COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance. Please update your email address.

Thanks,
pexer99

ABS-CBN KPExTalk 608: Hey Bae! Uulan ng Ngiti Ngayong Summer! Isn't it Eerie? #PowerTripping

24567251

Comments

  • addictnalurkeraddictnalurker Member PEx Expert 🎖️
     Naghugas ako ng paa kaya malinis paa ko. Paapak sa new thread.
  • Pork BarbecuePork Barbecue ✫N❤STALGIA✫ PEx Expert 🎖️
    edited March 12
    Parang ganito ata ang swapping ng partners:

    Kathryn-Alden, pangbenta si Kathryn
    Daniel-Julia(kalerks), obvious si Daniel and may madaming fans
    Liza-Joshua,  si Liza ang hakot tards
    Maine-Enrique, sureball si Mengay at ang divided nation lol
  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    Good morning, Kapamilya! 😁😁😁
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Image result for i love this place gif


    Congrats!!! 

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Dimples recalls first kontrabida role as she celebrates 22nd showbiz anniversary

    by James Patrick Anarcon posted on March 12, 2019

    IMAGE @dimplesromana on Instagram / Star Magic

    Did you know that Dimples Romana was part of Judy Ann Santos's prime-time series, Esperanza?

    Last March 9, Dimples posted a screenshot of her character from the credits of Esperanza's final episode.

    This was accompanied by a caption about her realizations in her stay in showbiz.

    Dimples wrote, "Showbusiness is a tough business. It is ever changing and there’ll always be new ones and it’s not easy to keep up. You may lose your way or worse lose yourself along the way.

    "But I am grateful na pag-abot ko sa araw na ito, ako pa din ito.

    "Yung dalagitang minsan nangarap na magkaroon ng oportunidad na umarte at tumagal sa industriyang kinalakihan ko na.

    "Proud akong sa journey ko bilang artista, nandito pa din sya. Hindi sya nawala At hindi din nabago." 

    Apparently, it was also on March 9 when Dimples was first launched as part of Star Circle Batch 4.

    Star Circle is the former name of the batches of new talents launched by ABS-CBN's talent arm, Star Magic (formerly called Talent Center).

    The Kadenang Ginto actress continued, "On the same day 22 years ago, I was launched as part of Star Circle Batch 4 and as Kapamilya. Been acting and hosting every since.

    "This photo is my 12 year old self playing Paola in my first ever teleserye, also my first kontrabida character.

    "My director then is also my director now Direk Jerry Lopez Sineneng with Direk Don Cuaresma and Direk Rory Quintos.  

    "Grew up working with the best mentors, and now 22 years later, still learning and more importantly, still here.

    "Thank you Lord for keeping my dreams alive. Sometimes it’s now how high you soar but how long you can keep soaring. Keep going."

    Dimples also wrote a message of thanks for those who mentored her for the past two decades. 

    "My heart is so grateful for all those who generously gave me guidance, shared their knowledge and were kind to me. Salamat po!

    "And for all the dreamers out there, hard work always pays off, be patient with yourself and your journey and kindness goes a long way.

    "@starmagicphils love you my Star Magic Family, Mr M, tita Mariole, Kuya Alan my handler and all my past and present road managers, mahal ko kayo.

    "And to my batchmates, Star Circle Batch 4, Happy Anniversary po sa atin!!!"

    Among Dimples's batchmates are Kristine Hermosa, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, and Jericho Rosales.

    Other Batch 4 members who are not active anymore in showbiz are Carol Banawa, Anna Larrucea, Julia Clarete, and Vanessa del Bianco.

    Dimples currently plays a kontrabida in the Kapamilya afternoon series, Kadenang Ginto.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    John Estrada gets greeting from this ABS-CBN actor regarding rival shows

    by Rommel Gonzales posted on March 12, 2019


    Ang Victor Magtanggol ang unang show ni John Estrada sa GMA-7 nang lumipat ito mula sa bakuran ng ABS-CBN noong May 2018.

    Umere ang naturang fantasy series na pinagbidahan ni Alden Richards mula July hanggang November 2018.

