COMMUNITY NOTICE: Please send your reports, concerns and other inquiries to admin "pexer99". This account will handle all community functions for PinoyExchange. You can also email us at [email protected] For category related concerns, you can also send a message to one of our moderators. Check the updated list of moderators here.

2019: ABS-CBN's Primetime Bida vs. GMA7's Telebabad

PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
edited January 6 in Showbiz - General
Image result for year 2019 gif

primetimebidajpg

giphygif2f405b0d-4f6b-4d27-b6da-563c1bd17babgif
«134567106

Comments

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭

    GMA offers 'shows that matter' in 1Q of 2019

    By Aaron Brennt Eusebio
    December 22, 2018

    Three new primetime shows with three stories that matter are coming your way this 2019.

    GMA Launching Shows 2019
    GMA Launching Shows 2019


    Real-life sweethearts Jak Roberto and Barbie Forteza will star in Kara Mia with Paul Salas and Mika dela Cruz.

    Kara Mia's story revolves around sisters Kara and Mia who share the same body but have different faces.

    Another show that will air in 2019 is TODA One I Love starring Kylie Padilla and Ruru Madrid.

    The show is a political series with a romantic comedy twist. A timely offering from GMA News and Public Affairs as it strives to reflect the political culture in the Philippines during elections.

    Meanwhile, StarStruck alumnus Migo Adecer will join the love team of Bianca Umali and Miguel Tanfelix in GMA's new show, Sahaya.

    Sahaya is about a Badjao girl who, despite numerous struggles in life, will stay true to her identity.

    Watch these enthralling and inspiring shows in 2019 only on GMA Telebabad!



  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
    edited January 6

    ‘The General’s Daughter’ will ‘shock’ viewers with scale of production, says Albert Martinez

    Miguel Dumaual, ABS-CBN News

    Posted at Jan 02 2019 08:18 PM | Updated as of Jan 03 2019 01:10 AM


    Angel Locsin portrays a soldier raised to kill her own father, played by Albert Martinez,                                                                             in ABS-CBN’s ‘The General’s Daughter.’

    MANILA — Nine months since the first details of “The General’s Daughter” came to light, Angel Locsin’s teleserye comeback is finally nearing its premiere — with a scale of production that is poised to “shock” viewers.

    That’s according to screen veteran Albert Martinez, who portrays the titular “general” opposite Locsin as the “daughter.”

    Martinez, 57, is among the cast members of the action-drama series, alongside fellow screen veterans Tirso Cruz III, Eula Valdez, Janice de Belen, and Maricel Soriano.

    Referring to the Dreamscape production as one of the “flagship” programs of ABS-CBN in 2019, Martinez said it will “shock a lot of audience when they see the cast, the mounting of the drama, the mounting of the action, the mounting of the interaction between components [of the story].”



    “You can say it’s a huge project. There’s so much to see, there’s so much to expect,” he told ABS-CBN News. “Of course, you get high-caliber actors involved in the project. Talagang powerhouse. On top of all this is Angel Locsin.”

    In production as early as April 2018, “The General’s Daughter” was officially unveiled in November during ABS-CBN’s “Family is Love” trade event. Its first trailer unraveled a story spanning two generations and three families, with Locsin’s character, Rhian, as the central figure.

    Directed by Manny Palo and Mervyn Brondial, the series appears equally packed with drama and action, with scenes depicting Rhian — a soldier raised to kill her own father — in conflicts both physical and emotional.

    “I’ve seen portions of it and I’m really so proud to be part of it,” Martinez said.



    When “The General’s Daughter” premieres in the first quarter of 2019, Martinez will be seen in two concurrently airing ABS-CBN Programs, the other being the hit afternoon drama “Kadenang Ginto.”

    “To be honest, when I turned 50, I told myself, ‘This will be the last stretch of my career.’ Because realistically, what role can you play at the age of 50 – father roles, lolo roles, and all that,” he said.

    “It didn’t cross my mind, the possibility of still being a leading man with the likes of Bea Alonzo and now Beauty Gonzalez,” he pointed out, referring to his respective onscreen partners in “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” (2014) and “Kadenang Ginto.”

    Martinez, who hasn’t had a year since 2006 without a role in an ABS-CBN teleserye, said he is “very thankful and overwhelmed” over the recent strides in his already storied 40-year career.

    “Sabi ko, ‘Hey, wait a minute, puwede pa pala!’”

