COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

GMA PEXLOUNGE DCXII: GMA TV Ratings, No. 1 Nationwide! GMA Films, Box-Office Hit! Kapuso No. 1! 🌈☝🏻

1174175177179180251

Comments

  • Sharp_Cordial857Sharp_Cordial857 See You Again PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mas appropriate lang kasing gamitin ang her since majority naman ng mga pexers dito puro girls at beki :lol:
    Okay sabi mo eh :lol:
  • meowmeowkdollmeowmeowkdoll ⊂(◉‿◉)つ Kapuso Elite ⭐⭐
    mas appropriate lang kasing gamitin ang her since majority naman ng mga pexers dito puro girls at beki :lol:
    Okay sabi mo eh :lol:
    so naniwala ka naman? :lol:
  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    3 bagong programa ng GMA winner sa numbers game

    February 14,2019
     
    share this


    WINNER na winner ang mga bagong programa ngayon ng GMA matapos humataw sa ratings game nitong mga nakaraang linggo.

    Patuloy na umaariba sa TV ratings ang weekly comedy talkshow na The Boobay And Tekla Show, primetime series na TODA One I Love at ang afternoon serye na Inagaw Na Bituin.

    Napakalakas ng hatak at nakatutok talaga ang buong sambayanan simula nang umere ang mga ito.

    Congratulations are in order dahil three consecutive weeks nang pinadadapa nina Super Tekla at Boobay ang katapat na show.

    Iba rin talaga ang karisma ng dalawang Kapuso comedian dahil ang The Boobay And Tekla Show na ang inaabangan tuwing Linggo ng gabi. Punumpuno kasi ng good vibes at nakakatawang segments ang bawat episode ng TBATS.

    Hindi rin naman nagpapahuli sa pagpapakilig ang family-friendly eleksyon-serye ng GMA News and Public Affairs na TODA One I Love. Gabi-gabing inaabangan sa primetime ang mga umaatikabong eksena ng serye na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

    Effortless talaga ang kilig na hatid ng pagbabalik-tambalan ng KyRu sa GMA Telebabad.

    At siyempre, excited din ang lahat sa Inagaw Na Bituin na napapanood sa Afternoon Prime block. Hindi na binitiwan ng Kapuso viewers ang mga makapigil-hininga at maiinit na eksena nina Kyline Alcantara at Therese Malvar sa serye.

    Idagdag mo pa ang interesting plot ng story na talaga namang click na click agad ng masa. Kaya no wonder na umaarangkada sa numbers game ang bagong drama series ng GMA.

    q q q

    Isa pang good news para sa mga loyal Kapuso! Ikinatuwa rin ng buong cast ng GMA Telebabad series na Onanay directed by Gina Alajar, ang patuloy na pagtangkilik at pagsubaybay ng TV viewers sa kanilang programa.

    Bukod sa magaganda at positibong komento ng netizens sa bawat episode ay patuloy pa rin itong namamayagpag sa TV ratings nationwide. Nitong nakaraang Martes, nakapagtala ang Onanay ng 13.5 percent base sa datos ng NUTAM habang 12.5 naman ang nakuha ng katapat na serye.

    Talagang nabihag na ng serye ang puso ng manonood, damang-dama nila ang bawat eksena lalo na ang madadramang eksena ni Onay (Jo Berry) lalo na ngayong lumambot na ang puso ng kanyang anak na si Natalie (Kate Valdez).

    Tinawag na rin niyang “Nanay” ang kanyang ina kaya naman masayang-masaya na si Onay. Pero ang tanong , paano nga kaya tatanggapin ni Helena (Cherie Gil) ang desisyon ni Natalie na sumama na kay Onay?

    Tuluyan na bang kamumuhian ni Natalie ang kinagisnan niyang ina (na lola pala niya)? Siguradong hindi pa rito matatapos ang kasamaan ni Helena kaya abangan n’yo na lang kung anu-ano pa ang mga huling pasabog ng primera kontrabida sa nalalapit na pagtatapos ng Onanay pagkatapos ng Cain At Abel.




  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Actress-dancer problemado sa mga utang; inaalat ang career

    By Reggee Bonoan February 14,2019
     
    share this


    ANO kayang mangyayari sa career ng isang actress-dancer kung tuluyan na siyang mawalan ng projects sa network kung saan siya kunektado?

    Madalang pa sa patak ng ulan ang proyekto ngayon ng nasabing so-so actress cum dancer at dahil bago pa lang kaya sigurado kaming super liit ng kanyang talent fee at baka nga kulang pa ito sa pang-araw-araw niyang gastos.

    Nagtanung-tanong kami kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon, “Waley nga. Kung saan-saan na namin sinasaksak na show pero tinatanggihan siya. Kulang daw kasi sa acting, tapos ‘yung personalidad hindi akma sa edad kaya nahihirapan kaming ihanap siya ng babagay na role,” sabi ng taong tumutulong sa kanya.

