FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Vilma Santos-Alden Richards Movie

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
edited June 28 in Showbiz - Movies

Alden Richards-Vilma Santos movie project, ikakasa na?

by PEP Troika posted on June 23, 2018

GORGY RULA: Isang Vilmanian ang nagsabi sa aming may isang producer palang may magandang movie project na bagay na bagay raw para sa Star for All Seasons.

image: https://contents.pep.ph/images2/news/2016-09-19_23:57:22_vilma-santos.jpg



IMAGE Vilma Santos-Recto Facebook page

Wala pa naman daw napagdesisyunan si Cong. Vilma Santos sa naturang offer, pero ang gusto sana nilang makasama niya para rito ay si Alden Richards.

Type din pala ng karamihang Vilmanians si Alden, at bagay raw kung tatanggapin ni Cong. Vi ang project na yun.

Tinanong namin ang taga-GMA Artist Center kung may ganun nga bang offer kay Alden, pero wala pa raw silang natatanggap.

Sa totoo lang, isa raw sa mga pangarap ng Pambansang Bae ay makasama si Cong. Vi at ilan pang kilalang veteran stars.

Tuwang-tuwa nga raw si Alden nung binanggit ni Kris Aquino na gusto siya nitong makasama sa isang project.

Sana magkaroon nga raw ng chance na makagawa siya ng isang magandang pelikula kasama ang ilang kilalang senior stars na nabanggit.

Dream din daw ni Alden na makatrabaho sina Aga Muhlach at Gabby Concepcion.

Pero sa ngayon ay focused muna si Alden sa bagong action-fantasy-drama series niyang Victor Magtanggol.

Ipinakita na nga sa 24 Oras kagabi, June 22, ang costume niyang matagal ding nabuo.

image: https://contents.pep.ph/images2/2018/06/23/36062973_10156556998719791_7227365417163948032_n.jpg



Proud si Alden na purong gawang Pinoy ang costume ni Victor Magtanggol.

“Everything is purong Pinoy. It’s all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project,” pakli ng bida sa Victor Magtanggol.

Ang hirap din daw nang pinagdaanan niya bago nakuha ang tamang fit para sa costume.

Matagal daw pinagtalunan ang color scheme nito, pero nabuo na rin finally.

Kahit mukhang mabigat ang costume, kumportable naman daw si Alden at magaan daw itong dalhin sa mga action scenes niya.

How true na bongga rin ang location na kukunan ng action scenes suot ang naturang costume?

First week of July ay nakatakda na silang lumipad para kunan ang mga mahahalagang eksena at action scenes kunsaan suot ni Alden itong Victor Magtanggol costume.

JERRY OLEA: Nagkasama na sina Nora Aunor at Alden sa short film ni Direk Adolf Alix Jr. na Kinabukasan.

Isa si Alden sa paboritong aktor ni Direk Adolf kaya gusto niyang maidirehe sina Alden at Nora sa isang full-length feature.

Sa presscon ng pelikulang I Love You, Hater recently sa Dolphy Theater, sinabi ni Kris Aquino na kung kaedad niya si Julia Barretto ay pipiliin niya si Alden Richards kesa kay Joshua Garcia.

Katuwiran ni Kris, “Ang kay Julia, kay Julia na. Si Alden, libre pa.”

At heto, bet ng Vilmanians si Alden para makasama ng Star for All Seasons sa pelikula.

Wish ko namang makatambal ni Vice Ganda si Alden sa MMFF 2018 entry nito!

NOEL FERRER: All the attention and the good breaks are coming to Alden.

Sana naman ay tumaas pa ang status at respeto sa kanya bilang aktor.

Pero paano na ang ALDUB?


Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/22108/alden-richards-vilma-santos-movie-project-ikakasa-na#QcLcXZ4o71xvQ54u.99

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Vilma sa movie with Alden: Nothing is final

    June 28, 2018 Filed under Showbiz atbp. Posted by Angelli Catan Balita RSS RSS Feed

    MARIING itinanggi ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang nakarating sa amin na kesyo may offer daw sa kanya ang isang malaking produksiyon para pagsamahin silang dalawa ni Alden Richards sa pelikula.

    Cong Vilma

    Ayon pa kay Ate Vi, may naglatag lang daw sa kanya ng konsepto na posibleng magsama sa kanila ng pambatong aktor ng Kapuso network. Pero nilinaw kaagad ng Star for All Seasons na wala pang pormal na offer.

