Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

HARRY & PATTY (Ahron Villena & Cacai Bautista)

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
Cacai Bautista at Ahron Villena, magtatambal sa pelikula pagkatapos magsagutan sa social media
posted on February 01, 2018


JERRY OLEA: Deadma ako sa Super Blue Blood Moon kagabi.

Deadma rin ako sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano, kahit pa bumisita ito sa Angono.

Pero nang makita ko ang post ng line producer na si Dennis Evangelista kaugnay sa photo shoot nina Ahron Villena at Cacai Bautista para sa pelikulang Harry & Patty, nag-iba ang aking timpla.

Natigalgal ang aking diwa.

Kumalam ang aking sikmura.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso, nagdirek ng Deadma Walking.

Agad akong nag-PM kay Dennis Evangelista, “May kissing scene ba sila?”

Mabilis ang kanyang tugon, “For sure.”

Juice colored!

ahron-&-cacai-main.jpg



IMAGE Courtesy of Dennis Evangelista

GORGY RULA: So, yun na ang ending ng lahat na mga hanash nila?

Sabi nga ni Kris Aquino, "Use me in sentence."

Sana maganda ang kalalabasan ng movie. Kasi pagdating sa star value, waley!

Dapat maganda ang movie para panoorin.

Ang moviegoers ngayon, gusto pa rin nila may big star sa isang pelikula. Good luck!

NOEL FERRER: Hihintayin ko na lang ang weather report mula kay Kuya Kim.

Sa pagputok na bulkang Mayon at panaka-nakang pag-ulan, pati na ang pag-a-align ng mga heavenly bodies, malapit na ang Himala, The Musicale mula kay Aicelle Santos.

Malayo pa naman siguro ang gunaw. Walang himala!!!

Sadyang ang buhay ay weather weather lang.


Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21299/cacai-bautista-at-ahron-villena-magtatambal-sa-pelikula-pagkatapos-magsagutan-sa-social-media#fM1pHpMhWYPpYXMR.99

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Kakai Bautista at Ahron Villena, "magpapakita" sa beach scenes ng pelikula nila

    by PEP Troika posted on May 19, 2018

        

    JERRY OLEA: Kukunan ang “passionate romantic kiss” nina Ahron Villena & Kakai Bautista sa last shooting day ng pelikulang Harry & Patty.

    image: https://contents.pep.ph/images2/2018/05/19/ahron-&-kakai-main.jpg



    IMAGE Instagram

    Apat na shooting days pa ang natitira sa pelikula, at hindi pa alam ni Direk Julius Alfonso ang exact date ng LSD (last shooting day).

    Kuwento ni Direk Julius nitong Mayo 18, Biyernes ng hapon, “Before we started the project, I had separate sessions with them. One on one.

    “I had to check kung talagang OK na sila.

    “And yes, they're OK na. Wala nang tampuhan. I had to make sure.

    “Mahirap kasing hanapan ng natural chemistry kung may issue pa.

    "I am glad na they had this undeniable chemistry sa mga eksena nila together.

    “They are two of the most underrated artists of the industry.

    “Kakai offered a new brand of comedy. She is the perfect Patty.

    "Ahron has this mysterious countenance that is apt for the role of Harry."

    Masaya sila sa set kasama ang co-stars na sina Bodgie Pascua, Mark Neumann, Donna ng It’s Showtime, at Arci Muñoz (in a very special role).

    Dagdag ni Direk Julius, “We are shooting our beach sequences this month.

    "Biniro ko ang dalawa kung ano ang ipakikita nila.

    “Kakai dares to show some skin. Whatever part it is. Hahaha!

    “And so I dared Ahron for a butt crack exposure. Hehehe!”

    NOEL FERRER: Wow, Ahron Villena doing what Paulo Avelino’s character has done in Kasal? Exciting!

    Buti naman OK na sila. At pure platonic na ang kanilang relasyon, tama ba yun?

    At least they’re on the same page at good working relationship na... yun na lang yun!