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
    edited January 6
  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭

    Raymart-Juday loveteam bagong putahe ng ABS-CBN para sa 2019

    By Julie Bonifacio
    January 06,2019


    PANAY na ang pagpapakita ng trailer ng Kapamilya shows na isasalang nila as pagpasok ng 2019. Ang tatlong malalaking programa ng Dos na magsisimula ngayong buwan ay ang The General’s Daughter, World Dance (dance competition) at ang pagbabalik ng Minute To Win It.

    Bukod diyan, marami pang mga programa ang Kapamilya Network ang naka-standby gaya ng Starla ni Judy Ann Santos. Middle of last year pa ito nabalita but up to now ay mukhang hindi pa siya isasalang sa ere.

    Napanood na namin ang ilang eksena sa Starla at mukha namang promising. Plus, fresh para sa viewers na makakapareha ni Juday ang ex-hubby ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago.

    Sa nakaraang Christmas special ng Dos ipinakilala sa audience ang tambalan nina Juday at Raymart. In fairness, they look good together on stage at may mga kinilig na fans sa Araneta Coliseum. Ibig sabihin, may dating ang Juday-Raymart tandem.

    Natatawa na natutuwa naman kami kay Raymart habang pinapanood siya sa duet nila ni Juday.

    Mukhang mahiyain pa rin ang aktor at parang hindi mapalagay na kasama niya si Juday sa stage habang kumakanta.

    Pero sa production number naman niya kasama ang mga kapatid na sina Rowell at Randy Santiago, bigay na bigay siya sa pagsasayaw, huh!

    Nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang isa sa mga bidang child star sa Starla na si Enzo Pelojero na kilala rin bilang si Bingo. Marami na raw silang na-tape na episode and very happy siya na makatrabaho si Juday.

    “First time ko po siya nakita. Nu’ng una po, medyo hindi pa kami close. Nu’ng tumagal po, lagi na kaming nagba-bonding. Minsan po binibigyan niya ako ng mga chocolate,” kwento ni Enzo.

    After that, close na raw sila ni Juday. Lagi raw nagkukuwento sa kanila si Juday ng kung anu-ano. Pero ‘di pa raw niya nami-meet ang mga anak ng Soap Opera Queen, “Ay, hindi po. Hindi po niya sinasama sa taping, e.”

    Si Enzo ang bagong image model ng Hammerhead for Kids Jeans and Shirts. Nag-expire na kasi ang kontrata ng dati nilang endorser na si Onyok Pineda.

    Bata pa lang ay nagmo-model na si Enzo. Nag-workshop din siya hanggang makuha sa “Mini Me” contest ng It’s Showtime. Naging second runner-up siya kung saan ginaya niya si Daniel Padilla.

    Pagkatapos ay naging bahagi na siya ng “Sinemoto” segment sa noontime show ng Dos na tumagal ng tatlong buwan. Dito nakilala si Enzo bilang si Blad. Then, nagkaroon siya ng ilang guesting for Maalaala Mo Kaya hanggang kunin for a special role sa pelikulang “Ang Panday” ni Coco Martin.

    At sa ngayon, bahagi pa rin si Enzo ng top-rating teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Dexter. Nakatanggap na rin siya ng nomination mula sa PMPC Star Awards for TV sa kategoryang Best Child TV Performer of the Year nu’ng 2017 and 2018.

    Dahil sa achievements na ‘yan ni Enzo kaya siya ang napili ng Hammerhead for Kids para gawing child celebrity endorser.

    Masaya si Enzo na kinuha siya ng Hammerhead dahil imbes na bibili pa sila ng damit, may libreng supply na sila kaya laking tipid for his family.

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭



    Umariba na sa social media ang trailer ng pagbabalik ni Angel Locsin sa telebisyon, sa tele­seryeng “The General’s Daughter” na may pa-caption, pa-hashtag pa na “she is back.”
     
    Humamig na agad ng libong views at likes ang nasabing trailer, na dapat lang naman dahil sa po­werhouse cast nito na kinabibilangan nina Albert Martinez, Janice de Belen, Eula Valdez, Arjo Atayde, Ryza Cenon, JC de Vera, Paulo Avelino, Ronnie Alonte, Loisa Andallo, Tirso Cruz III at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
     
    Sa trailer pa lang mararamdaman na ang tension, lalo at ang huhusay ng mga artistang kasama sa nasabing serye tulad nina Maricel at Janice. Ito ang unang pasabog ng Dreamscape Productions para sa 2019.
     
    Sa seryeng ito hahamunin ang kakayahan ni Angel Locsin sa rating at kung na-maintain pa niya ang kanyang kasikatan sa telebisyon.
     
