Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.
Help po Doc.. Acute Gastroentritis..
Mommy ko po 55 years old, findings po ng doc sa knya is acute gastrorntritis daw po.. But without doing lab test.. Observation lng.. Khapon po yun.. Tpos binigyan kmi ng reseta.. Opremazole 1 tab bgo mgbreakfast.. Tpos kremil s advance 2 tab before or after breakfast.. Tpos 2 tab before or after lunch.. Tpos 2 tab before or after dinner.. Tpos 2 tab bgo matulog.. Ganun po ba tlga doc.. 8 kremil s advance sa isang araw?
Comments
Hindi ito gamot at ngayon pa lang ay humihingi ako ng paumanhin sa mga volunteer doctors natin dito. Payo ng mga kaibigan ng nanay ko ( my mom is a physician and her friends are also physicians) ay painumin ang nanay ko ng Silk (eto yung brand) ng soya milk. May plain variety at may chocolate variety ng Silk. Mas mura kung bibilhin niyo ito sa grocery sa mall tulad ng SM o Robinson's , katabi ng ibang soya milk. Medyo mahirap lang ito makita minsan, at madalas hindi ito alam ng mga store attendants kaya ikaw na lang mismo ang titingin.
Hindi gamot ang Silk pero ang kaunti nito ay nakakatulong para mabawasan ang hapdi ng tiyan kung sakaling napadaming gamot na iniinom ng pasyente. It works for my mom. Huwag niyong bilhin yung 1 gallon kasi kapag binuksan niyo ay less than a day lang ito tatagal. Bili kayo nung mga tetra pack na mas maliit. Yung ibang brand ng soya milk hindi katulad ng Silk, the effect is not the same hindi ko alam kung bakit.
Paki sabi lang sa nanay mo na kailangan niyang magsipilyo sa gabit pagkatapos uminom ng silk. Medyo (medyo lang naman) matamis ito.
Hindi ko masasagot yung tanong mo sa Kremil S kasi hindi ko talaga alam. :( Paki hintay mo tugon ng mga volunteer doctors natin. Matanong ko lang, Gastroenterologist ba ang doctor ng mother mo ?