    GORGY RULA: Magaling na direktor si Direk Julius Alfonso. Maaring maganda ang kalalabasan ng pelikula.

    Iyon sana ang ibenta ng pelikula. Hindi ang tandem nina Kakai at Ahron.

    Parang ang hilas kung ang ipu-promote ang katawan ni Kakai, ang butt crack ni Ahron o ang kissing scene ng dalawa. Ewww!

    Okay na yung kakaibang comedy na kayang kaya naman sigurong ibigay ni Kakai.


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/21867/kakai-bautista-at-ahron-villena-magpapakita-sa-beach-scenes-ng-pelikula-nila#TCPdEmJTgjb2WtBU.99
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    ‘Baka araw-arawin ako!’ Ahron V. takot gawing ‘[email protected]#k bu#@y’ ni Cacai

    By Miguel TanfelixRose Garcia
    Last updated May 25, 2018
     0 3,030
    Share

    Noong kainitan pa raw ng isyu nina Ahron Villena at c aware si Ahron na nagalit din sa kanya ang ilang kaibigan ni Cacai, lalo na ‘yung malapit dito tulad ni Maja Salvador.

    “Hindi naman po niya ko tinalakan, pero parang may post siya noon. Well, siguro given naman na ‘yun.”

    Ang status daw nila, magkaibigan lang daw sila noon at ngayon.

    “Sobrang magkaibigan talaga kami ni Cacai. Puwede kaming maging mag-bestfriend talaga. Hindi naman kami close before, pero nu’ng magkasama kami sa Japan, dun kami naging close talaga.”

    May isang taon din daw silang hindi nagkita at nagkausap. Kaya may ilangan daw talaga nu’ng nagkasundo sila na tigilan na anumang tampuhan. Posibleng nami-misinterpret ng iba ‘yung closeness at sweetness nila.

    Biro pa ni Ahron, “Hindi nga kami naging FuBu. Pero hindi ko alam kung gusto niya, aalukin ko pa lang po. Eh kasi, baka araw-arawin ako. Hahaha! Pero ganun lang talaga kaming magbiruan.”

    Unplanned daw talaga ang mga nangyaring pagkaka-link nila noon na nauwi na nga sa word war sa print. Pero ayon kay Ahron, hindi raw talaga nila ginawa ‘yun para gumimik or anything.

    Though, aminado itong nakatulong din ang isyu sa kanila na nagkaroon sila ng ingay, sa kabila ng pinaratangan siyang ginagamit si Cacai.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    image:

    Dalawang pelikula ni Kakai Bautista, hindi pumasa sa Pista ng Pelikulang Pilipino

    by PEP Troika posted on July 09, 2018

        

    NOEL FERRER: Naihayag na ang walong pasok na entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

    Ito ay ang mga sumusunod: Ang Babaeng Allergic sa Wifi (Jun Lana), The Day After Valentines (Jason Paul Laxamana), Signal Rock(Chito Roño), Pinay Beauty (Jay Abello), Bakwit Boys (Jason Paul Laxamana), We Will Not Die Tonight (Richard Somes), Unli Life (Miko Livelo), at Madilim Ang Gabi (Adolf Alix).

    image: https://contents.pep.ph/images2/2018/07/09/ppp.jpg


    Jameson Blake & Sue Ramirez in Ang Babaeng Allergic Sa Wifi / Bela Padilla & JC Santos in The Day After Valentine's

    Ang tanong: ano na kaya mangyayari sa mga pelikulang umasang makapasok sa Top 8 pero hindi napili?

    Paano na sina Kakai Bautista at Ahron Villena sa kanilang Harry at Patty at Wander Bra?

    image: https://contents.pep.ph/images2/2018/07/09/kakai-main.jpg


    Kakai Bautista & Ahron Villena in Harry at Patty / Kakai Bautista in Wander Bra

    Paano na ang Kusina Kings nina Empoy Marquez at Zanjoe Marudo, na hindi ikinatuwa ng selection committee at 
    balitang uunahan na lang ng showing ang PPP?

