Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Dapat ko pa bang i-pursue?

Gusto ko pa din suyuin ang ex ko, baka sakaling may pag asa at maaayos pa. 5 months na kaming break, mainly my fault. I went from convincing myself na tanggapin na lang yung nangyari to thinking na naka move on na ako, at ngayon malinaw na sa akin na hindi pa din sya maalis sa isip ko at sya pa din ang gusto ko. LDR kami kaya gusto ko siyang sulatan parang gaya ng dati, tutal hindi naman na sya nagrereply sa akin, if he does, sobrang cold ng sagot nya.

Gusto kong iparamdam sa kanya na seryoso ako sa gusto kong mangyari, na ako pa din yung babaeng minahal nya. Ang kaso sabi sa akin ng kaibigan ko, torture daw yun para sa ex ko. Yung pagpaparamdam ko, imbis daw na makatulong sa ex ko, baka mas lalo lang daw akong nakaka sakit kasi imbis na maka move on yung tao, "ginugulo" ko pa daw.

Ano sa tingin nyo? Wala namang kaso sa akin kung balikan ako o hindi, kung balikan eh di thank you Lord, kung hindi, I will understand. Baka lang kasi totoong nakakasakit ako sa tuwing nag tetext ako sa kanya, what more if I send him an actual letter.

Comments

  • KinshinarKinshinar PEx Rookie ⭐
    You said it's mainly your fault for the break-up. Can you share the reason? Kahit anong pursue mo, kung di ka pa nya mapatawad kung may ginawa ka man, you have to accept na wala na, and it's already been 5months.
  • PatriciaO7PatriciaO7 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Inalam mo na ba kung meron o wala pang bago ang ex mo? Kasi kung meron na, tigilan mo na sya, wag mo na din ipagpilitan sarili mo, hindi mo rin siguro gugustuhin if ever kung meron kana din bago na eeksena pa ang ex di ba? Torture- yan eh kung nagmomove on palang sya sayo, pero nakakairita if naka move on na sya at wala na rin sya balak balikan ka. Still, up to you parin kung talagang gusto mo gawin yan, edi go.
  • LDR na, ex- pa ... sayang lang ang iyong panahon. Maghanap ka na lang ng iba....
  • jellicle_catjellicle_cat PEx Veteran ⭐⭐
    Kindly share the reason why you broke up, and why you think it's your fault. Sometimes, when one was let go - they will realize na ok pala ang feeling ng di nakatali. And plan mong pagrereach out na ayaw ng friend mo, kung seryo ka naman na makipagbalikan kung ok pa rin sa ex mo I don't think issue ang pagrereach out mo.

    The only time na issue siya ay kung gusto mo lang magreach out kasi namimiss mo pero di ka pa handang makipagbalikan. Yun ang BS, kung urong-sulong ka lang. Make up your mind. If it was your fault, try to talk to your ex or send him a letter/email explaining things. Kung wala pa rin, then move on ka na- atleast nasabi mo ang gusto mong sabihin.
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    "seryoso ako sa gusto kong mangyari, na ako pa din yung babaeng minahal nya"

    sure ka na wala ka ng ginagawang iba? yung totoo?  :D 
  • aiden_corbin_daxaiden_corbin_dax PEx Rookie ⭐
    tidge said:
    "seryoso ako sa gusto kong mangyari, na ako pa din yung babaeng minahal nya"

    sure ka na wala ka ng ginagawang iba? yung totoo?  :D 
    napaisip nga din ako  :|
  • lilyamlaclilyamlac PEx Rookie ⭐
    kung mahal mo ipaglaban mo at the end of the day wala kang pagsisisihan, atleast you tried.
Sign In or Register to comment.