Home PEx Local Entertainment Showbiz - General

The LA LUNA SANGRE vs ALYAS ROBIN HOOD 2 Thread


La Luna Sangre September 18, 2017 Teaser
ABS-CBN Entertainment
Published on Sep 15, 2017


[center-hidden]BXazCXa1zeGo-ppo3o5nJwh1h7iIFwSW9I7jQIUQFhIsMyFLIngrhx6jUij5i5zFDh2bqg=s129 [IMG]http://img14.laughinggif.com/pic/HTTP2ltYWdlcy56YWF6dS5jb20vaW1nL3Rrby1ib3hpbmctYm94ZXItYXRobGV0ZS1zbWlsZXktZW1vdGljb24tMDAwNTc5LWxhc mdlLmdpZgloglog.gif[/IMG] BXazCXa1zeGo-ppo3o5nJwh1h7iIFwSW9I7jQIUQFhIsMyFLIngrhx6jUij5i5zFDh2bqg=s129[/center-hidden]



24 Oras: Cast sa pagbabalik ng "Alyas Robin Hood," ipinakilala na
GMA News
Published on Aug 10, 2017


*ARH2 Sept. 18, 2017 (Ep. 26) teaser to be posted when already uploaded by GMA Network. :) *pexadik*
«13456755

Comments


  • Alyas Robin Hood: New OOTD sa new timeslot!
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Makikilala na ninyo si Pepe 2.0 sa bagong timeslot ng 'Alyas Robin Hood,' pagkatapos ng 'Super Ma'am.'

  • WATCH: Gabi-gabi n'yong abangan ang bagong GMA Telebabad
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Simula Lunes, September 18, back-to-back-to-back na ang 'Super Ma'am,' 'Alyas Robin Hood' at 'My Korean Jagiya.'
  • T1GdV8jD-vUmMxV_RqkUD9HSQL23SICD9AvLgzaD9g_2sH1YgC77sRo9IQnnSSXaikLA7Z4=s170

    ANSABEEEH???: MARIAN-DINGDONG, GUMAGAWA NA NG BABY BOY!
    MARIAN VS. COCO SA PRIMETIME!

    By Rose Garcia
    September 13, 2017

    Sa trailer pa lang ng bagong fantasy-action serye ng GMA-7 na Super Ma’am, ang lakas na ng panghatak nito lalo na sa mga batang manonood.

    Balik primetime series na nga si Marian pagkatapos ng mahigit dalawang taon.

    Instead na dayain o mag-double katulad ng fight scene niya kasama si Ai Ai delas Alas sa bubong ng tren, sila raw talaga ang gumawa nito na sa may Tutuban kinuhanan.

    “Kaya nga si Kambal nagagalit sa akin. Sabi niya, ‘Kambal ang tanda ko na pinapaganito mo pa ko?!’ Tapos tumatakbo-takbo kami sa train, puma-fight kami sa train.”

    Marami rin daw ipinakita sa kanya ang GMA-7 na materyales para sa pagbabalik nga niya sa primetime. Pero, ang Super Ma’am daw talaga ang pinaka-nagustuhan niya sa lahat.

    “Ito talaga ang pinaka-napusuan ko. Especially wholesome kasi siya, tapos teacher pa. Pangarap kong maging teacher and at the same time, nandun yung fight scene na hinahanap ko.”

    Gusto raw kasi niyang talaga ang mga fight scene. Bukod pa rito, feeling ni Marian, puwedeng maging daan din ang Super Ma’am para mas magmulat pa sa moral values ng mga kabataan dahil ngayon daw kasi, medyo iba na talaga.

    At sa Lunes nga, September 18, magkakaroon ng pagbabago sa programming ng Kapuso network sa primetime dahil sila na, ang Super Ma’am, muna ang mapapanood at bababa sa ikalawang time-slot ang primetime series naman ng kanyang Mister na si Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood. Mas pang early time-slot daw kasi talaga ang ARH. <= Hindi ba dapat SM :mconfused:

    Hiniritan tuloy si Marian na ang hari at reyna raw pala ng primetime naman ang magkatapat ngayon dahil katapat niya ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

    “Hindi naman, nagkataon lang na kami ang dapat na mauna,” nakangiting sabi niya. Naniniwala rin si Marian na lahat naman daw ng trabaho ay may pressure. Pero sa ngayon, hindi na raw yun ang iniisip niya, ang mas priority niya ay ang mag-trabaho.

    Very happy rin si Marian dahil sa mga katrabaho niya, ang cast ng Super Ma’am at ang director nila na si L.A. Madridejos.

    Masuwerte rin si Kim Domingo dahil si Marian pa ang personal na pumili sa kanya at puring-puri pa ni Marian ang sexy star.

