Home PEx Sports PBA

Ask Iron Coach Vol. 2

11819202123

Comments

  • walljunior9walljunior9 PEx Rookie ⭐
    Coach, kamusta?

    Sarap magbackread . Yung dating araw araw ko na nadidinig na words of wisdom mo. Nawala na. 

    Happy kami na masaya ka sa next chapter ng life mo coach,

     pero hoping p din na makasama at madinig ko yung mga words of wisdom nyo

    ingat and thank you uli boss amo
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️

    musta wj? ok naman ako. i hope na nasa mabuti kang kalagayan at maayos ang lahat sayo pati na sa pamilya mo. hayaan mo kapag magka-raket uli ako eh kokontakin kita. ingat lang din tsaka enjoyin lang ang buhay. tandaan mo: tayo ang gumagawa ng sariling enjoyment at happiness natin at hindi kung sino o anupa man. 
  • 1hello1hello PEx Rookie ⭐
    Hi coach. May tanong pala ulit ako. Hehe

    Kayo rin po yung in charge nung panahon nag partner ang Tanduay and Alab po noh before the pullout? Malakihan din po ba sweldo sa ABL? Parang wala po kasing masyadong figures nirerelease ang ABL especially sa salary cap ruling nila. 
  • walljunior9walljunior9 PEx Rookie ⭐
    ironcoach said:

    All in uli ako sa next gig mo coach. Ok kami safe naman .see you soon coach
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    1hello said:
    Hi coach. May tanong pala ulit ako. Hehe

    Kayo rin po yung in charge nung panahon nag partner ang Tanduay and Alab po noh before the pullout? Malakihan din po ba sweldo sa ABL? Parang wala po kasing masyadong figures nirerelease ang ABL especially sa salary cap ruling nila. 
    hindi naman ako yung "totally" in-charge sa tanduay-alab during those times. i was just a piece na umaalalay sa management..at umaalalay lang din sa coaching. 

    as far as sa swelduhan dun..common knowledge naman na may tig-2 imports sa bawat ABL teams..so expected na medyo magiging mabigat ang payroll dyan. sa mga locals, some are making upwards of 200k..and down the line players are making from 60-80k din. hindi siya ka-level ng PBA..but it is still decent money.
  • BoyingBoying Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    ayun buti active na uli si Coach IC...eto lang madalas ko tambayan  thread at kay sir JPM pati UE thread

    kaso out na pala sa UE si sir IC ..pero sana tuly tuloy pa din kayo sa PEX

    at nakakabalita pa din kami mga update sa basketball community 
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    Boying said:

    actually, hindi ako out sa UE..but its more on yung mga namamahala dun eh nire-respeto yung mga direksyon at instructions ni Mr. Bong Tan. kita mo naman 2 months after niya mamatay..binago/kinontra na agad nung vice-chairman (na appointed pa mandin ni boss bong) at ng presidente ng school..yung mga plano at mga nai-tanim na niya..kasama na dun yung pagtatalaga sa akin bilang head of basketball operations ng UE red warriors.

    kaso nga wala na nga siya..i found it useless and pointless..para ipagpilitan at ipaglaban ko pa ang mga plano ni boss. bagkus, im leaving it up to boss bong's family, especially his own son..to address that issue. eh kung pati sila eh hindi narin mahalaga na tuparin at sundin pa ang mga yon..ika nga kung pati sila eh dedma na kay boss bong..sila na ang bahala umako nun.

    obviously naman na may mga nanamantala sa pagkamatay ni boss bong para maagaw yang pagma-manage ng UE basketball program. ikaw..kayo..matanong ko lang nga..naniniwala ba kayo na matatanggal ako dyan sa UE kung nabubuhay lang si Mr. Bong Tan??
  • kingsmankingsman PEx Rookie ⭐
    edited June 2
    coach IC nakita ko lang sa fb, dating baste table tennis varsity pala si Pol lee, yung coach mismo ng baste nag confirm, 1st yr to 3rd yr. high school daw sya nag varsity ng table tennis then nag shift to basketball on his senior year, hindi lang pala pang basketball itong si pol lee coach, sana mag post si pol lee playing ping pong coach maraming matutuwa mga pingpong player gaya ko.
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    kingsman said:

