Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

30 + dapat na bang mag asawa at masaya nga bang magka pamilya?

MasterB8MasterB8 PExer
magulang ko kasi hindi lang masyadong kumikibo ngunit nararamdaman ko gustung gusto na nila ako mag ka asawa at magka anak  (in short para may apo na sila) 30+ na kasi ang edad ko ngunit ang sa akin naman ang pananaw ko naman dyan ay kusa na lang darating yan at huwag madaliin, tama ba ako o talagang kailangan ko nang mag asawa kasi honestly wala pa akong napupusuan, emotionally and financially di pa ako handa ngunit dahil sa tumatanda na rin ako medyo nag aalala na rin ako sa kalagayan ko dahil mahirap naman din ang maging single habam buhay ano ang maipapayo nyo sa akin, please .... Lalo na sa mga hindi na single dyan!!

tama bang idaan ko lahat ito lagi sa pagdarasal...alam ko't mga ilan sa inyo kukutyain ako dito kasi di ba sabi nga ng panginoon, ang lahat ay may katapat at hinding hindi puwedeng mag isa ang isang tao dapat may makakasama sa buhay...
«134567

Comments

  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    wala ka kay panis na puto, sa murang edad na 20 years old ay pinagmalaki nya na may nabuntis na syang babae at may anak na. Hindi na nga nya dapat ipinigmalaki, proud na proud pa siya.
  • gladyskawaiigladyskawaii PEx Rookie ⭐
    edited April 2018
    With the right person
    for the right reason
    financially and emotionally ready
    then yes pwede na. 

    it’s not about DAPAT or HINDI DAPAT
    kung gusto mo lang pati ng other party

    and yes, prayer will help a lot.
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited April 2018
    Love comes from unexpected places.. Ang bagay o lugar na hindi mo inaasahan ay dun mo makikita si forever mo. This is a fact. Meron kwinento sa akin yung female friend kong doctor. Meron siyang female friend na doctor na ang long time boyfriend nya ay Engineer na nagsimula ang love story nila sa Ragnarok, Prontera.. eh sikat na sikat ragnarok eh.. Bata pa lang ako, 1 decade ago, uso na dun yung pakikipagkita eh.

    pero madami akong naging friends sa ragnarok, i really miss RO days, i was innocent at wala pa akong intention sa meet up na yan kahit meron akong female friends dun pede daw kami magkita pero hindi lahat natuloy. I was 14 or 15 back then.
  • Stella_NoxFleuretStella_NoxFleuret PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pero agree ako sa kantang ito. True love is hard to find now. When you smile your eyes show your heart.


  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    Yung mga solid millenial (borderline kasi ako eh lol!), advise ko sa inyo, wag na kayong mag asawa or mag anak. With the way how you gays raised by this technology age, i don't think you are fit to bear kids. 

    Just go and explore places, buy cool gadgets, be observant on your environment, keep innovating and make this planet a much better place in the next 50-100 years.
  • MasterB8 said:
    magulang ko kasi hindi lang masyadong kumikibo ngunit nararamdaman ko gustung gusto na nila ako mag ka asawa at magka anak  (in short para may apo na sila) 30+ na kasi ang edad ko ngunit ang sa akin naman ang pananaw ko naman dyan ay kusa na lang darating yan at huwag madaliin, tama ba ako o talagang kailangan ko nang mag asawa kasi honestly wala pa akong napupusuan, emotionally and financially di pa ako handa ngunit dahil sa tumatanda na rin ako medyo nag aalala na rin ako sa kalagayan ko dahil mahirap naman din ang maging single habam buhay ano ang maipapayo nyo sa akin, please .... Lalo na sa mga hindi na single dyan!!

    tama bang idaan ko lahat ito lagi sa pagdarasal...alam ko't mga ilan sa inyo kukutyain ako dito kasi di ba sabi nga ng panginoon, ang lahat ay may katapat at hinding hindi puwedeng mag isa ang isang tao dapat may makakasama sa buhay...
    Huwag ka magpapa-uto. Ang pag-aasawa ay 'di para sa lahat ng tao. Kung masaya ka sa pag-iiisa, huwag mong baguhin!

