Home PEx Relationships Love - Dilemmas

I think hindi ako yung greatest love niya

Hello po. I know lagi ako nagtatanong dito. Who would have thought na dati lang ako nagsiseek ng advices, ngayon hihingi ulit. I got married this year lang, at nagsettle down na kami ng asawa ko sa probinsya. Thres weeks go, nagbakasyon kami sa hometown ng asawa ako. Pero need ko agad bumalik dito sa min kasi may work pa. Now, napansin ko yung asawa ko, parang naging matamlay. Siguro naging mabilis ang love story namin. 2 months kaming mag on, then third month, engaged, then after  6 months, nagpakasal na kami. (Gastos ng parents ko) may napansin lang ako mga pagbabago simul ng nagbakasyon kami sa homwtown ng asawa ko. Nung andun siya, masayahin naman sya. Then nung umuwi siya dito, nag iba na. Matamlay, malungkutin. So nag search ako, naiwan nya nakabukas yung fb nya at email na nakalog in sa laptop ko. Usually di kl tinitignan yung mga ganito kasi nga privacy pa rin niya. Nakita ko na nagmessage yung dating katiwala ng ex niya. Ang message sa kanya "boy, nagmessage pala ako kay steph, sabi ko pinapakumusta mo sya. Ang reply lang sakin ni steph pakihanap yung paki ko. Mukhang ok na sya boy, hayaan mo na" yung steph, yun yung ex niya na ayaw nya magkwento. Wala ako alam about her at nakita ko din yung sweet emails niya before dun sa girl. Simula nung umuwi siya, naging malungkutin na at pinipilit sakin na gusto na nya umuwi sa hometown nila or magmanila na siya kasi hindi na nappractice yung work nya dito. Nagwowork sya sa parents ko. Paano ba gagawin ko kasi feeling ko kknti na lang magbreakdown na ng asawa ko. Di ko alam kung di pa siya nakamove on sa ex niya pero matagal na nyang ex yun. 5 years ago pa. Then ako na, at nagpakasal kami. Dapat ba ako mathreaten?

Comments

  • fektusfektus PEx Rookie ⭐
    Para sa kin, NO.
    Mag usap kayo, pero siguruhin na open minded at hindi hahayaan na ang emosyon ang mangibabaw. 

    May tanong lang ako, bakit kasal agad?
  • HiThere:)HiThere:) PEx Rookie ⭐
    ^ hi kasi nagpropose sya. So ayun, nagpakasal n kami. 
  • BunnygervoBunnygervo PEx Influencer ⭐⭐⭐

    ang hirap nga nyan masyado masikreto, intindihin mo na lang di naman mawawala kasi 1st love kahit 10yrs pa. tapus another 10yrs pa. pagmahirap tanggapin sayu yun masisira lang ulo mo kakaisip.

    single pa rin ba si steph? baka guilty siya na ngpakasal siya sayu.

    pansinin mo rin pag tahimik baka need din ng kausap.

    hindi naman natatapus ang happy endig sa kasal, mas madami pang magugulong pdeng mangyari lalu nayung adjusting period.

  • enchiladasenchiladas PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited September 2018 #5
    ^ Just because he proposed didn’t mean you had to accept, but I get it, you were in the heat of the moment.

    How old are guys? Gaano katagal silang break bago naging kayo? I’m sensing you were a rebound. He is still hung up on his ex and obviously has not moved on. 
    Mag-usap kayo ng asawa mo. Sabihin mo yung mga napansin mo. Let him know you’re concerned about his well-being, too. You should also be honest with him about looking at his laptop.
  • Avocadude31Avocadude31 🏹 Archer Squad🥉
    give peace and love a chance hohoho  =)
  • ang hirap mag bigay ng advice kung kasal na kayo. kasi kung magjowa pa lang kayo, sasabihin ko makipagbreak ka na kasi madali lang naman gawin yun haha . pero ibang usapan na pag kasal na.... ang pinakamagandang mapapayo ko lang is... magusap :) communication is the key. kami ng jowa ko every month kami magopen forum. lahat ng iyak at reklamo ko sakniya sinasabi ko na dun... kaya nakakahinga ako ng maluwag after that :) 
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    What you feel is natural.  Nag uumpisa pa lang kayo so it is a good idea to share how you feel and what you have noticed.  Paalam mo na agad na hindi ka comfortable that there is still communication with an ex.  Kung mahalaga ka sa kanya, titigil na agad yun kahit di mo iutos.

    Always talk.. build communication paths para maging maayos patakbo ng bahay.  It's early in the marriage so establish things that help the marriage last and top is communicating comfortably with each other.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi ka dapat ma-threaten dahil wala ka namang kaagaw sa asawa mo. yun lang, kaya wala kang kaagaw dahil damaged goods yung asawa mo. 
Sign In or Register to comment.