COMMUNITY NOTICE: Please send your reports, concerns and other inquiries to admin "pexer99". This account will handle all community functions for PinoyExchange. You can also email us at [email protected] For category related concerns, you can also send a message to one of our moderators. Check the updated list of moderators here.

Pano pag pinapili kayo BF o BARKADA?

edited February 24 in Small Talk
7 months na kami ni BF nagkakilala kami dito sa Place ng mama ko ( MINDANAO). Almost 4 years na kami nakatira dito lumipat kami pagka graduate ko. Nakatira kami dati sa luzon,. I have a friends almost 11 years na kami para na kaming magkakapatid kahit ang layo ko na sa kanila sobrang solid ng friendship namin kasi were still communicating. Suddenly naiisipan namin mag travel. Well pangarap naman talaga namin yon bata palang kami kaya this is the time na matutupad namin kasi may mga sarili na kaming pera at papayagan na kami ng mga parents namin. Pero ang problema ko ayaw Ako pasamahin ni BF. Kung sasama daw ako hihiwalayan nya daw ako. Kailangan ko ba talagang mamili? Nahihirapan kasi ako kasi sobrang love ko na si BF.
«1

Comments

  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    Makitid utak ng jowa mo..dumedede pa ba yun?

    Ano rason niya kung bakit ayaw kang pasamahin? Kung wala siyang maisagot, red flag yan

    Hindi lang dapat sa kanya umikot ang mundo mo
  • Yun na nga e. Ang masaklap pa neto alam nya naman na once in a blue moon nalang kami nagkikita dahil ang layo layo na ng mga barkada ko at busy na kami hindi nya pa ko maintindihan. Unlike sa kanya anytime pwede kami magkita.. imagine? 34 na sya at ako 23 lang pero mas matured pa ako sa kanya
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    Kung wala namang siyang matinong rason para wag kang pasamahin, magiging problema nyo yan in the long run..

    So pag isipan mo kung kilala mo na ba talaga yang jowa mo..

    Wag mong i confront, kausapin mo ng maayos at kung medyo hostile yung reaksyon niya, isa pang red flag yan

    Siguro naman kasi naikwento mo na yang barkada mo sa kanya dati nung nanliligaw pa lang siya..O baka ngayon pa lang niya nalaman yun? Introduce mo sila sa kanya
  • Actually kilala nya na lahat ng barkada ko, Sa totoo ngalang kahit 3 months pa lang kami sinama ko sya manila umuwi kami kasi isa sa barkada ko ang kinasal. Naging open ako sa kanya isinama ko sya para makilala nya. Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit di na lang sya umintindi. Sa mantalang ako nga? Lagi ko syang iniintindi kahit nasasaktan na ako sa mga desisyon nya iniintindi ko. Kung sa pag iintindi lang masteral na ako jan. Isa pa napaka non sense para sakin. Ang isusumbat nya lang kasalanan ko daw kasi nag jowa ako ng seloso
  • First Bf ko kasi sya..
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    Well, yun nga humingi ka ng matinong rason nya kaya ka pinagbabawalan..

    Lol, 7 buwan pa lang kayo nakapag masteral ka na sa pag intindi

    Pero ang selos kasi, nilulugar..yung kanya, parang wala at nakakasakal..hindi rason na seloso sya kaya ka niya pinagbabawalan

    Bata ka pa naman, wag mong sayangin ang buhay mo sa immature na lalake..

    Kung hindi siya nag iba at hindi magtiwala sayo, hiwalayan mo na
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    Mababa ba self esteem ng jowa mo at maraming insecurities sa buhay?  Ang toxic kasi niyan karelasyon

    Naranasan ko na rin yan, kahit kamag anak ko na kasama ko sa gala e pagseselosan pa..last straw na yun
  • Pero wala naman dapat ako piliin diba? Sobrang complicated ng relationship namin sa totoo lang. Sayo nalang ako mag o open ha. Total ikaw lang nag bigay ng advice susulitin ko na. Mag ku kwento na ako sayo. Tama din ba na magsama pa ang ex sa iisang bahay? Wag mo sana ako i judge nag mahal lang ako. Pero oo magkasama pa sila at simula naging kami inintindi ko yon. Wala na daw sila matagal na. Naniwala naman ako kasi nakakapunta ako sa bahay nya at pinapatulog nya pa ako. 
  • Pero di naman maiwasan pag awayan. Syempre nagse selos ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nya pa paalisin yung ex nya sa bahay nya. Yun ang di ko maintindihan. Ang gulo gulo na.. Ang dami ko ng questions pero kumakapit pa rin ako kasi mahal ko.
  • 8 years na silang nagsasama ng ex nya sa iisang bahay. Yung ex nya 53 ang age ang bf ko 34 na
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    Hahahahaha

    Nakikinabang kasi yang jowa mo dun..

