Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

May GF na ko pero na-fall ako sa iba, anong gagawin ko?

Five years na kami ng GF ko. Hindi madali. Maraming ups and downs pero nakayanan namin 'yon. Masasabi kong marami kaming flaws. May mga bagay akong hinahanap na wala sa kanya. Selosa siya at hindi ganoon kadali magtiwala kahit sa akin. 

One day, I met this girl in the office. Hindi ko akalain na magiging ganito kami ka-"close." Noong una kasi, sinasakyan ko lang ang mga biro niya hanggang sa humantong sa nagtatawagan na kami ng "baby." Ang pinaka-recent na nagawa namin together ay mag-staycation sa isang condo sa Tagaytay. Hindi ko alam kung bakit ko nagagawa 'to at kung bakit pumapayag siya. Alam niya na may GF ako. Concern naman siya sa relationship namin ng GF ko pero kapag magkasama na kami, parang kami talaga. Ngayon, she asked me na itigil na namin 'to. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako at nasasaktan. Na-inlove na ba ko sa kanya? I'd like to believe na everything is just infatuation or merely physical. Pero, anong ibig sabihin ng emosyon ko. Para kong nakikipag-break sa totoong GF ko. Please help. 

Best Answers

  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru 🎖️🎖️
    Accepted Answer
    Sounds like bf ng sister ko. Lol!

    Seriously, just break up with your current gf. Hindi ka na masaya and obviously you are cheating (at nagpakita ka rin ng motibo). Explain to your current gf how it happened in a more subtle way. I am sure she will appreciate it someday na naging honest ka kahit sa dulo.
  • darmonxdarmonx Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Accepted Answer
    I won't call it infatuation if you got to know each other over time. It's just time to end the old relationship.  May dahilan kaya gf-bf lang kayo ng current. Hindi kayo kasal but give her the respect of ending the relationship.  It gives respect to her, yourself, and this new girl.  
  • panis_na_putopanis_na_puto Member PExer
    Accepted Answer
    Kailangan mong magpasya kung sino talaga ang gusto mo: ang kasalukuyang gf o ang ka-trabajo mo. Mahirap lang magkaroon ng katipan sa trabajo. Kapag nagkaproblema kayo ay pati trabajo apektado.


  • ValorianValorian Do no harm PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Accepted Answer
    bored ka lang..

    kasi naghahanap ka ng bagay na hindi mo nagagawa sa current jowa mo na nagagawa mo sa kabit mo..may hinahanap kang thrill na wala, nawala o nawawala sa relasyon mo ngayon..kaya parang breath of fresh air yang kabit mo..natural na sabihin mong mahal mo pa yung jowa mo, nakapag invest ka na sa kanya ng matagal, nanghihinayang ka sa pinagsamahan niyo..e kaso hindi mo naman inisip yan nung lumandi ka e noh? 

    magandang excuse yan para mangaliwa..

    pero kung si ate e sinasabi niyang tumigil na kayo, tumigil na kayo..kung ikaw naman tong ayaw pang tigilan si ate, makipaghiwalay ka na sa jowa mo, tigilan na ang lokohan at [email protected], magpakalalake ka at panindigan mo yung magiging desisyon mo

  • migz@70x7[email protected] Member PEx Veteran ⭐⭐
    Accepted Answer
    @troubledshooter15
    Love is a commitment. Kung hindi mo kayang mag-commit sa iisa, mahihirapan ka nyan hanggang pag tanda mo, magulong relasyon pinapasok mo.



  • blue_tracerblue_tracer soundscapes PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited December 2018 Accepted Answer
    mahirap mag pasya kung sino sa kanila ilalaglag mo kung naka sentro lang sa sarili mo ang lahat, at your convenience: 'yun bang natatakot ka mawalan. pero 'di ka concerned sa feelings nila. :lol:

    keep them both as long as you can. pero.. pag ang isa sa kanila or both nawala, dapat tanggapin mo ang consequences. be a man. 
  • ram18ram18 PExer
    Accepted Answer
     Choose what makes you happy.

