Home PEx Relationships Love - Dilemmas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Magkakabalikan pa kaya ulit kami?

PLS take time to read guys mejo mahaba :)

Hello! Itago nyo nalang ako sa pangalang iixreaperz. Andito ako ngayon sa saudi arabia nagtatrabaho. Well ang LDR gf ko nasa Japan ngayon. 2yrs and 2months na kaming malayo sa isat-isa. Nung time na magkita sana kami sa vacation ko for 2months nung july last year eh di natuloy kasi may problema. Naging toxic ang relationship namin at un na nga, nkabalik ako ng saudi na hindi kami nagkita. Syota ko sya dati nung 17 pa edad namin. Pero di seryoso kasi alam ko na kung saan sya pupunta at nag rerebelde din sya nung time na yun kasi pagka edad nya ng 18 eh ipapakasal siya ng hapon. Saklap noh? Well fast forward nalang para di tayo malito sa problema ko. Nakabalik na ako ng saudi nung Sept.1,2017 na malungkot. Nag usap parin kami nung time na yun pero sobrang toxic na talaga. Kaya nung November nag decide ako na di muna *** icontact para maka hinga naman kami ng konti. Bali 1month ko yun ginawa. Nung time na yun gumawa ako ng paraan para di ko sya macontact. Nakipag usap ako sa ibang babae for distraction lang. Di ko namalayan blinock na niya pala ako sa facebook nung nangangalahati na ako sa 1 month of no contact. Nung nakompleto ko *** 1 month kinontack ko siya sa instagram which is nag reply naman agad. Akala ko bumalik na kami sa dati. Kasi talkative na siya. Madami siyang kwento. Almost 1month din kami ok na un. From dec.1 up to dec.22. Umamin ako na may kausap akong ibang babae para distraction lang. Akala ko ok lang sa kanya. Pero nung sinabi niya na wala daw xang time mkipag usab sa iba nung time na di kami nag uusap eh feel ko ang sama sama ko. Na guilty ako. Ang anxiety ko nung time na un eh mataas na. Minsan tinatanong ko sya kng may kausap syang iba. inaakusahan ko sya na baka may iba xang kchat. Di nagtagal nainis ***. dec.24 di nya ako kinausap hangang bagong taon :( sobra 1week ata un. Nka mute ako sa facebook. So nag msg ulit ako sa instagram.

Dun kami nag kausap pero saglit lang. Sabi niya uuwi daw ** ng pinas. Asikasohin ang divorce papers ang magpapakasal sa ibang lalaki. Sabi ko bat ka magpapakasal sa iba eh ako naman syota mo. Sabi nya gusto nya *** lalaking naiinitindihan sya. May imemeet din daw xang lalaki sa pinas. Mabait daw. Responsable. *** tipong pinapaselos nya ako.
Alam ko kasi ugali ng gf ko. Pag aakusahan mo sya ng bagay na di nya ginagawa eh totohanin nya yan.

Sinubukan kong suyuin ***. At naging ok naman (sa ngayon). Pro pagkaraan ng isang araw ibabalik niya parin *** topic na uuwi daw ** ng pinas at may imemeet xang ibang lalaki. panay deny ko pa nun kc ayaw kong gawin nya ulit un (wala akong karapatang magalig kahit immature moves kc kasalanan ko din naman). 3 times nyang inopen up *** topic na yun hangang sa nag away kami. Feeling ko wala xang respeto sa akin. Kaya sabi ko sa kanya di muna kami mag usap hanggang sa matutunan nya akong respetohin. Ang cold mo na, gusto kong bumalik ka sa dati mo na. Akala ko tama yung ginawa ko, yun pala lalo siyang nagalit. Nag reply siya pro di ko pinansin. Nag antay ako ng 1week para replyan. Pero galit parin sya. This time nag forward *** ng screenshot with the guy he mentioned. Indenial parin ako. Sabi ko di totoo yan. Pero tawa lang *** ng tawa na may pagka sarcasm kasi alam niya panalo ciya. Feeling ko dinidiscard na nya ako. Ang pangit ng ending namin. Galit na galit siya na tinatawanan niya ako. Sabi niya "respeto? Gusto mo respetuhin kita? Eh di mo nga ako nirespeto nung inaakusahan mo ako ng ganito/ganyan" hanggang sa blinock na ako sa last form of communication namin(instagram).

