Home PEx Campus University of the Philippines

Shifting Inquiry

Good day!! Isa akong freshie na balak mag shift to BA Fine Arts - Viscom.


RE: Shifting Out Status
1. Eligible na ba ako mag ask neto for 2nd sem kahit freshie pa lang ako?
(May nabasa kasi ako na dapat 1 year residency muna sa current program bago makapag appeal)

2. Kanino itatanong to? Sa adviser? At kailan?

3. Clarify lang, pag ganto status mo, di mo na kailangan sundin yung current program curriculum mo?
(Plano ko kasi mag take ng puro GE or kumuha ng FA classes for 2nd sem)

4. If ever na shifting out status na ako, at nagtry pumasok sa FA pero di qualified, babalik ba ako sa program ko? Or magiging "non-major" ako?

May suggestions ba kayo for other plans of action? or kwento sa FA (like TDT) hehe

Gusto ko na kasi talaga mag shift eh. Gusto ko yung current program ko pero on a surface level lang. Iba talaga gusto kong aralin at gawin hehe

Comments

  • kelunjikelunji PEx Influencer ⭐⭐⭐
    1. Pwede ka naman mag-ask anytime. Academic freedom nga eh.

    2. You can ask sa adviser mo pero mas mainam sa lilipatan mo na program. Pero kailangan sabihin mo rin sa adviser mo na balak mo lumipat.

    3. Again paalam ka sa adviser mo kasi siya ang pipitma ng Form5 mo.

    4. This is where it gets tricky, may mga programs na once you said you will shift out and you start taking subjects out of the curriculum, they give you 1 year to shift, If you fail to get accepted or shift, they deem you dismissed and you have a "non-major" status.
  • salamat po. may additional po akong tanong.
    nakalagay po kasi na "Must have earned at least 30 academic units"
    kapag may bagsak po yung subject, hindi po counted as earned academic unit yun? or counted pa rin?
    feeling ko kasi hindi ako papasa sa isang subject eh (3 units yun)

    EDIT: nvm. nalaman ko na units earned = number of units passed. T-T. pwede po ba mag-appeal sa college na gusto ko shift-an kahit hindi ko na meet yung 30 unit requirement?? kahit abot ko yung GWA requirement??

    EDIT2: another question po. nakalagay sa current curriculum ko ngayon is 17 units for 2nd sem. pwede ba mag appeal sa adviser na 18 units i-take ko for 2nd sem?? (kung papayagan kasi makaka abot ako sa 30 unit req)
  • kelunjikelunji PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^Its actually 33 units. Don't bother appealing, marami na gumawa niyan, isinama pa ang magulang at kung sino-sinong abugado, wala pa rin. Dalawa kakausapin mo diyan eh, UP Registrar at College, neither of which will budge since to accept you, would mean accepting everyone as it sets a bad precedent. Besdies, its not just a question of getting the minimum GWA, paano kung ang dami niyong gustong lumipat at limited ang slots? Siyempre ranking yan, eh kung minimum ka lang nasa pinakababa ka?

    Pwede naman humingi ng extra units, kung kaya mo yung load, pero yun nga 33 ang kailangan.
Sign In or Register to comment.