GMA Network: THE GIFT (Alden Richards)

kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
edited August 8 in Showbiz - TV
Repost: GMA Reveals New Shows for 2018, Alden Richards to Have Solo Project

900_675_09Main_Image1000x750-updated0717__20171129150451jpg
Image courtesy of www.gmanetwork.com

Source: www.gmanetwork.com

Maghanda na sa pagpasok ng taong 2018 dahil handog ng Kapuso network ang ilan sa mga bigating teleserye na pagbibidahan ng inyong mga paboritong Kapuso stars.

Nariyan ang The Stepdaughters na pagbibidahan nina Miss World 2013 Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez. Mula't simula sadyang itinadhana na hindi magkasundo sina Mayumi (Megan) at Isabelle (Katrina). Bagama't kapwa ipinanganak sa hirap, isang lihim na pag-aangkin ng yaman ng pamilya ni Isabelle kina Mayumi ang dahilan upang lumaki silang magkasalungat ang buhay. Higit pang titindi ang alitan nang pakasalan pa ng ama ni Isabelle ang ina ni Mayumi at naging stepsisters sila. Magkaagaw sa atensyon ng pamilya, magkalaban sa karangalan at kayamanan at higit sa lahat, magkaribal sa iisang lalaking bumihag sa kanilang mga puso. Sino sa dalawa ang magwawagi sa laro ng buhay at pag-ibig? Abangan 'yan sa The Stepdaughters.

Balik-tambalan naman sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa bagong Kapuso series na pagbibidahan din ng isang talentadong aso na nagngangalang Selena. Makakasama ng GabRu and Kapuso leading lady na si Janine Gutierrez na gaganap sa isang special guest role. Kamakailan nga ay nag-dog training si Janine para lang sa telerseyeng ito.

Nitong taon din mangyayari ang biggest television project ni Pambansang Bae Alden Richards. Kaabang-abang ang kakaibang kuwento ng teleseryeng ito na siguradong magugustuhan ng buong pamilya.

Mangyayari na rin ang pinakahihintay ng fans ng Descendants of the Sun dahil magkakaroon na ito ng Philippine version na mapapanood sa GMA.

Muli namang magtatambal sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio para sa isang romantic comedy na pinamagatang Bongga Ka 'Day.

Huwag palampasin ang mga teleseryeng ito at marami pang iba sa 2018!
«13

Comments

  • topsellertopseller IS WATCHING YOU. PEx Influencer ⭐⭐⭐
    If this is not DOTSph, then I hope its:

    - Action Fantasy mala Panday
    - Romanctic Fantasy
    - Heavy Drama

    Eto nakikita kong bagay na genre kay alden is they want him to rival the biggest male stars of Kapamilya like Coco and JLC.
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Baka this time matuloy na ang Alden-Janine team up. They are supposed to be paired in a project when AlDub incidentally made waves kaya naiba ang plan for Alden.
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    That would be a good pairing. And kung sakali DOTS nga ang project ni Alden, pwede naman si Janine. Eh, abogado nga siya sa Legally Blind. Pwede maging doctora sa DOTS. Hehe.
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    dc222 wrote: »
    That would be a good pairing. And kung sakali DOTS nga ang project ni Alden, pwede naman si Janine. Eh, abogado nga siya sa Legally Blind. Pwede maging doctora sa DOTS. Hehe.

    Based on the article, mukhang magkaiba ang alden serye sa DOTS.
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    Mas okay kung hindi DOTS. :glee: I think GMA should stick to around 30 years old and up for the leads. *okay*
  • etxeteraetxetera Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi ito DOTS pero di ko type concept :lol:

    May Aldub pa ba? Before the whole brouhaha the boy is still hoping pala that girl will accept but I'm not sure if it is this series o different but sa chaos na dulot ng open letter of freedom everything is in limbo now.
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    EXCLUSIVE
    Will Alden Richards still be paired with Maine Mendoza in next TV show?
    by James Patrick Anarcon posted on December 13, 2017

    2017-12-12_15:26:13_Alden-Richards-teleserye.jpg

    IMAGE Screengrab from Eat Bulaga
    GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable said that Alden Richards' upcoming TV project is still in its conceptualization stage, that's why she can't tell yet if he will have a love team in the show. "Hindi ko masabi kung anong klase siya, kung meron ba siyang partner dun, may love interest ba siya dun, hindi ko talaga masabi." However, she clarified that Alden and perennial on-screen partner Maine Mendoza are still a love team.
    Alden Richards is set to headline a new teleserye soon on GMA-7.

