FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

MMFF 2018: FANTASTICA (Vice Ganda-Dingdong Dantes-Richard Gutierrez)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
edited July 24 in Showbiz - Movies
NEWS

Dingdong Dantes surprised about reported upcoming project with Vice Ganda

by Rose Garcia posted on June 9, 2018

    

IMAGE Gorgy Rula

Dingdong Dantes is grateful to those who have watched and liked Sid & Aya, which he describes as "hindi pangkaraniwan."


Patuloy na pinapanood ang Viva Films movie na Sid & Aya (Not A Love Story) at nung Huwebes, June 7 ay dumating si Dingdong Dantes sa ibinigay na block screening ng kanyang management, ang PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan sa Vertis North Cinema sa Ayala Malls, Quezon City.

Nung gabi ring yun ginanap ang victory party ng pelikula. 

Masaya si Dingdong sa tagumpay ng unang pagsasama nila ni Anne Curtis.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng manonood dahil sa kanilang overwhelming support sa pelikulang Sid & Aya,” saad ng Kapuso Primetime King.

Ayon pa kay Dingdong, “Noong ginagawa kasi namin ito, talagang may takot sa amin bilang mga actors at filmmaker involved.  Hindi siya yung pangkaraniwang storytelling, may risk siya.

“Pero ganun naman talaga, kapag may malaking risk. Kapag nagustuhan, maganda rin ang kinalalabasan. Kumbaga, tumaya lahat sa ganitong klase—this kind of storytelling ni Irene.”

Si Direk Irene Villamor na siyang writer at direktor ng kanilang pelikula ang tinutukoy ni Dingdong.

“And we are grateful na nagustuhan siya,” patuloy pa ni Dong.

HITTING THE PHP100 M MARK. Halos karamihan ng mga pelikulang ginawa ni Dingdong ay lumalagpas sa PHP100 million na kita sa box-office.  Katulad nga nitong Sid & Aya, na ayon sa Viva Films ay naka-PHP100 million na sa loob ng siyam na araw. 

Maging ang ninang nila sa kasal ni Marian Rivera na si Kris Aquino, sa pinost nitong reply sa Instagram ay  nabanggit ang pagiging most consistent actor ni Dong pagdating sa box-office.


STORIES WE ARE TRACKING


“Sa akin naman, I’m very grateful dahil siguro, natitiyempo rin na magagandang project yung napupunta sa akin. Siyempre, kung hindi rin naman ako ang kukunin, wala rin tayong magagawa.

“Salamat sa tiwala.”

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Dingdong kung ano ang susunod niyang proyekto sa pelikula pagkatapos nga ng matagumpay na Sid & Aya.

“Hindi pa alam, e. Wala pa. Tutal naman, wala pa naman sa kalagitnaan ng taon.”

May mga report naman na may gagawin daw siyang pelikula sa Star Cinema na magiging Metro Manila Film Festival (MMFF) entry. Ito raw ang unang pagsasamahan nila ni Vice Ganda na diumano’y inspired sa pelikulang The Greatest Showman.

Nagulat naman si Dingdong sa balitang ito.

“Ngayon ko lang din nalaman, wala pa ‘kong alam,” saad niya.

“Pero that would be very interesting.”

AMAZING EARTH. Sa telebisyon, ipinapakita na ang teaser ng bago niyang programa sa Kapuso network, ang Amazing Earth.

Ayon kay Dingdong, sa June 17 na raw ito magpa-pilot episode.

“Ano siya, pagkukuwento siya ng mga amazing na bagay tungkol sa ating planet Earth.

“Honored ako na ibinigay sa akin ng GMA ‘to dahil hindi lang siya pagkukuwento  o kumbaga, hindi lang siya kuwento ng kagandahan ng ating mundo or ating environment, kumbaga, kuwento rin ng mga hayop sa kapaligiran natin.

“Makikita natin how similar we are dito sa mga nilalang na ‘to.”

Nakapag-taping na rin daw siya ng dalawang episodes.

Nabanggit na rin ni Dingdong na may bago rin siyang primetime series na gagawin sa GMA-7 na posibleng sa August umere. Hindi pa nga lang muna siya maaaring magbigay ng karagdagang detalye tungkol dito.

