Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Viva Films and OctoArts Films: THROUGH NIGHT AND DAY (Paolo Contis & Alessandra de Rossi)

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

Paolo Contis, bilib sa pagiging one of the boys ni Alessandra de Rossi

by PEP Troika posted on November 13, 2018

    

GORGY RULA: Parehong kalbo ang dalawang bidang sina Alessandra de Rossi at Paolo Contis nang dumalo sa premiere ng pelikula nilang Through Night And Day sa SM Megamall kagabi, November 12.

Tumama ang biro ni Paolo sa nakaraang interview namin sa kanyang "mukhang lalaki" si Alessandra kaya hindi sila na-link romantically.


Kahit ito ang una nilang pagtatambal sa pelikula, kumportable at wala silang ilangan.

“Barkada, e. Naging schoolmate ko pa iyan sa DLC, e," ani Paolo, na ang tinutukoy ay ang Distance Learning Center ng ABS-CBN, kung saan sila nag-aral ni Alessandra noon.

Gamay na raw nila ang kakulitan ng isa't isa.

Paglalarawan pa ni Paolo kay Alessandra: “Masaya siyang kasama sa group, e. Para siyang one of the boys, e. Kaya nga feeling ko, okay rin yung ano namin.

“Yung humor ko, panlalaki, e. So, ano siya, hindi siya nao-offend sa kung ano man.

“Malaking bagay na yung parang one of the boys siya.

“Matagal na kaming magkakilala.

"I think it helps na wala ka nang hiya-hiya."

Thankful siya kay Alessandra dahil siya ang kinuha sa pelikulang ito.

Ito kasi ang first movie ni Paolo na leading man siya.

Ilang pelikula na ang pinagbidahan niya, pero marami silang lead stars at never pa siyang nakuhang solo leading man.

Biro pa ni Paolo, ngayon lang niya ini-enjoy ang pagiging leading man pati ang restrictions na kaakibat nito.

“Tawang-tawa ako sa Bubble Gang nung isang araw. Dapat magpe-***** shorts ako.

"Ang sabi ko, ‘Direk, hindi na pala puwede. Leading man na ako, e. Meron na akong image ngayon.'"

Pero sa totoo lang, hindi raw niya nakikita ang sarili na isang leading man na merong ka-love team.

"Hindi ko kasi kayang magsumpaan kayo nang magsumpaan bawat presscon, na kailangan pag leading man ka, ganun ang mata mo," saad ni Paolo, sabay muwestrang nagpapapungay ng mata na kunwari'y in love sa ka-love team.

Patuloy niya, "Hindi ko kaya, e. Saka mukha akong gago.

"Siyempre, iba pa rin yung mga leading man talaga.

"Pero ngayon, mas adventurous na yung mga moviegoers, e. Mas open na yung tao to the story, to the material."

Umaasa si Paolo na magugustuhan ng mga manonood ang kuwento nitong Through Night and Day, na magsu-showing na bukas, November 14.

NOEL FERRER: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Through Night And Day mula sa Viva Films.

Dahil maayos ang istorya at mahuhusay ang mga artista, sana ay kumita ito para ma-encourage lalo ang mga producer na gumawa ng dekalidad na pelikula.

Nakakatuwa na ang writer na si Noreen Capill ay nag-ala movie star din sa ayos nito sa premiere night ng pelikula.

Good luck kina Alessandra at Paolo—another underdog teamup na parehong mahusay umarte!

JERRY: Kumita nang bonggang-bongga ang Kita Kita kung saan katambal ni Alessandra si Empoy Marquez.

Iyong next movie na pinagbidahan ni Alessandra, hindi ko na maalala through night and day kung sino ba.

Graded A itong bagong movie ni Alessandra katambal si Paolo, at trailer pa lang ay interesting ang kanilang interaction.

Harinawang tangkilikin ito ng moviegoers.



Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/23893/paolo-contis-bilib-sa-pagiging-one-of-the-boys-ni-alessandra-de-rossi#AmfqyOr4wOr2R6rz.99

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    'Through Night and Day' trailer shows that travel is the best test of true love

    ABS-CBN News

    Posted at Nov 06 2018 07:26 PM | Updated as of Nov 06 2018 07:51 PM

    They say that travel is the best test of true love. 

    And that theory is essentially what the new movie, "Through Night and Day," starring Paolo Contis and Alessandra de Rossi, is trying to prove, as seen in its first official trailer released this week. 

    It's about the love story between Ben (Contis) and Jen (De Rossi), a couple who travels to Iceland before getting married. 

    But instead of it becoming the dream vacation they envisioned, it gradually turns into a bickering-filled nightmare that brings out their worst sides, making them second-guess their relationship. 

    https://youtu.be/hfrFqUIocno

    The romantic drama also stars Joey Marquez and Cheska Iñigo. 

    The Viva Films flick is directed by Veronica B. Velasco, best known for helming indie movies such as "Inang Yaya" and "Last Supper No. 3," as well as the 2013 dark comedy "Tuhog." 

    It features "I Will Be Here," a cover of the Steven Curtis Chapman song performed by its lead stars. 

    It is scheduled to premiere on November 14.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Alessandra de Rossi, nagpa-skinhead; Through Night and Day, mas maganda sa Kita Kita

    by Jojo Gabinete posted on November 13, 2018

        

    Ginulat ni Alessandra de Rossi ang mga dumalo sa red-carpet premiere ng Through Night and Day na ginanap sa SM Megamall Cinema kagabi, November 12, dahil sa kanyang skinhead hairstyle.

    Napagkamalang may ipinaglalaban si Alessandra dahil tumanggi itong sabihin ang tunay na dahilan ng pagpapakalbo niya.

    Pero nasagot ang mga tanong nang matapos ang screening ng pelikula nila ni Paolo Contis na pinalakpakan at nagpaiyak sa audience.

    Highly recommended namin sa lahat ang Through Night and Day dahil kakaiba ito sa lahat ng mga hugot movie na naging palasak mula nang maging blockbuster ang Kita Kita, ang sleeper hit movie nina Alessandra at Empoy Marquez noong nakaraang taon.

    In fact, ilalaban naming mas maganda ang Through Night and Day kung ikukumpara ito sa Kita Kita.

    Dati nang magaling na aktres si Alessandra kaya hindi na bago ang outstanding performance niya sa pelikula nila ni Paolo.

    Sa opening scene pa lang, hooked na agad ang audience sa panonood dahil sa mga natural na pag-arte at unscripted na batuhan ng linya nina Paolo at Alessandra.

    Magkakaroon ng weird na pakiramdam ang mga manonood ng Through Night and Day dahil mangangarap silang magbakasyon sa Iceland kapag nakita nila ang magagandang lugar na pinuntahan ng mga karakter nina Paolo at Alessandra, na kailangan sa mga eksena kaya hindi sila mag-iisip na isang travelogue ang pelikula.

    Biggest revelation sa Through Night and Day si Paolo na higit na kilala bilang kontrabida at komedyante sa telebisyon at sa mga pelikula.

    Sa Through Night and Day, binasag ni Paolo ang maling akala na hanggang pagpapatawa at pang-aapi lang ang kanyang talent sa pag-arte dahil ipinakita niyang pasadong-pasado siya na romantic leading man at dramatic actor.

    Imposibleng hindi mahalin ng moviegoers si Paolo kapag napanood nila ang Through Night and Day.

    Nakiiyak sa mga dramatic scene ni Paolo ang mga dumalo sa premiere night ng Through Night and Day dahil sa kanyang superb performance at sa husay niya sa pag-iyak.

    Kasali na si Paolo sa listahan ng mga local actor na magaling umiyak dahil hindi nalulukot ang mukha niya.

    Naniniwala kaming magbabago ang pagtingin ng publiko kay Paolo kapag pinanood nila ang Through Night and Day.

    Hindi nagkamali si Paolo sa desisyong tanggapin ang project na hudyat na ito na ang tamang panahon para kilalanin ang kanyang acting ability at igalang bilang serious actor.

