Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Magkano ang dapat ibigay na sahod sa magulang?

Hello po sa lahat. Gusto ko sana magtanong magkano nabibigay nyo sa magulang nyo? Ako po ay nagttrabaho at sumasahod ng 10,500 kada cut off. Pero ang alam ng nanay ko ay 9k lang dahil kaugalian ng pamilya ng nanay ko na kailangan alam nila saan napupunta pera mo at pakekealaman ka. Ngayon po ay nagbibigay ako ng 9k kada bwan. Eto po ang napupuntahan ng pera ko:

Kuryente/tubig - 2000 (1800 lang daw po inaabot ayon sa nanay ko pero eto ang fix na bigay ko)

Home credit para sa ref - 2000 (may tindahan si nanay)

Kapatid ko na grade 5 - 1000 arawan na pamasahe po balikan

Pagkain - 4000 

Yan po lahat ay 9000 pesos.

May tindahan din si nanay. Pero sabi nya nalulugi pa daw sya. Kase sguro sya sa gas at mga sabon shampoo sa bahay. Di din po ko nakaktulong sa gawaing bahay dahl pang gabi ako at sa off ko po ay bumabawi ako ng tulog. Pag sabado o linggo po sagot ko ang ulam dahil kumakain sa bahay ang aking bf at nakakhiya kay nanay.

Sa tingin nyo po ba kulang pa ang binibigay ko? Ang natirang pera ko po pala ay pinang bibili ko pa ng baon, pamasahe ko at nagtatabi din ako. Kaso nastress ako nung nagbday ang kapatd ko nakaubos ako ng 2k at nung bayaran na ng bills namin  at kailangan ng bumili ng kalan ay ako pa dn ang nagbayad. Dahilan ni nanay ay nagastos nya sa bday ng kapatid ko. Umabot po ng 5k dahil parang sagot ko na dn lahat ng bday ng kapatid ko. 

P.S
Ang nanay ko po ay walang ginastos aakin nung bata ako. Nag abroad sya at hindi nagoapadala sakin at kapatd ng ama ko nagsusustento sakin hanggang higschool. Nung college naman tiyahin ko dn nagpaaral at ako naman ay gusto patigilin ng nanay sa pag aaral at pilit na pinpatrabaho na lamang dahl gaya nya wala daw ako mararating. Puro negatibo nalang. Kahit kailan po ay d ako nakatikim ng sustento sa knya. Laging yung kapatid ko sa ibang ama ang gingastusan nya ng sobra at ngayon ay parang inoobliga ako sa lahat. Kaya medyo masama po at malayo loob ko sa knya. 

Sa tingin nyo po, tama lang po ba ibinibigay ko? At bakit? Gusto kase ng tiya ko na kapatid ng nanay ko na ibigay ko daw lahat ng sahod ko which is hindi ko pinayagan. Sana po matulungan nyo ko. Salamat.

Comments

  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru 🎖️🎖️
    edited September 2018
    Hi there!

    Kind of reminds me in my 6 years of financial trauma with parents, both mother and father. Lol.

    Anyway, first remember that you are in-charge of the situation. OK? It is your money and no one can dictate kung paano mo siya gastusin. Hindi mo rin kailangang ma guilty kasi pera mo yan.

    Second, ngayong wala ka ng guilt, the next crucial step is to take accountability. Tiningnan ko iyong budget mo, puro palabas. Wala bang pay yourself man lang dito maybe like 10-20% of your income naka-savings? Your household budget is a recipe for disaster in cases of emergency.

    I know you have responsibilities all over and masama ang loob mo kasi naoobliga ka. You have every right to feel that way lalo na hindi naman siya naging supportive sayo. PERO be resilient during these times in a more positive manner kasi iyong negativity ang half ng stress mo at baka hindi na makayanan ng katawan mo yan. Take care of yourself tapos focus ka nalang sa pagtulong sa kapatid mo. Kung may mga ventures ang mama mo, sabihin mong she needs to find a way to get some funds on her own. Hindi mo kailangang mag justify or sabihin na nag iipon ka.

