Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.
WALWAL (Jerome, Dony, Elmo & Kiko)
Jerome, Dony, Elmo, Kiko bibida sa Walwal ni Joey Reyes
By Jun NardoJanuary 13,2018
share this
MAKIKIPAGSABAYAN si Kiko Estrada sa ilang Kapamilya actors na kasama niya sa pelikulang Walwal.
Inihayag ang pagsisimula ng movie ni direk Joey Reyes na una niyang project this year. Makakasama ni Kiko rito sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Donny Pangilinan.
Bihasa na si direk Joey sa paggawa ng pelikula tungkol sa barkadahan. Pero sa pelikulang Walwal, magkakaalaman kung sino talaga ang may lalim sa pag-arte. Wait din tayo kung sino sa mga Walwal boys ang palaban sa hubaran.
Read more: http://bandera.inquirer.net/174026/jerome-dony-elmo-kiko-bibida-sa-walwal-ni-joey-reyes#ixzz56iTOnIIC
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
By Jun NardoJanuary 13,2018
share this
MAKIKIPAGSABAYAN si Kiko Estrada sa ilang Kapamilya actors na kasama niya sa pelikulang Walwal.
Inihayag ang pagsisimula ng movie ni direk Joey Reyes na una niyang project this year. Makakasama ni Kiko rito sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Donny Pangilinan.
Bihasa na si direk Joey sa paggawa ng pelikula tungkol sa barkadahan. Pero sa pelikulang Walwal, magkakaalaman kung sino talaga ang may lalim sa pag-arte. Wait din tayo kung sino sa mga Walwal boys ang palaban sa hubaran.
Read more: http://bandera.inquirer.net/174026/jerome-dony-elmo-kiko-bibida-sa-walwal-ni-joey-reyes#ixzz56iTOnIIC
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Tagged:
Comments
By Aedrianne Acar
January 11, 2018
Kapuso hottie Kiko Estrada will be doing a new movie with three other Kapamilya stars soon.
LOOK: Kiko Estrada's hottest photos
In the Instagram post of Direk Jose Javier Reyes, he introduced the cast members of the movie Walwal.
Aside from Kiko, former Kapuso star Elmo Magalona, Jerome Ponce and Donny Pangilinan will be part of this film as well.
[/img]
The boys of WALWAL : Elmo, Jerome, Kiko & Donny. Shooting soon. [#]livelifetothefullest[/#] [#]choosehappy[/#]
A post shared by Joey Javier Reyes (@direkjoey) on Jan 9, 2018 at 12:49am PST
RELATED CONTENT
Direk Jose Javier Reyes tinawag na Superman si Alden Richards
LOOK: Sino ang Kapuso diva na idol ng Kapamilya...
By Jun Nardo
Last updated Feb 21, 2018
Nasolusyunan na ang pagkauhaw ni Direk Joey Reyes na makagawa ng dated version ng barkada movie niyang ginagawa noong 1995, ang Pare Ko. Pinagbidahan yon nina Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, Victor Neri, Gio Alvarez at Nikka Valencia.
Ito nga ay ang pelikulang Walwal na sinulat ng kanyang 19 years old na estudyante sa La Salle kung saan isa siyang professor.
Its a growing up movie of four college friends at saka yung dilemma na pini-face nila, say ni Direk Joey sa storycon at look tests ng male cast na pinagbibidahan nina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at introducing si Donny Pangilinan, anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.
Ayon sa premyadong writer-director, personal choice niya ang apat na bida na inakma niya sa character ng story. Si Kiko yung taong palit nang palit ng course at isa siyang **** boi.
Si Elmo yung pinipilit ng magulang na kumuha ng course na ayaw niya. Naging mabait siyang anak kaya sinundan niya ang gusto ng magulang na mag-law siya. Pero graphic arts, multi-media ang hilig niya.
Walang love interest si Elmo rito kaya yung tweet nang tweet sa akin na Janella (fans), wala, wala siyang love interest, kuwento ni Direk Joey.