 


Read more at https://www.pep.ph/news/70597/dingdong-dantes-surprised-about-reported-upcoming-project-with-vice-ganda#fmHHkL1X6tLsWeyE.99
«134

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Dingdong walang alam sa MMFF movie nila ni Vice

    By VINIA VIVAR
    Last updated Jun 9, 2018
     0 1,966
    Share

    Wala pang alam si Dingdong Dantes tungkol sa napapabalitang gagawin niyang pelikula for Metro Manila Film Festival under Star Cine­ma na pagsasamahan daw nila ni Vice Ganda.

    Ayon sa isinulat ni katotong Allan Diones, The Greatest Syokla raw ang magiging titulo ng pelikula at inspired o spoof ng The Greatest Showman ni Hugh Jackman.

    Nang makausap namin si Dong sa block screening­ ng movie nila ni Anne Curtis na ‘Sid & Aya (Not a Love Story)’ na sponsored ng management niyang PPL Entertainment, Inc, aniya ay ngayon lang daw niya nalaman ang tungkol dito.

    “Ngayon ko lang din nalaman. That would be very interesting. Pero wala pa akong alam diyan,” pahayag ni Dong.

    Actually ay hindi pa raw niya alam kung ano ang next movie niya pero ang alam niya ay ‘yung bago niyang show sa GMA-7, ang Ama­zing Earth na magsisimula na sa June 17.

    “Pagkukuwento siya ng mga amazing na bagay tungkol sa ating planet Earth and ako, honored ako na ibinigay sa akin ng GMA ‘to dahil hindi lang siya kuwento ng kagandahan ng ating mundo, ng ating environment kung hindi, kuwento rin ng mga hayop sa kapaligiran natin, makikita natin how similar we are du’n sa mga nilalang­,” kwento ng aktor.

    Samantala, sa kasaluku­yan ay na-achieve na ng Sid & Ayaw (Not a Love Story) ang 100 million mark sa loob ng 9 days na pagpapalabas nito sa mga sinehan. Ano ang masasabi niya na tinatawag siyang 100M-grosser-actor dahil ang mga pelikula niya ay consistent na nakaka-hit ng 100M pataas?

    “Sa akin naman, very grateful ako dahil siguro, natitiyempo rin na magagadang projects ang napupunta sa akin. Eh siyempre, kung hindi naman io-offer ‘yun, hindi ko rin naman magagawa. So, salamat sa tiwala ng mga producers,” he said.
    ***

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
    Vice at Richard


    Vice si Richard ang napisil na itapat kay Coco
    4SHARES000
    RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2018 - 12:00am

    Nalaman namin kay Boss Vic del Rosario ng Viva na si Richard Gutierrez umano ang gustong makasama ni Vice Ganda sa kanyang gagawing Metro Manila Film Festival movie this year na horror-comedy ang tema.

    Kung mag-aalyansa sa MMFF sina Vic “Bossing” Sotto at Coco Martin at kung saan kasama raw si Maine Mendoza, hindi naman daw ito rason para maalarma ng MMFF box office star na si Vice na ayaw pang i-reveal kung sinu-sino pa ang makakasama niya sa bagong niyang MMFF movie at kung sino ang director nito dahil nag-beg off umano si Direk Joyce Bernal.

    Very confident si Vice maging ang production ng pelikula (Star Cinema at Viva Films) na mangu­nguna pa rin sa takilya ang entry ng singer-comedian-TV host (ng Gandang Gabi Vice and It’s Showtime) kapag ito’y nakapasok sa MMFF.

    Ang top four among the eight official entries ay nakatakdang I-release ng MMFF screening committee ngayong June 15.


    Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/showbiz/2018/06/11/1823422/vice-si-richard-ang-napisil-na-itapat-kay-coco#z9EgOmjQxm2mwyq3.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
    Vice ganda 'di takot kay Maine June 9, 2018 Written by Aster Amoyo Published in Showbiz Read: 360 Vice Ganda Vice Ganda MUKHANG hindi magpapatinag ang Metro Manila Film Festival Box Office Star na si Vice Ganda sa pagsasanib-puwersa umano nina Vic `Bossing’ Sotto at Coco Martin sa kanilang MMFF movie entry kung saan din umano kasama ang other half ng phenomenal pair ng AlDub na si Maine Mendoza. Balitang si Richard Gutierrez ang gustong makasama ni Vice sa pelikula. Pero ang mas mahalaga raw ay pare-pareho nilang mabigyan ng kasiyahan ang mga manonood. After all, ang moviegoing public naman ang huhusga sa kanilang mga pelikula.
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    MORE MOVIE PROJECTS WITH AGA, VICE GANDA, ANNE ATBP

