Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Break-up story

Hindi na talaga sya nagparamdam. Lahat ng messages ko seenzoned lang. LDR kami at supposed to be magkita kami netong uwi nya ngayong December pero iba na yung mineet nya. :glee:

Ganito kasi seaman sya 12 hours, 7 days a week work nya. Mahirap yung communication namin madalas walang signal sa barko tapos very limited lang yung time namin mag-usap. Bihira lang kami magkausap sa isang araw. Kapag off nya papasok naman ako sa work tapos time difference 15 hrs. So ganon kami nagtitiyaga magpuyat maghintay ng messages mula sa kanya. Naisip ko mahirap pala tong pinasok ko.

Tapos netong huli eh hindi na sya nageeffort. Palagi na lang ako yung nauunang magmessage. Madalas nakikita ko nakaonline sya pero hindi sya nagmemessage sa akin. I felt neglected. Hanggang sa napuno na ko sabi ko bakit ganun parang ako na lang ang nageeffort? Sabi ko hahayaan ko na lang sya, magwork na lang sya siguro di kami para sa isa't isa. Di ko kaya ang ganitong set up. Di ko ineexpect na susuko na rin sya sakin. Di na raw nya ko pipilitin.

Tapos wala na. Ni ha ni ho wala na ko narinig mula sa kanya. Lahat ng messages ko seenzoned. Hanggang sa makauwi sya ng Pinas, hindi sya nagparamdam. Natapos ang Pasko't bagong taon hanggang sa aalis na sya ulit.

Hanggang sa nakita ko na may iba na sya.

Ang bilis nya makamove on. In less than two months nakahanap na agad. Or maybe matagal na talaga nyang kachat yon habang kami pa. He used that girl as a back up in case na hindi kami nagwork. At siguro hinintay na lang nyang maggive up ako tapos dun na sya sa bago nya. Or gumawa na lang sya ng way out. Worse ako pa bineblame nya for the break up. He made me feel guilty and at fault when it was him who was doing something wrong.

Ginawa pa nyang profile picture probably to make me hurt or to show in my face na nakamove on na sya. When I saw the girl I thought hindi worth it yung pinalit sa akin. Then I felt like again, why? wasn't I enough? Anong kulang sa akin?

Naisip ko yung mga time na wala syang time sa akin, binibigay nya yung time na yun sa iba. Yung mga time na naiinis sya sa akin sa pagiging clingy ko (clingy pa ba yun?) kasi may iba na syang kausap. Kasi kung mahal mo cute sayo yung pagiging clingy, yun pala sa iba na sya nakukyutan. Di ko alam kung saan ako nagkulang. Lahat ginawa ko. Lahat ng pagtitiis ginawa ko. Nasayang lang ang lahat. Sabi ko sa kanya nasayang lang ang lahat, kahit sarili ko nalang kausap ko dahil di na sya nagrereply.

Pakiramdam ko nagmukha akong t*nga. Nagsorry pa ako kasi baka nasaktan ko sya o may nasabi akong mali. Pero di nya tinanggap. Ignore nya lahat ng messages ko, di nya ko inaccept sa FB. Hanggang sa binlock ko na lang sya kasi di ko na kayang makita pa kung anong ginagawa nya. Hanggang sa nakita ko may babae sa profile nya. Proud na proud sya ginawa pa nyang profile pic. Samantalang ako di nya binabanggit kahit minsan.

Pero ako naman talaga yung sinaktan. Ako yung sinabihan ng masasakit. Nagdadrama lang daw ako. Ako yung ginamit. Ginawang libangan.. I felt used. I felt neglected. I felt betrayed. I felt worthless.

My self-esteem was at an all-time low. I felt like I wasn't enough. Hello.. tinanggap ko na nga lahat sa kanya.. pati hitsura nya... pero he still left me.. he treated me as trash.

I was traumatized. I don't know if I could love again after this.. I gave love to the wrong person. I was loyal to the wrong person. It wasn't worth it. He didn't deserve everything. He didn't deserve me.

Naisip ko na lang lahat ng negative traits nya. He was immature, insensitive and selfish. He was uncompromising. Naisip ko bigla the way he treated me. I realized that I deserved better than that. I realized my worth and that I shouldn't settle for less than I deserve. I can't be with that kind of person forever. Mabuti na habang maaga, nakilala ko sya.

Naiisip ko na merong reason kaya nangyari 'to. Kinailangan nyang mawala to give way for something better. Right now I'm still angry at him and what happened but time heals all wounds. Darating yung araw na wala ng sakit. Darating yung araw na wala na akong nararamdaman. It will come.. and by then maybe I would be ready to love again.

I still believe that if it's meant to be, it will be. Hindi pinipilit lahat ng bagay. We need to let things go where they may. Let life happen. Accept things and move on even if it's hard.
I just have to be thankful that I won't have to put up with that again.

Sorry napahaba, i just need to let it out.
«134

Comments

  • kellysulykellysuly PEx Veteran ⭐⭐
    I will give you an advise from a guy point of view. He is not worth it...and hindi ka trash!
  • Ingat ka easy target ka ngayon sa mga tulisan..:lol:

    Madali daw kase mapaamo ang mga babaeng malungkot..

    Don't worry hindi ako ganyan, I'm just giving you an advice, baka makatulong kahit konti para maibsan ang lungkot..

    PM sent! :lol::rotflmao:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kellysuly wrote: »
    I will give you an advise from a guy point of view. He is not worth it...and hindi ka trash!