    Sa susunod na taon, inaasahan naming magkakaroon ng mga acting nomination at mananalo ng mga acting award sina Alessandra at Paolo dahil mortal sin kapag initsapwera ng sandamakmak na mga award-giving body sa Pilipinas ang kanilang pagganap sa Through Night and Day.

    Hindi rin dapat kalimutan ang mahusay na direksyon ni Veronica Velasco sa Through Night and Day.

    Once again, pinatunayan ni Veronica ang husay niya bilang storyteller.

    Dapat na papurihan din ang nakaisip na pagtambalin sina Alessandra at Paolo sa isang unforgettable love story movie.

    Postscript: Sa kabila ng mga papuri sa pagganap niya sa Through Night and Day, hindi pa rin makapaniwala si Paolo na nagustuhan ng manonood ang pagganap niya sa pelikula.

    "Serious?" sagot ni Paolo sa congratulatory text message na ipinadala namin sa kanya dahil sa kanyang one-of-a-kind performance.


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/23889/alessandra-de-rossi-nagpa-skin-head-through-night-and-day-mas-maganda-sa-kita-kita#mtq4pofEgXZIJvuu.99
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Insta Scoop: 'Through Night and Day' Graded 'A'

    Image courtesy of Instagram: octoartsfilms

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Paolo Contis, minumura sa galing!

    by Jojo Gabinete posted on November 17, 2018

        

    Weird but true.

    “Minumura" at pinagbabantaan na gustong saktan, dahil sa husay ng performance niya sa Through Night and Day, ang ilan sa mga natatanggap ni Paolo Contis na mensahe mula sa mga nakapanood ng pelikula nila ni Alessandra de Rossi na umaani ng mga papuri.


    IMAGE NOEL ORSAL

    Joint venture ng Viva Films at OctoArts Films ang Through Night and Day.

    Para sa OctoArts Films producer na si Boss Orly Ilacad, isa si Paolo sa mga aktor na magaling magpatulo ng luha dahil guwapo pa rin ito kahit umiiyak.

    Overwhelmed si Paolo sa lahat ng mga positive feedback na nakararating sa kanya at umaasa siya na mas madaragdagan ngayong weekend ang mga manonood ng Through Night and Day dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula nila ni Alessandra.

    “I’m overwhelmed with the positive reviews na nakukuha ko at ng movie namin. I’m not used to the attention. I just love my work and I do my best in every project that I do but I’m very happy that my acting was appreciated.

    “Lahat ng nabasa kong comments, memorable. May mga nagmura pa sa akin kasi ang galing ko raw but when my mom, kuya, and LJ [Reyes, his girlfriend] told me they were proud of me, yun ang pinakanakatatak sa puso ko. Lahat ng naman ng ginagawa ko, para sa kanila.Para maging proud sila sa akin," ang reaksyon ng “Man of the Hour" sa mga papuri ng mga bilib na bilib sa pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Ben sa Through Night and Day.


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/23943/paolo-contis-minumura-sa-galing#4KKV4uZTZD7GDO26.99

    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/23943/paolo-contis-minumura-sa-galing#EhPFyLkKSh7jtes0.99

    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/23943/paolo-contis-minumura-sa-galing#iEuKdg5Ts9zV8LWP.99

    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/23943/paolo-contis-minumura-sa-galing#4LDuqBy5DilFR5Gs.99

    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/23943/paolo-contis-minumura-sa-galing#0X9AHcftU434DXZu.99
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    FILTERED BY: SHOWBIZ NEWS | NEWS

    Interesting facts about Paolo Contis and Alessandra de Rossi's film 'Through Night and Day'

    By Cara Emmeline Garcia
    Published On: July 14, 2020, 02:36 PM

    Did you bawl your eyes out when watching Paolo Contis and Alessandra de Rossi's 'Through Night and Day?' If you did, here are some interesting facts about the hit from Alessandra de Rossi and writer Noreen Capili.