    “Si Kim sinabi ko talaga, isa siya sa gusto ko. Pantasya siya at perfect siya sa character tapos, maganda siya, sexy siya. Mabait siya at magaling namang umarte,” sabi ni Marian.
    Pinapili rin ba siya kung sino ang gusto niyang maging leading man?

    “Leading man? Ah, GMA na ‘yan! Pero si Je (Jerald Napoles) gusto ko! Talagang binoto ko si Je! Ha Ha Ha!”

    Bukod kay Jerald, ang baguhang si Matthias Rhoads ang isa pa sa love interest ni Marian bilang si Minerva as Super Ma’am.

    ***

    Pareho silang abala ngayong mag-asawa. Pero mas busy raw si Dingdong sa kanya na halos araw-araw ay may taping at shooting. Siya naman daw, M-W-F lang kaya natutukan pa rin niya ang anak na si Zia.

    Kapag may trabaho, tulad noong presscon ng Super Ma’am, iniwan muna ni Marian ang anak sa Mommy ni Dingdong at nagmamadali na ngang umalis dahil susunduin pa raw niya ito at kinabukasan, may TVC shoot naman siya.

    At pagkatapos ng Super Ma’am, totoong plano na niyang bigyan ng kapatid ang anak. Naghahanap na raw ito ng kapatid.

    “Ang hiling niya baby brother raw! Ha! Ha! Ha!”

    Pero nangako raw siya sa GMA na tatapusin niya ang Super Ma’am bago magbuntis.

    Amazed na amazed naman si Marian sa nasaksihang kasal nina Hayden Kho at Vicki Belo kung saan, naging flower girl si Zia at naging instant favorite ng mga tao sa kasalan.
    Sey ni Marian sa kasal, “Ang ganda!”

    “Sabi ko nga, last na siguro yung momentum na sobrang ganda ng lugar, sobrang sarap ng pagkain, pero mapi-feel mo talaga ang love nila sa isa’t isa.

    “Sabi ko nga, parang fairytale na ang cute ng love story nilang dalawa. Na-amazed ako kasi nagwo-waltz-waltz sila, ang cute nila, promise!”

    Pero para kay Marian, siyempre naman daw, ang dream wedding pa rin niya na nagkaroon ng katuparan ay ang naging kasal nila ni Dingdong noong 2015.

    Ang susunod na a-attend-an ni Marian ay ang kasal naman ng kambal niya na si Ai Ai delas Alas. Siya ang sasagot ng wedding gown nito.

    “Naku ewan ko sa kanya, ipinagsabi pa niya. Sabi ko sa kanya, i-secret na niya. Kausap ko na ang designer niya. Excited ako para sa kanya.”

    Si Ai Ai raw ang namili ng disenyo ng gown nito at nag-suggest-suggest lang daw siya. Isa pa raw sa pinapagawa sa kanya ni Ai Ai ay ang bridal bouquet nito.

    “Pini-pressure niya ko na gawin ang bouquet niya. Sabi ko, Kambal!!! Ita-try ko ha. Kasi, hindi pa ko magaling gumawa baka mamaya mapahiya pa ko. Okey na yung gown na lang yung sagot ko sa kanya.”

    Masaya raw siyang talaga na isa sa maituturing niyang totoong kaibigan ay ang Comedy Queen.

    “Nagpapasalamat ako kasi, dito sa industriyang ito, bibihira ang o makakuha ka ng totoong kaibigan. Si Ai Ai ang makokonsider kong pinakamatalik kong kaibigan in showbiz.”

    Kasama rin silang dalawa ni Dingdong sa wedding entourage. Sila raw ang veil sponsors.

    “Sabi ko nga, huwag mo nang isama ang anak ko ha. Naka-gown na ko, naka-gown pa ang anak ko. Iintindihin ko pa ang paglalakad. Ako na lang! Ha! Ha! Ha!”

  • Alyas Robin Hood: Bagong oras sa GMA Telebabad
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Ang tagapagtanggol na very good, mapapanood na sa bagong oras simula Lunes, September 18.

  • Alyas Robin Hood: Misteryoso, malupit at astig
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Mapaikot kaya ni Yoyo Boy ang buhay ni Alyas Robin Hood?
  • M-q-B1f3OOiZr5Q-XHEVmgLStNrFo0ZetEV2xPylH7t8AWMKIUoVdsirdAMsZfxJsmDj=s170

    Andrea, wagi sa ‘laban’ kay Marian
    By Alwin Ignacio
    September 16, 2017


    andrea-torres-020-336x235.jpg


    With regard sa chikang tinarayan niya si Andrea Torres na hindi man lang umimik ang dalaga sa talk moment…

    Tama lang ang ginawa ni Torres kung hindi siya pumatol. Respeto na lang sa mas may edad sa kanya.