    Ang naging katapat na show ng Victor Magtanggol ay ang Kapamilya action series na FPJ's Ang Probinsyano. 

    Sa kasalukuyan ay nasa Kara Mia naman si John na incidentally ay kalaban rin ng Ang Probinsyano.

    Sa March 10 screening ng The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story sa SM City Lipa, Batangas, tinanong namin si John kung ano ang pakiramdam na laging nakakatapat ng show ni 
    Coco Martin ang mga teleserye niya sa GMA.

    Ani John, “Well, masaya kami, masaya kami dahil kahit papaano ay nakakalaban naman.

    “Marami naman ang nakakagusto sa Kara Mia, na kakaiba daw, ganito-ganito. So happy ako at kahit papaano, e, lumalaban kami.

    “At marami pa po kaming mga sorpresa na ipapalabas na I’m sure hindi bibitawan ng tao.”

    Personal raw silang magkakilala at magkaibigan ni Coco.

    “Oo naman! Ilang proyekto kami ni Coco na magkasama.”

    At rebelasyon ni John, napaguusapan nila ni Coco ang pagtatapat ng kani-kanilang teleserye.

    “Minsan nagte-text siya, ‘Kuya John,’ ganun-ganun, ‘good luck sa ano.’

    “Sabi ko, ‘Thank you!’

    “Ganun, ang bait, mabait naman si Coco.

    “Saka, well dati pa naman, nandun pa ako sa kabila, hindi talaga kami naniniwala sa network war.”

    “So kami, nandito kami para lang magtrabaho. Siyempre po dahil may pamilya tayong lahat, di ba?”

    May chance ba na muli siyang bumalik sa ABS-CBN?

    “Meron naman po.”

    Per project ang kontrata niya sa GMA.

    “Opo. Talagang sinabi ko naman sa boss na, iyon po, e, ipinangako ko naman sa mga boss, specifically si Ninang Boss ko, si Tita Cory, na hindi ako mag-e-exclusive.”

    Ninang sa kasal nina John at Priscilla Meirelles ang TV executive ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.

    Samantala, sa The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story ay gagampanan ni John ang yumaong alkalde ng Tanauan, Batangas na si Mayor Antonio “Thony” Halili. Pinaslang ang Mayor noong July 2, 2018 sa flag-raising ceremony sa mismong harap ng munisipyo ng Tanauan.

    Mahusay si John sa naturang pelikula. Umaasa ba siya ng acting nomination o award para sa naturang pelikula?

    “Ay, naku po! Ako po ay hindi gumagawa ng proyekto para lang po sa award.

    “Hindi po talaga ako… it’s a plus na lang po 'yan at saka icing on the cake, kung ma-recognize man ako.”

    Kahit mayor ang papel niya sa pelikula, wala raw siyang planong pasukin ang pulitika sa tunay na buhay.

    Nagsasalita na ba siya ng tapos?

    “Well, alam niyo, ayoko yung balang-araw na babalikan niyo ako, ‘Ito talaga si John Estrada…’

    “But I will probably say na wala po talagang plano at ayoko po talaga sa pulitika.”

    Pero ilang beses na siyang hinikayat na tumakbo bilang isang public servant.

    “Ay marami na po, opo! Kahit na sa amin sa Zamboanga.”

    Hindi raw niya linya ang pulitika.

    “Hindi po talaga.”

    Hindi raw siya naiinggit sa mga kaibigan niyang sina Joey Marquez (na dating Mayor ng Parañaque), at Richard Gomez (na Mayor ngayon ng Ormoc).

    Samantala, sa direksyon ni Ceasar Soriano (at sa produksyon ng GreatCzar Media Productions), mapapanood sa mga sinehan ang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story sa May 22.

    Bukod kay John ay nasa pelikula rin sina Ara Mina bilang Gina Halili; Ceasar Soriano as himself; Michael Flores as Mark Halili; Phoebe Walker as Angeline Halili; JM Soriano as the Anti-Crime Head; Martin Escudero as the teen Thony; Kate Alejandrino as teen Gina; Zandra Summer as Nancy; Yayo Aguila as Thony’s mother; Mon Confiado as Thony’s father; at Kenneth Paul Cruz as Howard Halili.