Kisses, Donny bongga ang lambingan sa Walwal
Si Jerome Ponce?
Si Jerome, wala rin siyang love interest. Siya yung drama. Scholar siya as volleyball player. Ang nanay niya ex-bold star. Meron silang carinderia at nandoon ang poster ng movie na kasama ang nanay kasi nana-nominate siya sa Urian sa pelikulang Himod! Ha! Ha! Ha! Pero nalaos siya!
Sa film niya except sa isang kaklase na kasin-weird niya, si Kisses Delavin, na cosplayer. Si Donny point of view niya yung buong pelikula. Filmmaker siya. Siya yung kumukuha ng film sa nangyayari sa mga kaibigan niya na yung tatay niya may franchise ng pagkain pero baliw na baliw siya sa dream niyang maging the Next Brilliante Mendoza. Ginagaya niya ang estilo ni Brilliante pero walang nakaka-appreciate.
This is my updated version of my Pare Ko. Ive been wantiiiiiing to do another Pare Ko. But this time using contemporary kids! paliwanag ni Direk Jey sa bagong proyekto.
https://www.facebook.com/kapamilyaoutsider/posts/374788049674465
https://www.facebook.com/kapamilyaoutsider/posts/374788049674465
Like or Dislike: Official Teaser Trailer of 'Walwal'
#OfficialPoster
Maricel Laxa, aminadong stage mother sa anak na si Donny Pangilinan
by Jojo Gabinete posted on June 05, 2018
Caught in the act sa presscon ng Walwal ang pagiging "stage mother" ni Maricel Laxa sa kanyang 20-year old son na si Donny Pangilinan.
IMAGE Noel Orsal
Introducing si Donny sa pelikula ng Regal Entertainment, Inc. at Star Cinema na may playdate sa June 27, 2018.
Kahit nakikipag-usap sa mga invited guest, tumitigil si Maricel sa pakikipagkuwentuhan kapag si Donny na ang sumasagot sa mga katanungan ng entertainment press.
Naging masipag din si Maricel sa pagkuha ng litrato ni Donny at balewala sa kanya ang lumuhod sa sahig para makakuha ng perfect angle ng anak niya.
“I like it," nakangiting reaksiyon ni Maricel.
Hindi nainsulto ang premyadong aktres sa opinyon na kumpirmadong stage mother siya.
Ebidensiya ang litrato at video ng pagluhod niya sa sahig:
Hindi naman nakaligtas sa matalas na paningin ni Donny ang ginawa ng ina.
Nagpasalamat si Donny kay Maricel dahil sa pagsama nito sa presscon ng Walwal.
Nagbahagi rin siya sa attendees ng presscon ng trivia tungkol sa nanay niya.
"I am very blessed that I get to be under Direk Joey [Reyes] because he was the director of my mom during her best films.
"So I’m very blessed kasi, before po, pumupunta ako sa mga set ng mommy ko during her movies with Direk Joey and little did we know, we would end up right here.
"So thank you Mom for being here today," ang trivia at pasasalamat ni Donny.
Ang Iisa Pa Lamang (1992), Ikaw ang Lahat sa Akin (1992), Makati Ave. (1993), Minsan Lamang Magmamahal (1997) at Magkaibigan (2008) ang ilan sa mga pelikula ni Joey Reyes na pinagbidahan ni Maricel.
Bihira nang lumabas sa pelikula si Maricel dahil noong 2013 pa ang last movie project niya, ang My Lady Boss.
Ang Kokey (2010, ABS-CBN) ang huling teleserye ni Maricel dahil hindi na siya sanay magpuyat kaya tinatanggihan na niya ang mga alok na television series.
"Maaga na ako natutulog dahil tumatakbo ako tuwing umaga," paliwanag ni Maricel tungkol sa desisyon niyang huwag nang tumanggap ng mga teleserye na inaabot ng umaga ang taping.
Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/21962/maricel-laxa-aminadong-stage-mother-sa-anak-na-si-donny-pangilinan#xdXGtGxuV3KEUcdU.99
Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/21962/maricel-laxa-aminadong-stage-mother-sa-anak-na-si-donny-pangilinan#3ydZgpmKctX7tKYk.99
Jerome Ponce, mas sumikat kumpara sa ama at dating action star na si Jessie Delgado
by Jojo Gabinete posted on June 06, 2018
Sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Kiko Estrada, at Jerome Ponce ang lead actors ng Walwal.
Ang pagkakaroon ng mga magulang na artista rin ang common denominator ng apat na young actors.
image: https://contents.pep.ph/images2/2018/06/05/walwal-boys.jpg
IMAGE Noel Orsal
(L-R) Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada, and Donny Pangilinan
Anak si Elmo ng Master Rapper na si Francis Magalona.
Nanay ni Donny si Maricel Laxa.
Tatay ni Kiko si Gary Estrada at nanay niya si Cheska Diaz.
Samantalang ang ama ni Jerome ay si Jessie Delgado.
image: https://contents.pep.ph/images2/2018/06/05/jessi-&-jerome-main.jpg
IMAGE Facebook / Noel Orsal
Jessie Delgado and son Jerome Ponce
Jessie Delgado who?
Dekada '90 nang pumasok sa showbiz si Jessie at nalinya siya sa paggawa ng action films.
Madalas na kasama si Jessie sa mga action movie ni Phillip Salvador tulad ng Masahol Pa Sa Hayop (1993),
Ka Hector (1994), at Pulis Probinsya 2 (1995).
Noong September 2016, ang anak ni Jessie na si Jerome ang nabigyan ng pagkakataong makatrabaho si Phillip sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
Between father and son, mas pinalad sa showbiz si Jerome dahil nabibigyan ito ng mga challenging role sa television series ng ABS-CBN.
Sa presscon ng Walwal, tinanong si Jerome kung may pressure itong nararamdaman bilang artista rin ang tatay niya.
Walang nakikitang dahilan ang Cabinet Files para magkaroon ng pressure si Jerome dahil mas sumikat siya sa entertainment industry kesa kay Jessie, kahit higit na artistahin ang mukha at height ng tatay niya.
Postscript: Nagsimula ang acting career ni Jerome sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN noong 2012. Pero sa poster ng Walwal, mas nauna sa billing ang pangalan ni Donny Pangilinan na nag-umpisa ang showbiz career noong 2016.
Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/21963/jerome-ponce-mas-sumikat-sa-ama-at-dating-action-star-na-si-jessie-delgado#1tUJTh8KrEtJ8F1O.99
Elmo Magalona, Jerome Ponce, Donny Pangilinan, Kiko Estrada speak up about pre-marital sex
by Bernie V. Franco posted on June 6, 2018
image: https://contents.pep.ph/images2/news/2018-06-05_22:00:31_Walwal-boys-main.jpg
Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Pangilinan, and Donny Pangilinan open up about their thoughts on pre-marital sex. The four young stars headline the movie Walwal, on theaters June 27.
Sumagot sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, at Jerome Ponce nang tanungin sila kung ano ang advice ng kanilang mga magulang sa kanila pagdating sa pre-marital sex.
Isa-isang sumagot ang mga binata sa press conference ng Walwal, ang kanilang upcoming movie mula sa Regal Films, Inc, na ginanap sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City, Martes, June 5.
“Naaalala ko ang sinabi sa akin ng nanay ko, 'Ikandado mo ang zipper mo,' eksena yon sa movie,” sagot ni Kiko, 23, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz.
Sabi naman ni Elmo, pahapyaw itong ipinaalala ng kanyang ina, si Pia Magalona.
Si Elmo, 24, ay anak ni Pia sa yumaong si Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.
“It’s the same din na my parents naman, hindi naman ginawang it’s a serious na ganito tayo.
“Dumating kami sa point na rightful age na when I turned 18, sinabi sa amin, ‘You always be safe.’ Ganyan lang.
“It was never really sobrang tense na usapan. They implied sa amin na what we need to do para maging responsible.”
Dagdag ni Elmo, napag-aralan din daw ito sa school.