    Napag-alaman namin kay Boss Vic, na ang Viva pala ang may hawak ng mga movie projects ni Aga Muhlach. This year alone ay may tatlong movies si Aga. Tapos na nito gawin ang balik-tambalan nila ni Alice Dixson na sa Greenland pa kinunan, nasa Canada naman ngayon ang mister ni Charlene Gonzales for his first movie with Bea Alonzo na pinamamahalaan ni Paul Soriano who co-produces the movie with Viva Films. Isusunod na rito ang balik-tambalan nina Aga at Lea Salonga under Star Cinema na malamang co-production din with Viva Films.

    Maging ang mga movie project ni Vice Ganda ay co-producer ang Viva. Napag-alaman namin kay Boss Vic na si Richard Gutierrez ang makakasama ni Vice sa upcoming Metro Manila Film Festival na horror-comedy ang tema pero ibang director na ang hahawak nito at hindi na si Direk Joyce Bernal.

    Co-venture naman ng Viva Films at Reality Entertainment ang action-thriller movie na “Buy Bust” na dinirek ni Erik Matti at tinatampukan nina Anne Curtis, Brandon Vera, Joross Gamboa, Mara Lopez, None Buencamino, AJ Muhlach at Victor Neri. The movie is also intended for international release. May isa ring horror movie na gagawin si Anne intended for the Metro Manila Film Festival.

    May ilang pelikula na rin ang tapos ng Viva at ang iba naman ay kasalukuyan pang ginagawa na may kani-kanyang playdates na at kasama na rito ang bagong entry ng kumpanya sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) in August na muling pinagtatambalan nina Bella Padilla at JC Santos na siya ring nagbida sa “100 Tula Para kay Estela” sa unang PPP nung isang taon at siyang nanguna sa mga entries.

    Malapit na ring matapos ang first team-up nina Sarah Geronimo at James Reid kasama si Xian Lim, ang local remake ng Korean hit movie na “Miss Granny” na pinamamahalaan ni Joyce Bernal.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    GUIDE

    Dingdong says his new movie might be submitted as MMFF 2018 entry

    by Rachelle Siazon posted on June 18, 2018

    27 Shares

        

    IMAGE Noel Orsal

    Dingdong Dantes on not wanting to be typecast in just one genre: "Meron tayong ways of determining what the people want. As entertainers, hindi ko naman masyado mantra na kailangan seryosohin na pag sinabi kong drama, dapat drama lahat ginagawa ko. Mas gusto ko kung ano magpapasaya ng tao."


    Dingdong Dantes said there’s still no official word about his rumored movie teamup with Vice Ganda.

    This was in relation to earlier reports that he and Vice Ganda will supposedly star in a Metro Manila Film Fest entry that has a similar vibe with Hollywood film The Greatest Showman.

    “Wala pang binibigay na detalye sa akin about that. Pero nung nabalitaan ko nga, sabi ko, ‘Wow, that would be a privilege.’

    “Pero with regards to kung ano yung totoong mangyayari, kung ano yung totoong proyekto wala pa naman kumakausap sa akin about it.”

    But Dingdong did confirm that he’s set to start shooting for his two movies this year.

    Will these movies be submitted for MMFF 2018?

    Dingdong answered, “Yung isa parang hindi. Yung isa posibleng oo.  Basta yung dalawang yun wala sa plinano ko this year. So bagong dumating.”

    PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and other entertainment reporters interviewed Dingdong at the media launch of GMA Network’s weekly infotainment program Amazing Earth, which can be seen every Sunday at 6:10 p.m.

    BACK TO HOSTING. Amazing Earth is a Philippine presentation of BBC's Planet Earth II, a documentary series featuring wildlife unique to various places across the globe.

    Dingdong also said that Amazing Earthshowcases content from Planet Earth but also new ones taken here in the Philippines.

    "Siniguro ng team ng Amazing Earth mailagay ang flavor ng pagiging Pinoy. Kagaya nitong segment we will feature amazing heroes in our every destination.

    "They are the local heroes na nakaka-relate sa existing na hayop sa kanilang lugar and how they take care of nature."