    This was confirmed by GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable in an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last December 6 during the GMA Christmas Party for the Press held at GMA Network Center.

    She said, "Alden will be back on prime-time, I think na-announce na yun. Pinaghahandaan na yun."

    When PEP.ph asked Rasonable if Alden's perennial love team partner Maine Mendoza will be included in the series, she clarified that the project is still in its conceptualization stage.

    The GMA executive elaborated, "Actually, we're just doing the concept pa, so hindi ko masabi kung anong klase siya, kung meron ba siyang partner dun, may love interest ba siya dun, hindi ko talaga masabi.

    "Talagang binubuo pa lang, and we're brainstorming. We want to brainstorm with him."

    The Kapuso lady boss shared that the management already met with Alden to present their ideas about his prime-time comeback.

    "We've met him already and presented what we wanted for him and he really liked it and he appreciated the fact that we wanted to also get his ideas.

    "Kasi siyempre, pagbabalik niya ito sa primetime after Destined [To Be Yours] so we want him to be involved in it."

    Rasonable clarified that Alden and Maine are still a love team.

    This is despite recent speculations about Alden and Maine's team-up following Maine's open letter that was published last November 26.

    "They're still good. Alden still has shown his support of Maine and Maine din.

    "They are good friends, they are a love team and there's nothing wrong with that."

    Alden's comeback on prime-time was first announced by GMANetwork.com in its article about the upcoming shows of the Kapuso network for 2018.

    However, it did not mention any other names who will co-star with Alden in this upcoming project.


    Read more at http://www.pep.ph/guide/tv/27205/will-alden-richards-still-be-paired-with-maine-mendoza-in-next-tv-show#5VfmLei884lsplvj.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jasmine Curtis ayaw na sa TV5
    By Jojo Gabinete
    Last updated Feb 1, 2018






    0 3,501

    Share






    Tapos na ang kontrata ni Jasmine Curtis Smith sa TV5 kaya lilipat na siya sa ibang television network. Simula sa March, opisyal na ang pagiging Kapuso ni Jasmine dahil pipirma na siya ng kontrata sa GMA 7.

    Magkatulong ang GMA Artist Center at ang ma*nager ni Jasmine na si Betchay Vidanes sa pamamahala sa career niya.

    Ang nalalapit na paglipat ni Jasmine sa GMA 7 ang magtutuldok sa mga haka-haka na pipirma ang dalaga ng kontrata sa ABS-CBN dahil nag-promote siya sa mga programa ng Kapamilya Network ng Siargao, ang official entry sa Metro Manila Film Festival na nagbigay sa kanya ng best supporting actress award.


    > pwede rin Jasmine Curtis Smith
  • sweetnsourgrap3zsweetnsourgrap3z two sides PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kyupayb wrote: »
    Jasmine Curtis ayaw na sa TV5
    By Jojo Gabinete
    Last updated Feb 1, 2018






    0 3,501

    Share






    Tapos na ang kontrata ni Jasmine Curtis Smith sa TV5 kaya lilipat na siya sa ibang television network. Simula sa March, opisyal na ang pagiging Kapuso ni Jasmine dahil pipirma na siya ng kontrata sa GMA 7.

    Magkatulong ang GMA Artist Center at ang ma*nager ni Jasmine na si Betchay Vidanes sa pamamahala sa career niya.