Paliwanag naman ni Jerome, 23, “Papa ko, kasi siya parang wala siyang advice sa akin pagdating sa ganyan.
“Ako naman kasi, hindi ko kailangang magtanong, hindi rin ako humingi ng tanong kasi hindi ko pinapasok ang mga ganyang bagay na… ibig kong sabihin, [hindi ko kailangang] alamin o pag-aralan o ano, if it comes, it comes.
“Safety, syempre nag-aaral tayo, education nga naman. Alam natin yan.
“Safety lang po, yon.
“Ako, hindi kailangan ang tulong ni Papa, ni Mama. Sa school [itinuturo].”
Si Jerome ay anak ng dating action star na si Jessie Delgado.
Ayon naman kay Donny, 20, bukas na pinag-uusapan ito sa kanilang pamilya para maturuan sila nang maayos.
Si Donny ay anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Aniya, “I think the biggest message my parents taught me is think before you act; na lahat ng gagawin mo there are specific consequences.
“Something will happen out of this, so always be cautious of the situation you are in.
“Be aware of what you do.”
Kasama rin sa pelikulang Walwal sina Kisses Delavin, Jane de Leon, Sophia Senoron, at Devon Seron.
Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa June 27.
Read more at https://www.pep.ph/news/70564/elmo-magalona-jerome-ponce-donny-pangilinan-kiko-estrada-speak-up-about-pre-marital-sex#uGz4woU3AxMPeSSP.99
Dramatic scenes sa ‘Walwal’ ipinagkatiwala ni Direk Joey Reyes kay Jerome Ponce
Jerome Ponce
NANGGALING si Jerome Ponce sa broken family kaya nakaka-relate siya sa journey ng character niya as Intoy sa pelikulang Walwal. Dito rin daw siya humuhugot.
“Siyempre importante yung pinagdaanan sa pamilya. I mean, hindi naman nangyayari sa kasalukuyan, pero nagagamit ko pa rin yon kahit tapos na. Naa-apply mo talaga ang hugot at karga sa iskrip na parang totoong nangyayari,” reaksyon ng binata.
Eh, anong feeling na ipinagkatiwala sa kanya ang mga dramatic scene sa Walwal?
“Siguro, nasa peak lang ako na heto ako, na katatapos ko lang sa The Good Son at napanood yon ni Direk Joey.
“Marami akong natutunan, marami akong karga sa lecture ng mga director ko. Si Donny, first movie niya ito na acting-acting. Si Elmo, katatapos lang nila iyong kay Janella.
“Tapos, si Kiko, first time kong maka-work, so hindi ko masasabing lumamang ako o hindi. Sa akin, maipagmamalaki ko na sobrang lamang ako dahil drama ang ibinigay sa akin na doon pa ako maraming karga at pinanggagalingan,” paliwanag pa ni Jerome.
Samantala, bukod kina Jerome, Elmo, Kiko at Donny, kasama din sa Walwal sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sofia Seneron.
Showing na ang ultimate barkada movie ng Regal Films on June 27.
La Boka
by Leo Bukas
HINDI NAGWAWALWAL: Kiko Estrada, naiintindihan ang isyu ng pre-marital sex
Kiko Estrada
ANO NGA BA ang iba’t ibang mga pagwa-walwal ang pinaggagawa ng mga millennials ngayon? Bukod sa lasingan at pagtambay, ang ilan sa kanila na “wasted” dahil kung lumaklak, akala mo ay mauubusan.
Bukod sa “wasted” sila, dahil sa sobrang kalasingan kapag nage-enjoy sa kanilang mga gimmick; hindi maiiwasan ang usaping sex (yes, pre-marital sex) na para sa mga kabataan ng makabagong panahon, hindi na ito bago para sa kanila.
Kaswal lang ang pre-marital sex sa mga tipong ka-edad ng mga Walwal Boys na kinabibilangan nina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada at ang pinakabata sa kanila na si Donny Pangilinan.