    Taga-malayong probinsya ang actress-dancer at dahil hilig talagang mag-artista kaya pinayagang lumuwas ng Maynila ng magulang at dahil marami siyang raket noon, lumuwas na rin ang pamilya at dito na sila nanirahan. Umupa pa ng condo unit na malapit din sa network kung saan siya nagtatrabaho.

    Ang problema dahil sa walang regular na trabaho o pinagkakakitaan, anong mangyayari kay so-so actress cum dancer na balitang problemado ngayon dahil kinakapos sa pambayad ng renta ng bahay, kuryente at tubig. Idagdag pa ang pang-araw-araw na gastos sa pagkain nilang pamilya.

    Naaawa kami sa kanya kaya ang sabi namin, kung sa tingin niya ay walang mangyayari sa kanya sa showbiz, mag-iba na lang siya ng trabaho, ‘yung regular o may monthly siyang suweldo para may pambayad siya sa mga bills.

    Kaysa naman bumalik siya sa probinsya nila? Sabagay, may bahay naman sila roon, yun lang parang mahirap na sa dalaga na maging probinsyana ulit dahil natikman na niya ang buhay-showbiz.

    Tinanong namin sa aming source kung may boyfriend ang so-so actress cum dancer, “Wala, uunahin pa ba niya ‘yun ngayon?”




  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️
    edited February 2019
    Wax ni Pia sa April pa makikita

    (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2019 - 12:00am

    SEEN: Ang mainit na pagtanggap ng mga Kapampangan kay Bong Revilla, sa kick off rally ng senatoriables na sinusuportahan ng Hugpong Ng Pagbabago sa San Fernando, Pampanga noong Martes. Kasama ni Bong sa rally ang kanyang misis na si Lani Mercado at ang kanilang mga anak. Malakas na palakpakan at hiyawan ang reaksyon ng publiko nang kantahin nina Bong at Lani ang Ikaw.

    SEEN: Masaya sa bakuran ng GMA-7 dahil mataas ang ratings ng kanilang mga bagong programa, ang afternoon prime na Inagaw Na Bituin, ang TODA One I Love at ang The Boobay and Tekla Show.

    SCENE: Waging-wagi ang tara­yan ng mga karakter nina Gladys Reyes at Jaclyn Jose sa TODA… kaya gustung-gusto ito ng televiewers na aliw na aliw sa mga eksena ng dalawa

    SEEN: Hindi madali ang taping ng Kara Mia dahil paulit-ulit na kinukunan ang mga eksena nina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz. Kailangan din na pareho palagi ang mga damit na suot ng lead stars ng bagong primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa sa February 18.

    SCENE: Sa April 2019 ang tentative unveiling ng lifelike wax figure ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Madam Tussauds sa Hong Kong. Si Pia ang unang Pilipino na magkakaroon ng lifelike wax figure sa Madame Tussauds.

    SEEN: Nakiramay si Willie Revillame kay Joey de Leon dahil sa pagpanaw ng 93-year old mother ng Eat Bulaga host.

    SCENE: Georgia bound bukas sina Xian Lim at Cristine Reyes para sa shooting ng Untrue. Nauna nang pumunta sa Georgia noong February 9 ang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo.

    SEEN: Inabot ng dalawang araw ang last taping day ng Cain at Abel. Nagsimula ang taping noong Lunes at natapos ng Martes nang umaga. Mapapanood bukas, ang finale episode ng primetime teleserye nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa GMA-7.



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️
    Barbie at Mika pinagseselosan ang sobrang closeness!

    0shares000
    SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2019 - 12:00am

    Pakiusap ni Ms. Hazel Abonita, ang Program Unit Manager ng bagong drama series ng GMA 7 na Kara Mia na sana baguhin daw ang habit ng panonood ng TV sa primetime dahil bago itong ihahain nila sa GMA Telebabad na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

    Sa February 18 na magsisimula pagkatapos ng 24 Oras, kaya matindi ang makakatapat nila.

    Sabi naman ni Barbie, ayaw na lang daw niyang magpa-pressure, sa halip ay nai-excite siya sa kakaibang kuwento ng bago niyang drama series. “Ayokong isipin ‘yung kumpetisyon kasi mas lalo lang akong mapi-pressure.

    “Nung unang ini-offer naman sa akin ‘tong Kara Mia, wala naman pong timeslot. As in show lang talaga na walang timeslot.”

    Ang na-enjoy daw niya nang husto rito ay ang bonding nila ni Mika na sabi nga ni Jak Roberto na kasama rin dito, parang gusto na raw niyang magselos sa closeness ng dalawa. “Pareho silang may bakod na sila lang nagkakaintindihan. Pag lumapit ka, hindi mo sila maistorbo, kasi pareho silang may girl stuff,” pakli ni Jak.

