COMMUNITY NOTICE: Please send your reports, concerns and other inquiries to admin "pexer99". This account will handle all community functions for PinoyExchange. You can also email us at [email protected] For category related concerns, you can also send a message to one of our moderators. Check the updated list of moderators here.

Tulong po at advice po,

Good Eve po sa lahat, medyo gusto ko lang sana po magtanong o magpatulong, 1 year na kami ng girlfriend ko, grabe siya magalit at halos araw araw na lalo na pag may research kami , alam ko at aminado ako na nagkakamali ako pero grabe naman ung galit na tipong nagdadabog na at minumura na ko o minamaliit pwede naman pagusapan ng mahinahon diba, e minsan nahihirapan ako pero kinakaya ko naman dahil mali ako nga at mahal ko siya talaga para iwan siya e , talagang di ko kaya, halos 3 times na siguro kami muntik ng magkahiwalay din , siya ung nagiinitiate lagi nung gusto magbreak pero ako ? not even once. tapos di ako nagagalit sa kanya siguro once lor twice lang pero hindi as in ung galit talaga, mahal ko talaga siya e kaya lang medyo napapansin ko na wala na siyang masyadong pagmamahal sakin katulad ng dati , di ko naman siya kaya iwan e, iniintindi ko  talaga, pero Hindi ko siya sinisisi, minsan( o madalas ) may mga pagkukulang ako talaga e pero sinisikap ko naman na umayos talaga, nahihirapan lang talaga ako kasi patuloy tuloy akong nabribring down e to the point na worthless na tingin ko sa sarili ko, paano po ba magcope sa depression at stress na dala ng ganto? 

Comments

  • volleybabevolleybabe Member ✭✭
    edited February 11
    baka paraan niya rin yun para bumitaw ka na rin. para mawalan ka na rin ng gana and it would be easier for her to break up with you.

    But the key is to talk to her, ask her what's happening. Baka may pinagdadaanan rin siya kaya grabe siya magalit, but if wala siya maayos na sagot my suggestion is for you to Never settle in a toxic relationship. 
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    kung nade-depress at stressed out ka na sa relasyon niyo, bitaw na

    ang toxic na niyan, hindi yan healthy

    mahirap yang stressed ka na nga sa trabaho/pag-aaral mo tapos bubungangaan ka pa ng jowa mo, saan ka pa makakahanap ng katahimikan sa buhay mo?

    kaya nga may mga lalakeng nagkakaroon ng kabit kasi breath of fresh air yung bago nilang nakikilala, kaso sa pagtagal e magiging sakit din ng ulo yun
  • andie_jiandie_ji NeWb!e PEx Moderator
    It seems that she is gaslighting you. :( If your self worth is being influenced na by the way she threats you, even if you love her - end it na. Love yourself. :)
  • One of the most important keys to a relationship is communication. Ask her and be open to her about how you feel, of course, in a nice, tactful way. 
  • Before you end it, right to solve it first.
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Laging nag-aaway, di maganda iyan! Itigil na iyan.

    Research? Anong research? Mga mag-aaral kayo? Mainam siguro  saka na kumerengkeng kapag nakatapos na at kaya nang buhayin ang sarili!
  • Kent_210Kent_210 Member ✭✭✭✭✭
    Di ko pa nararanasan makaroon ng ganyang klaseng GF. Character is very important to me. Respect begets respect. She doesn't respect you anymore and respect is one of the essential requirement of LOVE! 

    Pag ginawa sakin yan ng babae, diretso inidoro sakin yan at sisiguraduhin kong hindi ko na makikita kahit anino nyan, andaming babae dyan.
  • Update po , gusto nya makipag break na pero pinigil ko , umabot siya sa point na kinocompare nya na yung ex nya sakin na. she even openly told me na boring ako at tiring , i know na may mga pagkukulang ako sa kanya pero ang sakit sobra as in tagos na tagos sa kaluluwa e  para sabihin nya yon :(  inignore ko nalang . hindi ko siya kayang iwan ang hirap sobra. mahal ko ung tao ang hirap talaga tinatry ko nalang intindihin kasi galit baka nadadala ng emosyon nga. 
  • boring ka at walang thrill
  • ValorianValorian Do no harm ✭✭✭
    arte rin ng jowa mo, hindi pa makipaghiwalay sayo..kailangan pa ba niya na ikaw ang mag-initiate?