    “Blessed to be working with top caliber actors and actresses I highly respect and admire in the industry! Grabe, nakaka-starstruck sila sa husay at pakikisama. Thank you Sir @montie08 @dreamscapepph for makit this possible #TGDSheIsBack,” sabi ni Angel.

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭

    Alden Richards, Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun ang susunod na teleserye?

    by PEP Troika posted on January 07, 2019

    GORGY RULA: Mukhang hindi sina Alden Richards at Maine Mendoza ang magbibida sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Descendants of the Sun.

    IMAGE ALDEN RICHARDS INSTAGRAM

    Iyon ang tono ng sagot sa amin ng mga taga-GMA Artist Center nang tinanong namin tungkol dito sa thanksgiving party ni Alden para sa entertainment press, na ginanap sa kanyang Concha’s Restaurant nitong Sunday afternoon, January 6.

    Ang Descendants of the Sun ay pinagbidahan ng Korean superstars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, na nagkainlaban habang ginagawa ang drama series at nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon.

    Nang tinanong namin si Alden, excited daw siya sa proyektong ito. Pero hindi niya alam kung ano ang plano ng GMA-7.

    “Hindi ko pa rin po alam. Sana po, kami,” pakli ni Alden.

    Dagdag niya, “Pero sa ngayon po, wala pa pong final word sa soap opera.”

    Sabi ng head ng GMAAC na si Ms. Gigi Lara, mas gusto sana nilang bumalik sa drama si Alden.

    May pagka-action kasi ang Descendants of the Sun na nagawa na ng Pambansang Bae sa Victor Magtanggol.

    Kahit si Alden ay gustong mag-drama muna, pero tingin niya ay may pagka-drama rin ang Descendants of the Sun.

    Pero nasa GMA-7 na ang desisyon kung kanino nila ibibigay ang naturang proyekto.

    Ang latest na narinig naming magbibida sa Descendants of the Sun ay si Dingdong Dantes.

    Pero ayaw itong kumpirmahin sa amin ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc. dahil ongoing pa ang Cain at Abel.

    NOEL FERRER: Kung sinabi na ni Gigi Lara na may pagka-action ang Descendants of the Sun at iiwas muna sa maaksyong gaya ng Victor Magtanggol si Alden, paniwalaan natin yun.

    More than another TV show, pelikula ang kailangan ni Alden para patunayang may steady na paying audience siya.

    Kaya niya ‘yan, he has the whole network and the press rallying behind him.

    Good luck, Alden!

    JERRY OLEA: Sa mga nagtatanong “what went wrong” kina Alden at Maine, maayos ang tugon ng binata.

    Aniya, “I guess nothing went wrong po. It’s just a matter of choices. I’ll just leave it there na lang po.”

    Masayang-masaya ngayon sa buhay sina Alden at Maine, kahit wala silang romantic relationship.

    “Ang kaligayahan po kasi, para sa akin, hindi ginagamitan ng isip, eh. It’s a feeling,” sambit ni Alden.

    “Tapos, minsan po, ‘yang pakiramdam na iyan, hindi mo alam kung saan galing.

    “Talagang masaya ka lang. At gusto mong malaman ng lahat na masaya ka.”

    Wala ngayong pressure sa tandem nila ni Maine.

    “Sa ngayon po, mas relaxed po at mas masaya kaming dalawa. Sobra po!”

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭

    Hindi maitago ang pagkadismaya ng mga televiewer sa takbo ng istorya ng “Halik” na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Sam Milby at Yen Santos.
    Naubusan na raw ba ng idea ang mga writer at pinapahaba na lang ito? Ayaw nila sa twist ng istorya.
    Hindi nila ma-take na si Jericho Rosales ang ama ng ipinagbubuntis ni Yam.
    Nalungkot din ang mga fan ng Lino-Jacky (Echo-Yen) dahil akala nila ay magkakatulu­yan.
    May netizen din na nagsabi na binasag ang tv dahil sa sobrang inis sa role nina Jericho at Yam.
    Puwede na raw barilin sa Luneta ang karak­ter ni Echo na pagkatapos magpa­kasarap si Jade (Yam) kay Ace (Sam) ay  suportado pa rin niya ang kalagayan nito.
    Talbog!
  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
    January 08, 2019
    By Nitz Miralles

    Dennis Trillo

    Ang comment ni Coco Martin na “ganda ng movie n’yo Bro!!! Congrats...” sa trailer ng pelikulang Mina-Anud nina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli.

    Ibig sabihin, pinanood ni Coco ang trailer ng movie na naka-post sa Instagram (IG) nina Dennis at Jerald.