    Ano na rin kaya ang kahihinatnan ng pelikula nina Alex Gonzaga, Gelli de Belen at Ariel Rivera, at iba pang nagtangkang sumali sa PPP at hindi pinalad makapasok sa Top 8?

    Sana makahanap sila ng magandang playdate at mabigyan din ng chance.

    Malay naman natin, di ba?

    GORGY RULA: Mabigyan lang ng tamang handling sa promo, baka makalusot naman.

    Pero may ilang maliliit na pelikulang mahihirapang mabigyan ng playdate. Kaya kailangan talagang i-distribute ng malaking film outfit para mabigyan ng magandang playdate.

    Sa totoo lang, kahit pasok nga sa PPP, wala pa ring assurance na maghi-hit ang pelikula.

    Kaya kailangan pa rin ng producer na itodo ang promo.

    JERRY OLEA: Bongga si Direk Jason Paul Laxamana, dalawa ang lahok sa PPP!

    Ang tambalang Kakai-Ahron, ngangey ang dalawang aspiring entry.

    “Ipapalabas na rin naman ang Harry & Pattynina Kakai & Ahron,” sabi ng line producer na si Dennis Evangelista nang makausap namin noong July 4, Wednesday, sa launch ng Cinemalaya.

    Mas maraming kilalang artista sa ikalawang taon ng indie filmfest na ito ng FDCP!

    Topgrosser dito last year ang 100 Tula Para Kay Stella na tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos.

    Ang movie nila na Day After Valentines pa rin kaya ang manguna sa takilya?


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/22216/dalawang-pelikula-ni-kakai-bautista-hindi-pumasa-sa-pista-ng-pelikulang-pilipino#YDfMx4ZsZXjp6o9u.99
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    edited July 2018 #5


    • July 16, 2018
    • Written by Nitz Miralles
    • Published in Showbiz
    • Read: 63

    Sa title pa lang na Harry & Patty, maku-curious na ang moviegoers na panoorin ang pelikulang tampok sina Kakai Bautista at Ahron Villena. May tagline itong “A Beginning (Not So) of A Beautiful Love Story. May nag-comment na sumi-Sid & Aya ang title ng movie na showing sa August 1.

    Dagdag na panghatak ang mga bidang sina Kakai at Ahron na parang kailan lang, may online word war, ngayon, may pelikula na. May nag-comment uli na mabuti at hindi nag-away ang dalawa sa shooting at hanggang sa promo ng Harry & Patty. Si Julius Alfonso na director ng Deadma Walking ang director nito.

    May post si Kakai sa pagbibida niya, thankful, emotional at hindi makapaniwala.

    Ipinagdasal daw niya ang pagtanggap sa project, marami siyang takot, sa magiging opinion at box-office result. Pero para sa pamilya niya at katuparan ng pangarap, tinanggap niya ang Harry & Patty at para mas sumaya si Kakai, si Ahron, ang buong cast, director at producers, panoorin natin.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Like or Dislike: Full Trailer of 'Harry and Patty'



    Video courtesy of YouTube: Cinema Bravo
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Kakai sumisiping kay Ahron pero wala raw ‘nangyayari’

    • July 17, 2018
    • Written by Aster Amoyo
    • Published in Showbiz
    • Read: 70

    KAKAI BAUTISTA  AND AHRON VILLENAKAKAI BAUTISTA AND AHRON VILLENA

    SINGER-comedienne Kakai Bautista is turning 40 on September 2 habang ang kanyang best friend na kanyang nakaalitan nung isang taon, ang actor na si Ahron Villena ay 31. Pero bago pa man nila ginawa ang pelikulang “Harry and Patty” na dinirek ni Julius Ruslin Alfonso (na siya ring nagdirek ng indie movie na “Deadma Walking”) under Cineko Productions to be releaed by Star Cinema ay nagkasundo nang muli ang dalawa in September last year. Dumating naman ang offer ng Cineko Productions in December 2017 na magsama ang dalawa sa isang pelikula.