    Tampok rin sa pelikula sina Noel Comia Jr., Archie Adamos, Edwin Reyes, Mark Dionisio, Rion Sandoval, at Kiko Matos.

  • ScareYouOftenScareYouOften Moderator PEx Moderator
    Naka-330M+ opening weekend (4 day) ng Captain Marvel sa Pilipinas. Lakas!

    sa US, 155M USD opening nya.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Vice, Sweet, Pokwang, K pay respects to fellow comedian Chokoleit

    by Jerry Olea posted on March 12, 2019


    IMAGE Jerry Olea


    Siksikan ang mga uzi at kaibigan ni Chokoleit sa first night ng lamay niya nitong Marso 11, Lunes, sa isang punerarya sa Antipolo City. 

    Shout out ni John “Sweet” Lapus sa Facebook nitong Martes ng 1:39 A.M.: “Hello po friends from the press & mga anak. Wag nyo na po announce pls kung san ang burol. Maliit lang po ang funeraria. Mahirap na makuyog. Ty” 

    Sa tribute ng ASAP Natin ‘To noong Linggo, nakalagay na ang birthyear ni Chokoleit ay 1972.




    Sa punerarya, ang birthdate niya ay Hunyo 25, 1970.



    PHOTO: Jerry Olea

    Ke 46 o 48 ang edad ni Chokoleit, isyu pa ba yun?! 

    Kuwento pa ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kanina, ako ang unang dumating sa magkakaibigan. 

    "Kasi nga, gusto kong i-double check yung... 

    “Well, bago naman ako natulog kagabi, nagbilin na ako sa mga tao sa make-up saka sa damit.

    “Pagdating ko, chineck ko lang. Imbes na maiyak at ma-emote, natawa ako. 

    "Kasi yung mukha niya, medyo dumikit na sa salamin! 

    “Ay! Ano ba 'to?! Ang nasabi ko lang, ‘Ano ba ‘to? May pasalubong sa ilalim?’"



    PHOTO: Allan Sancon

    Patuloy niyang lahad, "Di ba, joke yun? May namatay na OFW. Yung anak niya, di makakauwi. 

    "So, yung bangkay na lang ang dinala sa Philippines, 'tapos isinabay na yung mga pasalubong. Nasa ilalim ng bangkay. 

    “Iyong rubber shoes, suut-suot. Iyong mga t-shirt, mga chocolate. 

    "Kaya noong binuksan yung ataul, nakadikit yung mukha ng bangkay sa salamin... 

    “Ganun siya kanina! So, talagang... hay! 

    "Apparently, mga foam-foam lang pala yun, pipitpitin lang nang konti para bumaba."



    PHOTO: Allan Sancon

    Patuloy ni Sweet, “Binuksan din naman, kasi nga, pinaganda pa ni Mickey See ang make-up. Si Mickey See himself!

    “Ang damit, of course, Bing Cristobal! Si Mama Bing ang laging nagdadamit sa kanya pag Star Magic Ball. 

    “So, Mama Bing made sure na siya ulit ang magdadamit for the last time.” 

    Ang unang litrato ni Chokoleit na naka-display ay naka-tape lamang sa likod.

    Pinalitan iyon ng litratong gustung-gusto ni Chokoleit kung saan may korona siya at mukhang diosa.

    Matagal na naging profile pic iyon ni Chokoleit sa socmed. 

    Mabigat ang frame ng nasabing litrato kaya hindi agad iyon naikabit.

    Wala pang programa sa unang gabi ng lamay. 

    Pinagkasunduan pa lang ng magkakaibigan ay ang mga ganap sa huling gabi sa Kamaynilaan—sa Marso 14, Huwebes, ii-sponsor ng ABS-CBN Star Magic.

    “Nandoon na ang eulogy, program and all,” pakli ni Sweet. 

    “Kasi, the next day, Friday morning, dadalhin na siya sa Davao."