Sa grand presson ng pelikulang Walwal na naganap recently, may opinyon si Kiko Estrada (anak siya nina Gary Estrada at dating artista na si Cheska Diaz) tungkol sa usaping ito.
Pahayag ng binata, “Naaalala ko ang sinabi sa akin ng nanay ko, ‘Ikandado mo ang zipper mo,’ eksena yon sa movie,” sabi ng binata.
Si Kiko ay 23 years old na. Unbelievable naman siguro kung sa edad niya ay hindi mo iisipin na wala siyang karanasan pagdating sa sex.
Pero mabuti na rin na maingat ang binata dahil sa panahon ngayon, kung sakaling mag-WalWal man siya, sayang ang future niya sa showbiz na nakikitaan pa naman siya ng marami ng promise bilang isa sa mga actor natin na sisikat ng todo sa showbiz.
Kiko Estrada
Sa bagong pelikula ni Kiko na directed by Jose Javier Reyes at produced ng Regal Films, exciting ang movie ng binata dahil malamang, tulad ng pelikulang Bagets noong 80’s at Pare Ko naman noong dekada 90’s, i’m sure bobongga ito ng todo.
“Gusto ko linawin na ang WalWal is not only a film para sa aming mga millennials kundi para din sa mga parents.. para maintindihan kami,” sabi ng young actor.
Reyted K
By RK Villacorta
HINDI WALWAL ANG ANAK NA SI DONNY: “HE IS A GOOD SON”- MARICEL LAXA
Donny Pangilinan and Maricel Laxa
PURING-PURI ng aktres na si Maricel Laxa ang anak na si Donny Pangilinan.
Proud na proud ang ina sa binata na sinamahan niya during the grand presscon ng pelikulang WalWal yesterday na ginanap sa Valencia Events Place.
Biniro ko nga si Maricel na siya ang “Bagong Stage Mom” dahil sa binatang anak na nagtawanan na lang kami.
Pinagmamalaki ng aktres ang binatang anak na sa edad nito na 20 years old ay very focused ito sa kanyang ginagawa.
Kuwento ni Maricel sa amin:” Walang nagconvince sa kanyang to enter showbiz. Siya lang talaga ang may gusto.
“When he started to join MYX (ABS-CBN Music Channel); he was persistent. Gusto niya kaya me naman and his dad supported him,” kuwento ng ina.
“Donny is a good boy. Mabait ‘yan. He prefers to stay home kapag walang ginagawa. He loves sleeping, food trip and loves to play with his sister.
Dagdag pa ni Maricel about Donny, “He always wants to be the best sa mga ginagawa niya. In school, sports (he plays basketball) at ngayon nga ay ang pagiging isang artista.”
Sa darating na pasukan, Donny will be in his first year in college kung saan sa UP Open University siya papasok ang will take Multi-Media Communications, pagse-share ni Maricel sa amin during our interview.
Thankful si Donny sa pagsama ng kanyang mom sa kanya sa presscon yesterday pahayay ng binata.
Donny Pangilinan
Nagpapasalamat din ang binata na sa first film niya, he was able to work with Direk Joey Reyes na direktor ng mom niya noong aktibo pa ito sa pagaartista
Trivia lang, alam nyo ba na ayaw ni Mommy Maricel na mapanood ang mga dati niyang pelikula?
More on Donny soon. In WalWal, love interest ng binata si Kisses Delavin na I’m sure ay happy ang mga DonKiss fans sa pelikula na scheduled na ipalabas sa June 27.
Reyted K
By RK Villacorta
EXCITED NA ANG PUBLIKO SA PELIKULANG “WALWAL”!
WALWAL Boys Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan and Jerome Ponce
IPINAKILALA na sa media yesterday sa isang grand presscon ang mga lalaking bida (kasama ang mga girl partners nila) ng pelikulang WalWal na produced ng Regal Entertainment at direksyon naman ni Joey Javier Reyes.
Yes, Mainiit na tinangap ng media sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce na ngayon pa lang ay inaabangan ng mga fans nila ang pelikulang barkadan na ipapalabas na sa darating na June 27.
