ABAY BABES (Cristine, Roxanne, Nathalie, Meg, Kylie)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
20180321_211313.png

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    GUIDE
    Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, Nathalie Hart have look test for upcoming movie
    by James Patrick Anarcon posted on March 22, 2018

    3.6k Shares

    2018-03-22_16:33:32_Abay-Girls.jpg
    IMAGE VIVA Artists Agency
    Meg Imperial, Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, Nathalie Hart, and Kylie Versoza will play a group of friends in VIVA Films's upcoming movie Abay Girls.

    The female cast members of VIVA Films's upcoming movie Abay Girls will display sexier yet different looks for the movie.

    Cristine Reyes, Meg Imperial, Nathalie Hart, Kylie Versoza, and Roxanne Barcelo had their look test for the film yesterday, March 21, after their story conference.

    Behind-the-scenes photos during the look test were posted on the Facebook page of VIVA Artist Agency.


    One photo showed the five actress wearing swimsuits.

    However, it can be seen that Roxanne has a different look for the film since she has dark complexion and dentures.

    Meg is also shown sporting a boyish look.

    abay-2.jpg
    IMAGE VIVA Artists Agency

    abay-3.jpg

    IMAGE VIVA Artists Agency

    Another photo showed the girls wearing school uniforms.

    In this photo, Roxanne wore a kinky hairstyle while hugging Cristine.

    Kylie was also seen doing a fierce look, which could mean that she is a villain in the movie.


    abay-girls-1.jpg
    IMAGE VIVA Artists Agency

    abay-4.jpg

    IMAGE VIVA Artists Agency

    Based on the story conference yesterday, Abay Girls is about a group of girls composed of five women.

    The four other girls are attractive, while the other one is not-so-attractive (Roxanne).

    The girls have been competing each other as to who would get married first.

    Apparently, it will be Roxanne's character first who is bound to get married, while the four other girls were left as her bridesmaids.

    The movie will be helmed by director Don Cuaresma.


    Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/27680/cristine-reyes-roxanne-barcelo-nathalie-hart-have-look-test-for-upcoming-movie#i7XUvmHgdCIzMCyM.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    NEWS
    EXCLUSIVE
    Meg Imperial on Roxanne Barcelo: "Okay naman. We're civil naman."
    by Arniel Serato posted on March 22, 2018

    2.6k Shares

    2018-03-22_14:37:32_Meg-Main-.jpg
    IMAGE Arniel Serato

    Ayon kay Meg Imperial, marahil ay miscommunication lamang ang isyung namagitan sa kanila ni Roxanne Barcelo.

    Marami ang nag-aabang kung ano ang mangyari sa set ng bagong pelikula ng Viva Entertainment na Abay Babes.

    Ito ay dahil kasama sa cast ang dalawang female stars na nagkaroon diumano ng tensiyon noon—sina Roxanne Barcelo at Meg Imperial.

    Sa isang panayam kay Roxanne ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2017, naikuwento niyang mayroong isang younger actress na tila binu-bully siya noon.

    Diumano, sinabihan siyang hindi magaling na artista ng nasabing younger actress.

    Sabi ni Roxanne, “Actually, hindi ko talaga maintindihan.

    “Unang kita pa lang namin, ang eksena namin, sabi niya sa akin, ‘Hindi ka magaling na artista.’

    “Kapapasok at kauupo ko pa lang noon sa dressing room.

    “Sabi ko, okey, kung yun ang opinyon niya, e, di go!

    “Hindi ko na pinalaki kasi hindi kailangan.

    Nais daw sana niya itong isumbong sa Viva, na namamahala sa kanyang career, ngunit pinili niyang huwag na lang itong palakihin.

    STORIES WE ARE TRACKING
    2017-08-24_12:42:48_roxanne-barcelo.jpg

    Roxanne Barcelo reveals being bullied by a younger actress

    IS ROXANNE REFERRING TO MEG? Ayon sa ilang sources ng PEP.ph, ang tinutukoy raw ni Roxanne na younger actress ay ang kapwa Viva artist nitong si Meg Imperial.