    Maliban kay Sweet, namataan ng PEP.ph sa unang gabi ng burol sina Vice Ganda (magiliw na pinagbigyan ang mga nag-request ng selfie at groufie), Pokwang at Lee O’Brien, K Brosas, Pooh, Shaina Magdayao, Agot Isidro, Ara Mina, Ogie Diaz, Atak and Lassy, Ryza Cenon, Teri Onor, Ryan Bang, Andrew de Real, at Lito de Guzman.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death

    by Jerry Olea posted on March 12, 2019

    IMAGE Jerry Olea / Chokoleit Instagram

    Pokwang on Chokoleit's death: "Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa. Ang dami pa niyang pwedeng ibigay, e. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa."


    Nagparamdam si Chokoleit sa kumare niyang si Pokwang. 

    “Napanaginipan ko siya kagabi,” lumuluhang pahayag ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 11, Lunes, sa first night ng burol ni Chokoleit sa isang punerarya sa Antipolo City. 

    “Kasi, usually ‘yan, pumupunta sa bahay ko, magkakalkal lang sa kusina. Mag-uuwi ng kung anong mababalot niya run. 

    “So, napanaginipan ko ‘yan na nagagalit, kasi wala raw siyang makitang pambalot. 

    “Kasi, usually, ang ginagamit niya, yung microwaveable na plastik. Nagagalit siya, ‘Bakit walang ano?! Mag-uuwi ako ng...’ 

    “The usual! Nung buhay pa siya, na tinatalakan yung mga kasambahay ko. 

    “Iyon ang nakaka-miss sa kanya. Saka yung nagse-share siya ng advice... na ganito dapat, ganyan. 

    “'Mag-ano ka na. May ganito ka. May maliit kang anak. Isipin mo, hindi yung puro ganyan, dapat yung anak mo naman.'

    “Iyon ang nami-miss ko sa kanya.” 


    PHOTO: Jerry Olea


    Napakaraming magagandang alaala na iniwan si Chokoleit kay Pokwang. Hindi niya kayang isa-isahin. 

    “Si Chokoleit kasi, tumayo pa lang diyan, tawang-tawa na kami, e,” pakli ni Pokwang. 

    “Wala pa siyang sinasabi, wala pa siyang ginagawa... tawang-tawa na kami. 

    “Ang hindi ko malilimutan, siguro yung mga kuwento niya lagi sa akin na nase-second interview lagi siya sa Amerika, kasi may kapangalan siyang kriminal. 

    “'Tapos, yung... sa hotel! Sa Amerika na naman, sa hotel! 

    “Iyong nailagay na pangalan sa check in, Chokoleit. Sabi, ‘Sorry, the dog is not allowed inside the room!’ 

    “Parang ganun. So, akala, aso yung Chokoleit!” 

    THEIR LAST CONVERSATION

    Three weeks ago nang huli silang mag-usap.

    Gusto nina Pokwang, Chokoleit, K Brosas, at Pooh na itanghal ang show nilang 4 Da Laffs sa Araneta Coliseum. 

    Sinabihan ni Pokwang si Chokoleit na ibenta na nito ang tinitirahan at lumipat malapit sa bahay niya. 

    “Iyong lugar kasi niya ngayon, medyo bahain,” lahad ni Pokwang. 

    “Kaya sabi ko sa kanya, ‘Umakyat ka na dito! Ibenta mo na yung bahay mo dyan!’ Iyong mga ganun-ganun. 

    “Inaano ko na umakyat na siya ng Antipolo. 

    “Aba! Hindi lang Antipolo ang inakyat! Mas mataas pa!

    “Ang bongga talaga ng kaibigan kong ‘yan! Ang usapan lang, Antipolo. Di ba?! 

    "Ang usapan lang, Antipolo... binonggahan pa!"

    Paniwala ni Pokwang, masyado pang maaga ang pagpanaw ni Chokoleit sa edad na 48. 

    “Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa,” lahad ni Pokwang. 

    “Ang dami pa niyang pwedeng ibigay, e. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa.

    “Pero ... siguro... kailangan na ng magpapasaya Sa Itaas.”

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Ryza Cenon recalls first and last meeting with Chokoleit in Abra

    by Jerry Olea posted on March 12, 2019

    IMAGE Jerry Olea / Instagram


    First time nakita ni Ryza Cenon si Chokoleit noong Marso 9, Sabado, sa Bangued, Abra. 

