Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Should I test the girl I’m dating?

Hi, I just need your opinion guys

So may girl ako na na-meet, cashier siya sa isang grocery store. Na-cutetan ako sa kanya so hiningi ko yung number and binigay naman niya. So we talked for a couple of days and asked her out. Hesitant pa siya kasi mahiyain nga daw siya but I tried again after 2 days then pumayag din siya. So we’ve been dating for 5 weeks now. 3 times na kami nagda-date and minsan hinahatid ko siya sa bahay from work. Dun sa mga dates na yun I can tell naman na enjoy siya pero andun pa yung nahihiya kasi di pa naman kami talaga magkakilala pero nag- da moves na ko agad kaya holding hands sa car, sa sine, hugs, piggy back riding, so okay naman sa kanya yung physical touch. Na surprise ko din siya one time nung lumabas kami dahil binigyan ko ng rose and halos umiyak sa kilig. And yung surprise ko din nung birthday niya kilig na kilig din dahil puro unexpected yung mga ginagawa ko.

Kung i-gauge ko interest level niya on a scale of 1-10, personally I’d say nasa 7 or 8? Since di pa naman siya tumatanggi sakin lumabas pwera nalang nung may regla siya. Pag nagtetext ako, magrereply agad pag wala siya sa work o school. And nung nagpalipad kami ng lantern sa isang festival, sabi ko sa kanya isulat niya yung wish niya sa lantern. Nagulat ako nung sinabi niya na sana wag ko daw siya kalimutan. Nung birthday ko niregaluhan niya ko ng 2 sweaters.

Napagusapan din namin yung sa relationship. Sinabi niya na masaya siya sakin at kinikilig siya, gusto niya daw i try sana makipag relasyon sakin kaso di pa daw kasi kami masyado magkakilala since mga 3 weeks palang kami nun magkakilala and heart broken pa siya 2 months prior magkakilala kami.

Ang problema ko lang is napaka dalang na mag text siya una. Like good mornings, or good nights. 95 % of the time ako yung magiinitiate ng conversation although I keep it short para di nakakasawa and may pagusapan kami pag lumalabas kami. Nagtry ako mag AWOL ng 2 days kung may reaction siya pero wala.

Ang questions ko are:

1. Big deal ba ito sa inyo kung kayo (guys) lagi magiinitiate ng conversation?

2. Naghihintay lang kaya yung girl na i-text ko siya lagi? Baka nahihiya?

3. Should I test her by going AWOL for maybe a week to see if my reaction siya? Eto naiisip ko para ma test ko talaga yung attaction level niya.

May relationship anxiety ako gawa nung past relationships ko so I tend to overthink a lot. Sabi nung guy friend ko at nung best friend ko na babae mukhang okay naman daw yung situation. Nagooverthink lang daw ako. What do you think guys? Hahaha I’ve had relationships before pero dito lang ako tinamaan ng todo.

Comments

  • kurttrukkurttruk PEx Veteran ⭐⭐
    nagaalangan pa yan brader. 2 months palang pala nakalipas mula nung huling relasyon niya.

    kahit nakitaan mo siya na may pagasa ka sa kanya, possible ring ginagawa niyang paraan yan para makalimot lang..yung ang masaklaugh..rebound pa more brader :glee:

    maging kaibigan ka nalang muna kung ako sayo. mag ala knight in shining armor ka niya palagi, ang mga bebot dapat dinadahan dahan yan. kusa naman silang bibigay pero kung gusto mo talaga siya itest,

    bigyan mo siya ng Iphone X. :glee:
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Wow.. Just wow!

    Ikaw ang nanliligaw pero ine-expect mo na mag-e-exert sya ng effort para mag initiate ng convo? Ang gwapo mo bro! LODI!!!!
  • Nils wrote: »
    Wow.. Just wow!

    Ikaw ang nanliligaw pero ine-expect mo na mag-e-exert sya ng effort para mag initiate ng convo? Ang gwapo mo bro! LODI!!!!




    Gusto ko lang malaman yung interest level niya talaga. Hahaha
  • Johnwick18 wrote: »
    Gusto ko lang malaman yung interest level niya talaga. Hahaha

    Hijo, tatlong linggo pa lang kayong magkakilala. Pag-ukulan mo pa siya ng kaunting panahon. Makalipas ang isa o dalawang taon saka magpasya kung interesado siya sa iyo o hindi.

    Ang buhay ay hindi INSTANT!
  • uniqueiamuniqueiam PEx Rookie ⭐
    Hindi kaya ayaw nya pa mag-commit into official relationship?
  • Mukhang ang issue mo talaga dito ay yung sinasabi mong attraction level nya sayo.

    Maingat yung babae, kung ikaw ay attraction level ang issue mo mukhang yun sa kanya naman ay sincerity level.

    Sabi mo sya ay kahera sa grocery store at ikaw naman base sa kwento mo ay mukhang may kaya sa buhay.

    Baka di pa sya makapaniwala o sa tingin nya panaginip lang pero ang totoo poging pogi na talaga sya sayo feeling nya siguro ikaw si alden richards pero natatakot sya sa intensyon mo.

    Minsan kasi pag kaherang maganda sila ang target ng mga manyakis, gusto nya sigurong iparamdam na kahit kahera lang sya ay di sya easy to get pero di ko sinasabing manyak ka ha.

    Bawasan mo ang pagpapa bebe mo at dumaldal ka pa ng dumaldal sa mga sari saring mga bagay para makilala ka pa nya. Ipakita mo ang ibang side mo hindi puro pa sweet. At medyo babawan mo ang paksa ng inyong mga usapin.