    Thank you. Di nya makita yung worth ko.. bahala na sya..
    He can't see my worth, then he's not worth it...
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Red Archer wrote: »
    Ingat ka easy target ka ngayon sa mga tulisan..:lol:

    Madali daw kase mapaamo ang mga babaeng malungkot..

    Don't worry hindi ako ganyan, I'm just giving you an advice, baka makatulong kahit konti para maibsan ang lungkot..

    PM sent! :lol::rotflmao:

    Hahaha shoulder to cry on ba?
  • _Zei_Emu_ wrote: »
    Hahaha shoulder to cry on ba?

    :lol: I was just kidding, I just want to make you laugh, masyado ka nag-eemote.. Move on, he doesn't deserve you.. You can find someone better in due time, even online, but not in Pex.. Believe me.. :bop::lol:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Red Archer wrote: »
    :lol: I was just kidding, I just want to make you laugh, masyado ka nag-eemote.. Move on, he doesn't deserve you.. You can find someone better in due time, even online, but not in Pex.. Believe me.. :bop::lol:

    Haha... ayan natawa na ko ah :lol: Ganun talaga kelangan i-emote para maubos at tuluyang mawala :glee:. Oo naniniwala naman ako na makakakita pa ko ng higit sa kanya, di lang naman sya ang lalaki sa mundo..
  • jcdyjcdy PEx Veteran ⭐⭐
    _Zei_Emu_ wrote: »

    Kaya pala sabi mo wala ng matinong lalake sa mundo. :glee:
  • _Zei_Emu_ wrote: »
    Haha... ayan natawa na ko ah :lol: Ganun talaga kelangan i-emote para maubos at tuluyang mawala :glee:. Oo naniniwala naman ako na makakakita pa ko ng higit sa kanya, di lang naman sya ang lalaki sa mundo..

    Oo but it's impossible to find him here, believe me.. :glee:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Red Archer wrote: »
    Oo but it's impossible to find him here, believe me.. :glee:

    Bakit? Based from experience ba yan? :glee:
  • _Zei_Emu_ wrote: »
    Bakit? Based from experience ba yan? :glee:

    Oo.. :lol: and it`s a public knowledge here, but with a very few exceptions, , they found their forever here.. It has a really low success rate though.. :glee:
  • TontonYeloTontonYelo PEx Rookie ⭐
    Hi Ms. Zei. kung nakahanap sya ng iba. ikaw kaya mo din. makakahanap ka din ng mas higit sa kanya :) time will tell. enjoy mo muna buhay na single. hanggang humilom yung sakit na nararamdaman mo sa mga oras na to.
  • whitehat2017whitehat2017 PEx Rookie ⭐
    Basta mga seaman talaga man loloko!
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Red Archer wrote: »
    Oo.. :lol: and it`s a public knowledge here, but with a very few exceptions, , they found their forever here.. It has a really low success rate though.. :glee:

    Hehe oo nga parang 1% lang yung chance na makahanap ng forever dito :glee:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TontonYelo wrote: »
    Hi Ms. Zei. kung nakahanap sya ng iba. ikaw kaya mo din. makakahanap ka din ng mas higit sa kanya :) time will tell. enjoy mo muna buhay na single. hanggang humilom yung sakit na nararamdaman mo sa mga oras na to.

    Alam ko naman time heals all wounds.. Time lang talaga kakampi ko ngayon eh.. Lilipas din 'to..
    Pag nakahanap na ko ng higit sa kanya. :hiya:
  • jcdyjcdy PEx Veteran ⭐⭐
    _Zei_Emu_ wrote: »
    Alam ko naman time heals all wounds.. Time lang talaga kakampi ko ngayon eh.. Lilipas din 'to..
    Pag nakahanap na ko ng higit sa kanya. :hiya:

    But remember that time waits for no one. The clock is ticking and it's especially harsh to women more than men. Kaya landi landi din pag may time, okay? :glee:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Basta mga seaman talaga man loloko!

    Naniniwala na ko dito, living proof na yung ex ko :lol: Halos lahat ng kilala kong seaman nagcheat sa mga asawa nila pero tinuloy ko pa rin :bop:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jcdy wrote: »
    But remember that time waits for no one. The clock is ticking and it's especially harsh to women more than men. Kaya landi landi din pag may time, okay? :glee:

    Di kasi ako marunong eh, pano ba? :glee:
  • jcdyjcdy PEx Veteran ⭐⭐
    _Zei_Emu_ wrote: »
    Di kasi ako marunong eh, pano ba? :glee:

    Kalokohan yan! :lol: Lahat ng babae marunong lumandi, naka depende na lang yan kung gaano kalayo mo balak dalhin ang paglalandi mo sa isang tao. It's natural because it is driven by instinct. Kaya di mo ako mabobola dahil kahit mga lalake ngayon mas malalandi pa sa mga babae. :glee:
  • _Zei_Emu__Zei_Emu_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    jcdy wrote: »
    Kalokohan yan! :lol: Lahat ng babae marunong lumandi, naka depende na lang yan kung gaano kalayo mo balak dalhin ang paglalandi mo sa isang tao. It's natural because it is driven by instinct. Kaya di mo ako mabobola dahil kahit mga lalake ngayon mas malalandi pa sa mga babae. :glee:

    Talaga edi mas malandi ka pala sa akin paturo naman :glee:
  • TontonYeloTontonYelo PEx Rookie ⭐
    _Zei_Emu_ wrote: »
    Alam ko naman time heals all wounds.. Time lang talaga kakampi ko ngayon eh.. Lilipas din 'to..
    Pag nakahanap na ko ng higit sa kanya. :hiya:

    theres many fishes in the sea. lol.
Sign In or Register to comment.