Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Reminder: You never know what someone is going through, so be kind.

Paano ko siya nakilala

Bagong lipat lang kami ng manila galing ng probinsya , nakituloy lang kmi sa kaibigan ng mama ko dahil maghahanap palang cya ng bahay at biglaan din ang pangyayari (family issue) May anak ang kaibigan ni mama na kasing edad ko lang din papangalanan ko nalang na Ana (not her real name). Noong panahon na yun may boyfriend ako, LDR kami at hindi pa nagkikita,lagi din cyang busy dahil ilang taon nalang ay makakatpos na siya ng college, 

si Ana habang natgal nagkakasundo at ngiging close ko na siya. Lagi siyang may kausap sa cellphone at nakikipagtawan , kitang kita ko na ang saya niya lagi kapag kausap nya iyon. 

Habang pauwi kami galing ng school nakiusap si Ana kung pwede makitawag sa cp ko dhil wala n siyang load, pumayag naman ako , Pinakausap niya din skin ung lalaking lagi nyang kausap , papangalanan ko nalang na Miguel. Sinungitan ko si Miguel nung time na yun dahil ganoon talaga ko kapag di ko close . 

Ilang araw na lumipas nagtext sakin yung Miguel, dahil cguro nakitawag si Ana skin kaya alam ang number ko. Nagsimula siya mangulit skin araw araw . Nalaman kong ex pala ni Ana si Miguel pero nagkakamabutihan ulit sila, 

Nahulog ang loob ko kay Miguel dahil pakiramdam ko ang bait niya di ko alam gagawin ko noon dahil may bf, Nanligaw sakin si Miguel at wala kong nagawa kundi hiwalayan ang bf ko. Ang sama ko at hindi ko man lang naisip na masasaktan ko siya ng sobra, pero sa huli natanggap din nya at ok lang daw. 

Naging kami ni Miguel ng hindi nalalaman ni Ana , nakokonsensya ako kapag naiisip kong umaasa p din si Ana kaya sinabi din namin sa kanya ang totoo. Nagpanggap siyang masaya kahit alam kong nasaktan siya sa ginawa ko.
Kinabukasan pag pasok ko kita kong pinagbubulungan nako ng mga kaklase ko ,. Kaklase ko din pala si Ana (nakalimutan ko sabihin) dahil transferee lang ako madami siya kaibigan kya mas madami din cyang kakampi . Akala ko di kami aabot s puntong yun . Dumating din s puntong nagpost sya at nagpaparinig skin pero dko na pinansin. 

-To continued

Sign In or Register to comment.