Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

PLEASE HELP ME!!! SOBRANG LUNGKOT KO.... ANO BA DAPAT KONG GAWIN...

Andrew-PeterAndrew-Peter Member PEx Veteran ⭐⭐

Just this Friday, I was served a notice to explain why I should not be terminated sa call center. Sinagot sagot ko daw yung customer. 

Nung December, they served me the same notice, and the management and HR gave me another chance. Ang ground was: sinagot sagot ko yung customer.

From November 2016 to Feb 2018, back office ang trabaho ko sa call center na yun, and madali ang trabaho ko. Kaso I found my teammates to be sensitive and mataas ang pride, kaya kahit baguhan ako sa trabaho ko, eh di na ko nakapagpigil. After ko maregularize, sinagot sagot ko na sila kahit nung una very humble ako. Eventually, nung February 2018, after more than a year of being with the Back Office Team, my Back Office TL decided to transfer me sa calls kasi andami ko na raw nakasagutan sa team ko.

1. So I am wondering: ganun ba talaga? Wala ba kaming karapatang mga mere agents na sumagot sa customer? Kawawa naman pala kami. Kahit yurakan na ang pagkatao namin, kailangan mabait pa rin sa mga customer.

Eh to be honest, pexers, kaya ko sinagot sagot yung dalawang customer, ay dahil ang pangit ng approach nila from the very beginning ng call. Masama ang pakikitungo nila. Bastos. 

2. Ano ang dapat kong gawin para maconvince ko ang management and HR to give me another chance? 

Gusto ko magstay kasi kahit call center kami, ang taas ng sweldo ko. To be honest ha. 33 thousand monthly ang sahod ko.

Pero sa ibang banda, to be really honest, ayoko na talaga ng calls. Mas maflouflourish ako pag sa back office ako. Kasi ang ganda daw ng trabaho ko nung nasa back office ako. And also, ayoko na talaga ng panggabi. Gusto ko yung nakakatulog na ko ng normal. Ayoko na yung nahihirapang matulog at umiinom weekly ng sleeping supplements.

Please help me, fellow pexers. Kelangan ko talaga ng kabutihan niyo, ng mga advice niyo. You can be brutally frank with me.

Maraming salamat in advance. 

Comments

  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru 🎖️🎖️
    edited January 2019
    I am going to be a bit harsh ha and bluntly honest. 

    1. Wrong thread ka. This should be under Call Center/BPO. 
    2. You are contradictory or in denial sa mga statements mo. You said you might flourish and do a better job sa back-office, but you were bolted out due to office tension. Truth is kahit saang work, you cannot separate job function sa relationship mo sa mga officemates. Part iyan ng pag "flourish" to quote your own words. Besides, you cannot grow in your career kung pati ang TL mo ay hindi na naniniwala sa iyo. You will be skipped for promotion, get lower salary increases, or one of the first ones to be let go kung may business needs. Hindi bulag ang mga nasa management. So tell me again, nag thrive ka ba talaga sa back office role?
    3. It is a big NO na sumasagot sagot ka ng customer. Meron kasing tamang approach for that, maging assertive but kind/helpful ka. Totoo, some customers can be an a-hole, pero they don't deserve more aggravation kasi kaya sila nagrereach out dahil may problema sila at most of the time ay frustrated na ang mood nila. Isipin mo, kung may problem ka sa PLDT tapos ang nakausap mo sa PLDT na hotline ay sinagot ka rudely, ano ang mararamdaman mo? Take note, may ginagawa kang urgent na project at kailangan mo ng internet pero ilang days pa maaayos. Sa tingin mo, can you still be your usual self bago ka kumontak sa PLDT?

    Ang gusto kong maintindihan mo, most customers na nakakausap mo are NOT INTENTIONAL with their actions and yet here you are, papatulan sila who is supposed to know better. 

    Ngayon, may show cause memo ka na. I don't know about your company pero sa mga BPO companies kung saan ako dati, rudeness is tantamount to termination. Ang show cause memo ay for legality sake nalang kasi nasa labor law na dapat mag explain muna ang both parties, ikaw at employer mo. Kung ako ang tatanungin mo, it is too late to save this job.

    Ang pwede mo nalang gawin ngayon habang hindi ka terminated ay mag apply sa ibang back office jobs. Hopefully, may ipon ka at makapag start ka agad bago ka mawala dito. AND BECOME MORE MATURED kasi walang guarantee na hindi mo ito ulit mararanasan.

    Kung mag uusap na kayo ng HR, sabihin mo na you are deeply affected by personal issues and some tensions sa work. Plus, you lack sleep and getting some adverse reactions sa tinatake mong gamot kaya nagkakaroon ka ng mood swings. I-highlight mo iyong matagal ka na sa company plus your good performance prior this incident. At sabihin mo na hayaan ka nalang nila mag resign voluntary in good faith if sa palagay nila, you no longer deserve it. Kailangan mong magpakumbaba.
  • Andrew-PeterAndrew-Peter Member PEx Veteran ⭐⭐
    Thank you for your honesty. 
  • May kasabihan, "the customer is always right." Ibig sabihin nito huwag makipagtalo sa customer. Kung bastos ang customer maaari mong ipasa sa iyong supervisor at siya na ng bahala makitungo.

    Customer service na trabajo kailangan makapal ang balat at mahaba ang pasensya....
  • tidgetidge lie and die PEx Influencer ⭐⭐⭐
    dapat sa MMA ka pumasok  =)

    wala ng palipaliwanag... bakbakan na!!!
  • chenelyn_grapeschenelyn_grapes Seedless PEx Influencer ⭐⭐⭐
    i suggest na change career ka na. pag nasa call center ka diba customer service yan. kung masyado kang emotional at sasagot sagutin mo yung mga rude callers mo, di ka magtatagumpay diyan. malamang sahod na lang ang habol mo kaya ka nagsstay diyan.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file