    1 of 9
    Photo by: LadySodaPh (Twitter) 

    Alessandra was supposed to write the movie

    In a series of tweets, actress Alessandra de Rossi said she wanted to write the film. However, due to her hectic schedule she didn't have the time to write one. Instead, she asked the help of friend and writer Noreen Capili to write the film in her stead.

    Alessandra was credited as the film's creator and original conceptor.

    2 of 9
    Photo by: noringai (IG)

    Noreen Capili had to schedule a "check up"

    Upon receiving the concept for the film, screenwriter Noreen Capili had to schedule a “check-up” to her neurosurgeon to get information about Alessandra's character, Jen. The actor said Noreen was perfect to be the writer because she had experienced aneurysm when she was younger.

    3 of 9
    Photo by: FamousFix.com and Viva Films (YouTube)

    Alessandra wanted to direct the film

    Initially, Alessandra wanted to direct the film when she turned over the writing gig to Noreen. But once she read the script, she felt that she couldn't give justice to it. That's why she asked the help of director Veronica Velasco to take the director's chair.

    4 of 9
    Photo by: ericclapton (IG)

    Eric Clapton's 'Tears in Heaven' was the original OST

    In a post made on Facebook, Noreen admitted that the original soundtrack they had in mind was Eric Clapton's “Tears in Heaven” but was given the red signal because it was too personal. The song was written by Clapton as a tribute to his four-year old-son, Conor, who fell from the 53rd-floor window in New York City.

    Hence, the producers opted to go for “I Will Be Here” by Steven Chapman

    5 of 9
    Photo by: Viva Films (YouTube)

    Joey Marquez wrote the song for Ben's proposal

    In the scene where Ben proposed to Jen, they used an original composition by actor Joey Marquez, who played the role of Jen's father.

    6 of 9
    Photo by: msderossi (IG) 

    Alessandra experienced hypothermia

    In one of the scenes, Alessandra experienced hypothermia, a medical emergency that occurs when your body loses heat faster than it can produce heat.

    7 of 9
    Photo by: Viva Films (YouTube)

    The Iceland argument was based in real life

    Alessandra also revealed that the argument she had with a Pinoy in the movie was something she experienced in real life while scouting for the perfect location for the movie.

    8 of 9
    Photo by: Viva Films (YouTube)

    Paolo and Alessandra collaborated in delivering the funny punchlines

    Paolo and Alessandra's funny lines and scenes were a collaborative effort. In a Facebook post, writer Noreen Capili shared that whenever the crew would set-up their equipment, the actors would be seen rehearsing and discussing their dialogues.

    9 of 9
    Photo by: msderossi (IG) 

    Alessandra created the story with Empoy in mind

    Lastly, Alessandra originally wrote the story for Empoy that's why Ben and Jen are childhood friends in the plot.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    At last, Pinoys moved by movie ‘Through Night and Day’

    Published July 14, 2020, 7:37 AM

    by Jojo Panaligan

    Alessandra de Rossi and Paolo Contis in a scene from ‘Through Night and Day’

    “Through Night and Day” was released in cinemas two years ago and back then, very few people watched it.

    This week, the movie is talk of the town—and lead actress Alessandra de Rossi has theory why.

    “Sabi ni God, sa quarantine kita ilalabas. When everyone needs pure love and understanding. Tama sya,” she tweeted few days ago just as the movie was gathering steam on Netlix.

    Currently “Through Night and Day” sits at number one on the Top 10 in the Philippines Today list. It has also received so much acclaim on social media, with some people expressing regret they did not support the movie the first time it came out.   

    “Ay. Taray. Never ako nag top 1 nung elementary. Ito na yata yun,” the actress wrote July 13.

    “Through Night and Day” is about Ben (played by Paolo Contis) and Jen (Alessandra) who got engaged after 13 years of being together. They embark on a trip of a lifetime to Jen’s lifelong dream destination, Iceland, to have their prenup shoot. 

    However, their relationship is put to the test as all sorts of misfortune happen to them on this trip, mostly caused by Jen’s blunders. What they hope to be a trip that would make their relationship stronger ends up tearing them apart.

