PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

SQUAD GOALS (All Star Cast Inspired by Ocean 11)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
Will Philippine version of Ocean's 11 still push through?

by Jojo Gabinete posted on January 25, 2018


2018-01-25_01:14:54_Sharon-Gabby-Ocean-11-PEP.jpg

IMAGE Noel Orsal (Sharon-Gabby)


Representative Albee Benitez (right) gives update on dream project starring Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Richard Gomez, Albert Martinez, William Martinez, Piolo Pascual (left), and Sharon Cuneta (middle).

Inspired ng 2001 Hollywood movie na Ocean’s 11 ang pinaplanong i-produce na pelikula ni Third District Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Ito ang dream cast niya para sa pelikula: Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Albert Martinez, William Martinez, Richard Gomez, Piolo Pascual, at Sharon Cuneta.

Ayon kay Congressman Benitez, napag-usapan nila nina Gabby at Albert ang posibilidad na gumawa ng pelikula habang nangingisda sila.

“Yung unang title na pinag-iisipan was Squad Goals.

“Kumbaga, ang concept noon, bata pa sila, marami na silang mga kalokohan na ginagawa.

“Tapos, pagtanda nila, parang modern-day Robin Hood din sila.

“Kasi ang Ocean’s 11, parang ninanakawan ang casino, so they will do something similar, pero, supposedly for a common good.

“May pagka-comedy, may pagka-action yung movie.

“Squad Goal ang original title pero hindi 'yan yung final. Working title pa lang.”

Ang Ocean's 11 ay pinagbidahan ng bigating Hollywood stars na sina George Clooney, Brad Pitt, Matt Damon, Don Cheadle, Andy Garcia, at Julia Roberts.

Kuwento pa ni Congressman Benitez, “Ang nangyari, we had a meeting. Nag-meet kami sa Makati.

“Ang dumating, si Sharon, Piolo, Albert, William, Richard.

“Ang wala lang doon, si Gabby, si Aga.

“Nakalimutan ko ang pangalan ng scriptwriter, pero ang direktor, si Dondon Santos.

“Umabot kami sa script, umabot kami sa casting.

“Yung next meeting, may look test na, pero ang sabi ko, papirmahin muna lahat. Dun nagkagulo!” natawang sabi ng kongresista.

“So, baka they would reconsider.

“Ang akin naman, basta pumirma silang lahat, all on board, but verbally, okay lahat.”

Dagdag-impormasyon pa ni Congressman Benitez, “Pero I think, na-mention yata na we have a casino in Cagayan na puwedeng gamitin [na location], sa Cagayan Valley, CSEZF [Cagayan Special Economic Zone and Freeport].

“Lahat investors, para walang away. We will just put a new company, parang PALM Asia, Inc.

“Sana matuloy, ang ganda ng concept, lalo na sa mga buhay na noong ‘80s and first time na may pagka-comedy [ang project].”

THEME PARK. Nagbigay rin ng update ang kongresista tungkol sa theme park na ipinatatayo niya sa Silay City, ang Magic Land, na may budget na P800 million.

“It will be the first theme park outside Enchanted Kingdom.

“Hopefully, we will be successful in promoting a Filipino theme park.

“Mga local investors sa Negros ang partners namin.

“We’ve been very creative in fantasy, in movies, and all those things, sabi ko, baka puwede nating dalhin sa theme park, so ito na yun.

“The characters were created by director Peque Gallaga.

“Same province kami ni Peque, taga-Bacolod din siya.

“Parang fantasy-oriented siya [Magic Land], na parang mga bata that travels to magic land where the adventure begins.

“Parang Narnia, ganoon ang concept.

“A script is being developed right now so that it will be the first feature film for the theme park.

“Gusto naming i-merge yung theme park at ýung movie industry.”

Inaasahan ni Congressman Benitez na magkakaroon ng soft opening ang Magic Land bago matapos ang 2018.

Darating na kasi sa Pilipinas sa March 2018 ang 15 theme park rides na nagkakahalaga umano ng US$3 million (P152.6 million pesos) bawat isa.


Read more at https://www.pep.ph/guide/movies/27405/will-philippine-version-of-emoceans-11em-still-push-through#9GJfk9hjr8uPhwDC.99

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file