    Sa totoo lang and I am going to be a little rough on saying it to emphasize, hindi niyo afford ang ref at iyong birthday with that income. So balikan mo ang budget niyo sa bahay at tingnan kung saan pwede mag cut loose. Kung hindi ka marunong mag budget, then find your own resources, sarili mo rin naman ang makikinabang nito.

    Adulting sucks anoh? Tapos nakakainis na minsan iyong parents na napunta pa sa atin mga detractors pa. Alam ko yang pinagdadaanan mo, kaya dapat protect your money talaga kasi kung may mangyari sayo, what will happen to your life goals at wala na ring tutulong sa kanila. Think about it.

    Iyon lang.
  • @IronHandofJustice yung ref kase need daw ng nanay ko since may sari sari store sya. Ang kaso eh ako din parang wala din dahil yung kita sa tindahan eh kulang daw. Yung sa birthday ng kapatid ko sa totoo lang di ko akalain na gagastos ako ng ganun kalaki. Dahil sabi ng nanay ko hati kami. 2k ginastos ko nung una masakit na sa bulsa. Tapos biglang snabi na yung pangbyad ng bills pala pinang gastos nya sa bday kaya ako din nagbayad ng bills. Doon ako nauntog na parang sobra naman na ganun pa. Galing pala abroad nanay ko. During those times na nag abroad sya once or twice lang sya nag abot sakin (since pagkabata ko na nag abroad sya). Adulting really sucks hahaha. Nakakastress. Ang laki ng expectation pero in return wala ka naman natanggap na support hayy. Iniisip ko kase na bago ko mag asawa (balak na namin ng bf ko magpaalam next year na nagbabalak kami magpakasal) gusto ko sana may maipon nanay ko. Kaya halos lahat ng gastusin sinalo ko na. Para pag nag asawa ako medyo makagaan na sya. Kaso wala talaga. Spoiled din pala kapatid ko. Lahat ng gusto bibigay kaya magastos. Natatawa ko pag naalala ko noon na bibilhan nya kapatid ko ng laruan kahit ulam namin toyo nalang hahaha. Tsk.
  • Yung natirang pera ko puro sa savings pala punta non. Wala na ko nabibili sa sarili ko maliban sa load sa sobrang pagtitipid hahaha.
  • IronHandofJusticeIronHandofJustice Member PEx Guru 🎖️🎖️
    Before anything else, again straightforward ako mag advice, so don't take this personally, alright? I am just sparing some of my time kasi I wanted to help someone like me na nandyan sa sitwasyon.

    I don't think you are ready to get married. It will only get worse kasi you are simply leaving the situation, not addressing it.

    I know na spoiled ang kapatid mo, kasi I grew up with an unemployed parents. May mga times na kangkong lang ang ulam namin na galing sa likod ng bahay. Pero hindi ako iyong tipong nagsasabi sa mama ko na gusto ko ng fried chicken or Jollibee. Matiisin ako, to the point na hanggang ngayon although I am earning upper level income, nandyan parin ang delayed gratification. So kung lumaki ang kapatid mo with grounded reality, alam niya na dapat hindi na kayo gagastos ng malaki for him/her.

    As for your mom, it will never be enough for her. May poor mindset siya which is similar to my mom. Pa victim, emotionally manipulative, overpowered ng kahirapan. Alam mo na yan. That's why I said you need to take control otherwise she or your aunt will decide for your money.

    Good luck ha. Magbasa basa ka about personal finance makakatulong yan sayo.
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    5K in 1 month just for the utilities and groceries. it is a shared obligation between the siblings. but i do my own grocery.
  • chabilita26chabilita26 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited September 2018
    Monthy obligations:
    3,000-4,500 to add for my brother's allowance
    1,000 Doggy allowance :)

    And other stuff that they ask such as:

    (installment) 1280 for my father's phone
    (installment) 1600 for my brother's bag

    I may be one of those lucky people who are not being forced by their parents to give back. Maybe because my parents has monthly incomes too. My dad is a retired employee and receives monthly pension from his previous company. Plus, additional income (school service). My mom does online selling too. Minsan ako na nahihiya feeling ko kulang ang ibinibigay ko kaya I tend to offer na ilibre ko sila ng dinner or lunch basta may excess sa budget ko.