    Kakaiba ang closeness bilang magkaibigan nina Kakai at Ahron na mahirap paniwalaan na wala silang romantic relationship dahil madalas silang magkasama sa mga lakaran, trips abroad sharing one room and bed (na may unan umano sa kanilang pagitan), ipinagluluto ni Kakai si Ahron at iba pa na gagawin lamang ng isa’t isa sa isang magka-relasyon. Pero sumusumpa ang dalawa na mag-best friends lamang umano silang dalawa. Katunayan, Kakai is currently dating three different men at alam umano ito ni Ahron na wala pa umanong special someone hanggang ngayon.

    Pero kung si Kakai ang tatanungin, open umano siya kay Ahron kung lalagpas man sa kanilang pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon dahil kilalang-kilala na umano niya ang actor maging ang ugali nito at ganundin si Ahron kay Kakai. Sinabi rin ng dalawa na magiging masaya umano sila para sa isa’t isa kung pareho silang makakatagpo ng ibang taong mamahalin pero mananatili umano ang kanilang pagkakaibigan.

    “The one thing I love with Kakai, family-oriented siya. Malambing, taklesa, maldita, maasikaso, marunong magluto. She’s a wife-material,” pag-amin ni Ahron.

    “He’s not hard to like. Hindi siya mahirap mahalin,” ani Kakai tungkol kay Ahron. “Mabuti siyang tao, malambing, he takes care of me, mahilig mang-asar pero kaya niyang sakyan ang topak ko, may pagka-child-like din siya.”

    Samantala, first lead role nila ang “Harry & Patty.” The movie which has an August 1 release also features Haeven Peralejo, Mark Neuman, Carmi Martin, Bodjie Pascua, Donna Liza Salvador Cariaga, Joe Vargas, Lou Veloso and Soliman Cruz at kung saan may special participation si Arci Muñoz.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Kakai maraming natutunan sa ginawa ni Ahron

    Naging kontrobersyal noon ang pag-amin ni Kakai Bautista tungkol sa kanyang tunay na naram­daman sa kaibigang si Ahron Villena. Ayon sa ko­medyante ay talagang napamahal siya sa aktor pero hindi ito nauwi sa isang relasyon.

    Maraming natutunan si Kakai pagdating sa pag-ibig dahil sa naranasan nito kay Ahron. “I learned a lot of things, lessons sa pinagdaanan ko sa kanya. I’m sure marami rin siyang natutunan. I grew a lot when it comes to relationships. I’m actually dating some guys, hindi lang isa, out of showbiz. At saka lahat sila guwapo,” pagbabahagi ni Kakai.

    Sa ngayon ay nananatiling magkaibigan ang komedyante at si Ahron kaya madalas pa rin silang lumalabas na magkasama. “Si Ahron po kapag kailangan ko siya or gusto kong manood ng sine, lumalabas kami. Who am I not to forgive someone, hindi ba? Saka marami naman siyang nagawang mabuti sa akin kaya there’s no reason why hindi ko siya mapatawad or mapatawad ang isa’t isa,” makahulugang pahayag ng komedyante.

    Masayang-masaya naman si Ahron dahil nagkaayos silang muli ni Kakai pagkatapos ng kanilang hindi pagkakaunawaan noong isang taon. “Nagkapatawaran kami sa isa’t isa. May mga bagay na hindi kami nagkaintindihan before and siguro parang one year kaming hindi nagkita noon. Sabi ko tingnan mo, nag-aaway man tayo, hindi kita pinapatulan. Mainis ka man, sige lang, tinatawanan ko lang,”nakangiting pahayag ni Ahron.

    Hindi raw inakala ng aktor na makapagtatambal at magbibida pa sila ni Kakai sa pelikulang Harry & Patty na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa August 1. “I’m really happy na first major project ko sa big screen ay kasama ko si Dental Diva. Sa mga nangyari sa amin, uunahan ko na po kayo, hindi po ito planado. Kami ay naging okay ng September and the movie was offered two months after,”giit ng aktor.