    sige. banggitin ko sa kanya yan.
  • 1hello1hello PEx Rookie ⭐
    Coach, Rodger pala was drafted sa New Zealand League and is already 23 years old. may balak pa ba siya bumalik UE? Thank you coach.
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    edited June 18

    wala na akong communication sa kanya..or with any of the other players..in a long while. may mga players kasi na sa kutob ko eh pinagbabawalan na kausapin ako ng "bagong" tanduay management. yan yung mga pinagkatiwalaan ni boss bong pero sila-sila rin itong nang-wasak at nambale-wala sa mga plano ni boss mula ng yumao siya.

    eh tayo naman eh nakakaunawa sa kapakanan ng players..mas minabuti ko naring ako nalang ang kusang umiwas sa kanila..baka mamaya eh ako pa ang maging mitsa ng pagka-disgrasya ng mga status nila sa team/school. sad to say but those are now the kind of values we're instilling on these youths. prostituted-loyalty. loyalties that i can certainly do without.

    hindi ko naman nilalahat..pero mas mabuti narin yung ganyan para hindi na malagay pa sa alanganin yang mga bata. give them a chance naman na magkaroon ng future. yung import nga namin na walang bukam-bibig kundi "para sa akin lang daw maglalaro..na kesyo kung umalis daw ako ng UE eh aalis din siya"..pero in the end, konting halaga ng pera lang pala ang katumbas ng (prostituted) loyalty niya.

    nagkataon lang din talaga na matagal na ako sa business na ito. halos lahat ng klaseng anyo, hugis, amoy, andar ng utak, klase ng hayop sa basketball..eh nakita o naka-salamuha ko na. pati yang mga nagbibida-bidahan dyan sa team ngayon..mga uhugin at mga wanna-be's lang din..master lang nga sa gapangan, pamu-mulitika, pagbabalat-kayo at pagpapanggap..tsaka pala gumawa ng kwento.

    one thing for sure na hindi ako pwedeng magkamali..kung nabubuhay lang si Bong Tan..NEVER niyang ipahahawak ang UE team sa mga yan. at alam din niyang hindi uubra at wala sa hulog yang mga impostor na yan na humawak ng isang UAAP basketball program. gusto lang talaga magpa-pogi, maging relevant..at the expense of the Bong Tan' plans and instructions..taking advantage of his death. 

    but trust me. there will be a day of reckoning. and people will be held to account. they've betrayed my boss, my bestfriend..my brother.
  • CaptainCharismaCaptainCharisma Moderator PEx Moderator
    coach, what's your say on the recent Tab Baldwin fiasco?
  • blueorgreenblueorgreen PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Coach, ano po ba ang options ni import if he decided to leave ue? Other uaap school?abroad?

  • 1hello1hello PEx Rookie ⭐
    Coach. Curious lang.

    if you will be given a chance to be a head coach or head of basketball op for a college / university aside from UE? what school would it be and why?
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    1hello said:
    Coach. Curious lang.

    if you will be given a chance to be a head coach or head of basketball op for a college / university aside from UE? what school would it be and why?
    kung sa UAAP...Adamson. eversince dehadista ako eh. tsaka AdU seems to have a micro-management style or identity..unlike yung mga admu, dlsu, UP..marami masyadong mga personalities involved sa programa ng mga yan. sa AdU parang maaliwalas lang. low-profile lang sila.

    sa NCAA..challenged ako sa EAC. lagi ko ngang biro yan sa mga tini-tingalang magagaling na coaches daw dito sa pilipinas..na bibigyan ko sila ng limang taon to handle EAC..and lets see if they can turn things around for that team. pero ngayong malaya na ako (for the 1st time in 20 yrs).,ako mismo eh nacha-challenge na mahawakan sila.

