Home PEx Local Entertainment Showbiz - General

ABS-CBN's THE GOOD SON vs GMA7's MY KOREAN JAGIYA

«13456757

Comments

  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • [instagram]
  • THE-GOOD-SON-copy-283x300.jpg

    ‘The Good Son,’ puring-puri sa advance screening
    September 20, 2017

    Ni: Reggee Bonoan

    PURO papuri ang narinig naming mga komento ng mga nanood sa advance screening ng teleseryeng The Good Son na mapapanood na sa ABS-CBN sa Lunes, Setyembre 25.

    Pero nabitin ang lahat dahil tatlong episodes lang ang napanood, pero siksik, napakaganda ng kuwento, at ang gagaling umarte ng cast.

    Ang tanging gusto ni Victor Buenavidez (Albert Martinez) ay magkaroon ng masaya at buong pamilya, pero umalis ng bahay dahil sa hindi nila pagkakaintindihan ng asawang si Olivia Gesmundo-Buenavidez (Eula Valdez) nang mawala ang panganay nila. Nagpunta sa probinsiya ng Quezon si Victor at nakilala ang probinsiyana at magbubukid na si Racquel Reyes-Santiago (Mylene Dizon) na isang single mom at kasama ang amang si Matias (Ronnie Lazaro).

    Nagkasakit si Victor kaya nagtagal siya sa lugar ni Mylene, nabighani at nahulog ang loob sa pag-aasikaso sa kanya hanggang sa may mamagitan na si Joseph “Jopet” Reyes Buenavides (Joshua Garcia) ang naging bunga.

    Nang malaman ni Racquel na buntis siya ay tinawagan niya si Albert na ang nakasagot ay ang asawa nitong si Olivia, at dito nalaman ng dalawang babae ang katotohanan.

    Nagkabalikan na sina Victor at Olivia pero hindi pa rin matapus-tapos ang away nila lalo’t pareho naman nilang alam na may Mylene sa pagitan nila.

    Lumaki si Jopet na hindi kilala ang ama at dahil binibili na ng gobyerno ang taniman nila, ibinenta na nila ito at lumuwas ng Maynila para magsimula ng panibagong buhay.

    Gustong mag-aral at makatulong si Jopet sa pamilya kaya namasukan bilang kargador ng semento sa kumpanyang hindi niya alam na pag-aari ng ama.

    Hindi sinasadyang nabunggo ni Jopet si Albert at lukso siguro ng dugo kaya naging interesado ang huli sa hindi pa nakikilalang anak.

    Nang malaman nito ang pangalan niya, na-curious si Victor at inihatid ito sa bahay, kaya muli silang nagkita ni Racquel bagamat hindi sila nag-usap. Bumalik si Victor at inabutan sila ni Jopet na magkayakap. Noon nalaman ni Jopet na tatay niya ang boss niya sa kumpanyang pinapasukan. Galit na galit si Jopet sa paniniwalang niloko silang mag-ina dahil may pamilya na pala ang ama.

    Bago namatay, dinalaw ni Victor ang mag-ina at nangakong babawi siya sa pagiging ama sa anak pero iyon na pala ang huli nilang pagkikita.

    Sa legal na pamilya ay lumaki ang magkapatid na Lorenzo (Jerome Ponce) at Calvin (Nash Aguas) na ang tingin sa ama ay ideal husband/father. Wala silang kaalam-alam na may kapatid sila sa labas.

    Tanging sina Eula at Atty. Anthony Santiago (John Estrada) lang ang nakakaalam tungkol kina Mylene at Joshua.

    Nalaman ng magkakapatid nang mamatay ang ama na may ibang pamilya ito, nang basahin na ng Tito John nila ang last will and testament ng ama dahil pinapunta ang mag-inang Racquel at Jopet.

    Nagkaroon ng parunggitan, sabihan ng masasakit na salita, panlalait na walang karapatang makihati sa mana ang anak sa labas, bagay na kinontra ng lawyer dahil pantay ang hatian sa mama ng magkakapatid at maging ang babaeng naging kabit ay binigyan din ng pabuya sa magandang pagpapalaki ng anak, bagay na lalong ikinagalit ng legal na pamilya ni Victor.

    Napakaganda ng eksena nina Mylene, Eula, Jerome, Nash, Josh, John at ang lola ng mga bata na si Liza Lorena habang magkakaharap sila sa mesa pagkatapos basahin ang last will and testament ni Albert.

    Kasama rin si Mccoy de Leon bilang kuya ni Jopet at anak din ni Mylene sa ibang lalaki.

