Home PEx Relationships Love - Dilemmas

is it okay to be friends with your ex?

Bakit ganun? Ganun na lang kadali para sa mga ex na makipag kaibigan. Alam ko na matagal na yung issue ko about my ex. Pero bakit ganun? Ngayong hindi nagwork yung sa kanila ng ex niya, nakikipagfriends siya sa akin dahil binabalikan daw niya yung mga taong nasaktan niya before at nagsabi siya ng sorry? Di ko alam kung bakit ganun.. pero kwentuhan ko lang kayo. Yung ex ng ex ko is getting married. Who would have thought na hindi pala sila nagkabalikan, sa haba haba ng tinakbo ng istorya naming tatlo e wala pala ni isa sa amin ang magkakatuluyan. Pero im happy para dun sa ex niya.. in fairness sa kanya (sa ex ng ex ko), wala naman talaga siyang kasalanan.. (medyo matured tong sasabihin ko, haha) o siguro, tanggap ko na lang ang lahat – lahat at hindi ko lang priority ang mga ganitong pagpapapabebe ng ex ko? Etong ex ko ngayon, ako ang nagiging shoulder to cry on nya. Umiyak siya friends, literal na iyak. hindi naman hagulgol pero naluluha siya nung sinabi niya na "sam........ she's getting married. at ayaw niya talaga sa akin. ganun ba talaga ako kasama sa kanya noon? para makarma ng ganito?" well....... hindi ko naman masagot. dahil hearsay lang naman ang nalalaman ko. As in umiyak siya kasi hindi siya yung pinili ng ex niya. At sinabi ng ex niya na ang ex ay ex at walang ng balikan. Wala lang.

bakit ganun? Kapag hindi nagwork out e babalikan yung mga taong nasaktan. Hay. Buhay nga naman.

Ano ba dapat ko gawin sa kanya kasi madalas siya magtext at tumawag sakin? Boys and girls, walang monkey business, friends with benefits or hanky panky. Nakikinig lang talaga ako. At naawa ako sa ex ko. Minahal ko din tong mokong na to (hindi sa hindi ko na siya mahal, pero there's a part of me na.... oo, mahal ko siya. pero di na gaya ng dati na obsession talaga. lol parang kailan lang). Baka kasi pafall na naman siya. Maayos na ako at lumagay na ako sa tahimik. :)
Work na lang ang pinagkaabalahan ko ngayon.

Comments

  • Hija, naghahanap siya ng parausan. Kung hindi ka interesado e di huwag. Sabihin mo sa kanya na hindi ka interesado makipagkaibigan. Pagkatapos ay huwag mo nang sagutin ang mga text at tawag.
  • MilliardoMilliardo PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Well, actually okay lang maging friends sa ex since hanggang dun lang siya--friend zone. As long as alam mo na may limitations, din hanggang dun lang siya. Ang problem is kung mahulog ka ulit sa kanya.
  • DaugGreenDaugGreen PEx Veteran ⭐⭐
    Uy Jackie! Welcome back! :)

    Ang tanung, kaya mo bang magpaka ***** uli at mahulog sa galawan ng ex mo? If yes, di ituloy lang yan.

    if no, tigilan mo na ang pag eentertain sa kanya. Sabi mo maayos ka na, kung gusto mong mag post uli ng bagong thread na ang title ay "Nalilito na ako at parang nafafall na sa ex ko" Ituloy mo lang yan ate.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    namputsa! nagka-bf ka Jackie? Di nga?! Wahahahaha!
  • MabuheyMabuhey PEx Influencer ⭐⭐⭐
    walang masama maging kaibigan ang ex..minsan ang ex pa ang madalas tumutulong o sha yung pinaka malapit mahingan ng tulong .. masama lang kung magkakaron kayo ng relationship higit pa sa friendship .
Sign In or Register to comment.