    Alessandra joked that when the movie was released in 2018, “magisa lang akong nagpromote niyan.” She even noted an instance when she found out only four people were watching the movie inside a cinema.

    Still, from the start, the actress believed in the movie.

    “Noong nabasa ko yung script ni @noringai (Noreen Capili), na pressure ako. Masyado akong nagandahan, 100x better sa kaya kong gawin, dahil di ako writer,” said she.

    Yes, Alessandra was supposed to write the story of “Through Night and Day.”

    “Ako dapat magsusulat ng TNAD dahil buo naman na yung kwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay @noringai  dahil idol/mentor/bff ko sya. Sabi ko, ako nalang magdidirek! Go girl!”

    Well, she also eventually turned over the directorial chores to Veronica Velasco.

    “Natakot ako na baka masira ko yung film,” was her explanation. “I’m glad si direk Veronica Velasco ang gumawa. Salamat direk and noreen! BUTI NALANG! MAHUSAY!”

    Alessandra added: “Hindi talaga kaya pagsabayin lahat. I’m happy na wala akong pressure during the shoot. I’m happy we picked the right people. Thank you God for bringing us all together.”

    The actress revealed “Through Night and Day” came to her in a time of great need.

    “Walang wala ako nung time na yun!! Ipinagdasal ko kay Lord magkawork. The following day, may offer ako.. Tatlo nga lang ulo ang role? Medyo comedy si God. I wasn’t specific. Sabi ko, work God, by tomorrow, kahit ano.. HE DID IT…”

    However, there was a catch: She had to shave her head for the role.

    “Salamat sa lahat ng nagjudge sa akin (noon) at nagsabing unstable ako dahil nagpakalbo ako sa depression,” she wrote. “Salamat at worth it yung pagpapakalbo ko.”

    To those who intend to watch “Through Night and Day,” Alessandra gives this tip.

    “Pag di mo tinapos ang movie dahil nababadtrip ka na kay jen agad, talo ka sa patience test. At talo ka sa lessons.”

    +++

    More on “Through Night and Day:”   

    On the Movie: It was the first time a Filipino film was shot in Iceland.  The team took the Ring Road and went around the country by car in seven days.

    On Direk Ronnie: She has done several TV commercials and hit movies including “Tuhog” and “My Dear Other Self.”

    On Paolo Contis: It was the first movie he had done after a long time. Mainly known for comedy and drama, it was also the first time Paulo played leading man in a love story.

    On Alessandra: The actress is known for her quirky, off beat roles but she is also a producer. From “Kita Kita” to “12” is known to always choose purpose over popularity.

    On Alessandra and Paolo: They have been friends for a long time and worked on various TV shows and projects before “Through Night and Day.”

    On Iceland: This has always been Alessandra’s dream country.  She feels it is her second home because she identifies with singer-songwriter Bjork, touted as Iceland’s contribution to the world.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Did you know? Paolo Contis was not Alessandra's first choice for 'Through Night and Day'

    ABS-CBN News

    Jul 15 2020 06:36 PM
      
    Star Alessandra de Rossi admitted that she could have had a different co-star in 'Through Night and Day," after the movie found a new lease on life on Netflix. OctoArts Films and Viva Films

    MANILA -- It's one of the most-talked about movies on Netflix at the moment, with plenty relating to its themes about travel and love. 

    But did you know that "Through Night and Day" is also a movie that could've looked vastly different if its star, Alessandra de Rossi, had her way over who she thought would be her ideal pair for it? 

    This past week, De Rossi, who came up with the concept for the film, admitted on Twitter that actor Paolo Contis wasn't her first choice for a co-star, and that she wanted her "Kita Kita" co-star Empoy Marquez. 

    This was after a follower asked her if it was her who decided on her leading man, or producer Viva Entertainment. 

    "I wrote this for Empoy, kaya ginawa kong childhood friends para tanggap na nila isa't-isa," she shared, before conceding that Contis turned out to be "perfect."