    Pangalawa, every time na nakipaglaplapan si Andrea kay Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood, tuwing pinagmamasdan siya ni Dantes bilang Pepe na may parang totoong pagnanasa at pagmamahal ito sa kanya… panalong-panalo na siya sa ‘laban’ nila.

    ***

    MAY mga pribadong mensaheng ipinapadala sa diva that you love.

    Itinatanong sa akin kung nananalig ba akong ang Super Ma’am ni Marian Rivera ay ikatutuwa ng loyal ka-Siyete fans?

    Hindi raw ba demotion kay Rivera ang bagong super heroine dahil naging Darna na ito dati?

    May tanong din kung may kamalayan ba ako sa mga tsika sa isang oras na tinaray-tarayan umano ni Mrs. Dantes si Andrea Torres sa isang silid?

    Dahil high decibel at octane daw ang aria nito, hindi niya napagtantong the walls have ears at naibulong tuloy sa ilang manunulat ang tungkol sa pangyayari.

    Ang sagot ko sa first set of questions, mukha namang matutuwa ang fans ni Rivera sa bago nitong show dahil wala silang choice masyado tungkol dito.

    Ganyan ka-artistic at creative ang pool of writers sa ka-Siyete at pakiwari nila, angkop na angkop sa stature ni Rivera as Primetime Queen ang ganitong klaseng palabas na hindi mo dapat seryosohing masyado.

    Hindi ba ‘kaaliw ‘yung ‘pag guro siya, kulot na kulot ang kanyang buhok, naka-salamin at matimtimang birhen at may pusong ginto para sa mga naapi?

    ‘Pag super heroine na siya, plantsadong-plantsado ang hair, walang maskara at hindi mo pag-iisipan na siya ang gurong kulot.

    Basing on the TV clip, ang production designer, parang pinag-isipan ang costume ni Marian ‘pag nag-transform na siya.

    Parang mamahalin.

    Parang hindi pan-third world, huh.

    ‘Pag ang mga ito ay pinaniwalaan ninyo, ay! Kailangan n’yo nang bumalik sa pagbabasa ng mga literary classics.

    Ang katauhan ni Marian sa serye, ano kayang subject ang tinuturo?

    Araling Panlipunan? Filipino? MAPE?

    Sigurado akong hindi Reading at Phonics. Lalong hindi English or Literature ang kanyang core subjects.

    Demotion ba ito?

    Hindi na kasi sa ka-Siyete ang Darna, si Liza Soberano na ang bida rito at she is too old already to play the role.

    Hindi na spring chicken si Rivera. Kung mala-Amazon Goddess like siya gaya ni Gal Gadot, pwede pa siguro.

  • Alyas Robin Hood: Iris and her sossy problems
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Paano kung pasaway at makulit pero with a good heart ang kailangan mong ipagtanggol?

  • WATCH: Ang bago at mas pinalakas na GMA Telebabad
    GMA Network
    We are going all out simula Lunes, September 18.
  • Solenn hindi uurungan si Andrea sa bugbugan at hubaran
    Bandera
    12:01 am | Sunday, September 17th, 2017

    ANDREA-TORRES-AT-SOLENN-HEUSSAFF-0901.jpg

    SUNUD-SUNOD na ang mga pasabog sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood. Matapos lumabas ang karakter ni Solenn Heussaff bilang si Iris, kaabang-abang naman ngayon ang mainit na showdown niya with Venus (Andrea Torres) na siguradong hindi rin magpapatalbog sa action at paseksihan.

    Pero ayon kay Solenn, siguradong bagong face-off naman ang mapapanood sa paghaharap nila ni Andrea,

    “For sure may ganyan na mangyayari. Siyempre naman si Venus, fiancée siya ni Pepe. Tapos si Pepe, palagi siyang sa tabi ko. So mati-threaten siya, magseselos siya. So tingnan natin kung ano ang mangyayari.”

    Isa pa sa tinututukang pasabog ay ang panibagong look o OOTD ni Robin Hood (Dingdong Dantes). Sa inilabas na teaser plug, tila mas matapang ang kanyang look. Mukhang ready na siya uling magpakita para ipagtanggol ang naaapi at tumulong sa nangangailangan.
  • veronica-r-samio.jpg SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 18, 2017

    Angel sipag-sipagan sa pagpapapayat!

    Sayang at hindi na nahintay ng Darna ang tuluyang paggaling ng back injury ni Angel Locsin at ang pagpayag ng kanyang mga doktor na muli siyang sumabak sa maaaksyong eksena kung kaya napunta kay Liza Soberano ang role ng sikat na heroine na nilikha ni Mars Ravelo.

    Pero walang panghihinayang na nadarama si Angel na hindi sa kanya napunta ang Darna. Nawala man sa kanya ang role, masusulit naman ng muli niyang paglabas sa La Luna Sangre ang magandang kundisyon ng kanyang katawan. Inamin niya na magkakaroon siya ng mga maaksyong eksena sa La Luna.