    “No, wala, Jimi!!! May naglatag lang ng story. ‘Yun lang, nothing is final,”mensahe pa ng incumbent congresswoman ng Batangas.

    Dagdag pa rin naman ni Ate Vi, wala pa rin naman daw siyang ibinigay na commitment dahil sa ngayon ay nakatutok pa rin at mas binibigyan pa rin niya ng prioridad ang pagiging mambabatas.

    Kumbaga, kung matuloy daw ang nasabing project at magkasundo sila ay maaaring gawin niya iyon, pero kung hindi ay sa susunod na mga pagkakataon na lang. Inaasam din naman daw ni Ate Vi na makasama sa isang project ang isang Alden Richards, huh!

    Pero knowing Ate Vi, basta ba gusto niya ang isang project ay madali lang sa kanya na makagawa ng paraan. Medyo matagal-tagal na rin kasi na napanood ng lahat ang isang Ate Vi sa pelikula.

    Sabik na sabik na rin naman ang mga Vilmanians na mapanood muli ang Star for all Seasons sa pelikula. Request pa ng mga ito na sana raw makagawa na rin si Ate Vi ng isang Maalaala Mo Kaya episode, huh!

    Samantala, dahil kasalukuyang naka-recess ang Kongreso ay bising-busy pa rin si Cong. Vi sa pag-iikot sa mga constituents niya sa Lipa City. Kamakailan lamang ay si Ate Vi mismo ang nag-ribbon cutting sa ipinagawa niyang school building.

    First termer pa lang si Ate Vi as congresswoman pero may mga nag-uudyok sa kanya ngayon na tumakbong senador, huh!

    -Jimi C. Escala

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Naunahan si Kris, Alden at Ate Vi magsasama sa movie!

    BOOM: Proud na proud si Alden Richards sa costume niya sa Victor Magtanggol dahil gawang Pinoy ito.

    “Everything is purong Pinoy, It’s all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project,” pakli ni Alden.

    Matagal din daw nabuo ang costume na iyun na kung saan ilang beses pinalitan at natagalan silang mag-decide sa kulay nito. Pero finally, nang nabuo na, agree ang lahat na maganda at bumagay kay Alden.

    Type pa ni Alden dahil kumportable siya at hindi mabigat sa kanya kapag ginagawa niya ang mga action scenes.

    Pero mas natuwa kami sa location ng taping kung saan gagawin ang mga action scenes suot ni Alden ang naturang costume.

    Ang ganda ng location na hindi ko muna babanggitin kung saan.

    Pero bandang first week of July ay kukunan na nila doon ang mga actions scenes suot ang bonggang costume ni Victor Magtanggol.

    Samantala, natuwa naman daw si Alden nang nakarating sa kanya na gusto siyang makasama ni Kris Aquino sa pelikula.

    Gustung-gusto rin daw niyang makatrabaho si Kris dahil isa raw sa mga pangarap din niyang makatrabaho ang mga magagaling at beteranong artista kagaya nina Kris, Vilma Santos, Aga Muhlach at Gabby Concepcion.

    May bumulong nga sa aming si Alden daw ang gustong kunin ng isang producer na isama kay Cong. Vilma Santos sa isang pelikula. Pero wala pang na-finalize sa Star for All Seasons kung gagawin niya ang naturang project.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    By JUN NARDO

    Vilma, Alden magsasama sa pelikula

    Sharing is caring!

    Kinumpirma ni Congressman Vilma Santos-Recto sa text niya sa amin na may nagsabi at naglatag ng concept ng pelikulang pagsasamahan nila ni Alden Ri­chards.

    “Pero hindi pa final ‘yan at wala pang commitment!!! Siguro if it’s meant…ok ‘yan. Kung hindi naman may be next time!!!” text sa amin ni Ate Vi.

    Madali namang mapapayag gumawa uli ng pelikula si Ate Vi. Basta gusto niya ang script, maglalaan talaga siya ng mga araw para sa shooting nito. Matagal na ‘yung huli niyang ginawang movie kaya sabik din siyang makaarte muli sa big screen.

    Anyway, recess pa ang Congress ngayon kaya sinsamantala niya ito para makasama ang pamilya. Of course, kahit recess ay bumibisita rin siya sa mga constituent niya sa Lipa City para sa projects na ginagawa niya para sa kanila.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Vilma Santos names three young heartthrobs she wants to work with in a movie

    by Julie Bonifacio posted on October 11, 2018

       

    Vilma Santos wants to do a movie with Daniel Padilla, Joshua Garcia, and James Reid.