    Ang nalalapit na paglipat ni Jasmine sa GMA 7 ang magtutuldok sa mga haka-haka na pipirma ang dalaga ng kontrata sa ABS-CBN dahil nag-promote siya sa mga programa ng Kapamilya Network ng Siargao, ang official entry sa Metro Manila Film Festival na nagbigay sa kanya ng best supporting actress award.


    > pwede rin Jasmine Curtis Smith

    Welcome to GMA, Jasmine Curtis-Smith na ba talaga?
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Tweet Scoop: Inah De Belen Denies Being the Next Partner of Alden Richards in Project

    20180305_001726.png
    Image courtesy of Twitter: InahDB
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kalat na: Inah De Belen bagong ka-loveteam daw ni Alden sa serye; Aldub fans kumontra
    By Jun NardoMarch 02,2018
    11shares

    ALDEN-AT-INAH-0302.jpg
    ALDEN RICHARDS AT INAH DE BELEN

    DAPAT nang ihanda ni Inah de Belen ang matibay niyang dibdib dahil kalat na sa social media na siya ang makakapareha ni Alden Richards sa bagong fantaserye na gagawin ng Pambansang Bae sa Kapuso Network.

    Balita pa lang kasi eh, pumapalag na ang ilang solid fans nina Alden at Maine Mendoza. What more kapag nakumpirma na at nagsimula na silang mag-taping, huh!

    Mabuti na lang, makakasama rin daw sa fantaserye ang father ni Inah na si John Estrada, huh! At least, may masasandalan si Inah kung sakaling banatan at pagtulungan na siya ng ilang netizens.


    Samantala, balitang si Vic Sotto na ang makakasama ni Meng sa isang episode ng Eat Bulaga Lenten drama specials. Ang sabi sa amin sa March 5 na ang simula ng kanilang taping.



    Read more: http://bandera.inquirer.net/178528/kalat-na-inah-de-belen-bagong-ka-loveteam-daw-ni-alden-sa-serye-aldub-fans-kumontra#ixzz58oiGxHM9
    Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Inah de Belen refutes reports about alleged team-up with Alden Richards
    by James Patrick Anarcon posted on March 4, 2018

    538 Shares
    2018-03-04_21:47:45_Inah-De-Belen.jpg


    IMAGE Instagram account of Inah De Belen
    GMA-7 actress Inah de Belen says her alleged team-up with Alden Richards in a telefantaserye is not true.

    Hindi totoong magiging magka-love team sina Alden Richards at Inah de Belen.

    Ito ay ayon mismo sa Instagram story post ni Inah kahapon, March 3.

    Nag-post si Inah ng screenshot ng isang Facebook article na nagbalitang siya ang bagong ka-love team ni Alden.

    Paglinaw niya sa kanyang post, "Not true guys, hope that settles everything. [smile emoji]"

    inah-1.jpg
    IMAGE Instagram story of Inah De Belen

    MORE CLARIFICATIONS. Ayon din sa report ng PEP Alerts na nailathala kanina, March 4, hindi rin totoo ang balitang magsasama si Inah at ang kanyang amang si John Estrada sa isang fantasy soap na kabibilangan ni Alden.

    Ito ay ayon sa isang GMA executive na nakapalitan ng text message ng PEP Alerts reporter na si Gorgy Rula.

    Nag-umpisang kumalat ang balitang si Alden at Inah ang magbibida sa upcoming GMA fantasy series na Mitho noong Wednesday, February 28.

    Ayon pa sa report ng PEP Alerts, totoong magbibida si Alden sa isang fantasy-drama series, pero hinahanapan pa raw ito ng leading lady.


    Read more at https://www.pep.ph/news/69713/inah-de-belen-refutes-reports-about-alleged-team-up-with-alden-richards#4GsXlVeSPwb5oWtL.99
  • dc222dc222 Chang Wook oppa PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    There's also a PEP Alert thingy that mentions KC Concepcion as another possibility. I don't know if that's wishful thinking.

