COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

ABSCBNHDPexTalk584: The PERFECT World of BAGANI Begins!

134689248

Comments

  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Gabby nag-back out na naman sa pelikula nila ni Sharon!
    ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    May mga nalungkot at nawalan ng pag-asa na matutuloy this year ang reunion movie nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil sa ipinost na picture ng aktor sa Instagram (IG) kasama sina GMA executives Annette Gozon at Joey Abacan. Kasama rin ni Gabby ang manager niyang si Popoy Caritativo.

    Kasama sa pinag-usapan ng grupo ang possible future projects ng aktor sa Kapuso network pagkatapos ng Ika-6 Na Utos na magtatapos na.

    May nag-comment na kung ayaw ni Gabby na makatrabaho si Sharon, sabihin niya nang diretso para hindi na sila umasa. Si Sharon lang daw ang nag-i-effort na matuloy ang reunion movie nila.

    Samantala, umakyat na naman sa 10 percent ang rating ng Ika-6 Na Utos habang papalapit ang pagtatapos nito. Kaya muling nagpasalamat si Gabby sa viewers.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Jason tinitipid ang GF
    ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Aliw ang kuwento ni Jason Abalos nang makausap namin sa taping ng The One That Got Away na sa halip na bumili ang GF niyang si Vickie Rushton ng vanity mirror na aabot sa P8,000, nag-DIY na lang siya at gumastos lang ng P3,000.

    “Naawa ako kay Vickie dahil ‘pag nagmi-make-up, ilaw ng cellphone lang ang gamit, kaya, gumawa ako ng vanity mirror at mura pa. Tuwang-tuwa si Vickie at sinabi ko sa kanyang ginawa ko ‘yun na may kasamang love. Alam niyang nagtipid ako, pero sa food, hindi kami nagtitipid,” bawi ni Jason.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Yassi hinahanap ang isa pang kapatid
    RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Masaya si Yassi Pressman na nakilala na niya in person ang isa sa dalawa niyang elder half-siblings sa Italy na si Cara kasama ang younger sister niyang si Issa Pressman. Ito’y naging posible nang magkaroon ng show sa London ang ilang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang December.

    Magmula nang isilang si Yassi at ang sister niyang si Issa ay doon lamang nakilala ng magkapatid ang kanilang elder half-sister. Isa sa mga araw na ito ay gusto rin makilala ng magkapatid ang isa pa nilang nakatatandang kapatid na naka-base naman sa Australia.

    Umarangkada nang husto ang career ni Yassi nang siya’y mapabilang at ipareha sa lead star ng hit primetime TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

    Si Yassi ay malapit nang mapanood sa upcoming movie ng Viva Films, ang romance-comedy movie na Pambansang Third Wheel na pinagtatambalan nila ni Sam Milby kung saan din tampok ang child star na si Alonzo Muhlach.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    [instagram]
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    The Good Son nasira ang kuwento kay John
    (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Lungkot na lungkot ako sa mga kaganapan ngayon sa The Good Son na matatapos daw ng mas maaga dahil sa problema kay John Estrada na isa sa mga nagagalingan akong artista. Dapat magpaliwanag siya kung totoo ang mga bintang sa kanya na may kinalaman kay Mylene Dizon. He owes it to his public and supporters.

    If true, ano na lang ‘yung humingi siya ng apology sa mga naapektuhan/nasaktan niya. If not true naman, ikaluluwag ito ng pakiramdam ng mga sumusubaybay sa kanya.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Yeng sasabak sa second honeymoon!
    (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Nakita lamang si Yeng Constantino na may kasamang ibang lalaki bukod sa kanyang asawang si Yan Asuncion ay nag-isip na agad ang marami na may problema sa kanyang tatlong taong marriage. Pero sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ng sikat na singer/composer na isang aktor ang kasama niya sa Korea. Ito si TJ Trinidad at naroon sila para sa shoot ng indie film nilang The Eternity Between Seconds intended for Sine Filipino.

    Welcome kay Yeng ang paggawa ng movie kahit pa paglalayuin sila nito ng kanyang asawa. Pareho naman silang introvert ni Yan at alam nilang they need space from each other from time to time, pero hindi nangangahulugang may problema na sila. Katunayan naghahanda na and dalawa para sa kanilang second honeymoon at makabuo na ng pamilya.

    Balak nilang pumunta sa Croatia na pinaniniwalaan nilang isang romantikong lugar.

    Bago ito ay pinaghahandaan na ni Yeng ang launching ng album niyang Synesthesia sa SM Skydome, March 10, 2018.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Charlene at kambal nila ni Aga malakas ang hatak
    (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Napaka-espesyal talaga ni Aga Muhlach sa Jollibee para ma-afford ang napakamahal na TF ng nagbabalik na aktor. Pero sigurado naman na mabilis itong mababawi ng higanteng korporasyon dahil ang daming naging interesado na makitang muli ang matagal nang hindi nag-aartistang si Charlene Gonzales at ang kambal na sina Andres at Atasha na mga binata’t dalaga na.

