MASAMA BA ANG MAGING MUKHANG PERA?

LOVAVHOLOVAVHO PEx Rookie ⭐
sabi ng iba, hindi ko dadalhin sa langit yan di ako katulad mo na mukhang pera o di naman kaya, dito na lang ako sa Pinas masaya na kami dito bahala na si Lord sa amin o eto, masaya na kami sa ganito dahil di kami katulad mo na mukhang pera....?

sa mga nangibang bayan at nagsipag unlad o kahit nakamit na ninyo ang maayos na pamumuhay dyan sa abroad o di naman kaya may magandang pamumuhay dito sa Pilipinas, di ba lahat naman tayo nag hahangad financially at mostly kasama din sya sa mga dasal natin na "sana ganito o sana ganyan". kung nag aasam ka ng maunlad at masagang buhay, mukhang pera ka na ba?

Comments

  • justj_justj_ PEx Rookie ⭐
    hindi kung prosti ang kaharap mo :glee:
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Malayo ang maghangad ng ginhawa kaysa sa "mukhang pera."

    Maghangad ng ginhawa - nasa hirap na nais umahon.

    Mukhang pera - maginhawa na pero pera lang binibigyang halaga.
  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru 🎖️🎖️
    Black and white choices? That is so lame.

    You can have both naman eh, money and time with family, kung may pagpaplano ka.

    Besides, pwede naman ang expression of family love ng tao ay thru financial support. 

    Kailangan lang ng proper communication at open-mindedness, iyan ang kulang sa diskusyon.
  • pong_padourpong_padour Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Agree with tatang. I also read this post in fb:

    Tigilan natin ang pagsasabi ng "Ang yaman ay di madadala sa langit" kasi 

    Una: Pinapadala ba??

    Pangalawa: Di talaga yan dinadala, iniiwan yan sa pamilya para di sila mag hirap.

    Pagatlo: Di nadadala ang yaman pero maaari mong ipamana. Yung kahit mamatay ka ngayon alam mong di mahihirapan ang pamilya mo dahil sayo.

    Pang apat: mabuti ng yaman ang meron ka bago ka umakyat sa langit, kesa naman Utang! Na maraming tao, mamamatay nalang, pera parin ang problema.

    Stop thinking na pag mayaman masama at pag mahirap mabuti. Di kami nagpapayaman para sa sarili namin, nagpapayaman kami para sa pamilya namin. To give them the best life, the best future! To give them the life that they deserve! Being rich is a choice! 

    Being and staying poor is SELFISHNESS. Kung kuntento ka na sa kung anong meron ka, try mo ring tanungin if maayos ba kalagayan ng magulang mo, kung di paba sila pagod at hirap sa pag ttrabaho. Try mo ring tanungin ang mga kapatid mo kung may mga pangarap pa ba silang gustong makuha. Try mong tignan ang paligid mo, kung my mga taong maaari pa sanang matulungan kung more than pa sa SAPAT ang meron ka. 

    A mentor once told me. Kung wala ka ng pangarap, sana, ipagpalit nalang ang buhay mo sa isang batang may cancer. Kasi madaming batang may taning na ang buhay pero ang taas taas pang mangarap, ikaw na malakas, ikaw pa tong wala ng gustong marating sa buhay. 

    WE WILL BE SUCCESSFUL FOR OUR FAMILIES. FOR OUR LOVE ONES. WE WILL HEAR NO MORE UGLY THOUGHTS FROM PEOPLE WITH NO DREAMS!

    -CTTO 🔥
  • AzzHoleAzzHole PEx Rookie ⭐
    Hindi lahat ng tao sa mundo ay puwedeng maging millionaire o billionaire maliban lang kung natsambahan mo like manalo sa lotto o nasa linya na ng kapalaran mo maging mayaman tulad ng mga magagaling na negosyante sa mundo PERO lahat tayo puwedeng magkaroon ng maayos na pamumuhay, yung mga nagsasabi ng ganyan ay ang mga taong napag iwanan ng panahon kaya MORAL LESSON samantalahin ang panahon at habang malakas pa dahil nasa huli ang pag sisisi,z kalokohan lang ang magsasabi na hindi madadala ang pera sa langit pero ang kaalaman at kalakasan ay nang galing sa langit na ibinigay sa atin para magpayabong nasa atin na lang kung paano natin ito gagamitin!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file