    Family driver nina Olivia at Victor si Dado (Jeric Raval) na asawa si Kathleen Hermosa at anak naman nila si Loisa Andalio na love interest ni Jopet na kalaunan ay makikitang inuutusan lang ni Lorenzo.

    Magkakaklase at shoulder to cry on ni Calvin si Justine (Alexa Ilacad) na anak nina Dado at Kathleen. May sarili ring problema si Calvin sa pagkamatay ng ama.

    Palaisipan at puwedeng maging suspect ang lahat sa pagkamatay ni Victor na namatay sa lason. Kung bakit namin nasabi ito, panoorin ang The Good Son mula sa Dreamscape Entertainment sa direksiyon nina Andoy Ranay at Manny Palo.
  • ALEXANDER-LEE-copy-copy-300x300.jpg

    Alexander Lee, alaga na ng GMA Artist Center
    September 23, 2017
    Posted by Balita Online

    GOOD news sa K-drama fans! Matagal pang mananatili sa Pilipinas si Alexander Lee.

    All smiles niyang ipinamalita na isa na siyang ganap na Kapuso matapos pumirma ng kontrata under GMA Artist Center.

    Bukod sa kanyang fans na sobra ang pagmamahal sa kanya, mas na-excite siya na mag-stay sa bansa knowing na parte siya ng number one TV network sa Pilipinas.

    Umamin din ang pinakabagong Kapuso heartthrob na willing siyang matuto ng Tagalog language. Paglalaanan niya ito ng panahon.

    Samantala, sa kanyang contract signing ay nabanggit ni Alexander na mas kapana-panabik ang mga tagpo sa My Korean Jagiya dahil after ng kasal nina Jun Ho at Gia (Heart Evangelista), panahon naman para matutuhan ng mga Pilipino ang Korean culture at ganoon din naman ang mga Koreano sa ating kultura lalo na pagdating sa mga usaping pampamilya.

    Balita pa namin, may pasabog si Alexander sa isa sa upcoming episodes ng serye. Ayon sa isang source, kakaiba ito sa mga ginagawa ng mga Pinoy leading men. Intriguing ka, ha, Alexander!
  • lolit-solis.jpg TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pang-Masa) | Updated September 24, 2017

    Xander Lee hindi malimot ang mga ipinatikim nina Heart at Papa Chiz

    Saba chips ang tsitsirya na gustong-gusto ni Alexander Lee, ang Korean actor na leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

    First time ni Alexander na makatikim ng saba chips, courtesy of Heart and Senator Francis Escudero.

    Aliw na aliw si Alexander sa lasa ng saba chips dahil sarap na sarap siya.

    Sobrang thankful ni Alexander sa Escudero couple na panay ang patikim sa kanya ng masasarap na pagkain.

    Hanggang ngayon, ikinukuwento ni Alexander sa mga nakakausap niya ang mga seafood at laing na inihanda nina Heart at Papa Chiz nang magpunta siya sa Bicol.

    Inimbitahan ng mag-asawa si Alexander at ang ibang cast ng My Korean Jagiya na bumisita sa bahay nila sa Sorsogon pagkatapos ng kanilang mall show sa Naga para sa Pe?afrancia Festival.

    Nabusog nang todo sina Alexander at Edgar Allan Guzman sa sangkatutak na pagkain na ipinaluto nina Heart at Papa Chiz.
  • nitz-miralles.jpg ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pang-Masa) | Updated September 24, 2017

    Fans ni Song Joong-Ki wasak ang puso

    Hindi pa namin natatanong sina Lolit Solis kung ano ang gagawin sa October 31, sa araw ng kasal ng favorite niyang si Song Joong-ki kay Song Hye-kyo. Pero si Janice de Belen na isa sa biggest fan ng Korean actor ay may plano na.

    “Iinom ako ng Soju sa araw ng kasal ni Song Joong-ki,” sabi ni Janice.

    Ang Soju ang sikat na alak sa Korea at lagi itong iniinom sa mga K drama.

    Heartbroken na naman si Janice after Lee Min Ho, kaya naghahanap ng bagong mamahaling Korean actor. At marami silang tiyak nakaabang sa balita sa araw ng kasal ni Song Joong-ki.

    Samantala, nakadagdag saya at tawa sa My Korean Jagiya ang guesting ni Raymart Santiago na pag-aawayan nina Aida (Janice) at kapatid niyang si Josie (Ricky Davao). Naikuwento ng dalawa ang mga eksenang magko-compete sila sa attention ni Raymart. Ang nilutong pechay ang in-offer ni Aida, at saging naman ang kay Ricky.