    Inah De Belen, Janine Gutierrez or Jasmine Curtis-Smith are perfectly fine. Parang mag-ate lang kung si KC ang ka-partner ni Alden. lol
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    dc222 wrote: »
    There's also a PEP Alert thingy that mentions KC Concepcion as another possibility. I don't know if that's wishful thinking.

    Inah De Belen, Janine Gutierrez or Jasmine Curtis-Smith are perfectly fine. Parang mag-ate lang kung si KC ang ka-partner ni Alden. lol
    Viva artist si KC for years na rin, so Viva would transfer her to GMA for that to happen for real.
  • JeSuisBillyJeSuisBilly A Better Me! PEx Legend ⭐⭐⭐⭐⭐⭐
    bigtoe wrote: »
    Action-fantasy series nina Alden at Janine, may taping sa ibang bansa

    Ni Nora Calderon

    CONFIRMED nang si Janine Gutierrez ang only leading lady ni Alden Richards sa big-budgeted action-fantasy teleserye ng GMA-7 na Mitho.

    Matagal na naming alam ang bagong project ni Alden sa GMA-7, noon pang nag-tweet siya ng “blessings just keep pouring!” dahil inilatag na sa kanya kung ano ang bagong teleserye niya.

    Marami na ang nagtatanong kung ano ang project ni Alden, nasasayang daw ang araw na wala siyang ginagawa, pero mabuti na lang daw at napapanood siya everyday sa Eat Bulaga at sa Sunday Pinasaya.

    Pero hinahanap nila ang project na magpapakita sa kahusayan sa acting ng actor. Ang Mitho ang pinakamalaking project na pinaghahandaan ng GMA nang i-announce nila ang projects nila for 2018.

    Pero hindi namin isinulat dahil hindi pa raw puwede, confidential pa, sabi ng manager niya sa GMA. Pero ngayon na marami nang haka-haka sa gagawin ni Alden at kung sino ang magiging leading lady niya, isinulat na namin.

    Nag-deny na si Inah de Belen nang lumabas na siya raw ang leading lady ni Alden at may nagsabing she’s too young to be Alden’s ka-love team. Nag-post siya sa Instagram ng: “Just want to clear things up. The rumors circulating are not true. If it was, I would be the first to know, which I didn’t. Can we all move on now.

    Bagay na bagay nga si Janine na leading lady ni Alden. Tamang-tama naman na guest appearance lang siya sa Sherlock Jr., sa pilot week lang siya napanood, dahil ito pala ang malaking project na kapalit nito.

    Tuluy-tuloy na ang pagdi-gym ni Alden para mapaganda lalo ang katawan. Hindi namin alam kung kailangan din ni Janine na mag-work out pero sa nakikita naman namin, fit na fit ang katawan niya para sa kung anumang character niya sa teleserye na ididirek ni Dominic Zapata.

    Magsisimula na silang mag-taping ng serye aby day now, at mid-year na ito mapapanood sa primetime block ng GMA-7.

    At totoo ang kumalat na balitang magti-taping sila sa ibang bansa, pero hindi sa Thailand tulad ng mga nasulat.

    Kahit magiging busy si Alden sa taping ng Mitho, tuloy pa rin ang iba niyang commitments like sa mga show niya with other Kapuso stars abroad. Sa April 7, ang first leg ng “Sikat Ka Kapuso” nila nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe at Betong Sumaya, sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA at sa April 8, sa Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto, Canada, para sa GMA Pinoy TV. Natapos na rin ang taping ni Alden with Marian Rivera ng Celebrity Bluff bilang bluffer sa comedy game show hosted by Eugene Domingo.

    http://balita.net.ph/2018/03/06/action-fantasy-series-nina-alden-at-janine-may-taping-sa-ibang-bansa/

    Finally lang.....
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sino ang next leading lady ni Alden Richards? Maine Mendoza o Inah de Belen o Jennylyn Mercado o KC Concepcion?
    posted on March 04, 2018




    GORGY RULA: Mariing itinatanggi ng nakaka-text naming executive ng GMA 7 na si Inah de Belen na raw ang napipisil na magiging leading lady ni Alden Richards sa drama series na pagbibidahan niya.