    Ang lakas ng impact na ibinigay nilang apat.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    [instagram]
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Carlo kinasasabikan pa rin sa TV
    (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Anumang role ang gagampanan ni Carlo Aquino sa episode sa Sabado ng Maalaala Mo Kaya ay hindi na mahalaga sa mga manonood. Sapat nang napapanood nila ang kahusayan ni Carlo sa pagganap ng role ng isang lalaki na unti-unti nang pinapanawan ng paningin at abangan ang buod ng kuwento ng letter sender na isinulat nina Mae Rose Balanay at Jell Badayos sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Sasama kay Coco, Edu balik-Kapamilya!
    PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Ang saya raw ng taping ng Celebrity Bluff nung isang gabi kung saan guest bluffers sina Marian Rivera at Alden Richards.

    Two weeks na palang wala sa naturang comedy game show si Edu Manzano dahil balik ABS-CBN na naman siya.

    Papasok na yata siya sa Ang Probinsyano at meron daw isang drama series na inaalok sa kanya.

    Sayang ang paglipat ni Edu sa GMA 7 dahil wala namang natuloy na programang naibigay sa kanya.

    Ang unang balita noon ay magkakaroon din siya ng sariling game show, pero waley naman! Hindi naman masasabing kanya ang Celebrity Bluff dahil kay Eugene Domingo ito.

    Maayos naman daw na nagpaalam si Edu sa Celebrity Bluff na papasok na sa Season 16. At heto nga, sina Marian at Alden ang pambulaga ng bagong season.

    Pa-guest-guest bluffer daw muna sila at naghahanap pa ng regular bluffer na kasingbigat ni Edu siyempre.

    Bakit kasi hindi na pabalikin si Jose Manalo? Type pa kaya nina Jose at Uge na magsama sila uli sa isang show?
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    John suspek sa pagkamatay ni Albert
    (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Panibagong palaisipan ang gugulo sa bawat gabi ng mga manonood ngayong si Anthony (John Estrada) naman ang pagbibintangan sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez) sa Kapamilya primetime serye na The Good Son.

    Nakatakdang mabago ang takbo ng imbestigasyon ngayong makikitaan ng motibo si Anthony upang patayin ang sarili niyang kapatid matapos ilahad sa pulis ang naging pagtatalo nila ng kanyang kuya noong araw ng kamatayan nito.

    Ngunit may mas malalim pang motibo si Anthony sa pagpatay kay Victor dahil simula pagkabata, minamasama na nito ang paggabay sa kanya ng kapatid at lubos ang naging inggit dito dahil sa matagumpay niyang buhay.

    Dahil nga sa pag-igting ng mga ebidensya laban sa kanya, biglang mawawala nang parang bula si Anthony na lalong magdadagdag ng duda sa kanyang kaugnayan sa pagkamatay ng kanyang kuya.

    Upang maabswelto naman ang anak mula sa kaso, gagamitin itong pagkakataon ni Olivia (Eula Valdez) upang mapawalang-sala si Calvin (Nash Aguas) at ibaling sa tiyo nito ang imbestigasyon.

    Si Anthony nga kaya ang tunay na pumatay kay Victor?

    Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    [instagram]
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Yassi may kanta para sa mga sawi
    PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 2, 2018

    Grabe, marami ang nagtataka kung saan ba hinuhugot ni Yassi Pressman ang kanyang emosyon sa kantang Migraine para sa movie nila ni Sam Milby na Pambansang Third Wheel na release ng Viva Records.

    Matagal nang napapakinggan ang kantang Migraine mula sa banda ng Moonstar 88 at binigyan ito ng kakaibang hagod ni Yassi na mas tagos sa puso. Ramdam na ramdam ang lyrics na nakakaiyak sa nakaka-LSS na Migraine kaya naka-relate ang marami sa lyrics ng kanta na, “oo nga pala.. hindi nga pala tayo…”

    Para sa mga nakapanood ng music video ng version ni Yassi na Migraine, sobrang sakit ng pinagdaraanan nito at bagay sa mga taong may pinagdaraanan sa lovelife.

    Proud at masaya ang fans ni Yassi sa husay nito dahil hindi na niya kailangang bumirit, para maramdaman ang mensahe ng kanta. Hindi tuloy maiwasan na mangulit ang fans kung mayroong pinaghuhugutan o pinagdaraanan si Yassi dahil damang-dama nito ang kanta. Kung dahil ba ito sa pag-aaway nila ni Cardo (Coco Martin) sa Ang Probinsyano na wish na magkabati na ang dalawa sa kanilang serye. Inaabangan din ang nakakakilig na tambalan nila ni Sam na trailer pa lang ay kinikilig na ang kanyang fans sa movie.
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Nag t train ka ba maging security guard? Por dyos por santo, huwag naman sanang nag aambition kang maging pulis, baka mauna ka pang matokhang.

    At bakit mo tinatanong si Villy? Anong kinalaman niyan sa pagiging kriminal.