    So far, Amazing Earth has explored beautiful diving spots in Batangas, including Verde Island Passage which has been declared as Center of Marine Shorefish Biodeversity of The World in 2006.

    Talking about what the show hopes to impart to viewers, Dingdong said, "Hindi naman ako scientist. Hindi naman ako eksperto sa larangan ng species rito.

    "But one thing’s for sure, we all belong to this planet. We are all responsible for what we do here.

    "So mahalagang bagay na alamin natin that we are not only the species here. We have animals and plants around us.

    "Alamin natin kung ano sila and how to co-exist with them para mas magiging harmonious ang pagsasama natin dito sa nag-iisa nating planeta."

    NEW TELESERYE. Aside from hosting Amazing Earth, Dingdong confirmed that he will also headline a new teleserye before the year ends.

    "Pero meron akong gagawin this season, definitely this year."

    Will it be an action-packed series like Alyas Robinhood or does he prefer a drama soap this time around?

    "Depende sa gusto ng viewers natin," Dingdong replied.

    "Meron tayong ways of determining what the people want. As entertainers, hindi ko naman masyado mantra na kailangan seryosohin na pag sinabi kong drama, dapat drama lahat ginagawa ko. Mas gusto ko kung ano magpapasaya ng tao."


    Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/28044/dingdong-says-his-new-movie-might-be-submitted-as-mmff-2018-entry#eL7L8olB6kgSEvJP.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    DINGDONG DANTES VS. RICHARD GUTIERREZ: Sino ang pinaka-swak kay Vice Ganda?

    Dingdong Dantes, Vice Ganda and Richard Gutierrez

    ALMOST six months pa lang bago dumating ang Metro Manila Film Festival 2018 ay pinaguusapan na kung sino ang mga kalahok sa naturang December kaganapan.

    Yes, sina Coco Martin at Bossing Vic Sotto ay gagawa ng pelikula intented for the MMFF 2018.

    At si Vice Ganda, ay hindi rin pahuhuli dahil parang pangako na niya sa mga bata na kahit busy siya ay may gagawin siyang pelikula bilang regalo sa kanila tuwing Kapaskuhan.

    From the grapevine, usap-usapan na dalawa ang pinagpipilian kung sino ang bagong magiging leading man ng ‘Unkabogable Box-Office Superstar” kung si Dingdong Dantes or si Richard Gutierrez.

    Si Coco kasi na nakasama na niya before ay si Bossing Vic ang ka-tandem sa gagawin nilang pelikula para sa MMFF 2018.

    Sa kaso ni Vice, pinagiisipan ng mabuti kung sino ang akmang-akma para makapartner ng host-comedian sa gagawing pangregalo niya sa mga bata.

    Balita namin, nakarating na kay Dingdong ang balita na isa siya sa pinagpipilian.

    Sa kaso ni Richard, I just don’t know kung okey ang estado niya.

    Kung fan-based supporters, mas malaki at mas malawak ang suporta ng mga fans ni Dingdong, lalo pa’t ang mga DongYan fans ay always andyan to supporter their idols.

    Balita namin, this July na magsisimula ang shooting ng pelikula.

    As soon as we get the final details kung sino ang magiging kapartner ni Vice sa pelikulang gagawin  niya intented for the flilmfest ay ibabalita namin kaagad.

    Para sa akin, kung pwedeng sina Dingdong at Richard para sa project, why not? Mas bongga na ang Vice Ganda, dalawang good-looking leading men ang makakasama sa pelikula pelikula niya.

    Reyted K
    By RK Villacorta

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Tweet Scoop: 4 MMFF 2018 Entries Revealed

    Image courtesy of Twitter: marinelRcruz

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Dingdong on potential pair-up with Vice: ‘Very interesting’

    June 11, 2018 | Filed under: Entertainment | Posted by: Tempo Online
    4
    SHARES

    By Delia Cuaresma

    Malakas ang usap-usapan na pag-pa-partnerin si Dingdong Dantes at Vice Ganda para sa isang pelikulang ilalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

    dingdong

    Ads by Kiosked

    Ito ay dahil na rin sa success ng pelikula ni Dingdong with Anne Curtis na “Sid & Aya (Not A Love Story),” na ayon sa producers nito ay naka-R100 million sa loob ng siyam na araw.