    "Through Night and Day" is currently one of the top trending movies on Netflix, after being made available on the streaming service almost two years after its local premiere. It even peaked at number one. 

    The movie tells the love story between Ben (Contis) and Jen (De Rossi), a couple who travels to Iceland before getting married. 

    But instead of it becoming the dream vacation they envisioned, it gradually turns into a bickering-filled nightmare that brings out their worst sides, making them second-guess their relationship. 

    Scriptwriter Noreen Capili also shared some interesting tidbits about the movie, such as how it was supposed to have another title, and how De Rossi almost died shooting one of its scenes. 

    Check it out below:

    "Through Night and Day" premiered back in November 2017 to very little fanfare. 

    In an interview with Pep, Capili recalled how she had personally asked friends to go watch her movie, after local cinemas were pulling it out after just two days because no one was buying tickets for it. 

    She also said that she's thankful to Netflix Philippines for picking it up and giving it a new lease on life. 

      
    © 2020 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    ‘Through Night and Day’ number one on Netflix

    July 14, 2020 | Filed under: Entertainment | Posted by: Tempo Desk
    0
    SHARES

     

    By JOJO P. PANALIGAN

     

    *

     

    “Through Night and Day” was released in cinemas two years ago and back then, very few people watched it.

    This week, the movie is talk of the town – and lead actress Alessandra de Rossi has theory why.

    “Sabi ni God, sa quarantine kita ilalabas. When everyone needs pure love and understanding. Tama sya,” she tweeted few days ago just as the movie was gathering steam on Netlix.

     

    ALESSANDRA de Rossi and Paolo Contis

    ALESSANDRA de Rossi and Paolo Contis

     

    Currently “Through Night and Day” sits at number one on the Top 10 in the Philippines Today list. It has also received so much acclaim, with some people expressing regret they did not support the movie the first time it came out.

    “Ay. Taray. Never ako nag top 1 nung elementary. Ito na yata yun,” the actress wrote July 13.

    “Through Night and Day” is about Ben (played by Paolo Contis) and Jen (Alessandra) who got engaged after 13 years of being together. They embark on a trip of a lifetime to Jen’s lifelong dream destination, Iceland, to have their prenup shoot.

    However, their relationship is put to the test as all sorts of misfortune happen to them on this trip, mostly caused by Jen’s blunders. What they hope to be a trip that would make their relationship stronger ends up tearing them apart.

    To those who intend to watch “Through Night and Day,” Alessandra gives this tip.

    “Pag di mo tinapos ang movie dahil nababadtrip ka na kay Jen agad, talo ka sa patience test. At talo ka sa lessons.”

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    One of the best movies releases lately. Thanks to Netflix for giving it a new life. Mejo di kasi catchy and title at Paolo-Alessandra teamup eh mejo box office wise is a gamble kaya di ganun naghit sa cinemas. Pero napakaganda at napakagaling naman nila talaga sa movie na ito.

    Congrats at well deserved
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Through Night And Day, a box-office flop, is now the No. 1 movie on Netflix

    by Jojo Gabinete
    A DAY AGO
    Through Night And Day opened in cinemas on November 14, 2018, but it was pulled out after three days because nobody was watching. Two years later, the film starring Alessandra de Rossi and Paolo Contis, is now the No. 1 movie and series in Netflix Philippines. 
     
     
    4.3K
    SHARES
      
    ARTICLE SUMMARY

     

     

    Finally, number one na ang Through Night and Day sa Top 10 movies at series ng Netflix Philippines.

    Ito ay dahil sa word of mouth na maganda at must-watch ang pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

    Common denominator ng lead stars ng pelikula ang pagiging half-Filipino at half-Italian.

    Pinupuri ng Netflix viewers ang kuwento ng Through Night and Day at ang pagganap nina Paolo at Alessandra.

    Ipinalabas sa mga sinehan ang pelikula noong November 14, 2018. Pero hindi ito sinuportahan ng moviegoers kaya na-pull out tatlong araw matapos magbukas sa mga sinehan.