Nag try ako na imsg yung friend niya. Sabi niya hayaan ko nalang daw. Masaya na daw ** sa iba. Duda ko kinontrata na ng gf ko na kung sakaling mag msg ako ulit ito sabihin mo. Hahaha. (Sana totoo hula ko kasi ang sakit) Araw2 ako nag iistalk sa facebook ng gf ko pati na *** lalaki (kung totoo man eh rebound niya yun.) Pero binigyan ko na sya ng space at patagong stalk nalang .

sabi niya as of now secret pa daw ang lahat about sa kanilang dalawa kasi natatakot siyang baka malaman ng family niya. How come na matakot siya eh tinakwil na niya ang family niya? (may family problem kc gf ko, Trinaydor siya dahil sa inggit ng mga kapatid niya tapos ginagamit lang siya dahil sa pera. Ayaw din ng family niya sa akin kasi gusto nila hapon parin mapangawasa ng gf ko)

Inistalk ko *** facebook ng lalaki, Di sila friends sa fb. Buti di maxadong private ang fb ng lalaki kc *** sa fb ko ang private.

Alam ko kng anong iniisip niyo. Paranoid na ako. Heeheh. Pero ngayon ok na ako. Gusto ko lang ishare ang story ko at baka may mai advice kayo.

As of now di na ako nag iistalk. Di ko na rin inoopen ang 2nd account niya na walang silbe. Kc parang bitag lang un, friends nga *** sa original fb account ng gf ko pro nka hide *** activities at timeline exclusive sa 2nd accnt nya. ***** para makita niya kng inoopen ko pa ba 2nd accnt niya. 2weeks ko ng di inoopen kc focus ako sa work at healing. Di ko lang maiwasan isipin ** at miss na miss ko na **. 2yrs and 2months din kami araw2 nag uusap nun. ** kausap ko parati kahit nasa work ako. Salamat sa mga readers na nag tiis basahin ang mahaba kong story :) God Bless and happy valentines.

Comments

  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dodong, hanap ka ng bagong gf. Maling maling mali ka na inoffer mo yung info na may kausap kang ibang babae nung time na pinili mong wag nang makipag usap sa kanya.

    Nakatanim na yun. Malalim pa sa ugat ng 300 year old na acacia. Huwag ka nang umasa na makakalimutan yun o papatawarin ka.
  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    nakablock kana, ilang beses niyang in-open yung gusto niyang makipagmeet sa iba kahit kayo pa. ano pa gusto mong paliwanag? :glee:
  • Hehe. Actually pang 2 beses na to nyang ginawa. nung 2016. Same situation. Same words na sinabi nya sa akin about sa rebound nya pero ang kaibahan lang ngayon galit *** sa akin at nka block ako.
  • incorruptibleincorruptible PEx Veteran ⭐⭐
    Iwanan mo na yan pards, walang mangyayari dyan. Wag kang maghabol sa ganyan klase babae. Humanap ka na lang ng iba, and baguhin mo yung tingin mo kung saan ka nagkamali sa kanya
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Grabe lungkot sa disyerto.. sobra ang illusyon ni ts..

    Tol.. magisip ka nga..

    Syota mo sa isip mo pero nasa kama ng iba dulot ng sapilitang kasal.. di mo ba naisip pinagdadaanan nun? Sa tingin mo walang nakikiramay sa kanya habang nag eemo ka at di mo sya kinakausap patong pa na kasal sya ng sapilitan sa iba? Hayss.

    May iba ng nagpaparamdam ng tunay nyang halaga na hindi maarteng pamute mute pa eh tngna.. ldr na nga pamute mute pa.

    She is gone.. get over it. Someone else has her heart.
  • lady mintlady mint PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Yes TS move on and next time be mature enough in dealing with problems in relationship... Imbis na magpa block2 echos pag-usapan ang problema hanggat maayos ayusin! Kung hindi na di go on your own seperate ways minus the dramas and ka OA-han... Anyways good luck TS and Happy Hearts Day ❤❤
  • mankeymankey PEx Rookie ⭐
    TS xmove. may mga bagay na di na dapat kinukwento. so hanap hanap din pag may time. mag tinder ka. di naka block sa KSA yan.
Sign In or Register to comment.