    Also, whenever may tapos na akong bayaran sa installment stuff na kinukuha ko for them, I always check ano pa ba ang dapat mapalitan sa bahay para mabili ko via installment. Atleast hindi ako mabibigla at makakatulong rin kahit papaano. :)

    P.S.

    My parents understand my situation. We live in the province but I'm in Manila to work.
    I pay my own rent, postpaid bills, life insurance(Sunlife) and recently acquired a pre selling house that I'm also paying every month.

    Life Insurance(Sunlife) 2000/month
    Dorm Rent 3000/month

    Postpaid 3000/month
    Pre Selling House 10000/month

    *Savings
    *Travel Fund
    *Other bills (credit card)

    Kanya-kanyang preference lang siguro kung magkano ang kaya mong iabot sa parents mo. I understand your sentiment kung parang inaabuso ung pag bibigay mo. Masakit talaga yun dahil ikaw sa sarili mo, wala ka ibang nagagawa pero sila ang dami mo napprovide. Medyo unfair.

    Hope this helps! Thank you!
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi naman obligasyon ng anak magbigay ng pera sa magulang. Kaso some Pinoys have this mindset na responsibilidad ng anak na sustentuhan ang magulang. Hindi naman sa sinasabi ko na magpaka selfish ang anak. Ang sa akin lang dapat mas iniisip ng magulang kung paano nila masu sustain yung pansarili nilang needs saka retirement at hindi yung oobligahin ang anak na buhayin sila.

    Mabuti na lang yung magulang ko e nagiisip ng income para self sufficient pa din pag nag retire na.

    Naalala ko tuloy yung nakipag debate ako one time sa kausap ko. Meron kasi kaming kakilala na mag gfbf na parehong walang trabaho at dependent lang sa magulang na nagkaanak. Yung babae pa nagkaroon ng postpartum psychosis kaya pati pag aalaga sa anak e salo na din ng lola pati pa medical sa babae.  

    Sabi ko sa kausap ko ok lang naman mag asawa pero yung pag aanak hindi naman dapat i encourage sa mga taong immature o dependent pa din sa ibang tao. Sabi ng kausap ko tama lang na mag anak sila para may mag aalaga sa kanila sa pagtanda. Bakit daw ipagkakait yung saya ng pagkakaroon ng anak. Sabi ko naman napaka unfair naman sa magiging anak kung ang purpose nya sa buhay e maging carer ng magulang. 

    Tama! Tulad ng kakilala ko. Parang ayaw sya pag asawahin ng magulang nya kasi natatakot silang hindi mabigyan ng support. May mga kondisyones pang nalalaman ung magulang once nag asawa ung tao. Poor kid.
  • SamanthaBSamanthaB PEx Rookie ⭐
    You are already giving 85% of your earnings to your parents. It is already enough. Besides, you are the one earning the money so you have the right to decide what to do about it. Don't feel guilty about not giving 100% of your wage. The responsible parents I know never ask anything from their working children. They just wait for their kids to give something back to them.
  • UglySwanUglySwan PEx Rookie ⭐
    SamanthaB said:

    This is true. :)
  • reinoa27reinoa27 PEx Rookie ⭐
    edited September 2018
    Only give what you are comfortable to give. Bago ako nag abroad, sinabihan ko nanay ko na X amount lang ibibigay ko kasi kailangan ko din mag ipon for my retirement. She didn't complain naman pero kasi hindi cia yung tipong nanghihingi. It got a little crazy though lalo na nung pinarenovate yung bahay so I had to put my foot down and said hindi na ako mag bibigay ng pang renovate. Ngaun if may gusto cia paayos, ibabawas na lang niya yun sa allowance niya at hindi extra na galing sakin.

    Hindi masama na isipin mo din yung future mo OP.

    Also, check out https://www.reddit.com/r/raisedbynarcissists/ :)

  • ermonskiermonski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung magkano lang ang kaya mo ibigay. 30% is good enough. Sa sahod mo kahit mga 2-3k a month ok na yun
  • 0627satogoro0627satogoro PEx Rookie ⭐
    sabi dito samin, kapag first job at first sahod mo, dapat lahat ng pera mo ay ibigay daw sa magulang para hindi maubos ang pera. ginawa yan ng mga iba kong pinsan at mga iba pa naming pamilya... kaso yung sakin, ipinahiram ko sa tita kong nangangailangan (umuutang kasi need nya talaga) mga 2k ang ipinahiram ko at nang malaman yun ng isa kong tita nagalit sya hehe... ewan ko kung totoo ang ganung pamahiin.