    Sabi naman ni Barbie, tingin daw niya hindi sila magkakaproblema o magkaka-isyu ni Mika dahil iba na raw talaga ang closeness nila ngayon. “Si Mika yung tipo ng tao na walang bahid ng showbiz sa katawan. Napakatotoong tao niya. Alam n’yo naman ako. So, pag ganun ang tao sa akin mahal ko talaga. Alam kong ‘ay magiging kaibigan ko to,” pakli ni Barbie.

    Sabi naman ni Mika : “Si Barbie, para siyang ate ko. Grabe siyang maasikaso, maalaga, magkasundo kami. Maraming bagay na magkaparehas kami pero may mga bagay na may kanya-kanya din kaming gusto.

    “Pag nag-regional kami at magkasama kami sa kuwarto, grabe. Ilang goodnight na kami, maya-maya may naalala siya, kuwentuhan uli. Umabot kami ng alas-tres na gising pa rin siya. Iba na yung bonding namin eh. Para kaming magkapatid na bata.”

    Jak gustong mag-audition kahit may frontal nudity!

    Doon pa rin sa presscon ng Kara Mia, nabanggit din ni Jak na hindi raw siya gaanong magta-topless at magpapakita ng abs dito. Ginawa na raw niya dati sa Contessa, at ngayon daw ay hindi na siya gaanong pinag-topless sa Bubble Gang o kaya sa Dear Uge.

    “Siguro pinagpapahinga na lang muna,” pakli ni Jak.

    Pero gusto na rin ng Kapuso actor na mag-movie at okay lang daw siya magpaka-daring.

    Tinanong namin kung gagawin ba niya ang isang magandang film project, pero may frontal nudity? “Why not? Kung ang direktor saka yung script po maganda, bakit hindi? Sa time ngayon, mas gusto ko na rin mag-pelikula eh,” deretsong sagot ni Jak.

    May nakita nga raw siya sa Facebook na naghahanap ng artista sa isang pelikula na may maselang tema at kailangan ang frontal nudity, gusto raw sana niyang magpa-audition, pero hindi lang daw siya pumuwede sa araw ng audition.

    Former beauty queen, umamin sa relasyon sa pulitiko

    Deretso rin ang sagot sa amin ng dating Ms. World-Philippines 2012 na si Queenie Rehman na nagkaroon sila ng relasyon ng Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez, pero hindi na raw sila ngayon.

    Ipapakilala si Queenie sa horror movie ng Reality Films na Second Coming na dinerek ni Jet Leyco at pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria kasama si Marvin Agustin at Kapuso child actress Angelica Ulip.

    Medyo natagalan ito bago nila natapos dahil sabi ni direk Jet, hindi raw mapagtugma ang schedule ng mga pangunahing artista. Kaya parang two years in the making daw ito.

    Hindi niya itinangging si Mayor Dan ang nagpakilala sa kanya kina Dondon Monteverde sa Reality at kinuha nga siya. “He actually helped to be part of this group. We’re friends na lang now,” tipid na sagot sa amin ni Queenie.

    Gustong subukan ni Queenie ang pag-arte, dahil sa pagkanta raw talaga siya nalilinya.

    May inaayos na nga raw na single si direk Joven Tan para sa kanya at ipapasok daw sa Spotify.

    Magaling din siyang mag-beatbox, at ito nga raw ang talent na na-perform niya nang sumali siya sa Ms. World-Philippines 2012.

    Ngayon ay huhusgahan na siya sa Second Coming na magsu-showing na sa February 27.





  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️
    Maine at Arjo maligaya sa Araw ng mga Puso!

    0shares000
    ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 14, 2019 - 12:00am

    Kung meron mang masaya ngayong Valentines day, siguro iyon nga ang ArMaine. Sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Hindi maliwanag sa amin kung nakarating nga sila sa Alaska, particularly sa Fairbanks, kung saan sinasabing magandang napapanood iyong Aurora Borealis o northern lights sa ganitong panahon, na sinasabing gusto nilang makita. Pero maliwanag na nagkita na sila dahil kung hindi, saan ba manggagaling ang picture na inilabas ni Arjo sa kanyang social media account? (As of presstime po ay nakabalik na ng Manila si Maine base sa kanyang tweet : “Back in Manila! Nakakamiss yung init (barangay girl here ??) pero yung traffic hindi!” - Salve A. )

    Magkaiba ang kanilang lakad sa US. Si Maine nandoon dahil sa collaboration niya sa isang make up brand. Si Arjo naroroon dahil sa isang concert. Pero nagkita nga sila roon. Hindi naman katakataka dahil bago iyan, halos inamin na naman nila ang kanilang relasyon. Sinabi ni Arjo na sila ay “exclusively dating” ni Maine. Si Maine naman ay hindi na kumibo, ibig sabihin totoo ang sinabi ni Arjo.


    Bagong pantatapat sa AP, aabangan ang kapalaran!