    Nakatakdang magsama ang dalawa sa pelikulang Abay Babes, na ang principal photography ay kukunan sa Bicol.

    Bukod kina Roxanne at Meg, kasama rin sa pelikula sina Nathalie Hart, Kylie Vesoza, at Cristine Reyes.

    Mula ito sa direksiyon ni Don Cuaresma.

    meg-insert.jpg
    IMAGE Arniel Serato

    Sa story conference ng pelikula sa Viva office, sa Ortigas, Pasig City, kahapon, March 21, inusisa ng PEP.ph si Meg kung kumusta ang pakikitungo nila ni Roxanne sa isa't isa.

    Sagot niya, “Okay naman. We’re civil naman.

    “I don’t know anything about from the past or whatever that is. Or maybe just a miscommunication.”

    Hindi na namin nagawang mag-follow-up question dahil nagssimula na ang storycon.

    Read more at https://www.pep.ph/news/69906/meg-imperial-on-roxanne-barcelo-okay-naman-were-civil-naman#D3r5ygGfR9RTvizY.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Cristine Reyes, kinabog sa paseksihan ang co-stars niya sa pictorial ng Abay Babes

    by Jojo Gabinete posted on July 13, 2018

        

    Si Cristine Reyes ang standout sa sexy pictorial para sa official poster at publicity photos ng Abay Babes, ang drama comedy movie ng Viva Films na pinagbibidahan nila nina Roxanne Barcelo, Kylie Verzosa, Meg Imperial, at Nathalie Hart.

    Nathalie Hart, Cristine Reyes, Kylie Verzosa, and Roxanne Barcelo

    Nagpasalamat si Cristine sa mga pumupuri at nagsasabing parang dalaga pa rin siya dahil sa kanyang well-toned body.

    Ang regular na pagpunta sa gym ang sinabi ni Cristine na sikreto ng kanyang magandang pangangatawan nang makausap siya ng Cabinet Files sa story conference ng Maria, ang hardcore action movie na pagbibidahan niya at planong ipalabas sa mga international film festival.

    Si Pedring Lopez ang direktor ng Maria at siya ang nagkuwento na interesado ang foreign film buyers na bilhin ang pelikula, kahit trailer pa lang ang napanood nila.

    Sabi niya, "AAPL is a Canadian distribution company that’s been trying to convince us to sign us, pero what we want kasi, i-premiere muna, baka mas marami pa ang mag-bid.

    "Neon and Goldfish in Hong Kong also want to acquire it. We’re also talking with a company in China."

    Naniniwala si Lopez na ang mga action movie na mga babae ang bida, tulad ng BuyBust na tinatampukan ni Anne Curtis, ang susunod na trend sa Pilipinas.

    "Kung ganyan na ang lumalabas, especially with BuyBust coming up, I think yun ang trajectory ng action films sa Pilipinas, so at least we’re there.

    "Hopefully, if Maria becomes successful, yung Part 2, meron na," dagdag na pahayag ni Lopez.


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/22248/cristine-reyes-kinabog-sa-paseksihan-ang-co-stars-niya-sa-pictorial-ng-emabay-babesem#LVfhVlyUkPcfPVHJ.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Nathalie Hart reveals crying after finding out she's pregnant: "I was not ready to get pregnant."

    by Rommel Gonzales posted on July 25, 2018

    IMAGE Rommel Gonzales

    Nathalie Hart reveals using 10 pregnancy kit tests before finally accepting that she's really pregnant. "Kasi parang I cannot believe, parang… tinray ko pa, nakakatuwa, I tried the 100 pesos, the 50 pesos, the 200 pesos, na maybe may problema lang. Naiisip ko, 'Bakit kasi mura itong ginamit ko?'" she says.


    First week ng May raw nalaman ni Nathalie Hart na buntis siya.

    Apat na buwan na ngayon ang dinadala ng sexy actress.

    Paano niya nalamang nagdadalantao siya?

    Lahad ni Nathalie, “Nung wala na akong menstruation.

    “The first day na na-miss ko yung period ko, I had a pregnancy test right away, and it was positive.