    Ang binibigay kong sahod sa magulang ko ay depende... madalas nasa 3-4k at may natatabi ako para sakin kapag sahod time na pero minsan nawawala gawa ng may emergency talaga at laging may kailangan ang pamilya...

  • Kung nakikitira sa magulang mainam ibigay ang sahod na abot kaya. Dapat mayroon ka ring tabi sa iyong impok.
    Pero pinakamainam sa lahat ay MAGSARILI NA. Iba ang may sariling pamamahay sapagka't may mga life skills na matututunan lamang kung magsasarili!
  • SamanthaBSamanthaB PEx Rookie ⭐
    sabi dito samin, kapag first job at first sahod mo, dapat lahat ng pera mo ay ibigay daw sa magulang para hindi maubos ang pera. ginawa yan ng mga iba kong pinsan at mga iba pa naming pamilya... kaso yung sakin, ipinahiram ko sa tita kong nangangailangan (umuutang kasi need nya talaga) mga 2k ang ipinahiram ko at nang malaman yun ng isa kong tita nagalit sya hehe... ewan ko kung totoo ang ganung pamahiin.

    Ang binibigay kong sahod sa magulang ko ay depende... madalas nasa 3-4k at may natatabi ako para sakin kapag sahod time na pero minsan nawawala gawa ng may emergency talaga at laging may kailangan ang pamilya...

    If you still got money now, then apparently wala naman epekto yung pamahiin. It's actually all about learning how to handle your money right and being financially literate. If you don't know how to handle your money right, malamang sa malamang ay mauubusan ka ng pera even if you practice the so-called pamahiin. 
  • phillyphilly Member PEx Expert 🎖️
    hwag maniwala sa pamahiin.

    you should support your parents if they need support. but it is their responsibility to take care of themselves - not yours. 
    mali ang parents mo to require you, with matching pa-guilty pa sayo.
  • shewholovesthebeach_shewholovesthebeach_ PEx Rookie ⭐
    edited September 2018
    SamanthaB said:
    You are already giving 85% of your earnings to your parents. It is already enough. Besides, you are the one earning the money so you have the right to decide what to do about it. Don't feel guilty about not giving 100% of your wage. The responsible parents I know never ask anything from their working children. They just wait for their kids to give something back to them.
    I agree with your statement here, particularly about those responsible parents who would never oblige their working children to give them money. While it is admirable for a son/daughter to give a part of his/her salary to his/her parents, it is totally okay should he/she fails to give to them something sometimes. Parents, as loving as they naturally are, would understand every kind of situation their children are in to.

    Sometimes, it is easy to feel guilty whenever we fail to give whatever our parents asks from us. It's understandable since our parents have made huge sacrifices from us. It is also okay if they will ask something from their kids from time to time. But they should also understand that their kids already have a life of their own. Parents forget this sometimes though. So in this case, keeping a clear communication may help. Children should consider explaining their side to your parents. 
  • KoharuKoharu PExer
    sabi dito samin, kapag first job at first sahod mo, dapat lahat ng pera mo ay ibigay daw sa magulang para hindi maubos ang pera. ginawa yan ng mga iba kong pinsan at mga iba pa naming pamilya... kaso yung sakin, ipinahiram ko sa tita kong nangangailangan (umuutang kasi need nya talaga) mga 2k ang ipinahiram ko at nang malaman yun ng isa kong tita nagalit sya hehe... ewan ko kung totoo ang ganung pamahiin.

    Ang binibigay kong sahod sa magulang ko ay depende... madalas nasa 3-4k at may natatabi ako para sakin kapag sahod time na pero minsan nawawala gawa ng may emergency talaga at laging may kailangan ang pamilya...

    Hi. Tanong ko lang kung nauubusan ka nga po ng pera? Or mas gipit ka kaysa sa pinsan mo? Don't get offended po, tatanong lang po. Nakakatakot kasi mga pamahiin e.
Sign In or Register to comment.