    Huwag na raw sanang ikalat na si Inah ang napili at baka ma-bash pa ito nang bonggang-bongga.

    Isang fantasy-drama nga raw ang gagawin ni Alden para sa GMA Telebabad, pero naghahanap pa nga raw sila ng magandang pang-leading lady ng Pambansang Bae.


    Meron kayang magandang suggestion ang mga readers natin?

    Dagdag pang tsikang narinig namin, baka magiging bahagi raw si John Estrada sa project na ito ni Alden. Pero itinanggi rin ito ng taga-GMA 7 na napagtanungan namin. “Hindi po totoo hehehe!” text lang sa akin.

    Pero malay natin di ba? Kaya nga siguro lumutang ang pangalan ni Inah de Belen dahil sa posibleng pagsali ni John. Malay din natin. Baka nga lumipat na si John sa Kapuso network kung hindi nga nito ang naayos ang isyu niya sa The Good Son at sa ABS-CBN 2?

    Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari, at kung ano ang latest sa nilulutong project ng GMA 7 para kay Alden.

    JERRY OLEA: Mayo 26 last year nang magwakas ang teleseryeng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

    Hanggang ngayon, wala pa ang sabi-sabi’y pelikulang pagtatambalan nila muli.

    Lumutang na ire-remake ni Alden ang Pinoy adaptation ito ng Koreanobelang Descendants of the Sun.

    Ngayon, fantaserye naman.

    Naudlot ang pagtatambal nina Alden at Jennylyn Mercado sa TV series. Kailan kaya iyon itutuloy? Sino ba ang gusto ninyong katambal ni Alden sa bago niyang TV series—si Inah de Belen, si Jennylyn Mercado o si Maine Mendoza pa rin?

    NOEL FERRER: Sinabi ko na kay Miss Annette Gozon at naglike naman si Tita Lilybeth Rasonable na gusto ni Ryan Agoncillo na maging kasama ni Alden sa bagong teleserye nito lalo pa’t natutuwa ang anak niyang si Yohan na magkasama ang kanyang ama at ang crush nito.

    Nang minsan daw nagbreakfast si Alden sa bahay nina Ryan at Juday sa Alabang, ang cute ni Yohan na ang agang nagising para maging presentable siya sa Kuya Alden niya.

    I will just venture on a suggestion, sana hindi masamain ng AlDub fans.

    Kung hindi man matuloy sina Alden at Maine na magkasama sa iisang teleserye, how about pairing Alden with KC Concepcion na hindi naman busy at wala nang exclusive contract sa ABS-CBN?

    Puwede ring pagsamahin sila ng daddy niyang si Gabby Concepcion na contract artist naman ng GMA. With this, lumalaki ang premium ng project, di ba?


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#pmSSfhYRYov1j6wT.99
    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#TtlTxztKoALjuldc.99
    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#0puT8WOfgRxXiRz4.99
    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#YMHleFC8qZYFZoiZ.99
    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#O8xFJXg50xOdEjrh.99
    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#OLB1rzS3oC0i4oxr.99
    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/21403/sino-ang-next-leading-lady-ni-alden-richards-maine-mendoza-o-inah-de-belen-o-jennylyn-mercado-o-kc-concepcion#HKG4S1rLKbZyZuTv.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mods,

    Please merge these two duplicate threads.

    These are two duplicate threads for MITHO that needs to be merged:

    https://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=908376

    https://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=920019
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Julie Anne San Jose at Alden Richards, posible kayang magtambal sa isang proyekto?

    by PEP Troika posted on January 10, 2019

        

    GORGY RULA: Iniiwasan ni Julie Anne San Jose na pag-usapan ang breakup nila ni Benjamin Alves.

    Pero sa presscon nitong Enero 10, Huwebes, sa GMA 7, naisingit pa ring itanong kay Julie Anne kung nakahanda na ba siyang mag-entertain ng mga bagong manliligaw at muling sumugal sa pag-ibig.

