COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

bigla na lang sinabi ng gf ko na ayaw na nya at tigilan ko na sya.

Hi, ask lng po ako dito kasi medyo gulong gulong pa rin talaga isip ko sa nangyari.
bigla na lang ako iniwan ng gf ko ng walang paalam. ganito po yun. wala namang kami problema o pagtatalo nitong tapos one day nagchat sya sa akin na mahal na mahal nya daw ako. sorry. gusto na kita makasama ulet" nagreply naman ako ng ilang beses pero puro seen lng sya. then nung gabi nalaman ko na blinocked nya ako sa facebook. inisip ko na bka gusto lang nya ng space o may sumpong na naman siya kaya hinayaan ko lang. then after 4 days, day before kami magkikita dapat, e hindi pa rin sya nagpaparamdam kaya medyo nag alala na ko. nag try ako tawagan sya at i text pero hindi nya sinasagot. hanggang sa wala na ko makitang ibang option kundi gumawa ng dummy account sa fb para makontack sya. pero kahit un e hindi sya nagrereply puro seen lang tapos blocked nya ulet.

so nagalit na talaga ko. kaya gumawa ulet ako another account then namura ko na sya at napagsalitaan ng masama. bigla sya nagreply at sabi nya is tigilan ko na lng daw sya. ayaw na nya. paulet ulet ganun lng reply nya. hinayaan ko sya hanggang nung gabi hindi ko na matiis e kinulet ko ulet sya. at ang huling reply nya is tama na may boyfriend na ko. tapos blocked ulet. d ko alam iisipin ko that time. kaya hinayaan ko na lng.

the next day tinawagan ko na sya ng tinawagan para malinawan kung ano ba talaga ang nangyari. sinagot naman nya at ang huling sabi nya is nakakaistorbo na ako. tumigil na daw ako. nung tinanong ko kung bakit ganung kabilis nya ko pinagpalit ang sabi nya 3 months na daw sila at wag na daw ako magmessage o tumawag kasi nababasa ng boyfriend nya. haysss ano ba dapat ko gawin? ilalaban ko pa ba to? o move on na lang. mahal na mahal ko sya at hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari. almost 2 years po kami.

sorry medyo mahaba.

 

Comments

  • NilsNils Hunter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    it takes two to tango. yung gf mo nakahanap na ng ibang kasayaw. since sa kwento mo eh mukhang hindi kayo madalas magkita, malamang sa malamang inaaraw araw na nung bago yung 'gf' mo. hindi ko maintindihan yung mga katulad mong nakalimutan na kung paano mag-isip. bakit mo pa gugustuhing bumalik sa 'gf' mong may pinili nang iba?

  • mjkyushiroumjkyushirou PExer
    edited October 2018
    salamat sa response boss nils. ayos na ko. magulo lang talaga isip ko nun at saka nakaka gago lang talaga yung ginawa nya.
  • kung love mo talaga ang gf mo po at nang malinawan ka pwede mo naman po siguro siyang makausap sa personal kasi minsan ang girl po hindi maintindihan lalo na kung hindi sila makausap sa personal dahil iba ang sinasabi sa chat o text kaysa personal na reaction ..

  • kung love mo talaga ang gf mo po at nang malinawan ka pwede mo naman po siguro siyang makausap sa personal kasi minsan ang girl po hindi maintindihan lalo na kung hindi sila makausap sa personal dahil iba ang sinasabi sa chat o text kaysa personal na reaction ..

    Hello po. Salamat sa reply. Ayaw na po nya makipag usap. At saka may third party po na involve kaya ako na lng ang nag let go kahit masakit. Kasi nung last n ask ko sa kanya e parang sya pa yung proud sa ginawa nya. Oh well ganun talaga. Mukhang happy nman sya dun sa guy. Haysss
  • aiden_corbin_daxaiden_corbin_dax PEx Rookie ⭐
    hanap ka na lang ng bago..according sa 2013 stats: "How many single women in the world?"

    as of July 2013 is 3,523,843,881 are female

    through estimates 75 % can be considered to be taken

    therefore an est 25 % is your guess estimate 


    kaya imposible di ka makahanap, 2019 na ngayon.. damihan mo, ubusin mo yung 25% hehehe

  • tidgetidge lie and die PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS... iwanan ka man ng GF mo... nandyan pa rin si Maria na mag papaligaya sayo  :D 
  • AverahamAveraham Member PEx Rookie ⭐
    Ganyan talaga ang mga babae boss, minalas ka lang na napunta ka sa ganyang uri ng babae
  • hardrivehardrive Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sabi mo si abi nya mahal na mahal ka nya tapos bigla na walang usapan
     Pra sa akin  pr ag mahal ka nya pero meron syang nagawa na dimo sya mapapatawad kya sya na di nnakikipag usap syo 
    Prang ganyan pagka intindi ko nyan
  • DacsDacs Bummed bу Αdmin PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Cut your losses and move on. She ain't worth your time.

    Simula lang masakit, pero once matapos yan, hu u na siya sa iyo.

    Good luck!

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file