    Performers sila sa variety show ng Abrenian Kawayan Festival 2019.

    “Una ko siyang nakilala, sa gym. Doon kasi kami magdi-dinner,” lahad ni Ryza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa first night ng burol ni Chokoleit nitong Marso 11, Lunes, sa isang punerarya sa Antipolo City. 

    “And then, lumapit po ako sa kanya. Nagpakilala po ako sa kanya, na sabi ko, ‘Hi po! Ryza Cenon po!’

    “'Tapos, nag-hi naman siya.”

    Walang napansing kakaiba si Ryza kay Chokoleit dahil first time pa lang niya itong nakaharap.

    Naunang mag-perform si Chokoleit kesa sa mga bida ng palabas na sina Ryza, Paulo Avelino, Enchong Dee, Pops Fernandez, Coleen Garcia, at JM de Guzman. 

    “Noong kinanta niya ang song na 'Kahit Ayaw Mo Na,' sinasabayan namin siya sa backstage,” pagngiti ni Ryza na may bahid ng pait. 

    “Kaya pala yung pagkanta niya, medyo mabagal. Na naiiwan na siya sa minus one... 

    “Hirap na po pala siyang huminga nun... tinapos niya. 

    “Sobra hong napaka-professional ng taong yun.” 

    Magkasama sa stand-by area sina Ryza at Paulo. 

    Second to the last performer kasi si Ryza, at si Paulo ang panghuli. 

    “Una, pumasok yung promoter at sabi sa amin na nag-collapse si Chokoleit pagbaba niya ng stage,” matamang kuwento ni Ryza. 

    “'Tapos, itinakbo ng ambulance sa hospital. 

    “Medyo worried na kami. Nabigla rin kami na ganun ang nangyari.”

    THE SAD NEWS

    Bandang 1 A.M., bago pa sumalang sa stage si Enchong (third to the last performer), sinabihan silang pumanaw na si Chokoleit. 

    Hindi iyon ini-announce sa audience. 

    “Ang hirap po!” gumagaralgal ang boses ni Ryza. 

    “Nakita kong umiyak yung promoter... siya yung nagbabalita po kasi sa amin. 

    “So, kami, gusto man naming damayan... kaya lang, may show po kasi kami. Mahirap po... 

    “After ng show, doon po in-explain sa amin ng promoter yung talagang nangyari... 

    “Sa ambulance pa lang, parang tirik na daw po si Chokoleit. 

    “'Tapos, sinubukan na lang i-revive pagdating sa ospital.” 

    Tulala si Ryza nang bumiyahe pabalik ng Manila. 

    Napagtanto niya, “Hiniram lang talaga natin ang buhay natin kay God.”

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Eric Quizon, kinumpirma ang pagbabalik-pelikula ni Martin Nievera

    by Jojo Gabinete posted on March 12, 2019


    Tinanggap ni Martin Nievera ang alok para siya ang gumanap na love interest ni Maricel Soriano sa Does Your Mother Know?, ang Mother’s Day Presentation sa May 2019 ng Regal Entertainment, Inc.

    Kinumpirma ni Eric Quizon ang pagbabalik sa pag-arte ng Concert King ng Pilipinas dahil siya ang direktor ng project at kasama niya ang Regal producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pakikipag-usap kay Martin.



    PHOTO: Noel Orsal


    "Kinausap namin siya nina Mother Lily at Roselle Monteverde. 

    "Sabi niya, 'How do you want me to look, Steve Martin or Jim Carrey?'

    "Sabi ko, 'Ikaw lang. You, ikaw lang dapat,'" kuwento ni Eric nang makausap siya ng Cabinet Files kagabi, March 11, sa grand launch ng Sahaya, ang primetime television series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, March 18. 

    Isang businessman na gustong angkinin ang lupain ng mga Badjao ang role ni Eric sa Sahaya.

    Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang taping niya. 