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Insta Scoop: Kakai Bautista Shares Insights on 'Harry and Patty'


    Images courtesy of Instagram: ilovekaye
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Ahron Villena recalls Kakai Bautista being mistaken for being his mother

    by Rose Garcia posted on July 20, 2018

    IMAGE Jerry Olea

    Ahron Villena recalls how his friendship with Kakai Bautista started during a trip to Japan. "Napagkamalan siyang nanay ko ng Immigration Officer ng Japan. Dun talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal.


    Pagkatapos ma-link, maintriga, at magkasagutan sa ilang write-ups, magkatambal at bida ngayon sina Ahron Villena at Kakai Bautista sa pelikulang Harry & Patty (A Beginning of a not so beautiful love story).

    Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron kung maihahalintulad ba sa titulo ng kanilang pelikula ang kuwento nila ni Kakai sa totoong buhay.

    Nagsimula rin ba ito sa hindi magandang love story?

    “Actually po talaga, ang hirap po kasing mag-ano... marami po talagang tao na, si Kakai po kasi, sobrang naging close kami niyan. 

    “Sa mga hindi nakakaalam, naging close kami sa Japan. Doon nagsimula ang friendship namin,” pagbabahagi ng aktor sa press conference ng pelikula sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City, noong July 16.

    Yun nga lang, may nag-akala raw na nanay niya si Kakai noong nasa Japan sila.

    “Napagkamalan siyang nanay ko ng Immigration Officer ng Japan.

    "Dun talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal.

    “Hanggang sa dumating sa point na yung mga taong malisyoso, yung mga taong iba ang iniisip, nagkaroon kami ng gap.”

    Nilinaw namin kay Ahron kung nagkaroon ng malisya si Kakai sa friendship nila.

    Aniya, “Yung ibang tao. Yung mga sumawsaw na.

    "'Tapos, may mga pictures kami sa Instagram, mga unplanned na parang, 'O tara, picture tayong dalawa.'

    "'Tapos yung mga tao ang nagbibigay ng meaning."

    Diin niya, “Pero we are really good friends talaga. Yung sa Japan, doon naging close kami.”

    REAL LOVE STORY. “Good friends” lang talaga sila, hindi puwedeng mauwi sa isang love story?

    “Hindi ko alam!” natawang sabi ni Ahron. “Mahirap magsalita ng tapos.”

    Dugtong pa niya, “Si Kakai is a good person. Sobrang mabait.

    "At isa sa gusto ko sa kanya, yung boses niya.

    “Sabi ko nga, yung iba baka akala komedyante lang siya. Pero kapag kumanta si Kakai Bautista, pipikit na lang ang kinakantahan. Parang, 'Wow, ang ganda ng boses nito.'”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Humirit ng biro si Kakai na sana raw pala, naging boses na lang siya.

    “Hindi naman!” natawang sagot naman ni Ahron.

    At sabi pa niya, “Makinis si Kakai. Nakita ko na siyang naka-two-piece.”

    Nakatanggap ng mga pamba-bash si Ahron noong panahong naintriga silang dalawa at nagkasagutan pa sa ilang write-ups.

    Tinawag siyang “pa-fall,” o pinapaasa lamang si Kakai kahit wala naman talaga itong gusto sa dalaga. 

    Pero sa isang banda, posible ba siyang ma-fall kay Kakai?

    “Well, to be honest po, ako, hindi ako tumitingin sa panloob o panlabas na kaanyuan.

    "As long as nakikita ko na may mabuting puso ang tao.

    “Mahirap kasi, sasabihan na naman na hayan, nagsalita na naman si Ahron ng ganyan, pa-fall na naman. Hindi, e.

    “Pero ako, naniniwala na ang love naman, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung hindi.

    "Basta nakikita mo na yung taong kaharap mo at kasama mo, e, mabuti sa iyo, marunong makiharap.”

    Patuloy pa ni Ahron, “Ako, hindi ko masasabi. Mahirap magsalita ng tapos. 

    "To be honest, hindi ko alam ang isasagot ko.

    "Basta right now, nag-e-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami. Hindi planado, unang-una.