    1st runner-up ko yung Baste. kahit na papano may history sila..11 yrs removed palang sila mula sa huling kampeonato nila..maybe mas madaling i-turnaround as compared sa EAC.
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    coach, what's your say on the recent Tab Baldwin fiasco?
    minsan narin akong pinag-multa ng PBA (D-League). ang pinagtatakahan ko lang: bakit P75,000 lang ang penalty ni Tab..as compared sa akin na P150,000 (napakiusapan ko yan down to P100,000)?? anong double standard decision ba yan ng PBA?

    going back to Tab's situation..it was brought to my attention na 300+ viewers lang ang nakapanood nung actual online interview niya.. na napalaki nalang dahil nga it was picked-up by some high-profile personalities..at yun nga kinuyog na si Tab.

    1-time ko nakasama si Tab (UAAP coaches meeting last september o october lang)..he comes across to me as being humble on 1 end..to being a smart-aleck in another. during the said meeting, cordial naman siya and natural na siguro sa kanya yung pagiging outspoken (most coaches naman yata "know-it-all" and outspoken).

    yung sa sinabi niya, im sure he meant no harm..yun lang nga in poor taste. especially sa pagpapatakbo ng PBA..he must've fell into the trap na may pagka-intimate yung usapan among 4-5 people..na at-home siya masyado at lumabas nga ang mga yon sa bibig niya. 

    para sakin sana nag-apologize nalang siya since..rightfully o wrongfully..may mga nasagasaan siya eh. at dun naman sa sinabi niyang "tactically immature" yung mga local coaches..subukan nalang naming dalawa ng isang friendly match..hawakan ko (pahiram) yung UST at hawakan niya yung EAC. one game lang after mga 5 practice sessions each..katuwaan lang. bibigyan ko lang siya ng lesson about "tactically immature". hahahaha!!
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    1hello said:
    Coach. Curious lang.

    if you will be given a chance to be a head coach or head of basketball op for a college / university aside from UE? what school would it be and why?
    aside from UE?? listen..kapag isa kang promising at established na coach (hindi yung aspiring or need lang talaga ng employment)..UE isn't a prized destination..until sa magpalit sila ng management. kapag yun at yun parin ang makikialam at maraming say sa team..they'll always be the "black hole" in philippine collegiate basketball. 

    noon ko pa naman sinasabi yan even when im still with them..kaya hindi pwedeng sabihin na kesyo bitter o masama lang ang loob ko. consistent naman ako dyan all these time. kaya should you have a choice to coach between another school or UE?? definitely! choose the other school and keep your sanity.

    RIP Bong Tan. he tried but even he was betrayed, disrespected and taken for granted..in his family's own company at that. 
  • ironcoachironcoach game-changer PEx Guru 🎖️🎖️
    ironcoach said:
    1hello said:
    Coach, Rodger pala was drafted sa New Zealand League and is already 23 years old. may balak pa ba siya bumalik UE? Thank you coach.
    wala na akong communication sa kanya..or with any of the other players..in a long while. may mga players kasi na sa kutob ko eh pinagbabawalan na kausapin ako ng "bagong" tanduay management. yan yung mga pinagkatiwalaan ni boss bong pero sila-sila rin itong nang-wasak at nambale-wala sa mga plano ni boss mula ng yumao siya.

    eh tayo naman eh nakakaunawa sa kapakanan ng players..mas minabuti ko naring ako nalang ang kusang umiwas sa kanila..baka mamaya eh ako pa ang maging mitsa ng pagka-disgrasya ng mga status nila sa team/school. sad to say but those are now the kind of values we're instilling on these youths. prostituted-loyalty. loyalties that i can certainly do without.

    hindi ko naman nilalahat..pero mas mabuti narin yung ganyan para hindi na malagay pa sa alanganin yang mga bata. give them a chance naman na magkaroon ng future. yung import nga namin na walang bukam-bibig kundi "para sa akin lang daw maglalaro..na kesyo kung umalis daw ako ng UE eh aalis din siya"..pero in the end, konting halaga ng pera lang pala ang katumbas ng (prostituted) loyalty niya.