    Wala nga kaming experience pang nagalaw kami ng criminals so I can't properly answer that.
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    PaPi2010 wrote: »
    Sasama kay Coco, Edu balik-Kapamilya!
    PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Ang saya raw ng taping ng Celebrity Bluff nung isang gabi kung saan guest bluffers sina Marian Rivera at Alden Richards.

    Two weeks na palang wala sa naturang comedy game show si Edu Manzano dahil balik ABS-CBN na naman siya.

    Papasok na yata siya sa Ang Probinsyano at meron daw isang drama series na inaalok sa kanya.

    Sayang ang paglipat ni Edu sa GMA 7 dahil wala namang natuloy na programang naibigay sa kanya.

    Ang unang balita noon ay magkakaroon din siya ng sariling game show, pero waley naman! Hindi naman masasabing kanya ang Celebrity Bluff dahil kay Eugene Domingo ito.

    Maayos naman daw na nagpaalam si Edu sa Celebrity Bluff na papasok na sa Season 16. At heto nga, sina Marian at Alden ang pambulaga ng bagong season.

    Pa-guest-guest bluffer daw muna sila at naghahanap pa ng regular bluffer na kasingbigat ni Edu siyempre.

    Bakit kasi hindi na pabalikin si Jose Manalo? Type pa kaya nina Jose at Uge na magsama sila uli sa isang show?

    Ibalik ang Game KNB kaya? (tapos ilagay sa slot bago ang SDAP)
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    PaPi2010 wrote: »
    Jason tinitipid ang GF
    ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Aliw ang kuwento ni Jason Abalos nang makausap namin sa taping ng The One That Got Away na sa halip na bumili ang GF niyang si Vickie Rushton ng vanity mirror na aabot sa P8,000, nag-DIY na lang siya at gumastos lang ng P3,000.

    “Naawa ako kay Vickie dahil ‘pag nagmi-make-up, ilaw ng cellphone lang ang gamit, kaya, gumawa ako ng vanity mirror at mura pa. Tuwang-tuwa si Vickie at sinabi ko sa kanyang ginawa ko ‘yun na may kasamang love. Alam niyang nagtipid ako, pero sa food, hindi kami nagtitipid,” bawi ni Jason.

    going strong pa rin sila...
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    PaPi2010 wrote: »
    Ryan iningles-ingles ang basher
    ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2018

    Mabuti at na-delete na ni Ryan Agoncillo ang pamba-bash sa kanya ng ilang fans dahil nakakasira sa positive flow ng kanyang socmed account. Nakakagulat lang dahil ang iba niyang bashers, fans pa ng asawang si Judy Ann Santos na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na si Ryan ang pinakasalan ng aktres. May ibang bet na actor kay Judy Ann ang bashers, kaloka!

    Hindi nakapagpigil si Ryan at sinagot ang mga grabeng bashing sa kanya, kaya lang in English.

    Galing pala sa Amanpulo sina Ryan at Judy Ann sa event ng Omega, kaya sorry sa bashers dahil kahit ano’ng galit nila ay masaya pa rin ang mag-asawa.

    Samantala, bukod kay John Estrada, nabalitang kasama rin si Ryan sa teleserye ni Alden Richards.

    may acting comeback rin pala si Ryan Agoncillo kung sakali. Sa kabila nga lang. (though kahit malayo sa image niya naging role niya sa PIETA, maayos namang nagampanan)
  • leiraleira Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Matagal-tagal pa nating titiisin si Obet. :rolleyes:


    Grabe si Obet, talo pa ng 8-year-old sa maturity. :bop: Hindi ko alam bakit depicted as mabait dito si Mylene. Tignan mo nga mga anak nya, lalo na si Obet. Reflection yan na hindi sya mabuting nanay. Mas mabuti pa nga mga anak ni Eula, may mga konsensya and deep inside, mabubuting tao.
  • leiraleira Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    rkel7133 wrote: »
    Official Charts PH @MusicChartsPH 14h14 hours ago
    Today in 2003, at the age of 14, Sarah Geronimo won the "Star For A Night" and became one of the Biggest Filipino stars ever.[#]Happy15thAnniversarySarahG[/#]

    [tweet]
    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER][tweet]


    This is my favorite. Regular ko syang pinapanood sa YT until now. And nun kasikatan ni Charice dun sa Korean talent show and my foreign friends would say na ang galing nya na bata, I would show them this video of Sarah and always said na sayang that Sarah didn't pursue an international career kasi looks-wise, mas madali sya market sa labas.
  • leiraleira Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    rkel7133 wrote: »
    Hndi naman talaga natin alam everything about our partners eh.:D But he got 6/10 sa mga questions.:lol: Dream niya daw to have his own kids running around the house a few years from now at napag uusapan na nila ang kasal.:love:

    [tweet]
    [tweet]

    Si Matteo yun parang Prince Charming in real life -- Mabait, Gwapo, Old Rich. Mahirap makahanap ng ganyan ngayon. I'm sure he has his flaws. Maaring hindi sya romantic type like other guys or kung ano pa man, pero mas marami pa rin syang winning qualities that makes him an ideal man. :love::glee:
This discussion has been closed.