    Ika nga, kung wala namang sira walang dapat ayusin.
  • wala ka kay panis na puto, sa murang edad na 20 years old ay pinagmalaki nya na may nabuntis na syang babae at may anak na. Hindi na nga nya dapat ipinigmalaki, proud na proud pa siya.
    Akala ko ba baog ako. Ngayon naman nakabuntis ako. Alin ba talaga ang tunay na fake news?
  • Tecson24Tecson24 PEx Rookie ⭐
    MasterB8 said:
    magulang ko kasi hindi lang masyadong kumikibo ngunit nararamdaman ko gustung gusto na nila ako mag ka asawa at magka anak  (in short para may apo na sila) 30+ na kasi ang edad ko ngunit ang sa akin naman ang pananaw ko naman dyan ay kusa na lang darating yan at huwag madaliin, tama ba ako o talagang kailangan ko nang mag asawa kasi honestly wala pa akong napupusuan, emotionally and financially di pa ako handa ngunit dahil sa tumatanda na rin ako medyo nag aalala na rin ako sa kalagayan ko dahil mahirap naman din ang maging single habam buhay ano ang maipapayo nyo sa akin, please .... Lalo na sa mga hindi na single dyan!!

    tama bang idaan ko lahat ito lagi sa pagdarasal...alam ko't mga ilan sa inyo kukutyain ako dito kasi di ba sabi nga ng panginoon, ang lahat ay may katapat at hinding hindi puwedeng mag isa ang isang tao dapat may makakasama sa buhay...
    Kung babae critical age na yan dapat magasawa na talaga. Mahihirapan na kasi magka anak pag tumanda pa lalo.
  • Tecson24 said:

    Kung babae critical age na yan dapat magasawa na talaga. Mahihirapan na kasi magka anak pag tumanda pa lalo.
    Perwisyo ang mag-anak sa babae. Masama ang pakiramdam habang buntis. Sugal ng buhay ang pag-aanak. Kailangang tumigil sa trabajo sa pag-aanak. Tapos madalas iyong babae ang pinag-aalaga.

    Kaya may ilang babae ay walang balak na mag-anak.
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    kittenz said:
    Xennial ka siguro Kent. Yun daw yung mga pinanganak from '77 to '83. They base it on some factors like this age group daw spent their formative and adolescent years without computers, cell phone and internet. 
    Nabasa ko nga din yan. In short, saling pusa ako sa mga generation profiling na yan lol!
  • sana...sana... PEx Rookie ⭐
    edited April 2018
    Mag aasawa ko pero never kong gustong magka anak:

    1. ayoko ng maingay na bata
    2. emotionally unfit to raise children (pag nagkasakit, baka ako pa unang mamatay sa anxiety)
    3. sagabal sa travel and leisure
    4. sagabal sa oras
    5. sagabal sa life
    6. dagdag gastos. as in gastos
    7. messy
    8. you're not sure kung matino ilalabas mo sa mundo

    Ung mentality (mostly) ng pinoy, nag aanak lang naman dahil gusto nila ng mag aalaga sa kanila pag matanda na sila. i find it selfish to be honest.
  • gladyskawaiigladyskawaii PEx Rookie ⭐
    Tecson24 said:
    Kung babae critical age na yan dapat magasawa na talaga. Mahihirapan na kasi magka anak pag tumanda pa lalo.
    yung mga ganito pong statement yung reason kung bakit napepressure yung iba na magsipag asawa kahit hindi pa ready. Hindi naman lahat gusto magkaron ng anak and meron pa din naman ibang ways para magkababy pero sana if possible, ready na para hindi na madagdagan yung mga naghihirap sa Phils.
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    MasterB8 said:
    magulang ko kasi hindi lang masyadong kumikibo ngunit nararamdaman ko gustung gusto na nila ako mag ka asawa at magka anak  (in short para may apo na sila) 30+ na kasi ang edad ko ngunit ang sa akin naman ang pananaw ko naman dyan ay kusa na lang darating yan at huwag madaliin, tama ba ako o talagang kailangan ko nang mag asawa kasi honestly wala pa akong napupusuan, emotionally and financially di pa ako handa ngunit dahil sa tumatanda na rin ako medyo nag aalala na rin ako sa kalagayan ko dahil mahirap naman din ang maging single habam buhay ano ang maipapayo nyo sa akin, please .... Lalo na sa mga hindi na single dyan!!