    “Bumili ako ng sampung pregnancy tests! Ganun ako kaano.”

    Ilan ang nagamit niya sa sampu?

    “Lahat! Kasi parang I cannot believe, parang… tinray ko pa, nakakatuwa, I tried the 100 pesos, the 50 pesos, the 200 pesos, na maybe may problema lang.

    “Naiisip ko, ‘Bakit kasi mura itong ginamit ko?’”

    Nang sa wakas ay naniwala na siyang buntis nga siya, ano ang naramdaman niya at ginawa?

    Ayon sa 26-year-old actress, “I cried! Umiyak ako.

    “Kasi hindi ako ready… I mean, ready ako kasi ikakasal naman ako ngayong December, pero hindi ako ready na…

    “I was not ready to get pregnant kasi ang dami kong ginagawa ngayon.”

    Never daw siyang naka-miss ng kanyang monthly period.

    Wala ba silang ginawa ng kanyang boyfriend na method para huwag siyang mabuntis?

    “Nung time na sinabi ko sa kanya na, siyempre meron kaming time, lovey-dovey and everything, sabi ko, ‘Huy, mabubuntis ako!’

    “Sabi niya, ‘It’s okay, we’re getting married anyway, so what’s the point?’

    “'Tapos sabi ko, ‘I understand but you have to wait, you have to wait before the final day [the wedding].’

    “Sabi niya, ‘There’s no perfect time, if it’s gonna happen, it’s gonna happen.’

    “Nag-iingat ako, siya yung hindi nag-iingat!”

    Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Nathalie sa pocket presscon niya na ginanap sa The Frazzled Cook restaurant, sa Scout Gandia, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, July 25.

    image: https://contents.pep.ph/images2/2018/07/25/nathalie.jpg



    IMAGE Rommel Gonzales

    NATHALIE’S FIANCE

    Indian ang boyfriend ni Nathalie na si Mayank Sharma mula sa New Delhi, India.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagtatrabaho si Mayank sa real estate business ng kanyang ama sa India.

    Twenty-five years old si Mayank, at 26 naman si Nathalie.

    image: https://contents.pep.ph/images2/2018/07/25/nathalie-&-bf.jpg



    IMAGE Nathalie Hart Instagram

    First week ng December 2017 sila nagkakilala.

    “Birthday pa niya. Na-meet ko siya  sa wedding sa India, kaklase ko.

    "Yung kapatid niya, best friend nung ikakasal," pag-alala ng aktres.

    Pitong buwan pa lamang ang kanilang relasyon.

    Noong oras na nalaman niyang buntis siya ay nasa India raw ang fiancé ni Nathalie.

    Mag-isa lang nag-pregnancy test si Nathalie, pero the whole time ay kausap niya sa telepono ang ama ng magiging anak.

    Kuwento ng The Blood Sisters actress, “Bumalik siya sa India kasi he’s staying here, kasi meron kaming online shopping na ano…

    “So, papunta ako sa doktor [after her pregnancy kit tests], tinatawagan ko siya, kung ano ang ginagawa ko sa doctor…

    “Every stage, tinatawagan ko siya.

    “’Tapos sabi ko nga, ‘I’m pregnant, what’s gonna happen?’

    “Sabi niya, ‘Then we’re having a baby!’

    “Parang sa kanya, ‘Then we’re having a baby!’

    “Ako naman, wala pa kaming bahay together, my career… ano ba?!

    “Siyempre babae kasi mas maraming worries.”

    Hinding-hindi raw pumasok sa isip ni Nathalie na huwag ituloy ang kanyang pagbubuntis.

    “Never, never pumasok sa isip ko ‘yan.

    “I am just very happy  na magkakaroon ako ng baby.

    “Although nakakatakot pa rin na ito na ito na ang stage sa buhay ko.

    “Hindi lang ako yung iisipin ko ngayon, my future husband, my daughter.”

    Sa singkamas at sa pinya raw naglilihi ngayon si Nathalie.

    Gusto raw ni Mayank na apat ang kanilang maging anak.

    Pareho naman daw tuwang-tuwa at excited ang pamilya ni Nathalie at pamilya ni Mayank sa kanilang nalalapit na kasal at sa kanilang future baby.