    Taob rin ang serye nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes sa FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin, at kagaya ng inaasahan, tinatapos na iyon. Bakit mo pa naman itutuloy kung naghihilahod din sa ratings. Eh kung iisipin ninyo, ilan na ang pinataob ng serye ni Coco. Hindi umubra riyan iyong kanilang fantasy series na naging top rater noong araw. Hindi na tumama ang mga pana ni Dingdong Dantes noong una. Hindi rin umubra ang martilyo ni Alden Richards. Ngayon hindi rin umubra ang laban nina Dingdong at Dennis. Ano pa nga ba ang ilalaban nila?

    Ngayon ang itatapat nila ay drama ni Barbie Forteza, na noong una naming marinig, ang akala namin ay ilalagay nila sa time slot sa tanghali. Iyon pala ang itatapat kay Coco, ano pa nga ba ang aasahan ninyo?

    Aktor pakalat-kalat na lang, binubuhay na lang ang anak sa mga paghingi-hingi!

    Nakikitang pakalat-kalat na naman daw sa Cavite at mukhang gusgusin na naman ang isang male star na mahusay pa naman sanang umarte. Pero ewan nga ba kung bakit nagkaganyan ang buhay. Makakabangon sandali ang career tapos babagsak na naman.

    Noong una raw bumagsak ay dahil nagka-bisyo ng alam na ninyo kung ano. Ngayon ewan kung ano na naman ang dahilan at bigla na lang nawalan ulit ng trabaho.

    Kawawa naman, may mga anak pa naman siya na kailangang tustusan. Makakaya ba niyang buhayin ang kanyang mga anak sa padile-dilehensiya lamang?



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Alden tumulak na pa-Iceland!
    0shares000
    SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 14, 2019 - 12:00am

    Natuloy din si Pambansang Bae Alden Richards sa hiningi niyang bakasyon sa GMA Network at sa Eat Bulaga. Umalis siya last Tuesday evening, at mag-isa lamang siya base sa picture na nai-post sa kanya. Matagal na raw kasing nai-book ni Alden ang pagpunta niya sa Iceland, isa sa gusto niyang puntahang bansa, isa pa ang Croatia sa Europe. For sure, gusto niyang makita ang Aurora Boreallis or Northern Lights na ngayon raw panahong ito nagpapakita ang magagandang kulay sa kalangitan ng Iceland. Ayon sa manager niya sa GMA, sa Monday, February 18, ay narito na si Alden.

    Pero bago siya umalis, nakaraket pa si Alden sa #2019CalabarzonHeroesGameNight na ginanap sa kanila sa Sta. Rosa, Laguna.


    Barbie iniyakan ang eksena sa footbridge

    Thankful si Barbie Forteza sa GMA Network, na sa nine years na niya sa showbiz magaganda at iba-iba ang characters na ginagampanan niya. Pero sa lahat ng mga proyektong nagawa niya, naiiba itong Kara Mia na pagsasamahan nila ng best friend na si Mika dela Cruz.

    “Marami po akong nagawang mahihirap na eksena sa mga previous projects ko, pero, ito lamang ang may eksenang iniyakan ko ng buong araw,” nakangiting wika ni Barbie. “Kung nakikita po ninyo iyong trailer namin na nakabitin kami ni Mika sa isang foot bridge, hindi ko alam kung paano ako nakatapos doon. Maghapon po kasi naming kinunan iyon dahil paiba-iba ng anggulo, pero iniyakan ko talaga iyon.

    “May fears po kasi ako sa height at kailangan talaga namang gawin iyon, hindi puwedeng i-double dahil mahahalata. Mahina ang loob ko talaga sa ganoon, mabuti si Mika, matapang, siya iyong nakaharap sa kalye at nakikita niya lahat ng nangyayari sa ibaba, ako po kasi iyong nakatalikod.  Kaya salamat po kay Direk Dominic Zapata at sa buong production team.”

    Sa Monday, February 18 na ang premiere te-lecast ng Kara Mia after 24 Oras. Makakasama rin nina Barbie at Mika sina John Estrada at Carmina Villarroel, ang parents nila, si Glydel Mercado, Alicia Alonzo, Liezel Lopel, Gina Pareño at si Mike Tan ang engkanto na si Iswal. Katambal ni Barbie ang real boyfriend niya na si Jak Roberto at si Paul Salas naman ang katambal ni Mika.



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️
    TV5 walang masyadong ganap!

    0shares000
    TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - February 14, 2019 - 12:00am

    Bakit kaya walang sigla ngayon ang Kapatid network o ang TV5? Sayang kasi, kung malalagyan sana ito ng mga programang magaganda, tiyak na le-level na rin ito sa ABS-CBN at GMA-7.