    Matatandaang hindi ito ang first time na nag-comment si Coco sa project ni Dennis dahil nag-comment at nag-like rin siya sa pinost na BTS ng Cain at Abel, ang action-drama series nina Dennis at Dingdong Dantes sa GMA-7.

    Nagpahayag pa nga si Coco na sana ay magkasama sila ni Dennis sa isang project.

    Produced ng Epic Media ang Mina-Anud na idi-distribute ng Regal Entertainment, hindi pa nga lang alam kung kailan ang showing dahil “Soon” pa lang ang nakalagay.

    Ang Mina-Anud ay winner ng Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum 2017.

    Dapat din sa promo ng movie, sabihin kung ano ang ibig sabihin ng Mina-Anud dahil hindi maintindihan ng mga hindi Bisaya.

    Ang ibig kasing sabihin ng title ay may naanod at sa pelikula ni Kerwin Go, shabu ang naanod sa dagat.

    Ang nabanggit na pelikula ay isa lang sa mga pelikulang gagawin ni Dennis this year dahil marami pa siyang naka-line-up.

    Ginanahan yata ang aktor nang manalong best actor sa MMFF, kaya gagawa pa ng pelikula. Lalo na at binali na ang pangako dati na ’pag may teleserye siya, hindi siya gagawa ng pelikula.
  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
    edited January 9


    YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 8, 2019

    Hulaan n’yo kung saan nag-celebrate si Joshua Garcia ng kanyang Pasko at Bagong Taon?

    Sagot: well, sa kanyang bagong biling bahay lang naman na hindi niya ni-reveal ang exact location. Although, in time, he promised he will.

    Samantala, ayaw namang magbigay ng hint ni Joshua kung kasama niya ba ang girlfriend na si Julia Barretto noong Pasko at Bagong Taon although may nagsabi na sa Amerika nag-Pasko ang pamilya ni Julia.

    Maging si Julia ay may bagong bahay din.

    Of Joshua, natupad na rin ang pangako niya sa kanyang ama na patatayuan niya ito ng sariling restaurant sa kanilang bayan sa Batangas.

    In two weeks naman, magpapaalam na sa himpapawid ang series na Ngayon At Kailanman na pinagbibidahan nilang dalawa ni Julia. Ang bagong serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter ang ipapalit dito.

    Yassi sumumpang ‘di agad magkakaanak, nali-link sa basketbolista

    Kung ang ibang mga artista ay mga aso at pusa ang nagsisilbi nilang alaga, kay Yassi Pressman naman ay ang kanyang tatlong  ahas na love na love at alagang-alaga niya. Parang anak daw ang turing niya sa mga ito.

    Ang pagkakaroon ng anak at 23 ang isinusumpa ni Yassi na hindi mangyayari, lalo’t focus na focus nga naman siya sa kanyang showbiz career.

    Not at this point in time when his current series with Coco Martin, FPJ’s Ang Probinsyano ay obvious na matatagalan pa bago magtapos. In fact, the way it looks, kung ang mga sumusubaybay sa teleserye ang masusunod, hindi nila papayagang mag-end ito.

    The same following ng series are keeping their finger crossed that, in time, ma­ging totohanan na ang relasyon nina Coco at Yassi.

    Gumaganap kasi ang dalawa bilang mag-asawa which of course, malabong mang­yari dahil kahit ‘di man aminin ni Coco, stable pa rin ang relasyon nila ni Julia Montes.

    Samantala, si Yassi naman ay nali-link sa Filipino-Canadian basketball player na si Jon Zemira.

    Yassi was formerly linked sa Kapuso talent na si Sef Cadayona.

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭

    Angel Locsin quips about Regine singing OST of teleserye: "Hindi ko makakanta 'to sa mall show!"

    by James Patrick Anarcon posted on January 9, 2019

    IMAGE The General's Daughter / ASAP

    Angel Locsin (left) writes an appreciation post for Regine Velasquez and Ogie Alcasid for doing the theme song of The General's Daughter. Regine interpreted the theme song, "Ikaw Ang Aking Mahal," which was written by Ogie.


    Angel Locsin thanked Regine Velasquez-Alcasid for singing the theme song of her upcoming series, The General's Daughter.

    This ABS-CBN show is Angel's comeback teleserye after five years.

    Last January 6, Regine performed the theme song on ASAP Natin 'To.

    Titled "Ikaw Ang Aking Mahal," the theme song is an original composition of Regine's husband, Ogie Alcasid.