    nagkataon lang din talaga na matagal na ako sa business na ito. halos lahat ng klaseng anyo, hugis, amoy, andar ng utak, klase ng hayop sa basketball..eh nakita o naka-salamuha ko na. pati yang mga nagbibida-bidahan dyan sa team ngayon..mga uhugin at mga wanna-be's lang din..master lang nga sa gapangan, pamu-mulitika, pagbabalat-kayo at pagpapanggap..tsaka pala gumawa ng kwento.

    one thing for sure na hindi ako pwedeng magkamali..kung nabubuhay lang si Bong Tan..NEVER niyang ipahahawak ang UE team sa mga yan. at alam din niyang hindi uubra at wala sa hulog yang mga impostor na yan na humawak ng isang UAAP basketball program. gusto lang talaga magpa-pogi, maging relevant..at the expense of the Bong Tan' plans and instructions..taking advantage of his death. 

    but trust me. there will be a day of reckoning. and people will be held to account. they've betrayed my boss, my bestfriend..my brother.
    Coach, ano po ba ang options ni import if he decided to leave ue? Other uaap school?abroad?

    all of the above. depende sa edad niya (playing years), kung may offer(s) ba. Mbala was signed to play as an import overseas even with playing eligibility left. Akhuetie transferred to UP from UPHR, Chabi-Yo transferred to UST from SanLo..maiksi lang ang buhay (sa paglalaro ng college ball) ng mga import na yan so they should go where they can get the best deal possible.
  • 1hello1hello PEx Rookie ⭐
    ironcoach said:
    1hello said:
    Coach. Curious lang.

    if you will be given a chance to be a head coach or head of basketball op for a college / university aside from UE? what school would it be and why?
    kung sa UAAP...Adamson. eversince dehadista ako eh. tsaka AdU seems to have a micro-management style or identity..unlike yung mga admu, dlsu, UP..marami masyadong mga personalities involved sa programa ng mga yan. sa AdU parang maaliwalas lang. low-profile lang sila.

    sa NCAA..challenged ako sa EAC. lagi ko ngang biro yan sa mga tini-tingalang magagaling na coaches daw dito sa pilipinas..na bibigyan ko sila ng limang taon to handle EAC..and lets see if they can turn things around for that team. pero ngayong malaya na ako (for the 1st time in 20 yrs).,ako mismo eh nacha-challenge na mahawakan sila.

    1st runner-up ko yung Baste. kahit na papano may history sila..11 yrs removed palang sila mula sa huling kampeonato nila..maybe mas madaling i-turnaround as compared sa EAC.
    Interesting pick yung EAC coach, parang sa NC best finish nila yung 5th place kasama yung Rookie Of the Year import nila. Eh parang lately ata umaasa na lang sila sa tryouts? hindi rin sila agresibo sa recruitments. if ganun case coach how will you handle the team? unlike ADu andyan naman si Akari to sponsor.

    ang isang ikina-ganda sa NC..bawal na ang import dun. somehow eh nai-level na yung playing field diba? can you imagine SBC winning those championships left & right without Ekwe, Sudan, Ola & Tankoua? perhaps they still will..pero hindi ganong ka-dominating.

    in my 3 seasons coaching in college..kahit na "small-time" lang kami as compared to those UAAP recruiting heavyweights..naka-tisod din ako ng isang Roi Sumang, isang Don Trollano, isang Rey Suerte..at isang import na although tamad at maraming drama..eh decent naman at best.

    now going to a small program..makahatak lang naman ako ng isang "medium-class" na sponsor basta ba eh ganun din ang passion at solid sa programa..perhaps yung hatak ko eh andyan na naman..yung network ko being in this business for 2 decades..tsaka #1 yung tiwala at suporta ng school owners, admin and community..huwag lang matulad sa pinanggalingan kong ma-pulitikang environment..i don't see why EAC can't be at par sa mga CSB, SSC, JRU, MIT, UPHR, AU, LPU..eh matalo mo lang ang anim dyan eh di nasa final 4 kana.

    basta suporta lang, same page lang, ipaubaya lang sa nakakaalam at marurunong yung pamamalakad..tanggalin lang ang pulitika tsaka nega..good vibes lang..pasasaan pa at magtatagumpay din yan.
Sign In or Register to comment.