    Dati naman ay matunog ito nang magsimula sila, pati na ang Radyo Cinco. Nandiyan ang mga batikan at walang takot na broadcaster tulad ni Cristy Fermine at ang idolo ng mga naaapi na sina Raffy, Erwin, at Ben Tulfo. Idagdag pa riyan si Dr. Edrenille ng programang Hiling Galing, na talaga namang grabe ang mga gamot na ipinapayo sa mga tagapakinig na may mga sakit, specially ‘yung healing oil na napakabisa dahil isa ako sa nakasubok na.


    Ilang Kapuso stars marunong nang umarte!

    Ano ba yan, puro luka-luka ang mga aktres sa noontime prime ng GMA-7 na Ika-5 Utos. Sina Geli de Belen, Sheena Halili, Kim Rodriguez at Jean Garcia. Pero yun kasi ang role nila sa story. In fairness puro magagaling silang umarte, at pansin ninyo puro mga babae ang mga salbahe sa story sa nasa-bing serye. Sa My Special Tatay si Teresa Loyzaga, at sa Onanay si Cherie Gil.

    Okay din ang akting ng former child star na sina Jillian Ward, Kate Valdez, Rita Daniela, Thea Tolentino, Jeric Gonzales at iba pa na wa ko knows ang names, pero ang akting naman ay may hugot din, may malayong mararating sa larangan ng showbiz.

    Kung nasisinok na kayo lalo na roon sa mga reklamador na homeviewers ng mga TV series, well, matutuwa naman kayo sa bagong show ng GMA-7 Kapuso sa comedy-action na TODA One I Love nina Kylie Padilla and Ruru Madrid. Ang ganda kaya! nakakaaliw.

    Another new show uli ng GMA-7 na pang alis stress naman ang handog ng Sunday night show na The Boobay And Tekla Show na talaga namang maiihi ka sa katatawa. Magaling huh! Pero ang nag-iisang show na walang katinag-tinag ang pagiging top rated walang iba kundi ang show nila Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon, ang Eat Bulaga.


  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️
    Jun Lalin

    Paglipat ni Mylene sa GMA, fake news!

    Umugong ang balita sa presscon ng Kapuso series na Kara Mia na lumipat na sa GMA-7 si Mylene Dizon. Eh sa pagtatanong namin sa ilang empleyado ng GMA Artist Center, wala silang balitang lumipat ang aktres sa GMA.

    Eh sa series, isa sa main cast si John Estrada. ‘Di ba, isa sa rason diumano si Mylene kaya lumayas sa Channel 2 si John?

    Wala namang sumubok na kunin ang reaksyon ng aktor kung totoo nga ang balita.

    Kami naman, tinanong namin si John kung kelan lilipat sa GMA ang kaibigan niyang si Derek Ramsay.

    “Malapit na! Malapit na!” tugon lamang ni John na bro ang turing kay Derek.

    At kung merong bagong kapareha si John sa latest series, ‘yon ay si Carmina Villaroel na nakasama niya noon sa sitcom na Palibhasa Lalake.


  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Salve V. Asis


    Alden bakasyon muna!

    Biyaheng Amerika nga ba si Alden Ri­chards? Magbabakasyon daw ang actor.

    Ang tanong magkita-kita kaya sila roon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza?

    Hindi pa rin matanggap ng fans ang ‘relasyon’ nina Maine and Arjo. Ang akusas­yon pa ng iba, gimik lang diumano ni Arjo ang nasabing photo na posted niya sa kanyang IG story na kumakain si Maine habang nasa New York sila.

    Haha. Wawang mga fans. Blinded pa rin at hindi matanggap na hindi nga magkakatuluyan ang kanilang mga idolo.



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Dingdong magiging delivery boy sa Valentine!
    4shares000
    #INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

    Jackpot ang mahahatiran ni Dingdong Dantes personally made roses sa Valentine’s Day na gawa ng @floridabymarian. Yes, papapel na delivery boy this time si Dong base sa announcement ni Yan sa kanyang Instagram bilang treat sa kanyang clients.

    “It’s coming up roses for three special clients by Flora Vida by Marian. Dingdong!

    “Who could possibly at your door/ Surprise...Dingdong Dantes will personally deliver the Flora Vida by Marian order of some lucky customers on Valentine’s Day.

    “Who knows, you might just be the lucky recipients of Flora Vida by Marian’s special treat.”

    Nu’ng nakaraang posts ni Yan sa IG, pumapel na model si Dong ng negosyo niya. Siyempre, labor of love niya ‘yon sa asawa, huh!

    Anyway, maigting ang aktingang ipinamalas nina Dong at Dennis (Trillo) nu’ng Monday episode ng Cain at Abel. Nabisto na kasing magkapatid sila at kapwa nangungusap ang mga mata ng dalawang bida sa isiniwalat ng lumabas na ina nilang si Chanda Romero.

    Of course, may umangat sa galing between Dong at Dennis at kung sino ‘yon, sa amin na lang ang aming choice, huh!