    Kapag nag-umpisa na ang shooting ng Does Your Mother Know?, obligado si Eric na magtrabaho ng Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo para umabot sa target playdate ang pelikula nina Maricel at Martin. 

    "Pipilitin naming mag-umpisa kasi nauubusan na kami ng oras para sa Mother’s Day," sabi ni Eric.

    Aalis kasi ng Pilipinas si Martin para sa mga commitment nito sa ibang bansa.

    Hindi pa inuumpisahan ang filming ng Does Your Mother Know? dahil naghahanap pa rin si Eric ng aktres na gaganap na anak ni Maricel, at si Maine Mendoza ang napipisil niya. 

    "Yun na nga ang hinahanap namin, kailangan marrying age, mga 25. 

    "Ang kailangan talaga yung ka-match ni Marya, kasi baka mamaya pangit na naman ang combination. 

    "Kinukuha namin si Maine talaga, ang problema, maraming ginagawa, so baka hindi aabot."

    Gustung-gusto ni Eric na si Maine ang gumanap na anak ni Maricel dahil napanood niya ang performance ng aktres sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles

    Hindi nawawala ang pag-asa ni Eric na magagawan ng paraan para makasali si Maine sa cast ng Does Your Mother Know? dahil young Maricel talaga ang tingin niya sa Eat Bulaga! co-host.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    xzzz said:
    Napanood ko na yung video na nag mura si JK dun sa I LOVE DARREN girl lol Honestly ang off ni JK for me, trying hard maging rocker ang dating for me. Well he's still young and may soft spot ako kay JK kasi after seeing him sa PBB Lucky S7 where nakita how vulnerable and insecure he is.

    Medyo nakakatakot na maging BARON 2.0 nga siya, sana naman magabayan pa 

    JK Labajo, in demand pa rin kahit kontrobersiyal

    by PEP Troika posted on March 12, 2019

    IMAGE Gorgy Rula 

    JERRY OLEA: Naudlot ang showdown sana nina Bamboo at Juan Karlos “JK” Labajo sa 6th Lubao International Balloon and Music Festival (LIBMF) na nakatakda sa Abril 5-7 sa Pradera Verde sa bayan ng Lubao, Pampanga. 

    Hindi kasi swak ang schedules nila. 

    Abot sana sa buwan ang rakrakan nina Bamboo at JK!

    Sa unang gabi (Abril 5, Biyernes) magpe-perform si JK, along with I Belong To The Zoo, Ben & Ben, and December Avenue. 

    Hahataw sa 2nd night (Abril 6, Sabado) sina Al James, Shanti Dope, Gloc 9, at apl.de.ap. 

    Pasiklaban sa 3rd night sina Bamboo, Moira de la Torre, at This Band. 

    Nag-crowd sourcing ang organizers para mabuo ang line-up na iyan. Municipal Government, PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office), SM, at Remax.

    Iyong 27 iba pang mga lobo ay mula sa 18 bansa. 

    Sa mga gustong manood, available na po ang tickets sa SM — P350 sa bawa’t araw.

    GORGY RULA: Maraming singers na mas sikat ang kanta kesa sa kanila.

    Isa sa halimbawa rito ay si JK Labajo. 

    Kaya siya lalong sumikat dahil sa kanyang kantang "Buwan."

    Pero mukhang sumasabay si JK sa pagsikat ng "Buwan" dahil sa attitude niyang pinag-uusapan. 

    Kahit sabihin pang hindi magaganda ang isyung kinasangkutan niya, lalong nagkainteres sa kanya ang mga tao.

    Kaya ang isang kaibigan kong naka-base sa Amerika, atat na atat nang i-produce ng show si JK sa San Francisco, California, dahil hanggang doon ay hit na hit sa mga Pinoy ang kantang "Buwan."

    Sinubukan kong makipag-usap sa MCA na siyang nagha-handle ng schedule ng batang rakista, ang hirap sumingit sa schedule niya. 

    Nakakaloka!


    NOEL FERRER: Nakaranas na ako ng Hot Air Balloon Festival sa Lubao, at napadaan na riyan sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong nakaraan. 

    Sagana sa food & souvenirs bazaar, may activities for kids—Zookobia at Inflatables, may fireworks display, meron ding cultural show, magicians, at paramotor exhibition. 