    Of course, hindi naman kaila sa marami ang lakas ng hatak ni Vice sa mga moviegoers. Pawang mga box-office hits ka yang mga pelikula nito!

    Marami ngayon ang nagsasabi na pag natuloy ang tandem tiyak na sure-fire hit ang pelikula.

    Cool naman si Dingdong nang tanungin ukol dito.

    Aniya sa isang interview na lumabas sa Pep.ph, wala raw siyang alam na ganoong plano pero kung sakali “very interesting” daw ito.

    Kung sakali ito ang unang beses na magtatambal ang dalawa para sa isang proyekto.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    BOOM: Pagkatapos inilabas ng MMFF ang apat na napili nilang script na pasok sa Metro Manila Film Festival 2018, tinanong namin si Perry Lansigan, ng PPL na manager ni Dingdong Dantes kung kinontak nga ba siya para sa entry ni Vice Ganda

     Wala naman pala siyang natatanggap na offer na kinukuhang leading man ni Vice Ganda si Dingdong sa entry niyang Fantastica: The Princess, The Prince  and The Perya.

    Sa title pa lang, ay halatang mala-The Greatest Showman ito at bagay na bagay nga kung si Dingdong ang lead actor dito kasama si Vice Ganda.

    Ipinost na rin ng manager ni Coco Martin na si Biboy Arboleda ang kuha nina Vic Sotto at Coco Martin.    

    Si Coco pa rin pala ang director, at silang dalawa pa lang ang nabanggit na bida. Hindi pa kinumpirmang kasama rin si Maine Mendoza na makakatambal ni Coco.

    Dito lang ako curious kung ano ang atake ngayon ni Coco na si Bossing Vic ang ididirek niya. 

    Mukhang itong apat na pelikula ang maglalaban-laban sa box-office.

    Si Anne Curtis ang bida sa entry ng Viva Films entry na Aurora, at sina Jericho Rosales, Jessy Mendiola at Tom Rodriguez naman sa Girl in The Orange Dress na ididirek ni Jay Abello.

    Ang latest na narinig namin, hindi na raw kasali sina Kim Chiu at Sam Milby.  Wala pang sinasabi kung sino ang ipapalit.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Dingdong Dantes to try comedy; to join Vice Ganda’s MMFF 2018 entry

    496
    SHARES
    • Vice Ganda will have a Metro Manila Film Festival entry.
    • However, his leading man still remains unknown.
    • Rumors also suggest that Dingdong Dantes or Richard Gutierrez may pair up with the comedian.

    Vice Ganda always had plans for the annual Metro Manila Film Festival. This year, rumors suggest that he will have a leading man. This leading man may also be Dingdong Dantes or Richard Gutierrez.

    According to Veronica Samio’s article in Pang-Masa, Dingdong will pair up with Vice in the said annual festival. However, news from Journal Online, Richard will be the one to pair up with Vice.

    According to an article in Pilipino Star Ngayon, Dingdong remains clueless on the news of being Vice’s leading man.

    In an earlier report, Vice confirmed on having an entry.

    “Yes, magfi-film fest ako, oo… Ang ganda ng concept ko ngayon. Nung nagme-meeting palang kami sa Star Cinema, tawa na kami nang tawa. ‘Yung konsepto ng Star Cinema atsaka konsept ko nagbangga. Ang ganda! Nabuo siya.”

    Dingdong just recently starred in Sid and Aya (Not A Love Story) with Vice’s It’s Showtime co-host, Anne Curtis.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    image:

    Maine Mendoza, itatambal kay Coco Martin; Alden Richards, kay Vice Ganda?

    by PEP Troika posted on July 02, 2018

        

    JERRY OLEA: Ilang araw nang pinapalutang na si Maine Mendoza ang katambal ni Coco Martin sa MMFF 2018 movie nito with Vic Sotto na Popoy en Jack: The Puliscredibles.

    Wish naman naming si Alden Richards ang maging “Prince” sa MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya.

    Joint venture iyon ng ABS-CBN Films at Viva Films.

    image: https://contents.pep.ph/images2/micro_content/2018-06-07_23:28:14_AlDub.jpg



    IMAGE PR

    Di ba, umaarangkada ang movies ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa ilalim ng Viva Films at Star Cinema (ng ABS-CBN)?!

    Naniniwala kami na makakatulong sa career ng Pambansang Bae kung kalahok siya sa fantastic movie ni Vice.