    Hanggang November pa ang airing ng My Korean Jagiya kaya matagal pa ang tatakbuhin ng istorya. Sa episode bukas ng series, simula na ang agawan at away ng magkapatid na Josie at Aida dahil sa lalaki.
  • Xander Lee lusot sa military service
    SO...CHISMIS ITOH!? Ni Ruel Mendoza (Pang-Masa) | Updated September 24, 2017

    Sobrang natuwa ang South Korean actor na si Alexander Lee sa pagdalo niya sa ginanap na Pe?afrancia Festival sa Naga City noong nakaraang September 16.

    Kasama niyang nagpasaya ng fans ng teleserye na My Korean Jagiya ang leading lady niyang si Heart Evangelista at si Edgar Allan Guzman.

    Ipinangako ni Heart kay Xander na dadalhin niya ito sa probinsya ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero. At nataon na sumabay pa rito ang mall show nila sa SM Naga City.

    Nakarating din si Xander sa bahay ng mga Escudero sa Sorsogon. Kahit napagod sa tatlong oras na biyahe, namangha raw si Xander dahil very modern daw ang mga probinsya sa Pilipinas. Hindi raw ito tulad sa Korea na ang probinsya ay puro bundok talaga.

    Pumirma kamakailan ng exclusive contract with GMA 7 si Xander and looking forward siyang gumawa ng marami pang projects after My Korean Jagiya.

    ?I would like to stay in the country for like a year just to see what?s going to happen.

    ?I still have two years to finish college. But my school back in Korea, they are affiliated in several international colleges here. So I just need to fix a few papers and all that.

    ?And my goal is to speak Tagalog fluently. Just recently, I learned more Tagalog words. The latest was ?Isuko mo na ang Bataan!? They said it means to give your virginity. It?s such a funny way of saying it in your language!? tawa pa niya.

    Sa edad na 29, hindi raw kailangan pang dumaan sa pag-serve sa military in Korea si Xander.

    ?It?s mandatory for South Korean males between the ages of 18 to 35 to do military service. It just so happens that I wasn?t born in Korea. I was born in Hong Kong. So that legally makes me a Chinese citizen even if I?m half-Korean.?
  • images?q=tbn:ANd9GcTpOybloz0Wwv1UMUh68Xe2gWCwzqWC5lsZn9UD1ln5EVs3fJ3L847b

    Heart Evangelista appeals to Marian Rivera fans to stop badgering her
    by Arniel Serato posted on September 23, 2017

    2017-09-23_13:29:53_Heart-My-Korean-Jagiya-main.jpg
    IMAGE Noel Orsal

    Sanay na raw si Heart Evangelista tuwing inaakusahan siyang ginagamit ang kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera sa promo ng kanyang mga bagong proyekto.

    Gaya na lamang sa presscon noong nakaraang buwan ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network, ang My Korean Jagiya.

    Nang tanungin tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Marian, tumanggi si Heart na sagutin ito.

    Sabi ng aktres noon sa mga kausap na reporters: “No comment. Sorry. I want to but, you know, I choose not to. I really choose not to.”

    Sa kabila nito, nakatanggap pa rin ng pambabatikos si Heart mula sa fans ni Marian.

    Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang pang reporters kay Heart sa taping ng My Korean Jagiya, sa Valley Golf Subdivision, Antipolo City, Rizal, kahapon, September 22, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa akusasyong ginagamit niya diumano si Marian tuwing may bago siyang proyekto.

    Ayon kay Heart, sanay na siya sa ganitong akusasyon.

    “Okay lang. Actually, okay lang. Anything, I'm used to it,” pagkikibit-balikat niya.

    Isa pang akusasyon na ibinabato kay Heart, tuwing naiinterbyu raw siya ng press ay palagi na lamang niyang sinasagot ang mga tanong tungkol kay Marian.

    Sagot ng 32-year-old actress, “It's always like that.

    "Honestly, I've really given up on this issue.

    "In fact, you know, I hope that they stop badgering me.

    "Because I think it would work good for them if I actually don't speak about what happened to us before.

    “So, I hope that they stop badgering me, because I don't want to explain everything.

    "I think I'm doing them a favor by not saying anything."


    WASTE OF TIME. Nagsimula ang pambaba-bash sa kanya ng ilang fans ni Marian nang pumutok ang alitan nila habang ginagawa ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

    Mula noon ay pinagsasabong na ng fans sina Heart at Marian, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nagkakasundo.

    At hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang tanungin ng reporters ang dalawang aktres tungkol dito.

    Ayon kay Heart, "waste of time" ang pagpansin sa bashers.

    “Its really is a waste of time... Yeah, they should stop.

    "Kasi, a lot of people are getting involved, the insult, so it's not also good for her [Marian].”

    Dagdag pa niya, matagal na siyang tinu-troll ng fans ni Marian, pero hindi siya nagpapaapekto dito.