Iba ang timpla ng WalWal ayon kay Direk Joey.
“WalWal means wala lang. Salita ng mga millennials na gayon ay maiitindihan na rin ng mga ka-edad natin,” natatawang pahayag ni Direk.
Walwal is wala. Wala lang. It could pertain to tambay, walang magawa or ganap (tambay, wala magawa, walang ibig sabihin na para sa mga bagets pwede ipakahulugan na chill or cool lang).
Sa pelikula, kuwento ng magkakabarkada sa kolehiyo ang premise ng pelikula.
Elmo is the good boy in the movie. He plays Dondi na isang prim and proper kid na nabubuhay para paligayahin ang mga mahal niya sa buhay.
While Kiko naman plays the role of Marco na heartthrob at heartbreaker ng barkada. Si Marco ang chickboy sa grupo na habulin ng mga girls sa campus pero dahil sa guwaping at madaming mga nakareserba na mga girls na gusto siya; anytime ay pwede siya makipag-break at paiiyakin ka lang.
Si Jerome ay si Intoy. Isang good and matured na athlete sa kampus. Siya ang “kuya” ng barkada na naghahanap ng kanyang ‘ama’
WALWAL Boys Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada and Donny Pangilinan
Last but not the least ay si Donny who plays Bobby na isang aspiring filmmaker na happy go lucky guy na kenkoy (funnyman) sa kanilang barkadahan.
Ang mga girls na makakapareha ng mga WalWal Boys sa movie naman ay sina Kisses Delavin plays Ruby; Devon Seron as Trina; Jane de Leon as Carla ang Sofia Senoron as Shelby.
During the mid-90’s na naging by-word ang pelikulang Pare Ko sa mga kabataan; ang millennial version naman nito ang WalWal.
Ito na ang simula ng WalWal Boys. Kung noong 80’s ay may Bagets na in the 80’s naman ay may Guwapings and during the 90’s ay may Pare Ko, para sa panahon ng mga millennials, I’m sure, thy will love the life and style of Walwal.
Reyted K
By RK Villacorta
Elmo, Kiko, Jerome, Donny hindi na virgin
By Ambet nabusSa kulturang Filipino, parang taboo pa rin talagang hingin ang opinyon ng mga babae sa usaping pre-marital sex. Observe na observe namin ito sa grand presscon ng ‘Walwal’, ang latest Regal Films movie offering na very youth oriented ang tema sa direksyon ni Joey Reyes.
Although feel naming may isasagot ang mga girl, pero parang mas nasanay na tayong sa mga lalaki na lang ito itanong nang diretso, lalo pa’t sa movie ay tinema nga ito.
Ang mga bidang lalaki ditong sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan, ay may kani-kaniyang paraan ng pagsagot, pero it all boils down to being responsible at paglagay sa isip nila ng magiging consequence ng action nila.
At nang merong magtanong kung ‘virgin’ pa ba ang mga ito, sabay-sabay pa ang mga ito sa pagtanong ng ‘saan?’
Donny telegenic, witty
Malakas ang vibe naming magse-set ng bagong trend sa youth-flick ang ‘Walwal’.
Hindi lang dahil kilala at uso na among mga millennial ang term na may iba-ibang kahulugan pero sa movie ay mas positive ang turo nito, kundi dahil sa mga bidang wala kang itatapon hahaha!
Sana nga ay makaalagwa dito si Elmo dahil sa kanilang lahat, dahil siya ang pinaka-maituturing na senior.
Si Jerome naman ang masasabing lamang sa pag-arte dahil sa naging exposure nito sa drama, though hindi magpapahuli sa kanya si Kiko na nagkuwento pang napagdaanan na niya ang mga mature na role.
Ang very telegenic at witty na si Donny ay pa-humble muna pero dahil close friend daw ng nanay niyang si Maricel Laxa si Direk Joey, “inalalayan ako nang grabe at inalagaan”.
Ang mga girl naman sa movie ay sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sophia Senoron.
Experience the ultimate barkada movie of the year in Walwal