    Simulan mo kay xander ford.
  • Johnwick18 wrote: »

    Ang questions ko are:

    1. Big deal ba ito sa inyo kung kayo (guys) lagi magiinitiate ng conversation?

    2. Naghihintay lang kaya yung girl na i-text ko siya lagi? Baka nahihiya?

    3. Should I test her by going AWOL for maybe a week to see if my reaction siya? Eto naiisip ko para ma test ko talaga yung attaction level niya.

    May relationship anxiety ako gawa nung past relationships ko so I tend to overthink a lot. Sabi nung guy friend ko at nung best friend ko na babae mukhang okay naman daw yung situation. Nagooverthink lang daw ako. What do you think guys? Hahaha I’ve had relationships before pero dito lang ako tinamaan ng todo.

    1. No. Why should it be a big deal? If you know she likes you, then you have her exactly where you want her. The last thing you want is a chick that initiates the conversation. You know why? Because she will overdo it. It's what chicks do. You want to be the one to set the rules - to talk to her when you want to talk to her. You have a chick that likes you and leaves you alone. Count your blessings.

    2. The word that stood out was "lagi." Wag mo i-text lagi. Set low expectations. Let her be the one getting frustrated.

    3. I don't think there's any need to test her. She likes you but you want her to like you more. That's where you two are right now. Your friend is right. You are overthinking it. Dating is about control. You have an opportunity to be in the driver's seat. Play it smart.
  • ValorianValorian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    babae pa talaga ite-test eh..

    ikaw ba nililigawan?

    mag enjoy ka na lang sa nangyayari sa inyo, masyado ka namang atat
  • uniqueiam wrote: »
    Hindi kaya ayaw nya pa mag-commit into official relationship?



    Napagusapan namin one time. Sabi niya gusto niya subukan kaso takot pa siya masaktan ulit and di pa nga kami ganun magkakilala.
  • Mukhang ang issue mo talaga dito ay yung sinasabi mong attraction level nya sayo.

    Maingat yung babae, kung ikaw ay attraction level ang issue mo mukhang yun sa kanya naman ay sincerity level.

    Sabi mo sya ay kahera sa grocery store at ikaw naman base sa kwento mo ay mukhang may kaya sa buhay.

    Baka di pa sya makapaniwala o sa tingin nya panaginip lang pero ang totoo poging pogi na talaga sya sayo feeling nya siguro ikaw si alden richards pero natatakot sya sa intensyon mo.

    Minsan kasi pag kaherang maganda sila ang target ng mga manyakis, gusto nya sigurong iparamdam na kahit kahera lang sya ay di sya easy to get pero di ko sinasabing manyak ka ha.

    Bawasan mo ang pagpapa bebe mo at dumaldal ka pa ng dumaldal sa mga sari saring mga bagay para makilala ka pa nya. Ipakita mo ang ibang side mo hindi puro pa sweet. At medyo babawan mo ang paksa ng inyong mga usapin.

    Simulan mo kay xander ford.


    Hindi naman ako mayaman. Haha

    Anyways masyado siguro akong pa cool. Tipid ako makipag text. Konting text lang 5-6 text exchanges lang and to set up a date lang madalas. Nung nasabi niya sakin di naman daw kami kasi madalas magusap dinagdagan ko ng konti yung frequency ng text ko. Sometimes 1-2 days di ako nagtetext. Ang gusto ko lang naman may mapagusapan kami pag lumalabas kami kaso sabi ng friend ko masyado daw akong pa cool and baka isipin nung babae di ako seryoso or interesado. Sa action ko naman pinapakita kahit di ako masyado nagtetext.
  • Eto rin sinasabi ng mga friends ko. I play it cool pero may neediness kasi ako within me pero kaya ko controlin yon at hindi ako nagdedemmand sa partner. Nabu-build up lang sa loob kaya eto napapraning ako and nagiging big deal yung ako palagi una nagtetext.
  • Tama ka sir. Mukhang masyado akong atat hahaha
  • whitehat2017whitehat2017 PEx Rookie ⭐
    Wala yan. Di ka gusto niyan. Ginagatasan ka lang niyan.
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS sabihin mo mag t-test kayo... lights on ba o lights out :lol:
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Johnwick18 wrote: »
    Tama ka sir. Mukhang masyado akong atat hahaha

    Hindi ka atat, hindi mo lang maradaman na may interes siya sa'yo kaya ka nagkakaganyan.
    Ang totoo, wala siyang attraction sa'yo.

    Baguhin mo atake mo.
  • pusang_miyawpusang_miyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS try mo kayang mag let go sa mga inhibitions mo tutal ikaw yung nanliligaw diba. Kung gusto mo talaga yung girl i-express mo ng mabuti nararamdaman mo. Yung pa-testing chuvaness mo na yan e magki create lang ng doubt sa girl.

    Saka if tingin mo di pa siya masyadong interesado sayo, well, kaya ka nga nanliligaw diba. Hindi ka nanliligaw kasi interesado na agad siya sayo. Nanliligaw ka para mahuli mo din yung affection niya. Reasonable din naman yung dahilan nung babae na gusto pa niyang magkakilanlan kayo ng mabuti e. The fact na sumasama siya sayo saka nagre reply sa mga text mo means na nagre respond naman siya sa effort mo. You said mahiyain si girl so pwedeng yun lang yung dahilan bakit di siya nagi initiate.
  • ermonskiermonski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Oo pre i-test mo yan.

    Bigyan mo ng problems sa balancing of equations sa chemistry.
Sign In or Register to comment.