    Sabi ni Heart, “Matagal na. Deadma na ako...

    "She [Marian] told me that before na she had it done to me, so I knew it.

    “So, I've been living with it for five years. So, it's part of life, di ba?

    "Artista ka, e, ganun talaga yun."


    DIFFERENT WORLDS. Noong nagpu-promote pa sila ng My Korean Jagiya, kapansin-pansing si Heart lang ang cast member na hindi pumunta sa Sunday PinaSaya, ang weekly noontime show ng GMA-7 kung saan mainstay si Marian.

    Pag-amin ni Heart, "Ayaw ko kasing ma-boo, e.

    "No, I really just want to... kung puwedeng umiwas, ikaw na ang umiwas."

    Tinanong ng isang reporter si Heart tungkol sa pareho nilang hobby ni Marian: ang pagpipinta.

    Pero hindi tulad ni Heart, madalang mag-post ng kanyang painting si Marian sa social media.

    May nagsabi namang baka ayaw maakusahan ni Marian ng panggagaya, na siyang madalas inaakusa kay Heart.

    Ayon kay Heart, dapat nang itigil ang pagbibigay ng kahulugan sa bawat ipinu-post nila ni Marian sa social media.

    Pahayag niya, “Actually, she should stop being so conscious.

    "Everybody just stop being so conscious about the whole thing.

    “I mean, it's been too long and she doesn't have to, you know...

    "We both have different worlds."


    MY KOREAN JAGIYA. Sa kabilang banda, hindi naman maitago ni Heart ang kanyang kasiyahan dahil sa magandang pagtanggap ng viewing public sa My Korean Jagiya, kung saan katambal niya ang Korean actor na si Alexander Lee.

    Kakaiba raw kasi ito sa ginagawa niyang mga teleserye noon, kung saan mabibigat ang mga eksena.

    Sabi pa niya, “Sobrang gaan. Although minsan parang pagod din, pero masaya, masaya, e.

    “Talagang masaya talaga itong rom-com [romantic-comedy]. Tsaka lahat ng tao, masaya.”

    Ikinagulat din niya ang reaction ng netizens dahil kahit alam nilang may asawa na siya, si Senator Chiz Escudero, ay kinikilig pa rin ang mga ito sa tambalan nila ni Alexander.

    Aniya, “Oo nga, e. I'm happy.

    "At least nabi-break natin yung mentality ng tao na pag artista matanda na, hindi na puwedeng magpakilig.

    "But no, life is never ending.

    “In the beginning, maraming nagsasabi na, 'Bakit siya, marami naman diyan,' pero at least...

    “Ngayon, sobrang masayang tingnan ang Instagram ko, kasi super positive, ang daming happy comments.”
  • nitz-miralles.jpg ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 25, 2017

    Heart bibiyahe muna bago pabuntis!

    Wala sa script ang pagsayaw ni Heart Evangelista sa isa sa mga eksena sa My Korean Jagiya habang hinihintay ang pagpasok ni Alexander Lee sa kanilang bedroom na first night nila as man and wife. Sabi ni Heart, naisip niyang sumayaw dahil hindi nito alam ang gagawin at hindi in-expect na magkiklik sa viewers.

    Natuwa sa kanya si direk Mark Reyes,

    big revelation sa kanya si Heart na hindi akalaing babagay sa rom-com at all out sa comedy scene.

    Hindi rin ini-expect ni Heart na marami ang kikiligin sa kanila ni Alexander Lee at natawa sa nababasang comments na sana ay maging real ang love team nila. Malabong mangyari ito dahil very much married siya kay Sen. Chiz Escudero at naghahanda na nga sa magiging baby nila next year.

    “Nakakatuwa dahil hindi na ako si Heart sa viewers ng My Korean Jagiya, ako na si Gia sa kanila. The last time na ganito ang level ng kilig sa nakaka-love team ko, noong kay John Prats pa. Feel ko na tanggap ang love team, overwhelming ang response ng estimated 20k crowd sa mall show sa Naga. I am overwhelmed, I hope we can do more. Basta marami pa kaming kilig scenes,” pangako ni Heart.

    Napanood ni Sen. Chiz ang kissing scene nina Heart at Alexander at natawa ito dahil hindi uso ang selos sa kanya. Madalas nga nilang imbitahan si Alexander sa bahay nila. Doon pa nga isinulat ni Alexander ang Korean at English lyrics part ng version nila sa theme song.

    Anyway, bago ang planong baby nila ni Sen. Chiz next year, bibiyahe muna sa Paris si Heart. “I have few meetings and attend certain events, like fashion event. Mga December o January ‘yun.”
Sign In or Register to comment.