Answers

  • Can I say na mahal ko pa rin naman talaga GF ko? Kasi, if not, eh 'di sana gano'n na lang kadali para sa'kin na makipagbreak. But it's not that easy for me. Comfort zone ko na rin siguro s'ya. I know, I am being unfair, sa GF ko at sa other one. Nahihirapan talaga ko. You know, the struggle is real. Addendum pala, ang dami naming common interest ni "other one" kaya siguro mabilis ko rin s'yang nakapalagayang-loob. Those interests na hindi ko na-eexperience with my GF. 
  • nekobusinessnekobusiness PEx Rookie ⭐
    Naisip ko lng baka pag kayo n nung katrabaho mo may makilala k ulit na bago tapos maramdaman mo ulit na mas bagay pala kami nitong bago and the cycle continues 
  • for me, you need to choose. dont be selfish. at kapag nakapili ka na, commit to it. wala nang atrasan.
    im in the same situation. and it hurts so bad to see the person you love na ipinapaubaya na sa iba. the other woman here =(
  • azalea7 said:
    for me, you need to choose. dont be selfish. at kapag nakapili ka na, commit to it. wala nang atrasan.
    im in the same situation. and it hurts so bad to see the person you love na ipinapaubaya na sa iba. the other woman here =(
    Gan'yan din kaya ang naramdaman niya sa akin? You know what, siguro kaya hesitant ako dati na hiwalayan ang GF ko to pursue the other girl ay dahil takot ako na baka ang ending ay mawala sa akin both of them. Sometimes, I have this thinking na, minahal naman ako ni other girl given na ginusto niya na magbreak na kami ng GF ko, pero hesitant din siya that time kasi nga parang ayoko naman talagang iwan ang GF ko. Haist! Ang gulo! Ang hirap! Could you imagine, how many months have passed pero ito pa rin ako... caught in the middle... lost in the nothingness. Hindi pa rin makapagdesisyon nang buo. I hope everything will be alright very soon. 
  • Five years na kami ng GF ko. Hindi madali. Maraming ups and downs pero nakayanan namin 'yon. Masasabi kong marami kaming flaws. May mga bagay akong hinahanap na wala sa kanya. Selosa siya at hindi ganoon kadali magtiwala kahit sa akin. 

    Kung madami kang hinahanap na wala sa kanya, sad to say, uulit ulitin mo lang ang panloloko sa kanya. Do her a favor, iwan mo na. Afterall you don't love nor respect her ENOUGH, since you fell for someone else. :(

    Si Girl#2 naman, seems like she got tired of waiting for you. Let her go na rin. It would be selfish of you kung ipilit mo pang isali siya sa gulo MO. 

    Good luck po. :)
  • NilsNils Hunter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Anong gagawin mo? - Huwag magpapahuli sa GF mo. Yan ang numero uno mong dapat gawin... lol!


  • blue_tracerblue_tracer soundscapes PEx Influencer ⭐⭐⭐
    takpan mo bibig ni "another" girl para hindi marinig ang ungol. 🤣🤣
  • Hay naku mga ganyang situation.. nakakainis. Let go mo nlng si gf and maging honest ka sa feelings mo. Hindi ka mafafall, magkaroon ng gusto sa ibang girl kung mahal mo talaga gf mo. Kainis mga ganyang lalaki! Dami palusot! Dami excuses! 
  • NilsNils Hunter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Queen1313 said:
    Hay naku mga ganyang situation.. nakakainis. Let go mo nlng si gf and maging honest ka sa feelings mo. Hindi ka mafafall, magkaroon ng gusto sa ibang girl kung mahal mo talaga gf mo. Kainis mga ganyang lalaki! Dami palusot! Dami excuses! 
    Marami ding ganyang babae, hindi lang lalaki ang napupunta sa ganyang sitwasyon. Isa pa, yung new girl alam na may GF yung tao, dikit pa ng dikit. 
  • Nils said:
    Queen1313 said:
    Hay naku mga ganyang situation.. nakakainis. Let go mo nlng si gf and maging honest ka sa feelings mo. Hindi ka mafafall, magkaroon ng gusto sa ibang girl kung mahal mo talaga gf mo. Kainis mga ganyang lalaki! Dami palusot! Dami excuses! 
    Marami ding ganyang babae, hindi lang lalaki ang napupunta sa ganyang sitwasyon. Isa pa, yung new girl alam na may GF yung tao, dikit pa ng dikit. 


    Anyways, maganda na din yan dahil mag gf/bf plng sila. Madali lang mag let go and mag move on. Dapat thankful ung mga ganung nass sitwasyon na h di pa sila kasal. Dahil kung kasal na sila at may mga anak na, kawawa ka tlaga. Kaya mga ganyang tao, dapat hiwalayn na for good! No 2nd chances!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file