    "Wala muna. Darating tayo diyan.

    "I don’t think I’m ready for that. I just wanna focus on myself and sa work ko. Iyon ang important for me this year,” diretsong sagot ni Julie Anne.

    Mas naka-focus daw siya ngayon sa trabaho, dahil magkakasunod ang mga concert na gagawin niya.

    Una na rito ang Kapuso concert series na pagtatambalan nila ni Christian Bautista, ang The Sweetheart and the Balladeer Fun Night.

    Ilan sa kanilang celebrity guests ay ang comedians na sina Donita Nose at Super Tekla. Naroon din ang The Clash grand champion na si Golden Cañedo at finalist na si Josh Adornado.

    Gaganapin ang first leg ng concert sa Iloilo Convention Center sa Iloilo City, sa January 27, at ang second leg ng concert ay sa The Atrium Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro, sa February 10.

    NOEL FERRER: Ito bale yung provincial legs ng bagong bersiyon ng dating 3 Stars, 1 Heart concert series nina Julie Anne, Christian, at Regine Velasquez.

    Ang concert series na 3 Stars, 1 Heart at reality singing competition na The Clash ang huling mga proyekto ni Regine sa GMA-7 bago ito lumipat sa ABS-CBN noong 2018.

    Sa nakatakdang second edition ng The Clash ngayong 2019, bali-balitang ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha ang ipapalit sa Asia's Songbird bilang host ng show.

    As for Julie Anne, here’s to wishing her the best!

    Puwede kayang buhayin ang "something" nila ni Alden Richards since pareho naman silang single?

    Just asking.

    JERRY OLEA: Hopefully, magningning nang husto ang bituin ni Julie Anne ngayong hiwalay na sila ni Benjamin.

    Sana rin ay magtambal na sila ni Alden Richards.

    Kung may ArDub sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, magkaroon din kaya ng JulDen sina Julie Anne at Alden?!


    Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/pep-troika/24588/julie-anne-san-jose-at-alden-richards-posible-kayang-magtambal-sa-isang-proyekto#SOiYzr0xIOm0sXWH.99
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    ALDEN RICHARDS, JULIE ANNE SAN JOSE SHARE FRIENDLY HUG WHILE TAPING FOR “SUNDAY PINASAYA”

    436
    SHARES
    • Alden Richards and Julie Anne San Josehugged while taping for a show.
    • Earlier this year, Julie Anne revealed that she and Alden are civil.
    • Alden and Julie Anne were first paired together in 2013.

    A Netizen with a twitter handle, @Djdeng, took a photo and video of Alden Richards and JulieAnne San Jose while sharing a friendly hug during the taping of Sunday PinaSaya.

    Alden and Julie Anne, collectively known as DenLie, remained civil after many years of controversy. 

    DenLie hugs. 

    According to the Netizen, Richards and San Josewere taping for Sunday PinaSaya. The two greeted each other, hugged and proceeded to talk more. 

    DenLie are civil.

    In May 2018, Julie Anne revealed that she and Alden already settled their differences. The fans, however, has yet to see them together. In a report, she had a short answer when asked about her status toward him.

    “We’re civil.”

    She also shared that they usually greet each other whenever they get the chance. 

    DenLie already shared the stage.

    In 2015, Julie Anne and Alden already spent three years of not speaking to each other.

    They un-followed each other on social media at the time. They, however, remained professionals when they had to perform on Eat Bulaga. The female singer later revealed that she and Alden didn’t talk during rehearsals of their production number.

    DenLie’s start.

    GMA Network paired Alden and Julie Anne together in the past. In 2013, they both starred in a Tunay na Pag-ibig episode of the romance-drama anthology, Maynila. This became their first acting project together which spawned their nickname, DenLie. 

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter PEx Influencer ⭐⭐⭐

    Insta Scoop: Jennylyn Mercado and Alden Richards Together in GMA Project

    Image courtesy of Instagram: beckyaguilaartists

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file