    Nag-PM kami sa discoverer-manager ni Alden na si Carlites de Guzman kung OK iyon sa kanilang kampo.

    Sagot ni Carlites nitong Hulyo 2, Lunes ng hapon, “If mabibigyan siya ng opportunity, bakit po hindi?”

    NOEL FERRER: Ganun na nga yata ang kalakaran, na para magkaroon ng clout sa pelikula, kailangang makagawa ng pelikula sa Star Cinema ang Kapuso talents.

    Umaasa pa rin ako na darating ang panahon na maging active ulit ang GMA Films para mabigyan nila ng kaukulang stature ang mga talents nila ng pampalaking pelikula.

    Why not nga naman, di ba?

     


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/22175/maine-mendoza-itatambal-kay-coco-martin-alden-richards-kay-vice-ganda#uceW0zfI0KHRDVce.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
    BALIKAN: Vice’s MMFF movie moments
    Plus: Maris, Loisa, and Maymay’s MMFF-worthy movie scenes!
    by Regina Tabora 6/30/2018 in News
    1
    Save
    BALIKAN Vices MMFF movie moments

    With the wonderful news that Vice Ganda’s upcoming movie “Fantastica: The Princesses, The Prince, The Perya” is headed to the 2018 Metro Manila Film Festival, it’s only fitting that we celebrate and look back at his most memorable movie moments!

    From “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” to “The Revenger Squad” you’ll surely be laughing at Vice’s antics!


    Of course, we also look back at Vice’s co-stars Maris Racal, Loisa Andalio, and Maymay Entrata’s own movie moments - their performances in “Vince and Kath and James,” “The Revenger Squad,” and “Loving in Tandem” respectively, all prepared them for the magical experience of joining the MMFF!


  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    MORE MOVIE PROJECTS WITH AGA, VICE GANDA, ANNE ATBP

    Napag-alaman namin kay Boss Vic, na ang Viva pala ang may hawak ng mga movie projects ni Aga Muhlach. This year alone ay may tatlong movies si Aga. Tapos na nito gawin ang balik-tambalan nila ni Alice Dixson na sa Greenland pa kinunan, nasa Canada naman ngayon ang mister ni Charlene Gonzales for his first movie with Bea Alonzo na pinamamahalaan ni Paul Soriano who co-produces the movie with Viva Films. Isusunod na rito ang balik-tambalan nina Aga at Lea Salonga under Star Cinema na malamang co-production din with Viva Films.

    Maging ang mga movie project ni Vice Ganda ay co-producer ang Viva. Napag-alaman namin kay Boss Vic na si Richard Gutierrez ang makakasama ni Vice sa upcoming Metro Manila Film Festival na horror-comedy ang tema pero ibang director na ang hahawak nito at hindi na si Direk Joyce Bernal.

    Co-venture naman ng Viva Films at Reality Entertainment ang action-thriller movie na “Buy Bust” na dinirek ni Erik Matti at tinatampukan nina Anne Curtis, Brandon Vera, Joross Gamboa, Mara Lopez, None Buencamino, AJ Muhlach at Victor Neri. The movie is also intended for international release. May isa ring horror movie na gagawin si Anne intended for the Metro Manila Film Festival.

    May ilang pelikula na rin ang tapos ng Viva at ang iba naman ay kasalukuyan pang ginagawa na may kani-kanyang playdates na at kasama na rito ang bagong entry ng kumpanya sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) in August na muling pinagtatambalan nina Bella Padilla at JC Santos na siya ring nagbida sa “100 Tula Para kay Estela” sa unang PPP nung isang taon at siyang nanguna sa mga entries.

    Malapit na ring matapos ang first team-up nina Sarah Geronimo at James Reid kasama si Xian Lim, ang local remake ng Korean hit movie na “Miss Granny” na pinamamahalaan ni Joyce Bernal.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    DINGDONG, ‘DI PA SURE: Vice Ganda, wala pa rin leading man sa MMFF 2018

    Dingdong Dantes and Vice Ganda

    TAHIMIK lang si Vice Ganda sa isyung kinasasangkutan ng sinasabing ex-boyfie niya na si Terrence Romeo. Basta ang say lang ng gandarang si Vice sa isyu ay Kapayapaan.