    Hindi solo nina Paolo at Alessandra ang kredito.

    CONTINUE READING BELOW ↓
    RECOMMENDED VIDEOS

    Malaki ang kontribusyon sa Netflix success ng Through Night and Day ang mahusay na direksiyon ni Veronica Velasco at ang magaling na pagkakasulat ni Noreen Capili sa script.

    Si Veronica ang direktor ng 2006 critically-acclaimed movie na Inang Yaya, samantalang si Noreen ang scriptwriter ng ilang mga TV shows gaya ng Daddy’s Gurl at Ang Probinsyano.


    (Left) Director Veronica Velasco with lead actress Alessandra de Rossi; (right) Noreen Capili, the scriptwriter of Through Night And Day

    THROUGH NIGHT AND DAY SCRIPT

    Idea ni Alessandra ang kuwento ng Through Night and Day, pero ipinagkatiwala niya kay Noreen ang pagsusulat sa screenplay ng pelikula nila ni Paolo.

    Sa mga hindi nakakaalam, hindi lamang pag-arte at pagkanta ang mga talent ni Alessandra dahil marunong din siyang magsulat ng screenplay.

    Pinatunayan niya ito sa 12, ang love story movie na tinampukan nila ni Ivan Padilla at ipinalabas sa mga sinehan noong November 2017.

    Sa pamamagitan ng Twitter, ikinuwento ni Alessandra kung paano nabuo ang script ng Through Night And Day:

    "Ako dapat magsusulat ng TNAD dahil buo naman na yung kuwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay Noreen dahil idol/mentor/BFF ko s’ya.

    "Our writer Noreen ay nagka-aneursym 10-years ago. Na-coma siya.

    "Writer namin s’ya sa soap at dinalaw ko s’ya at doon kami naging close kaya perfect s’ya magsulat nu’n kasi may kilala s’yang neurosurgeon.

    "Nagpa-sched pa ng check up kunwari para mag-fish ng info. Iba!”

    PULLED OUT FROM THEATERS

    Ikinuwento naman ni Noreen na nakiusap pa siya sa kanyang mga kaibigan na panoorin ang Through Night and Day nang i-release ito sa mga sinehan dalawang taon na ang nakalilipas.

    "Tapos tinatanong pa ako bakit daw nagpakalbo si Alex. Ngayon alam nyo na. Salamat, Philippines!

    "Two years ago, pinalabas yung Through Night and Day, and after 2-3 days, na pull out sa sinehan dahil walang nanonood.

    "Kahit may word of mouth sa ilang nakanood, at nagpa-block screening pa yung isang actor-host na walang kinalaman sa movie, nagustuhan lang talaga niya. Waley.

    "Sa mga mall sa VisMin, hindi umabot ng weekend, tinanggal na sa sinehan. Yung mga kaibigang gustong humabol ng screening, sa UP Film Center na lang nakanood."

    Patuloy ni Noreen, "I’m just glad na dahil sa Netflix, madami na nakakanood at nakaka-appreciate sa Through Night and Day.

    "I will always be grateful to Alessandra sa napakagandang concept at story. And for entrusting her baby to me para isulat. And for bringing me to Iceland for free.

    "Hindi ko alam kung makakasulat pa ako ng ganito in the future. Nabuhos ko na lahat dito sa Through Night and Day."

    Co-production venture ng OctoArts Films at Viva Films ang Throught Night Day kaya tuwang-tuwa si Cat Ilacad, anak ni Octoarts Films producer Orly Ilacad.

    "Finally, Through Night and Day is getting the recognition it truly deserves," sabi ni Cat.

    Malakas ang impact ng eksena at ng last song syndrome ng "I Will Be Here" na inawit nina Paolo at Alessandra sa pelikula.

    Mula nang mag-umpisa ang streaming nito sa Netflix, biglang tumaas ang Youtube views sa official music video ng Through Night and Day.

    May mga request ding i-guest ang dalawa sa mga TV show at muling ipakanta sa kanila ang "I Will Be Here."


Sign In or Register to comment.