    “Masaya kami, lumalabas kami... Kumbaga, nag-start kaming lahat na ganito, I’ll never know.”

    Ang Harry & Patty ay mula sa Cine Ko Productions at ipalalabas sa August 1.


    Read more at https://www.pep.ph/news/70966/ahron-villena-recalls-kakai-bautista-being-mistaken-for-being-his-mother#Sarl3puSkcVQBADl.99
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Kakai Bautista on falling for Ahron Villena: "Sanay na sanay naman akong masabihan ng ilusyonada."

    by Rose Garcia posted on July 20, 2018

    IMAGE Jerry Olea

    Kakai Bautista admits falling for friend and Harry and Patty co-star Ahron Villena. She said she's not closing her doors on the possibility that their friendship would lead to something deeper. "Siguro in God's perfect timing, it would lead to something beautiful."


    Inamin ni Kakai Bautista na “na-fall” o na-in love siya sa leading man niya sa pelikulang Harry & Patty (A beginning of a not so beautiful love story) na si Ahron Villena.

    Ito yung mga panahong nagpapatutsadahan sila sa interviews at social media.

    Sabi ng mga netizen, pa-fall daw kasi si Ahron.

    Ngunit na-fall nga talaga si Kakai. 

    “Oo naman, sanay na sanay naman akong masabihan ng ilusyonada,” pag-amin ng comedienne-singer.

    “Ano pa ba ang hindi nasabi sa akin ng mga tao na masakit?

    "Ilusyonada, ambisyosa, asyumera...

    "Ano ba ang alam nila?  

    "Wala naman silang alam sa totoong nangyari.”

    Ayon pa kay Kakai, “Nasasaktan ako, pero façade lang yun.

    “Deep inside me, alam ko naman ang totoong nangyari, di ba? Bakit ako masasaktan?”

    Pinuri rin ni Kakai si Ahron.

    Naging mabait naman daw itong talaga sa kanya.

    “Naging mabuti naman siya sa akin. Inalagaan niya ako.  

    "Kung alam niyo lang—dyusko, 'day, araw-araw ko iyang inaaway. Araw-araw kong binubuwisit.

    “So, ganun talaga, malakas talaga ang topak ko.

    “Pero pinagpapasensiyahan niya pa rin ako, nandoon lang siya.

    “Minsan, may mga time na talagang kailangang patulan na niya ako para tumahimik ako.

    “In fairness naman to him, talagang inalagaan niya ako.”

    GAMITAN ISSUE. Itinanggi rin ni Kakai ang mga naging paratang kay Ahron na ginagamit lang siya nito.

    Hirit pa niya na natatawa, “Hindi naman, e, sana nga ginamit na lang. Masaya pa, e.

    "Mas masaya sana kung talagang ginamit."

    Hindi rin daw siya kinuwartahan ni Ahron. Hindi raw totoong ginastusan niya ito.

    Aniya, “Aaminin ko sa inyo, yung mga biyahe namin, maniwala man kayo o hindi, hati kami dun.

    “At may mga times na, 'O, ikaw ang magbayad nito.' Ako ang magbabayad? Ano ako, Nanay? Matrona?”

    Dugtong pa niya, “Hindi ako yung lahat sumasagot.

    “At yung mga plans namin, yung mga labas namin, we both planned it together.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "So, iniisip nga ng mga tao na, yun nga, may reputation siyang ganun.”

    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kakai sa presscon ng Harry & Patty, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, noong July 16.

    Ipalalabas ang kanilang pelikula ni Ahron sa August 1.

    BETTER FRIENDS. Dahil sa pinagdaanan nilang pagsubok ni Ahron, mas nakilala raw nila ang isa't isa at naging mas matibay ang kanilang samahan.

    Ayon kay Kakai, “So if ever na after ng mga nangyari sa amin na hindi okey, feeling ko naman lahat ng magagandang friendship na nangyayari at dumarating sa buhay natin, dumadaan talaga sa ganung pagsubok.