  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Kris, Heart magkapareho ng b-day pero magkaiba ang personality

    By Ronnie Carrasco III February 14,2019
     
    share this


    MAY natisod kaming shared post sa Facebook, bakit may sraw nga naman ng mga puso (as it is today) pero walang “araw ng mga utak”? Makes sense.

    Sa anatomy nga naman (patulan ba namin?), mas mataas ang utak kesa sa kinalulugaran ng puso. Ergo, marapat lang na mas pairalin natin ang utak than emotions in whatever circumstance.

    But is it not ideal for anyone to strike a balance between mind and heart, depending on what a particular situation calls for?

    Ah, basta, let’s not spoil this day specially meant for those who are either in love or simply in love with the idea of love.

    Sa araw na ito, two Feb. 14-born showbiz figures come to mind (ieetsa-puwera namin ang yumaong kaibigan na si Gas Gayondato, former editor of Tumbok na sister tabloid ng pahayagang ito), sina Kris Aquino at Heart Evangelista.

    Common to both ay ang pagkakataon naming makatrabaho sila: Kris on GMA’s Startalk during its early stage and on PTV 4’s The Kris Aquino Show, Heart sa mga nalalabing taon ng Startalk.

    Both Kris and Heart were fun to work with. Magaan silang katrabaho, but what gave Kris the edge was that she made our job a whole lot easier.

    So, tribute ba ito sa dalawang nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon? Hmmm, mala-mala.

    Between the two, mas metikulosa si Kris sa pagtapak pa lang niya sa istasyon. The van that took her to the studio was her walking closet, kumpleto kundi man sobra pa sa mga kailangan niyang isuot: from shoes to outfits to accessories.

    In stark contrast, Heart was a minimalist. Kung ano ang kanyang suot upon setting her foot sa GMA, ‘yun na ‘yon unless she was required to do wardrobe changes on Startalk’s important occasions.

    With regard to their hosting style, hindi mga pa-know-it-all sina Kris at Heart. When in doubt, they never hesitated to ask questions mula sa mga writer assigned to their segments. Humihingi pa nga sila ng tips on how to confront their subject.

    Mas nakakasorpresa nga lang si Kris who you very well knew did her homework. Personally, just when we thought we did our job well, hayun ang hitad, may sarling input na hindi naman nanggaling sa amin.

    But little did Kris realize that somehow, ipinamumukha niya sa kanyang mga writer that she could do better, short of saying she had little trust in them. Kabaligtaran ‘yon sa kaso ni Heart who had so much respect for her co-workers to the point nga lang na hahanapan mo siya ng maiaambag from her own painstaking efforts.

    All told, masayang katrabaho sina Kris at Heart as each of them offered a new dimension sa mga separate interviews nila while other female TV hosts perhaps did not, and do not.

    Para sa amin kasi, ang isang mahusay na TV host—regardless of gender—is one who’s not largely dependent on cue cards or idiot boards o sa mga kumpas at senyas ng creative staff on the set while the program is in progress.

    Sa aspetong ito nasukat namin noon ang hosting gift ng dalawa, well, save for one episode—before we forget—nga pala ng The Kris Aquino Show.

    Made to sit at the panel was a common tao who, in the middle of the interview proper, sounded like Sto. Niño na ikinaloka ni Kris. Hagip na hagip sa camera ang knee-jerk reaction ni Kris na animo’y nag-ipun-ipon sa gitna ng kanyang mukha ang iba niyang facial parts making it look like a crumpled piece of paper na ibinabad sa suka.

    Kris had to pause for a commercial break. And that was funny, funnier than America’s Funniest Videos.



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️




    Atom Araullo’s first-ever documentary with the Kapuso Network was Philippine Seas
    Atom Araullo: Man on a Mission


    8shares000
    KAPUSO DAY - Angel Javier Cruz (The Philippine Star) - February 13, 2019 - 12:00am

    Atom Araullo is a man on a mission. After decades spent in front of the camera — first in 5 and Up and as host in Breakfast, Atom actually kicked off his career in news reporting with GMA.

    The fertile training ground provided by the Kapuso Network in his early years allowed him to hone his skills as a news reporter — skills that he employs until today. Now, 36, (with a starring role in the 2018 movie Citizen Jake) and back at GMA, Atom is ready to take on the new challenges that technology and social media present.

    The shifting landscape of media is like uncharted territory. “TV is the kind of medium that I think you’ll never be able to master, especially since the technology is always changing, the medium is always evolving, and the audience is also evolving. I don’t feel I’m anywhere close to mastering the medium,” he says.

    In Dumaguete last December, Atom kicked off the first leg of the Kapuso Campus Tour: The Regional Masterclass Series at Silliman University. He shared with students what it was like being a millennial journalist and how he is adjusting to the digital demands without sacrificing traditional fact-checking of journalism.