    Noong nagpunta ako, tumigil sandali at nagkaroon ng seremonya sa pagdating ng isang presidentiable na ngayo’y tumatakbo na bilang senador. 

    Dumating din noon sina Vicki Belo at Hayden Kho. 

    This year kaya, sinu-sino ang mga celebs na makakapunta? I’m sure, susuporta si Maja Salvador!

    Exciting ‘yan!

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Ulan at Kuya Wes, suwertehin kaya sa takilya?

    by PEP Troika posted on March 12, 2019


    JERRY OLEA: $456.7M agad-agad ang worldwide gross ng Captain Marvel, ang ika-21 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU).

    Ayon sa Box Office Mojo, ang opening weekend gross (March 8-10) nito ay $153.4M, samantalang sa foreign market ay humamig agad ito ng $303.3M. Sa MCU franchise, ikapitong pinakamalakas na opening (domestic, North American) ito. 

    Hindi nalalayo ang performance nito sa pagbubukas ng The Dark Knight ($158.4M opening), The Hunger Games: Catching Fire ($158M opening), Rogue One: A Star Wars Story ($155M opening), at The Hunger Games ($152.5M opening). 

    Marvelous ang opening ng Captain Marvel sa Pilipinas noong Marso 6. 

    Walang pelikulang Pinoy na nangahas tumapat dito. 

    Bukas (Marso 13, Miyerkules), tatlong Filipino films ang mag-o-open—ang Ulan nina Nadine Lustre & Carlo Aquino, Kuya Wes nina Ogie Alcasid & Ina Raymundo, at Neomanila nina Eula Valdes & Timothy Castillo. 

    Parehong Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Ulan at Kuya Wes.

    Ang Neomanila na idinirek ni Mikhail Red ay lumahok sa ilang international filmfest. 

    As of March 11, Monday, labing-apat (14) ang mga sinehan nito sa Metro Manila, at lima (5) sa mga probinsiya. 

    Nagluluksa ang showbiz sa pagpanaw ni Chokoleit. Lumalagaslas ang mga luha sa kanyang lamay.

    Masuwerte kaya ang petsang Marso 13 sa mga pelikulang Pilipino? 

    Ngayong ramdam na natin ang tag-init, bubuhos kaya ang moviegoers sa Ulan?

    NOEL FERRER: Nananalangin ako na sana, tangkilikin at kumita ang mga pelikulang Pilipino na magbubukas bukas dahil pawang magaganda at iba’t ibang klase ang mga ito. 

    Hay, naku! Sana talaga, dumagsa ang mga maka-JaDine at maka-OgRe sa sinehan, at lahat ng mga nagmamalasakit sa pelikulang Pilipino! 

    Sana. Sana.

    GORGY RULA: Parehong naka-Grade A ang Ulan at Kuya Wes, pero mas marami akong naririnig na magandang feedback sa Ulan ni Nadine Lustre. 

    Ibang genre raw ito na ngayon pa lang in-introduce ni Direk Irene Villamor. 

    Sana magustuhan ito ng mga manonood.

    Dito rin mapapatunayan ni Nadine kung kaya na ba niyang tumayo na walang James Reid na ka-partner. Masuwerte si Carlo Aquino sa takilya.

    Sana, umepek uli dito sa Ulan.

    Napanood ko ang Kuya Wes sa Cinemalaya, at okay naman. Ewan kung patok ito sa masa.

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Alden agrees to do Star Cinema movie for this reason; reveals being a big fan of this Kapamilya actor

    by Jocelyn Dimaculangan posted on March 12, 2019



    GMA-7 homegrown talent Alden Richards will be doing a movie for the first time with ABS-CBN actress Kathryn Bernardo.

    In her previous romance movie, Kathryn was paired with her boyfriend Daniel Padilla for the film The Hows of Us.

    According to ABS-CBN, the latest Kathniel movie grossed over P800 million worldwide.

    This 2019, Alden and Kathryn will be directed by Cathy Garcia-Molina in a romance drama about young overseas Filipino Workers (OFWs). The movie will be shot mostly in Hong Kong.