    Stories We Are Tracking

    SETTLING DOWN

    Saan sila magse-settle down kapag mag-asawa na sila?

    “Sa Australia tsaka dito sa Pilipinas,” sagot ng aktres.

    Sa Australia nakabase ang pamilya ni Nathalie.

    Ikakasal sa December sina Nathalie at Mayank sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Australia.

    Next year naman, pagkapanganak niya, isang malaking Hindu wedding ang magaganap sa India.

    Penelope ang napili nilang ipangalan sa ipinagbubuntis ni Nathalie na baby girl.

    Hindi raw tatalikuran ni Nathalie ang kanyang showbiz career; alaga siya ng talent manager na si Leo Dominguez.

    May nakalinya sampung pelikula na gagawin si Nathalie.

    Kasama na rito ang remake ng horror classic Patayin Sa Sindak Si Barbara, kung saan co-star niya si Mariel de Leon.

    Malapit na ring ipalabas ang The B**** Wedding (Abay Babes) ng Viva Films kung saan kasama ni Nathalie sina Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, Meg Imperial, at Kylie Versoza.  

    Kapag kasal na siya ay babawasan na raw ni Nathalie ang pagpapaseksi dahil ayaw ni Mayank.

    “Not super-sexy, ayaw na niya. Siguro yung parang The B**** Wedding, yung ganun na lang.”

    Hindi na siya puwedeng magpaseksi nnag todo tulad ng ginawa niya sa Sin Island.

    Na-shock daw si Mayank nang napanood ang pelikula.


    Read more at https://www.pep.ph/news/71009/nathalie-hart-reveals-crying-after-finding-out-shes-pregnant-i-was-not-ready-to-get-pregnant#6EwJ23Z577fSTRlR.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Nathalie Hart says she was already pregnant during this sexy swimsuit pictorial

    by Bam Abellon posted on July 25, 2018

    Nathalie Hart admits, "Nung nagsu-shoot kami ng Abay Babes na naka-swimsuit, pregnant na ko." Nathalie (wearing pink, left frame) is joined in this photo by Meg Imperial (leftmost, left frame) and Cristine Reyes (wearing white, left frame).


    Did you know that Nathalie Hart was already pregnant when she did this sexy swimsuit pictorial?

    "Four months na ko," admitted Nathalie, one of the lead actresses of the movie Abay Babes.

    "Maliit na yung tiyan ko for four months."

    Earlier today, July 25, she revealed: "Nung nagsu-shoot kami ng Abay Babes na naka-swimsuit, pregnant na ko."

    Aside from Nathalie, Abay Babes will also star Cristine Reyes, Kylie Versoza, Meg Imperial, and Roxanne Barcelo.

    In a previous interview with ABS-CBN News, the five sexy ladies showed a lot of energy and gave off a very fun vibe during a photo shoot for the film.

    During the interview, the ladies shared their thoughts about their co-stars.

    Abay Babes is about a group of old friends (played by Cristine, Kylie, Nathalie, and Roxanne), who had a reunion during someone’s wedding.

    Cristine disclosed that they always tease Kylie since the Miss International 2016 beauty is “sobrang niyang hinhin.”

    Roxanne said she was surprised to know that Cristine is “Sobrang kulit. Nakakatawa siyang kasama sa set.”

    As for Nathalie, she said back then that among the group, it’s Roxanne who knows the most of their secrets, such as who dated whom.

    Kylie also echoed people’s observation: “Sabi nila kamukha ko daw si Meg. So parang ‘twinnie’ kami. ’Tapos when I got to know her, super friendly naman siya.”

    Meg, whose character in the movie remains a mystery shared, “Leading man ang peg ko.”

    Abay Babes is directed by Don Cuaresma and is produced by Viva Films.




    Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/28239/nathalie-hart-says-she-was-already-pregnant-during-this-sexy-swimsuit-pictorial#j0JL1mIllDrGbbJ6.99
  • forgforg Administrator PEx Moderator
    Opens Sept. 19
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Like or Dislike: Movie Poster of 'Abay Babes'

    Image courtesy of Instagram: vivaartistsagency

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐


    Abay Babes trailer
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    ‘Abay Babes’ magsasabog ng kalokohan at kaseksihan

    September 17, 2018
      
    Cristine Reyes and Abay Babes

    TIBA-TIBA ang boys na mahilig sa mga seksing babae sa pinakabagong pelikula ng Viva Films na Abay Babes na palabas na sa Miyerkules, Sept. 19.

    Tiyak na mabubusog ang mata ng mga manonood sa pinagsama-samang kagandahan, kaseksihan nina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Nathalie Hart at Cristine Reyes.

    Sa publicity photos pa lang ng pelikula ay super sexy na ang limang bida. Hindi rin halata ang laki ng tiyak ni Nathalie dahil ilang weeks pa lang ang ipinagbubuntis niya during the pictorial.

    Nathalie is playing the role of Emerald na isang cover girl ng FHM sa Abay Babes. May alyas siyang “Bicol Express” dahil ayon dito, siya ang pinaka-hot sa grupo.

    Si Ruby played by Cristine ay isa namang class topnotcher na naging doctor. Ibinahagi ni Cristine sa isang panayam na nag-enjoy siyang makipag-jamming sa kanyang mga co-stars sa tuwing breaktime sa shooting.

    Ang 2016 Miss International naman na si Kylie Verzosa ay gaganap bilang madre sa pelikula. Una siyang napanood sa mga pelikulang Ang Panday at Kasal, ngunit ito ang kanyang first leading role.

    Medyo pinapangit naman ang itsura ni  Roxanne sa Abay Babes bilang kabarkada nina Nathalie na malapit nang ikasal. Pero pagdating naman sa hubog ng katawan ay hindi rin siya nagpatalbog sa apat na kasamahan, huh.

    Sa pelikula, lalabas din na si Roxanne ang pinaka-experienced.

    Ibang Meg naman ang mapapanood ng moviegoers sa Abay Babes dahil tomboy siya dito. Wala siyang takot na gampanan ang mga karakter na ibinibigay sa kanya sa TV man o sa pelikula.

    Ang Abay Babes ay sa direksyon ni Don Cuaresma.

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    MARCO GUMABAO, BAGONG ‘BAKAT KING’ NG SHOWBIZ

    Marco Gumabao

    DAHIL STRAIGHT at macho, walang keber si Marco Gumabao na sakyan ang malalanding tanong sa kanya ng mga gay entertainment writers sa grand media conference ng pelikula niyang Para Sa Broken Hearted kung saan kasama niya sa hugot at tarak sa puso movie sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Sam Concepcion at Louise delos Reyes na halaw sa libro ni Marcelo Santos III.

    Pangiti-ngiti lang ang binata sa sexy playtime ng mga beks sa pinaguusapan na “bongga” at revealing “cucumber” scene niya sa pelikulang Abay Babes nang umahon siya mula sa swimming pool na sa unang pagkakataon ay na-meet niya ang mga ‘abay” sa kasal ng Ate niya played by Roxanne Barcelo.

    Sa mga nakasaksi ng eksena ng hunk na si Marco, malamang magwo-water-water ang mga beks at girls na nagpa-pantasya sa kamachohan niya at sa pagiging makisig na lalaki.

    Ngayon, si Marco ang tinaguriang “Bakat King” sa showbiz na walang keber na ibinuyangyang ang kanyang “kadakilaan” sa eksena.

    Ang batayan ng mga beks para tawagin siyang “Bakat King” ay ang pagdukot niya ng kanyang private part pagkagaling sa swimming pool at nasaksihan ng manonood ang pumormang mala-ahas sa pagitan ng kanyang dalawang binti na tumatak sa nakapanood na ng pelikula pero inamin ng binata na sinuksukan daw ngn cucumber or pipino ang ari niya para maging exaggerated ang naturang eksena,

    “It runs in the family” biro ng isang beking reporter sa umpukan habang ini-interbyu siya dahil ang ama niya na dating hunk na si Dennis Roldan ay hindi lingid sa mga taga-showbiz at sa mga beki fans of the late 80’s ang “kadakilaan” ng dating actor.