    Wag mo nang pakomplikahin pa yung buhay mo, hiwalayan mo na yan habang maaga pa

  • Buwahahahaha kaya nga yung utak ko umaayaw na e. Pero yung puso ko pinu push pa ako. Sana nga matapos na ng tuluyan. Thanks sa time! God bless :)
  • LTLT Member ✭✭✭✭✭
    Pero wala naman dapat ako piliin diba? Sobrang complicated ng relationship namin sa totoo lang. Sayo nalang ako mag o open ha. Total ikaw lang nag bigay ng advice susulitin ko na. Mag ku kwento na ako sayo. Tama din ba na magsama pa ang ex sa iisang bahay? Wag mo sana ako i judge nag mahal lang ako. Pero oo magkasama pa sila at simula naging kami inintindi ko yon. Wala na daw sila matagal na. Naniwala naman ako kasi nakakapunta ako sa bahay nya at pinapatulog nya pa ako. 
    meron. piliin mo sarili mo at wag ang kumag bf mo (no offense). often ang tao na di marunog magtiwala, ay shang di mo dapat pagkatiwalan (that's why in my mind, those who can trust, are also the trustworthy lol).  

    if di ka nya kaya pagkatiwalaan, especially sa 'mababaw' na sitwasyon, eh baka sha dapat di mo pagktiwalaan dahil malamang sha may tinatago na mas malalim na lihim. kaya nga sha praning eh LOL

    and, he still lives with his ex?? tangnang arrangement yan. baba naman tingin mo sa sarili mo for settling for someone like him (again no offense). wala ka ba ibang choice  =)
  • LTLT Member ✭✭✭✭✭
    Yun na nga e. Ang masaklap pa neto alam nya naman na once in a blue moon nalang kami nagkikita dahil ang layo layo na ng mga barkada ko at busy na kami hindi nya pa ko maintindihan. Unlike sa kanya anytime pwede kami magkita.. imagine? 34 na sya at ako 23 lang pero mas matured pa ako sa kanya
    i don't think you're more 'matured..' (again, no offense), nag-settle ka for someone like him eh.

    if you're really 'more matured,' you'd be more secure and make the better choices.  mukhang sinasamantala nya 'kabataan' and emotions mo ;)
     
    kalasan mo na. this is the best time to do it actually lol
  • LTLT Member ✭✭✭✭✭
    edited February 24
    Valorian said:
    Mababa ba self esteem ng jowa mo at maraming insecurities sa buhay?  Ang toxic kasi niyan karelasyon

    Naranasan ko na rin yan, kahit kamag anak ko na kasama ko sa gala e pagseselosan pa..last straw na yun
    i think si ts may self-esteem issues din; pumatol sa kumag eh lol

    oops :D

    kalasan mo na ts, dami iba jan uy. di ka nya mapili over his 'ex' kase as valorian said, nakikinabang sha dun. so, wag mo ren sha piliin.  hanap ka iba. yung mas matino. sayang lang oras at pagod mo jan ;)
  • edited February 24
    Thank you ulit sa isang ng advice hehehehe thank you din sa advices. Alam ko naman hindi lang sya ang lalaki sa mundo.Pero ang problema na inlove na kasi ako. Yung utak ko umaayaw na talaga pero yung puso ko tinutulak pa din ako sa kanya. I try my best guys na susundin ko na utak ko! 
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    When you look at someone through rose colored glasses, all the red flags just look like flags.


  • ehleesyanehleesyan PEx Moderator
    Soon, you'll wake up nalang na pagod ka na with that guy.
    Pero, what was the reason bakit ka hindi ina-allow sumama? Have you done something in the past?

    Tulad ng aking kasabihan, "ang tao ay takot sa sarili niyang multo"
  • Ang reason nya kaya ayaw nya kasi pag dating daw sa mga kaibigan ko ligwak na sya. Nung time kasi na sinama ko sya sa Manila nung kasal nung friend ko naka focus kasi ako sa mga kaibigan ko pero para sakin wala naman problema yon dapat i support nya ako kasi 5 days lang naman ako sa Manila at isa pa 4 years kami di nagkita kita. Ano ba naman lang yung umintindi sya na magkakasama kami total kung asan naman ako andon din sya. Eh nung time na yon ang gusto nya lang mangyari pag uwi namin ng manila 1st day lang ako makikipag bonding sa kanila at after that makikipag kita na kami sa kanila kung kelan na ang kasal. Syempre normal lang naman siguro na mag bonding kami araw araw sa 4 years namin din nagkita kita, susulitin namin ang 5 days kasi yun lang din ang free namin aafter that 5 days busy nanaman kami sa kanya kanya naming work.
  • Sobrang babaw ng reason nya. Ako nga? Inintindi ko sya na magkasama pa sila sa iisang bahay ng ex nya kahit sobrang sakit na sakin. Di man lang nya naiisip yon. Pagod na pagod na ako sa kanya. Pero umiibabaw ang love ko pa rin. Kainis
«1

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file