    Aminado si Vilma Santos na may mga tinanggihan na siyang mga movie projects in the past.

    Kailan niya plano gumawa ulit ng pelikula?

    “Meron pong offer. Pero tatlo na yung script ang natanggihan ko," pag-amin ni Vilma.

    “Wala pa akong tinatanggap though I have mga script. But you know what pakiramdam ko, sometimes kapag nakikita ko na yung synopsis, alam ko kaagad kung okay, e.

    “Parang Extra, isang araw ko lang tiningnan yun, nung pinadala sa akin yun na gusto kong subukan. ‘Pag tingin ko pa lang sabi ko, ‘Maganda ‘to, ah.'"

    Ang Extra ay ang movie ni Vilma para sa 2013 Cinemalaya Film Festival.

    “May kinunsulta ako, sinabi sa akin wala pang kumita na indie film. Pero sabi ko gusto ko yung script. Imagine kung naging star ako tapos ngayon ako yung extra. Kaya kita mo yun, sandali lang, I said yes. I found time talaga to shoot it.

    “Kami yata ang highest grossing film sa Cinemayala. Best Actress din ako doon. Hahaha! May balik naman. Nakakatuwa.

    “But I think it’s the indie ano gayon, usung-uso ang indie ngayon. At kumikita, di ba? Like yung Kita Kita.

    “Tapos binibigay sa malalaking produksyon para i-release.”

    Gusto ba niya na isang indie film ang gawin niya for her next project?

    “Hindi....hindi. Next year wala pa akong plano but I’m getting scripts.”

    Tatanggapin ba nya ang alok na movie project kasama sina Charo Santos at Alden Richards?

    “Ay, e, nakalatag lang po. Tinawagan nga ako ni Malou [Santos], ‘What can you say?’ Sagot ko, ‘Malou, hindi pa ako ano.’

    "[Sabi niya] ‘Nabasa mo na ba yung Alden-Charo?’ I think kay Adolf Alix. Pero Star Cinema ang magre-release.”

    Si Alden na ba talaga ang kasama sa project?

    “Ay, hindi ko pa po alam kung kay Alden or kay Joshua [Garcia].”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW 

    Possible ba na tumigil na siya sa politika at mag-full time na ulit sa showbiz?

    “I don’t know. Hindi ko alam.

    “Oo, another three years ulit ‘pag nag-second term ako sa Congress.

    “Gusto ko talagang umarte. Kapag nanonood nga ako ng teleserye, ‘Kaya ko yun.’ ‘Gusto ko yun.’ Tapos naiisip ko, ang saya nila backstage, nagkakainan, nagtatawanan.

    “Alam ko yung nangyayari behind the camera. Nami-miss ko yun siguro. But again sa klase ng buhay meron ako ngayon, if it’s meant, it’s meant. 

    “Kapag hindi talaga bukol yung movie, hindi muna. Kasi nakakatakot din gumawa basta-basta ngayon dahil hindi naman ini-engganyo ka to do, gagawin mo na kahit hindi mo naman type. Hindi, e.

    “Minsan ka na nga lang gagawin pumili ka na nung medyo, kahit na, may sigurista ka na kung sino yung co-stars mo. Na siguro kahit papano kikita naman.

    “E, minsan ka na nga lang gagawa after tapos flop pa? Huwag naman. Huwag na muna.

    “E, di magalit na lang kayo sa akin kung hindi ako gumagawa ng movie. Pero hangga’t hindi ko nararamdaman yung pulso na gusto ko, I’d rather not, di ba?”

    Sabi niya sa kanyang interview sa The Bottomline na nais niyang gumawa ng pelikula with Daniel Padilla, Joshua Garcia, at James Reid. Bakit sila ang napili niya?

    Ayon sa Star For All Seasons, “Gusto ko silang makasama sa movie, kahit nga sabay-sabay sila, e.

    “Humanap tayo ng istorya na sabay-sabay sila.

    “Being a senior na rin sa showbusiness, junior lang pala. Hahaha!

    “It’s nice to be with the new breed, e. Meron ka ring makukuha sa kanila which we can offer something different din sa movie audience. Kasi kung pareho pa rin ang gagawin natin, wala na. Kailangan merong konting pagbabago. At para magbago kailangan meron kang millennials na mga bagets.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW 

    “Humanap kayo ng script na ganyan, maganda yun. Something different na i-offer, di ba?”


    Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/28605/vilma-santos-names-three-young-heartthrobs-she-wants-to-work-with-in-a-movie#YYBTBBd7SHUpYHDV.99

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file