    Why did Alden agree to do this movie?

    "Siyempre, first time kong makakatrabaho si Kath. We've been seeing each other for a long time.

    "One time, we shared a common endorsement. Nagkita na kami sa mga past events.

    "This is the first time that I'll be working with her and with Star Cinema. It's a great honor and experience kasi I'm really in that stage of exploring the craft and my capability as an actor," said the Kapuso actor in an interview with ABS-CBN News. 

    When Kathryn was asked how she felt about working with Alden, she admitted: "Kung tatanungin niyo ako kung kinakabahan ako, super!"

    Alden added, "Ako rin, super!"

    As for working with Direk Cathy, Alden admitted that he is a fan of the blockbuster director.

    "Ang dami kong pinanood na film na gawa ni Direk Cathy. Isa na po dun ang One More Chance.

    "To be directed by someone who made that film, sobrang fan po kasi ko talaga ako ni John Lloyd [Cruz].

    "Nung nalaman ko na Star Cinema at Kathryn ang makakasama ko, parang total package na po...wala na po akong hihingilin, sobrang saya ko po na nabigyan ako ng chance na ganito."

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️

    Baka kaya tinanggap agad ni Alden 'yang SC movie offer ay dahil opportunity na siguro 'yan para mag-reconnect sila ni Ench 
  • CytochromeCytochrome I'm bringing sexy back! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dios mio...Ano nakain ng ABS at kinuha yung Alden?!  Sabagay mahilig din naman talaga ang kapam execs sa mga charity case so keri nang tulungan. Goodluck kay Queen Kath, sana wit masira ang box office record nya. 
  • VLeeBobbyBrownVLeeBobbyBrown PEx Guru 🎖️🎖️
    PaPi2010 said:

    Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death

    by Jerry Olea posted on March 12, 2019

    IMAGE Jerry Olea / Chokoleit Instagram

    Pokwang on Chokoleit's death: "Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa. Ang dami pa niyang pwedeng ibigay, e. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa."


    Nagparamdam si Chokoleit sa kumare niyang si Pokwang. 

    “Napanaginipan ko siya kagabi,” lumuluhang pahayag ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 11, Lunes, sa first night ng burol ni Chokoleit sa isang punerarya sa Antipolo City. 

    “Kasi, usually ‘yan, pumupunta sa bahay ko, magkakalkal lang sa kusina. Mag-uuwi ng kung anong mababalot niya run. 

    “So, napanaginipan ko ‘yan na nagagalit, kasi wala raw siyang makitang pambalot. 

    “Kasi, usually, ang ginagamit niya, yung microwaveable na plastik. Nagagalit siya, ‘Bakit walang ano?! Mag-uuwi ako ng...’ 

    “The usual! Nung buhay pa siya, na tinatalakan yung mga kasambahay ko. 

    “Iyon ang nakaka-miss sa kanya. Saka yung nagse-share siya ng advice... na ganito dapat, ganyan. 

    “'Mag-ano ka na. May ganito ka. May maliit kang anak. Isipin mo, hindi yung puro ganyan, dapat yung anak mo naman.'

    “Iyon ang nami-miss ko sa kanya.” 


    PHOTO: Jerry Olea


    Napakaraming magagandang alaala na iniwan si Chokoleit kay Pokwang. Hindi niya kayang isa-isahin. 

    “Si Chokoleit kasi, tumayo pa lang diyan, tawang-tawa na kami, e,” pakli ni Pokwang. 

    “Wala pa siyang sinasabi, wala pa siyang ginagawa... tawang-tawa na kami. 

    “Ang hindi ko malilimutan, siguro yung mga kuwento niya lagi sa akin na nase-second interview lagi siya sa Amerika, kasi may kapangalan siyang kriminal. 

    “'Tapos, yung... sa hotel! Sa Amerika na naman, sa hotel! 

    “Iyong nailagay na pangalan sa check in, Chokoleit. Sabi, ‘Sorry, the dog is not allowed inside the room!’ 

    “Parang ganun. So, akala, aso yung Chokoleit!” 



This discussion has been closed.