    Sundot ng isang beki sa umpukan,” Mana-mana ba yan?”.

    Ngumiti lang ang gay friendly na aktor na sinakyan ang kalandian ng mga bekis sa kanya.

    Pero kinumpirma ng binata na sakto lang daw ang size ng kanyang private part pero hindi naman ito nakakahiya kung sakaling makaranas ang mga girls.

     

    Reyted K
    By RK Villacorta

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Sexy-Comedy na ‘Abay Babes’, pelikulang sagot sa kahirapan at kalungkutan!

    Roxanne Barcelo, Direk Don Cuaresma, Cristine Reyes, Meg Imperial, Kylie Verzosa and Nathalie Hart

    LAUGH TRIP ang mga ‘Kikay Girls” ng sexy-comedy film ng Viva Films na Abay Babes.

    Sa red carpet celebrity premiere na naganap last night, Monday, September 17 sa SM Megamall, happy ang feeling ng mga fans at invited guests sa napanood nila na pelikua.

    Bawat eksena yata, tawanan ang manonood lalo pa’t a little bit naughty ang ilang mga eksena obra ni Direk Don Cuaresma.

    Sa AbayBabes,wala ka itulak kabigin sa kanilang lima namely: Nathalie Hart, Cristine Reyes, Kylie Versoza, Roxanne Barcelo and Meg Imperial when it comes to kaseksihan na in their two piece swimwear, nagpaseksihan sila.

    Aliw ang mga characters ng limang mga bida. The five girls are show business’ hottest and sexiest girls na mapapanood na natin sa wide screen via sa pelikulang produced by Viva Films na mapapanood na simula bukas, Wednesday, September 19.

    Nathalie Hart, Kylie Verzosa and Roxanne Guinoo

    Happy ang premise ng movie. Mga high school friends na after so many years ay nag-reunion sa wedding ng bestie nila na si Goldie played by Roxanne Barcelo na duda sila sa “kasalan” na magaganap dahil wala man lang sila nakikita kahit isang picture man lang ng lalaking pakakasalan ng kaibigan nila na feeling nila ay isa lang ilusyon ni Goldie na sa kanilang magkakabarkada ay hindi naman kagandahan ito kumpara sa kanila na mas seksi at mas maganda.

    Sa mga mag-besties, Nathalie Hart plays the role of Emerald na sa grupo nila ay siya ang ‘hottest’. Emerald is a commercial model na mahilig sa mga boys.

    Ruby naman played by Cristine Reyes is the class topnotcher and a doctor. Siya ang pihikan or mapili  sa grupo when it comes to men kaya ang tawag sa kanya ng mga barkada niya ay Miss Pili (mapili).

    Si Miss International 2016 Kylie Versoza plays the role Perla na ang tawag sa kanya ay  Mt. Mayon because of her perfect figure at kaseksihan na isang novice sa isang kumbento. In short siya ang “manang” sa magkakabarkada.

    Roxanne naman is Goldie, ang komedyante sa grupo at less “beautiful” sa kanila magkakabarkada and Meg Imperial plays the role of Jade, ang videographer ng grupo na nakilala lang ng mga Bicol Ladies na bestie ni Goldie na taga-Amerika.

    Pag nagsama ang mga Abay Babes, asahan mo ang kaguluhan na napapasukan nila.

    Bongga ang pelikula for us lalo pa’t naitatawid ng mga girls ang kanilang mga comic scenes.

    Roxanne Barcelo, Nathalie Hart, Cristine Reyes, Kylie Verzosa and Meg Imperial

    Gusto mo maging masaya at matawa para saglit ay makalimutan ang bigas na may bukbok, ang walang katapusan na pagtaas ng halaga ng mga bilihin at sa araw-araw na traffic, swak ang Abay Babes na pelikula for a change. 

    Makakasama ng lima sa sexy-comedy film na ito sina Tom Rodriguez, Marco Gumabao, Mark Bautista at Candy Pangilinan.

      

    Reyted K
    By RK Villacorta

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file