalang nakaka-drain talaga ang halos araw-araw na taping.

    Iyon ang naririnig ko sa ibang malalaking artista dahil sinasaid ang energy mo sa magdamagang taping. 

    Saka pag nagma-mature ka, kailangan mo na rin talagang ingatan ang kalusugan mo. Hindi maganda ang halos araw-araw na puyatan.

    Sabi ng isang magaling na aktres, itong pag-aartista ay hanap-buhay, hindi hanap-patay.

    Walang kailangang patunayan pa si Jericho, kaya dapat magdahan-dahan na siya.

    Sana, baby na ang kasunod na mabalitaan natin sa kanya.

    Sayang Naman. Sana isang teleserye with Kathryn that can be released to other Asian countries tutal pareho silang kilala na Rin kahit papaano. Kung di pwede ang KN this year, baka pwede ang Echo-Kat. Kahit na Hindi full blown teleserye, kahit Yung ilang episodes lang. 
  • iheartyou143iheartyou143 `FIGHTING!` PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @JeSuisBilly !! panoorin mo SKY CASTLE! hong gondooooo! sobrang hook ako sa kdrama nato! 


  • sapatsapat *Kapamilya* PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    #hellolovegoodbye


  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    @JeSuisBilly !! panoorin mo SKY CASTLE! hong gondooooo! sobrang hook ako sa kdrama nato! 


    ok, panonooron ko rin soonest :)
  • esquireDAResquireDAR Member PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐



                                                           
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator

    North Sentinelese Fans ni Vivoree Esclito, Excited Nang Makita Ang Aktres sa Personal

    Gagastos daw  ang Sentinelese government ng kahit gaano kalaki, maimbitahan lang ang young actress sa nasabing isla 

    Leo Pamintuan | Wed 10 Apr 2019 18.00 BST


    Bongga ang career na naghihintay sa tinaguriang 'Nag-angat ng Visayas' star na si Vivoree Esclito, sa North Sentinel Island, Indian Ocean. Di pa nga nagsisimula ang local adaptation ng pinagbidahang teleserye ng dalaga na Galunggina: Ang Mabuhok na Isda, ay may imbitasyon na kagad ito na magperform sa harap ng tribal chief ng tinaguriang 'last uncontacted tribe' in the world.

    Hindi raw mga sibat na may lason ang sasalubong sa dalaga sa oras na dumating ito sa dalampasigan ng isla, kundi pagmamahal at suporta mula sa mga lokal. Naku, imagine nyo na lang na pinapaliguan ng halik ang aktres ng mga North Sentinelese na kilalang di naliligo at walang konsepto ng saplot.

    Anyway, pinag-iisipang mabuti ni Vivoree at ng Star Magic kung kakagatin ang alok ng North Sentinelese government.

    "Yung mga taga North Sentinel kasi mahilig sa niyog. Yun ang napanood namin sa dokyu. Eh may peste ngayon sa mga niyugan  sa Quezon kaya di pa kami makapagdecide. Though yeah, we're considering it. Balak talaga naming ipadala si Vivoree mag-isa. At wag syang pabalikin dito para doon na lang niya ipursue ang showbiz career nya" ayon pa kay Direk Laurenti Dyogi.

    Nakakaloka. Siyempre pa may "joke" na pahabol si Direk dahil busy na pala talaga sa Cassidy Voila si Vivoree na balita namin ay ngayon pa lang balak nang gawan ng local adaptation ng isang top tv network sa Papua New Guinea. Bongga! Yun na!



This discussion has been closed.