    “The first question I ask is ‘Why are we doing this story? Why are we embarking on this project?’ I think that’s a good way to start and everything else follows.”

     “After you answer the why, ask the how: ‘How am I going to present this?’ Hindi literal. Hindi ko naman ito isinusulat but it’s important to ask, ‘What did you learn from all of this? What do we want our audience to take away?’ It’s like a guide para hindi kami maligaw o mawala sa objective while we are doing the story. It might become more confusing for the people who watch it.”

    With decades of experience in the business, Atom has amassed countless stories, learned numerous lessons, met hundreds of people. A book detailing these stories, lessons and personalities would make for an interesting read, and he is open to writing it but not anytime soon.

    “Sabi nga nila, sa buhay kailangan kong umakyat ng bundok, magsulat ng libro at magkaanak. Nakaakyat na ako ng bundok so siguro isusunod ko na ‘yung... sige. Sabihin na lang nating gusto ko magsulat ng libro.”

    “Honestly, I don’t think I’m equipped to write a book right now. That’s why I’m writing regularly to find my voice and to know if I can write a book.


    Now 36, Atom is ready to take on the new challenges that technology and social media present

    “Sa ngayon, magkakasya na ako doon sa paggawa ng mga long-form stories for online, mga text stories but who knows maybe in the future that would be a good idea? There’s still time.”

    Atom might seem a bit laidback but that is really the nature of his work — there are days that can be hectic and there are days that are slow. It’s different from those who follow a routine or work 9-to-5.

    “It’s both a blessing and a curse, I suppose. It’s a blessing, obviously, because every day is different. No two days are the same so you’re not stuck in a routine. But sometimes routine is good. It’s nice to be able to say that when I wake up at this time, I’m going to write from this time to this time. I’m going to go for a walk and then have a nice lunch, maybe walk the dog, and then go back to work and then sleep at a certain time, maybe exercise. But that’s the price to pay for doing this kind of work which is amazing. No complaints at all,” he says.

    “Sometimes there are late nights so medyo mapapatanghali ng gising. Sometimes, there are early days when you have to catch an early flight. I make sure to eat three times a day and brush my teeth.”

    He keeps in shape by packing a pair of running shoes and exercise gear whenever he travels so if there’s an opportunity to run and get the blood flowing, he’ll do it. “I remember we were doing this story with I-Witness in Sorsogon, and we had this two-hour downtime. Wala akong dalang shoes so tumakbo na lang ako sa beach na nakayapak. Enjoy naman — nakita ko yung beach, naaliw ako sa mga tao, tapos medyo nakapag-exercise pa ako. You take advantage of those moments.”

    A life in politics is not in Atom’s future because he believes there are other ways to effect change. It may be in public service or it can be in media or in other professions. “We have teachers, we have doctors. We each have our own contribution. Hindi ko naman nakikita bakit kailangan pa ako pumasok sa pulitika. Dito pa lang, ang dami-dami nang pwedeng gawin.”

    Atom’s international awards include those won for his first documentary for the Kapuso Network, Philippine Seas, and for Silang Kinalimutan (The Forgotten), his first documentary for I-Witness. Recently, his documentary No Leftovers for The Atom Araullo Specials, was nominated at the prestigious New York Festivals.

    It’s been a year since Atom came back home to GMA but has already received accolades from here and abroad. Just recently, the Kapuso broadcast journalist has been named as National Goodwill Ambassador by the United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR). He is also set to co-anchor the upcoming online newscast Stand for Truth.

    With so much more Atom is capable of doing and wanting to do, I think he’s just beginning.



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Kris Bernal talks about her ‘baby’


    8shares100
    Honey Orio-Escullar (The Philippine Star) - February 13, 2019 - 12:00am

    MANILA, Philippines — When Asawa Ko Karibal Ko lead star Kris Bernal posted an announcement on her Instagram last December about the gender reveal of her “baby,” it piqued the fans’ curiosity.

    Kris would later on admit that the “baby” she was referring to is She, the lipstick line that the Kapuso star has been personally supervising since Day 1. Kris shared that her newest business venture led her to pull out all the stops to the point of having sleepless nights and sacrificing her free time just to make sure that the beauty product would be of high quality.

    “I have no more time for R&R…even doing my nail polish (laughs). I really have lots of things to sacrifice even my time with my family. (Supposedly,) I have Sunday as my free time but it’s been sacrificed also because I have to meet different people (for this project), while my M-W-Fs are for Karibal Ko tapings. I am already used to getting three hours of sleep and sometimes wala nang tulog,” she told The STAR after the recent press launch of She, where Kris got emotional while thanking the people who helped her in this journey.

    Besides her love for lipsticks, the reason why Kris wanted to put up her own brand was she got inspired by Kylie Jenner, a self-made businesswoman who established the famous brand Kylie Cosmetics and is touted as the youngest celebrity billionaire in Hollywood.