    “Hindi man siguro namin naiintindihan ang isa’t isa before, mas marami na kaming bagay na dapat intindihin sa isa’t isa. 

    “We both know each other very well. 

    “I know him very well and he knows me very well. Alam niya ang mga topak ko and he knows how to handle it.

    “Alam ko rin yung mga topak niya and sometimes, ako yung hindi kayang i-handle siya, kasi alaskador talaga itong lalaking to, 'tapos ako, pikon. 

    “Minsan ako ang alaskador, pikon siya.

    “So, alam na naming i-handle each other’s ugali and, I think, it would not be a perfect friendship for the both of us.

    "But as long as we try to be perfect for each other as friends, siguro in God’s perfect timing, it would lead to something beautiful."

    Sabi nga niya, “Hindi ko muna kinu-close ang door ko.  

    "Sa ngayon, kalma-kalma muna tayo. Masaya muna tayo with each other."

    Napasigaw naman ng “secret” si Kakai nang balikan namin at tanungin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kanilang dalawa.

    Sabi niya, “Mahirap kasi na kapag nasa isa kayong relasyon or friendship or a budding relationship, romantic relationship or whatever, kung anuman yun, mahirap yung maraming nakikialam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Mahirap yung maraming ganito, ganyan.

    “Confused ka na to what to really say, what to really know. So, mahirap yun.  

    "Kailangan kung meron kayong friendship o relasyon na maganda, kailangan yung isa’t isa lang ang pakikinggan niyo.

    “Huwag kayong maniniwala sa sinasabi ng iba, lalo na kung alam niyo ang feeling niyo for each other.  

    "Never get affected to what others say. So kami, deadma na lang. Prayers na lang.

    “Enjoy muna whatever we have right now because we’re enjoying it.”

    At saka ito bumaling kay Ahron at sabay natatawang tanong na, “Are you enjoying me?”


    Read more at https://www.pep.ph/news/70963/kakai-bautista-on-falling-for-ahron-villena-sanay-na-sanay-naman-akong-masabihan-ng-ilusyonada#4MGuvr2TacsF388H.99

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    ‘Notes’ ni Ahron laging nata-touch ni Kakai pag natutulog

    By Reggee BonoanJuly 18,2018

    13
    shares

    TAWANAN ang lahat members ng entertainment media na dumalo sa presscon ng pelikulang “Harry & Patty” nang aminin ng mga bidang sina Kakai Bautista at Ahron Villena na magkasama sila sa isang kwarto kapag may out of the country shows sila.

    Inakala tuloy ng lahat na nagkaroon sila ng relasyon dahil nga imposible raw na walang nangyayari sa kanila kapag magkasama na sa kuwarto. Matagal nang tinutukso sina Ahron at Kakai kaya tinanong ang dalawa kung nagkaroon ba sila ng intimate scenes sa tunay na buhay.

    “Wala!” mabilis na tugon ng komedyana. Pero hirit ni Ahron, natatamaan daw ni Kakai ang harapan niya dahil napagkakamalan niya itong unan dahil malikot daw matulog. “Wala po talaga. Ganu’n lang kami, nagbubuwisitan araw-araw kahit sa mga biyahe namin,” sabi pa ng komedyana.

    Kapag daw nakatapis ng tuwalya si Ahron ay nakabukol ang hinaharap nito. Natawa muna ang aktor sabay sabing, “Ang hirap naman pong itago, anong gagawin ko?”

    Hindi itinanggi ni Kakai na talagang nagkagusto siya kay Ahron pero hindi niya ipinilit ang sarili, “Ako kasi ‘yung tao na sa salita lang ako malandi, eh. Pero ‘yung ako ang mauuna, hindi talaga, pramis! Kaya galit na galit ‘yung mga kaibigan ko,” kuwento ng dalaga.

    Posible bang magkagusto si Ahron kay Kakai? “To be honest, hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. As long as nakikita ko na may mabuting puso yung tao eto kasi mahirap e, baka ma-quote na naman, ‘ayan nagsalita na naman si Ahron, pa-fall na naman.’

