Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Tagalog Media

MaccieForeverMaccieForever PEx Influencer ⭐⭐⭐
Pansin ko lang lahat ng local Filipino Channels puro Tagalog na wala nang English kahit sa news. Mga English movies dina-dub sa Tagalog. Ang TV Patrol halos walang binabaling World News.

Hindi tulad dati nung bata ako merong "The World Tonight" kapag 10pm. Favorite show ko dati nung bata ako "Murphy Brown" among others na English na palabas.

I know merong mga English shows sa cable pero pano na yung mga mahihirap nating kababayan na walang cable? Wala na silang access na matuto ng English?

Pati pala medium of instruction sa schools Tagalog na din. Pati Mathemetics tagalog na! WTF!!!

English is our selling point kaya dapat pag igihan natin ang English.

Nakaka pang init ng ulo lang kung iisipin

Comments

  • despisePappusdespisePappus 👁 PBB Loyalist
    Sigurado ka na ang medium of instruction sa schools sa math at science ay Filipino na? Tinuruan ko ang pamangkin ko, na nag-aaral sa public school, ng math (noong huling bisita ka sa Pilipinas) at ang textbook nila ay nasa English (mamaya yung aking rant tungkol dito). Yan ang pagkakatanda ko. At sa pagkakaalam ko, ganun din sa science.

    =========

    Rant: Golly, kaya bumababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa eh dahil sa kakulangan ng guro ay kung sinu-sino na lang ang pinagtuturo. I just found out na mali ang tinuturo ng teacher sa pamangkin ko at sa ilang pagkakataon ay di talaga nagtuturo. Nagpapa-assign at quiz na lang. Di ko naman masisi ang teacher dahil baka nga sa kakulangan ng guro ay siya na lang ang pinagturo kahit di siya qualified. Ewan ko kung totoo basta ang alam ko, mali ang tinuro. :lol:

    Tapos doon sa textbook, binago nila ang textbook sa elementary pero lalong lumabo. May mga concepts na bago na di na-established nang husto sa textbook na kahit ako ay di ko maintindihan kung saang lupalop kinuha. May mga bagong techniques na ok naman pero di malinaw na naipaliwanag (and some of which I really find fascinating and was never taught to us back in the day pero sana naman inayos ang paliwanag). I miss my old textbooks. :lol:
  • HermesTrismegistusHermesTrismegistus PEx Veteran ⭐⭐
    Tagalog = Lengguahe ng mga Maharlika.
  • Linalapit ng media sa madla ang mga palatuntunan kaya Tagalog ang wika.

    Mayroon pa rin namang mga palatuntunan sa Inggles....
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    Pag nag create ng thread si maccie, puro rant! :glee:

    I look at the other side, mas dapat pagtuunan ang Tagalog/Filipino kasi ito ang official language natin. Yung english, pinag aaralan yan sa school.

    And who are still watching overpriced cable TV? Mga gusto ng kids ngayon ay YouTube, Netflix, Hulu, facebook vids etc...
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    Maccie, meron na tayong CNN at Bloomberg Philippines. Nandun ang mga inggliserong news anchors.
  • despisePappusdespisePappus 👁 PBB Loyalist
    kittenz wrote: »
    How true? Yung mga karatig bansa sa SE Asia they're all trying to make everyone speak English. Paurong pala sa Pinas if that's true :rotfl:

    Matutuwa ka sa Singapore. Halos lahat nakaka-ingles na, kahit singlish lang. :lol: Ganun din nang pumunta kami ng Cambodia, marami na ring marunong mag-ingles. Darating talaga ang panahon na mapang-iiwanan na tayo.
  • BusilakBusilak PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ Tama si Kent. May English news din akong napanood sa PTV4 at UNTV.
  • kafamzkafamz PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pansin ko lungs. Si TS parang inis sa mundo. Patingin ka sa psychiatrist ves. :glee:
  • MaccieForeverMaccieForever PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kafamz wrote: »
    Pansin ko lungs. Si TS parang inis sa mundo. Patingin ka sa psychiatrist ves. :glee:

    Because it pisses me off knowing things can be better but people are just complacent about it.
    Moreover, this thread is making things worst with regards to Filipino's competency in English which is our selling point in the global market.
  • Kent_21OKent_21O Member PEx Expert 🎖️
    kittenz wrote: »
    I think Pinoys care more about what Rizal stood for in 1890's. They're not really keen on upward mobility. Baka akala kase baket homogenous cultures like Japan they're thriving, why can't the Philippines? Umm no that's not how it works... :lol:

    Kung upward mobility din lang, then we should learn Chinese or Korean. English is so 20th century. Or how about Tamil? kasi India is poised to become the next super power.

    But the point, hanggang kelan tayo magsususunod sunuran sa mga mayayamang bansa? You're right, kung kaya ng mga Hapon, Inchek at Koreano, bakit hindi ng Pinoy?
  • ramblerrambler PEx Influencer ⭐⭐⭐
    We've benefited sa pagiging inglesero at inglesera, pero kulang yun eh. Kasi ang gobyerno natin, imbes na tutukan ang ekonomiya, at ang infrastructures and policies na nagboboost ng ekonomiya, eh kung anu-ano kabalbalan ang inaatupag. Sigh. It's not like I've given up hope para sa bansa natin, pero end times na, so might as well focus on eternal things kesa sa makamundong mga bagay na wala namang kasiguruhan.
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang asar lang ako yung mga English movies na Tinatagalog. Siguro kasi gusto nila gawing pang masa din yung mga Hollywood movies pero para kasing nawawala yung 'feel' ng movie pag dubbed na. Ambaduy pa naman minsan ng translation nila.
Sign In or Register to comment.