    wala namang mapapala yan kung hihintayin ka pa
  • BarbramaeBarbramae Member
    Batman12 said:
    Update po , gusto nya makipag break na pero pinigil ko , umabot siya sa point na kinocompare nya na yung ex nya sakin na. she even openly told me na boring ako at tiring , i know na may mga pagkukulang ako sa kanya pero ang sakit sobra as in tagos na tagos sa kaluluwa e  para sabihin nya yon :(  inignore ko nalang . hindi ko siya kayang iwan ang hirap sobra. mahal ko ung tao ang hirap talaga tinatry ko nalang intindihin kasi galit baka nadadala ng emosyon nga. 
    Nakikipaghiwalay na pala sayo, e di pakawalan mo na. 
    Isipin mo naman sarili mo.
    Ganyan ka ba kadesperado na kahit ayaw na sayo e hinahabol mo pa.
    Ganun ba kababa ang self worth mo?
  • BarbramaeBarbramae Member
    Batman12 said:
    Update po , gusto nya makipag break na pero pinigil ko , umabot siya sa point na kinocompare nya na yung ex nya sakin na. she even openly told me na boring ako at tiring , i know na may mga pagkukulang ako sa kanya pero ang sakit sobra as in tagos na tagos sa kaluluwa e  para sabihin nya yon :(  inignore ko nalang . hindi ko siya kayang iwan ang hirap sobra. mahal ko ung tao ang hirap talaga tinatry ko nalang intindihin kasi galit baka nadadala ng emosyon nga. 
    Nakikipaghiwalay na pala sayo, e di pakawalan mo na. 
    Isipin mo naman sarili mo.
    Ganyan ka ba kadesperado na kahit ayaw na sayo e hinahabol mo pa.
    Ganun ba kababa ang self worth mo?
  • Ganito yan pre. Listen. 

    Una sa lahat. Alam ko at alam mo na alam mo yung tama. Diba? Tanungin mo sarili mo sa tingin mo ba siya ba yung tao na para sayo? Healthy paba yung relationship niyo? Baka naman ( Relationshit na yan ). Kasi brad kung ako ikaw ha. Kung mahal ako ng tao or kung ko yung tao una sa lahat iintindihin niyo yung pagkakamali ng isat isa attt pag-uusapan niyo yan bago kayo matulog ( Basic yan pre sa Relationship ) Hindi ko naman sinasabi ko na expert ako dito ha. Ang akin lang naman ganito gawin mo Imaginin mo sarili mo 10 years from now and ganyan yung ugali na lagi mo na e-encounter ( TOXIC ). Mag isip ka pre isipin mo lugi ka kung lagi emotion mo yung pinapairal mo applicable yan sa lahat ng bagay pati sa buhay mo. Hindi puro puso utak dapat. ATTTTTT Bago matapos ang lahat MY GOD MINUMURA KA NG GF MO ? MAG ISIP KANA. Sana gets mo :) 
  • Kung kaya mo pa pagtiisan, kapit lang. Kung sobrang bigat na, bumitaw ka na.

    https://jofreybotor.com
  • NilsNils Hunter ✭✭✭
    Hiwalayan mo na. Hindi magandang ganyan ang pagtrato sa iyo ng kapwa mo lalo na yung nasa shortlist ng makakasama mo habang buhay. 
  • freakster2k1freakster2k1 Member ✭✭✭
    You picture your gf as someone that doesnt deserve you.  Why do you still stay if you feel being belittle by her?  Or perhaps you do not want to leave without an assurance ( a replacement) that the pasture is greener on the other side.   My point is, if that is how you feel, then leave her, but try not to paint her as someone na sobrang inconsiderate and you to be super patience na guy. 
  • jazzpherboyjazzpherboy Member ✭✭✭
    But if the love fits wear it, baby
    And if it feels good, put it on
    And if it's not that then just maybe
    You'd be better off to leave it alone

    Lyrics ng kanta yan, pero simple lang ang ibig sabihin. Hindi na ako teen ager pero napagdaanan ko rin yang ganyang sitwasyon kaya naka-relate naman ako kahit na papano sa pinagdadaanan mo. Mapa-pamilya man o kaibigan o karelasyon, kapag ganyan ang ugali at trato sayo, believe me, tama yung kanta, you'd be better off to leave it alone. :)  
  • Bro, bitaw na. Kahit masakit. Tiisin mo. Makikita mo, in the near future, ikaw rin ang magbebenefit. Pagsisisihan mo kung itotolerate mo pa s'ya and kapag nasa point of no return ka na saka ka magdedecide na bumitaw, no way. End it. Now.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file