    “Ako kasi naniniwala ako, na yung love kasi, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung ganito ka, asta nakikita mo na yung taong kaharap mo, kasama mo, mabuti sa yo, marunong makisama, marunong makiharap, kumbaga ako, hindi ko masasabi. Mahirap magsalita nang tapos, to be honest, hindi ko alam.

    “But right now, nag-eenjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami, maayos kami. I don’t know. We’ll never know kung anong susunod na mangyayari,” paliwanag ng binata.

    Mapapanood na ang “Harry & Patty” sa Agosto 1 under Cineko Productions distributed ng Star Cinema mula sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso na naging direktor ng “Deadma Walking.”

    Kasama rin dito sina Carmi Martin, Heaven Perelejo, Mark Neuman, Bodjie Pascua, Donna Liza Salvador Cariaga, Joe Vargas, Lou Veloso, Soliman Cruz at may special participation si Arci Muñoz.



    Read more: http://bandera.inquirer.net/190799/notes-ni-ahron-laging-nata-touch-ni-kakai-pag-natutulog#ixzz5LpDZMkXo 
    Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐

    MOVIE REVIEW: HARRY & PATTY

    ‘HARRY & Patty’ is a romantic-comedy that is reminiscent of the big hit “Kita-Kita”, where the plain looking Empoy Marquez figures in an unlikely love story with the pretty Alessandra de Rossi. This time, the situation is reversed. It’s the girl who’s a plain Jane, as played by comedian Kakai Bautista, who’s really a great singer who has shone in stage musicals. Her leading man is the good looking hunk, Ahron Villena, with whom she was earlier rumored to be in a relationship, but which he denied, causing a rift between them for a while.

    We went to the movie’s premiere night at SM The Block without expecting anything. But to our surprise, “Harry & Pretty” proved to be quite entertaining, thanks to the pretty witty direction of Julius Alfonso who didn’t disappoint after his auspicious debut in “Deadma Walking”. The audience was laughing a lot all throughout the movie.

    They say unlike poles attract each other and this is the film’s premise. Ahron is Harry, a handsome young travel executive, while Kakai is Patty, who earns a living by being a cab driver. As in romantic vehicles of this sort, they start on the wrong foot in their first meeting but you know romance will eventually blossom between them. How they go about making it convincing for us is up to you to discover.

    Just like in “Kita Kita”, there is a very big twist in the storytelling of scriptwriter Volta de los Santos that we didn’t see coming. Of course, we can’t reveal it here and spoil things for you. You just have to suspend your disbelief because one character goes such a huge change and it’s up to you to buy it or not.

    What makes the twist (a big secret of a major character) so funny and ironic is that it is revealed by an actress who is herself noted for undergoing so many “retoke” procedures. We want to commend her for being so game in this aspect and, in all fairness to her, she’s really good in the few hilarious scenes that she appears in.

    Produced by Cineko Productions, hopeless romantics and even hardened cynics will no doubt appreciate its underlying message that you can’t forever hide a secret to your loved one and that true love brings out the real beauty of a person, something that is intrinsic and not just superficial, something that will stay on for long and not simply fade away like external good looks.

    One good reason why the movie works is the more than adequate performances of its stars, starting with Kakai Bautista who is wacky enough as the plain looking heroine. Even more appealing is Ahron Villena who definitely has more leading man qualities than some of the lead actors we see today. And his acting is quite good, whether in the comic scenes or in the dramatic scene where he cries unabashedly after Kakai has left him. You’d really wonder why he’s so in love with Kakai but this will be adequately explained later.

    Giving them good support is Mark Neumann who has a bigger role here as Kakai’s mischievous brother than in “I Love You, Hater”. He plays second lead with his own romantic interest, Heaven Peralejo, who has a winsome screen presence. Also hilarious in their own roles are Carmi Martin as Ahron’s mom who has a deep dark secret herself that is as big as his and Donna Cariaga as Kakai’s friend and boss who succeeds to be amusing in her own odd way.

Sign In or Register to comment.