    “My love for lipstick led me to start this business and it was all because of Kylie Jenner. Another reason is because I’m bad at applying make-up. For me, lipstick is enough to keep me going, to put color on my face and it gives me confidence. I feel naked when I don’t put on lipstick. So I thought, ‘Why don’t I create my own lipstick brand?’” said Kris, who last year started conceptualizing She, which is specially developed and manufactured in Korea and available in five shades — Off She Goes, So She-Ic, She’s On Fire, Go Girl and She Lovin’ It (exclusively available on Shopee).

    She is having fun running her own businesses these days because aside from the make-up brand, Kris also owns the Korean barbecue restaurant House of Gogi in Quezon City which opened last year.



  • AnnKnownAnnKnown Member PEx Expert 🎖️

    Raymund Isaac, may pahulaan sa pictorial

    Posted by: Pilar Mateo on February 13, 2019 in Showbiz Leave a comment

    DUMAAN sa aking paningin sa FB ang ibinahagi ng aking kaibigang ace photographer na si Raymund Isaac.

    Pa-blind item ang kuwento. Help niyo nga ako i-identify ito:

    Horror story #001-2019

    “I-catalogue natin ang mga horror stories ko, so at the end of this year, I can compile them in a book and ceremoniously burn them in an altar, and offer their ashes to heaven.

    “This happened in one of my shoots. Of course I cannot name the celebrities and the client and the agency involved, wag baka sumikat pa sila. It’s better that we keep you guys guessing and eventually over a glass of gin, baka masabi ko sya.

    “I love the idea that if it’s a difficult shoot, people always call on me. And if it’s a difficult shoot involving celebrities, they always call me too.. 

    This shoot involves a female celebrity. Mabait sya. I never experienced her making taray, she works hard and she doesn’t complain no matter how difficult or irrational (Note: I didn’t say stupid ha) the instructions, requests or requierments are. In short mahaba ang pisi nitong girl na itish!

    Character two. My art director. Young guy na naka-track suit, adidas from head to toe, including a cap that matches his outfit. The cap is brought low just to cover his eyes. Take note this shoot in inside a warehouse, walang araw, so hindi ko alam baka lang may tinataguan si art director kaya feeling incognito sya.

    “Sceneario: I am shooting the female celebrity while she is sitting and there is a table in front of her, while she is holding the product.

    “Art Director(AD): ‘Can she turn right and lift the product?’

    Raymund: “She just did.” I see that he is only looking at the monitor and not at what’s going on in front of him.

    Girl Celeb: “Ganito po?”

    AD: “Yes.” then turns to the monitor again.

    Raymund: “Sir, dito ho kayo mag concentrate sa front at wag sa monitormas mabilis kumilos yon model natin kaysa sa loading sa screen..”

    AD: “I think she’s fat.”

    Raymund: Thinking to myself, you never say fat to anyone out loud. Mabait si girl and replies with a smile sarcastically;

    Celeb: “ If I use my arm to cover my bilbil, happy ka na?”

    ASD: “Puwede..” no emotion.

    so we shoot a few rounds..

    AD: “And laki ng boobs, Malaswa tignan..”

    Celeb: “Naku wala na ho akong magagawa dyan, package deal ho kasi.. Sana sa approval pa lang ng wardrobe na kita na ninyo yan.. Takpan natin ng kamay ko para hindi halata..”

    The female celeb goes to do so…

    AD: “Pero impolite ipatong ang elbows sa table, takpan mo, walang elbows, hold the product high,, then cover your bilbil nga.”

    Patay, impossible ito, at medyo bastos na ang dating nitong AD natin.”

    Naintindihan niyo ba at nahulaan kung sino?

    HARD TALK!
    ni Pilar Mateo


  • mattimeomattimeo Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    :open_mouth:

    Ang ganda ng MV ng Kara Mia! Very GMA Drama ang dating! Sana maging successful!

    Mukhang may papanoorin ulit ako sa GMA. :lol:
  • maputikmaputik shalabalaba tuna Kapuso Elite ⭐
    PExLounge Serye for @topseller and @outburn07 please! 
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru 🎖️🎖️
    onyongs said:
    Ibigay na lang kay mikee at Pauline yung supposed show ni Kate with Jean. Mas ok na launching pad kay Kate yung Majika. 
    Kung Freaky Friday comedy-type, mas bagay kay Mikee. And bet ko mag-lighter drama si Jean like her roles sa KK and guesting sa Inday. Maybe yung typong-sossy si Jean tapos tomboy-ish/athletic si Mikee then mag-body switch.
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru 🎖️🎖️
    Majika: Not a direct remake but a story about SABINA's daughter. Mikee Quintos or launching soap for Pauline Mendoza 
    Wish ko si David L ang leading man ni Mikee kung matuloy to :lol:
    *sudden flashback to a tense episode of Pexstuck*
This discussion has been closed.