    Mas madami kasi pinagkakaabalahan ang unkabogable box-office superstar ngayon na kung walang aberya ay nagsi-shooting na siya para sa MMFF 2018 entry niya.

    Bukod sa kasali ang komedyante sa conceptualization ng istorya (lalo na ang mga sketches at jokes na ilalahok sa kuwento) ay until now ay wala pa leading man na napipili si Vice na makakasama sa pelikula.

    Malakas ang usap-usapan na dalawa diumano ang magiging leading man niya:  Sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

    Wala man si Coco Martin (may sarili siyang entry with Vic Sotto); or Daniel Padilla, pag nagkataon, dala-dalawa naman ang mga naguguwapuhang mga men ang makakasama niya.

    As of this writing, wala pa ina-announce kung sino talaga ang makakasama si Vice sa kanyang entry na “Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya” with Kapamilya stars Maris Racal, Loisa Andalio and Maymay Entrata.

    Ang comedy-fantasy entry ni VG ay  produced ng Viva Films at ABS-CBN and will be directed Barry Gonzales.

     

    Reyted K
    By RK Villacorta

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Bagong lalaki ni Vice ilalantad ngayong gabi

    Last updated Jul 9, 2018
    By Jun Lalin
     0 2,298
    Share

    Naku, Dondon (my dear editor), people are asking me kung si Richard Gutierrez daw ba ang nakatakdang i-announce ni Vice Ganda na gaganap na ‘The Prince’ mamayang gabi sa story conference ng Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya, ang Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Star Cinema/Viva Films.

    May mga nagsasabi kasing si ­Richard ang talagang makakasama ni Vice sa nasabing MMFF 2018 movie, huh!

    Pero, let’s wait and see na lang dahil ilang oras na lang naman ay magaganap na ang story conference ng pelikulang ‘yon!

    Basta ang sinasabi palagi ni Vice, excited siya sa makakasamang aktor sa Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya.

    First time kasing makakasama ni Vice ang aktor na ‘yon, kaya marami raw talagang bagong mangyayari sa MMFF 2018 movie entry niya.

    Ang tsika nga palang narinig ko tungkol sa MMFF 2018 entry na ‘yon ni Vice ay magsu-shooting na raw kaagad sila ngayong July.

    Inayos lang daw mabuti ang lahat-lahat tungkol sa pelikula para ma­ging smooth ang shoo­ting nila.

    So, abangan na lang mamayang gabi ang announcement kung sino nga ba talaga ang ‘The Prince’ sa Fantastika, The Princesses, The Prince, The Perya.I

  • docetrecedocetrece Member ✭✭
    Confirmed: Richard Gutierrez and Dingdong Dantes are the leading men of Vice Ganda. 
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭

    Dingdong Dantes, Richard Gutierrez to play leading men of Vice Ganda in MMFF 2018 entry

    by James Patrick Anarcon posted on July 13, 2018


    It's official.

    GMA-7 actor Dingdong Dantes and ABS-CBN actor Richard Gutierrez will be Vice Ganda's leading men in the 2018 Metro Manila Film Festival entry Fantastica: The Princess, The Prince, and The Perya.

    This was confirmed during the story conference of the film held earlier today, July 13.

    Richard was present at the story con, while Dingdong was not seen in photos.

    GMA-7 actress Jaclyn Jose will also be part of this Star Cinema movie.

    Other cast members present during the storycon were Bela Padilla, Lassy, MC, Chokoleit, Pilipinas Got Talent finalist Joven Olvido, Ryan Bang, and Ronnie Alonte.

    It was announced previously that Loisa Andalio, Maris Racal, and Maymay Entrata are part of the movie.

    Yesterday, July 12, Dingdong was seen dropping by the Star Cinema office in the ABS-CBN compound.

    In a previous interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Dingdong dropped hints that his new movie might be submitted to MMFF 2018.

    Back then, it was not announced yet that Vice Ganda's film will be part of the first four entries.

    Even then, rumors already floated that Dingdong will co-star with Vice in this film directed by Barry Gonzalez.


    Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/28190/dingdong-dantes-richard-gutierrez-to-play-leading-men-of-vice-ganda-in-mmff-2018-entry#UKj3F5KYLIy0dPyw.99
  • audreyjaneaudreyjane ♡ ✭✭✭✭

  • audreyjaneaudreyjane ♡ ✭✭✭✭






«134

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file