    tama bang idaan ko lahat ito lagi sa pagdarasal...alam ko't mga ilan sa inyo kukutyain ako dito kasi di ba sabi nga ng panginoon, ang lahat ay may katapat at hinding hindi puwedeng mag isa ang isang tao dapat may makakasama sa buhay...
    Hindi ko mababago ang paniniwala mo. Pero para sa'kin. Nasasayo naman kasi 'yung desisyon. Sabi mo nga hindi ka pa naman handa emotionally at financially. Tama 'yung desisyon mo na maghintay na lang muna. Kasi mahirap 'yung magmamadali ka. Sa pagmamadali mo. Sa maling tao ka napunta. Ikaw lang din ang masasaktan. 
  • ermonskiermonski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited April 2018
    Hindi.

    Karamihan lang naman ngayon e nagpapakasal at nagpa-pamilya in their late 20s kasi nape-pressure.

    Tandaan mo na kanya-kanyang pace yan, at hindi karera ang buhay. Yan ang konseptong hindi maiintindihan ng karamihan sa mga matatanda at ng iba pang makaluma pa rin ang pag-iisip.

    Pero siyempre nasa sa iyo pa rin iyan, kung gusto mo nang mag-asawa pagpatak mo ng trenta-pataas dahil pressured ka o eenjoyin mo muna singlehood mo. Kanya-kanyang trip yan ika nga.
  • FakeTaxiFakeTaxi PEx Veteran ⭐⭐
    Pano kung gusto mag asawa pero wala talaga pumapatol? :lol:
  • ameleensyameleensy Member PEx Expert 🎖️
    Tecson24 said:
    Kung babae critical age na yan dapat magasawa na talaga. Mahihirapan na kasi magka anak pag tumanda pa lalo.
    yung mga ganito pong statement yung reason kung bakit napepressure yung iba na magsipag asawa kahit hindi pa ready. Hindi naman lahat gusto magkaron ng anak and meron pa din naman ibang ways para magkababy pero sana if possible, ready na para hindi na madagdagan yung mga naghihirap sa Phils.
    Exactly. E di wag mag-anak. Maryosep.
  • ameleensyameleensy Member PEx Expert 🎖️
    Kent_21O said:
    Yung mga solid millenial (borderline kasi ako eh lol!), advise ko sa inyo, wag na kayong mag asawa or mag anak. With the way how you gays raised by this technology age, i don't think you are fit to bear kids. 

    Just go and explore places, buy cool gadgets, be observant on your environment, keep innovating and make this planet a much better place in the next 50-100 years.
    Ang judgmental po! Pero hindi ako millennial, of course 😂
  • FakeTaxi said:
    Pano kung gusto mag asawa pero wala talaga pumapatol? :lol:
    Ang paghahanap ng asawa ay para ring paghahanap ng trabajo. Sikap at tiyaga ang kailangan.... 
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    More than 7 billion people on this planet.  Di ka magasawa, di ka maganak.. you are doing good for the environment.
  • gladyskawaiigladyskawaii PEx Rookie ⭐
    FakeTaxi said:
    Pano kung gusto mag asawa pero wala talaga pumapatol? :lol:
    Dasal lang talaga
Sign In or Register to comment.