    Through her Instagram story last January 7, Angel wrote an appreciation post for Regine and Ogie after the ASAP Natin 'To performance.

    She wrote, "Thank you ate Regine & kuya @ogiealcasid for allowing #TheGeneralsDaughter to be the first teleserye in ABS na ginawan nyo po ng theme song. Such an honor. May the Lord bless you more for being so generous & so supportive."

    She also told Regine in her message, "Goosebumps everytime kinakanta mo ang 'Ikaw Lang Ang Aking Mahal' ang powerful ng words at ng pagkanta."

    Angel then quipped that she was concerned by one limitation because of Regine's rendition of the song: "Isa lang inaalala ko, Hindi ko makakanta 'to sa mall show!"

    "Ikaw Ang Aking Mahal" is Regine and Ogie's first official collaboration as Kapamilyas for a teleserye theme song.

    Back in 2011, when Regine and Ogie were still with GMA-7, the married couple were able to collaborate for "Sino Ako?" This was used as the theme song of Kim Chiu's prime-time series My Binondo Girl.

    At that time, Regine was pregnant with her first child, Nate. However, it was not allowed to be officially mentioned since both Regine and Ogie were under contract as Kapuso artists.

    Regine was also able to sing the theme song for an Angel Locsin teleserye when they were still with GMA-7.

    It was titled "Hindi Ka Mag-Iisa," which was used in the 2005 TV adaptation of Darna, with Angel playing the title role.

     IMAGE @THEREALANGELLOCSIN ON INSTAGRAM
  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭


    dreamscapeph

    Abangan ngayong Miyerkules, January 9 #KGTestigo #FPJAP3Magkaisa ⚡️

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭

    dreamscapeph

    Magkakaisa ang Vendetta para sa Pinuno! Abangan ngayong gabi pagkatapos ng TV Patrol #FPJAP3Magkaisa

  • PaPi2010PaPi2010 Member ✭✭✭✭✭
    edited January 9

    Ang Probinsyano at Kapuso Mo Jessica Soho, most watched TV programs noong 2018

    by PEP Troika posted on January 09, 2019

    JERRY OLEA: Patuloy ang Network War kaugnay sa national TV ratings para sa nagdaang taon.

    Ayon sa Kantar Media, nitong 2018 ay 45% ang average audience share ng ABS-CBN, kumpara sa 32% ng GMA-7.

    Sa Mega Manila, 36% ang ABS-CBN, kontra sa 34% ng GMA.

    Sa Metro Manila, 42% ang ABS-CBN, laban sa 26% ng GMA.

    Sa Total Luzon, 40% ang ABS-CBN, kumpara sa 35% ng GMA.

    Sa Total Visayas, 53% ang ABS-CBN, kontra sa 26% ng GMA.

    At sa Total Mindanao, 52% ang ABS-CBN, laban sa 28% ng GMA.

    Sa listahan ng pinakapinanood na programa noong 2018, labing-anim (16) na palabas ng ABS-CBN ang nakapasok sa top 20, na pinangunahan ng FPJ’s Ang Probinsyano (41.2%) ni Coco Martin.

    IMAGE FPJ'S ANG PROBINSYANO

    Kasama rin sa Top 20 ang Pilipinas Got Talent (38.1%), Your Face Sounds Familiar Kids (33.3%), Bagani (31.8%), La Luna Sangre (31.4%), TV Patrol (30.5%), Ngayon at Kailanman (28.8%), MMK 25 (27.2%), The Kids’ Choice (26.2%), Wansapanataym (25.7%), Home Sweetie Home Walang Kapares (23.4%), Wildflower (23.3%), Home Sweetie Home (23.2%), Halik (22%), Meteor Garden (21.6%), at Rated K (19.8%).

    Ayon naman sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng Nielsen TV Audience Measurement, 40.8% ang total day people audience share ng GMA, kumpara sa 37.5% ng ABS-CBN.

    Sa Urban Luzon, naka-45.9% ang GMA, kumpara sa 31.5% ng ABS-CBN.

    Sa Mega Manila, 47.7% ang GMA, kumpara sa 28.7% ng ABS-CBN.

    Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang most watched GMA program nitong 2018.

    Kabilang din sa malalakas na palabas ng GMA-7 last year ang Daddy’s Gurl, The Clash, Kambal Karibal, Pepito Manaloto, Onanay, 24 Oras, Victor Magtanggol, Magpakailanman, Studio 7, Super Ma’am, The Cure, Cain at Abel, Sherlock Jr., Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, Inday Will Always Love You, at Lip Sync Battle Philippines.

«134567106

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file