    “Kaya ko nang gumawa ng mga action scenes. Kailangan lang talaga to stay fit. Dapat maging masipag akong magpapayat,” anang comebacking star sa serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
  • images?q=tbn:ANd9GcTpOybloz0Wwv1UMUh68Xe2gWCwzqWC5lsZn9UD1ln5EVs3fJ3L847b

    Angel Locsin gives message to Marian Rivera regarding her new GMA-7 show
    by Jocelyn Dimaculangan posted on September 16, 2017

    2017-09-16_08:07:30_680-Angel-Locsin-Marian-Rivera.jpg

    Even though they come from rival stations, Angel Locsin showed her support for Marian Rivera before she launches her new show on GMA-7.

    The ABS-CBN actress commented on Marian's Instagram post about her upcoming primetime series, Super Ma'am, which will air its pilot episode this Monday, September 18.

    Angel wrote in the comments section: "Good luck, Yan!"

    In Super Ma'am, Marian is cast as a teacher who has super powers that she uses to fight mythical creatures called Tamawo.

    Her new Kapuso show will be pitted against ABS-CBN's Ang Probinsyano starring Coco Martin.

    Angel is currently part of La Luna Sangre, which is pitted against Alyas Robin Hood 2. This Kapuso show is topbilled by Dingdong Dantes, the husband of Marian.

    When Angel was asked about possibly competing against Marian, she pointed out, "Sa totoo lang, kami, wala naman kaming pakialam sa ganun, dedma kami sa ganun.

    "Basta kami, ginagawa lang namin yung trabaho namin, at pareho kaming nandito para makapagpasaya ng tao—yun yung importante sa amin."

    Marian also got a congratulatory message from Rico Gutierrez, the director of the weekly fantasy series Daig Kayo Ng Lola Ko.

    Marian appeared as a guest in the pilot episode of Daig Kayo Ng Lola Ko, which features Ms. Gloria Romero.

    Netizens praised Angel for her gesture and others hoped that the two actresses would get a chance to work with each other on a movie in the future.



    Angel-Locsin-Marian-Super-Maam.jpg


    Marian-thanks-Angel-Locsin.JPG


    Queens-Angel-Marian.JPG
  • images?q=tbn:ANd9GcTpOybloz0Wwv1UMUh68Xe2gWCwzqWC5lsZn9UD1ln5EVs3fJ3L847b

    Neil Arce, Angel Locsin's rumored boyfriend, comments on her teamup with Richard Gutierrez
    by James Patrick Anarcon posted on September 15, 2017

    2017-09-14_21:24:12_Angel-Locsin-president-fans.jpg

    Just like their fans, Angel Locsin is very happy to be working again with former onscreen partner Richard Gutierrez.

    The two are seen together in ABS-CBN's primetime series La Luna Sangre, which also serves as their reunion 10 years after their last project.

    Angel said about this ChardGel reunion, "Ang saya, ang saya. Iba yung komportable ka na katrabaho."

    According to the actress, she has also seen a lot of improvements in Richard, especially when it comes to his acting.

    "Natutuwa ako kasi kinukwento ko nga sa kanila, ang laki ng in-improve ni Richard sa acting, ang daming units na binigay sa akin noong nagkaeksena kami.

    "Nakita mo yung maturity niya talaga at saka yung passion niya sa trabaho, hindi pa rin nawawala.

    "Kung gaano siya ka-dedicated noon 10 years ago, parang nagdoble pa ngayon and mahal na mahal siya ng mga tao sa La Luna Sangre, tawag sa kanya Baby boy kasi sarap daw niyang alagaan! Napakabait na tao."

    Angel admitted that she felt jitters during her first taping day.

    However, she said that Richard did a great help for her to overcome those jitters.

    "Pagdating sa acting naman, siyempre ang tagal kong di lumabas sa TV, so kakabahan ako sa unang eksena.

    "Buti na lang si Richard yung kaeksena ko. Nakatulong na kabiruan mo, naintindihan niya, nakasuporta rin sa 'yo.

    "Ang daming natuwa, isa rin ako sa mga natuwa."

    Currently, Richard and Angel are shooting their reunion movie Wife, Husband, Wife, with Angelica Panganiban.

    However, they have to share scenes yet on the set.

    "Hindi pa kasi kami nagkakaeksena ni Chard sa movie and dito ko siya ulit una nakaeksena sa La Luna kaya nagulat ako na ang laki ng improvement talaga ni Chard, tuwang tuwa ako sa kanya dito.

    "Dynamics, wala naman pinagbago. Kung paano kami nagsimula, ganun pa rin."

    It is not only ChardGel fans that are excited for their onscreen reunion.

    In fact, Angel's rumored boyfriend Neil Arce got "kilig" feels and quipped that he wanted to be the president of their fans club!

    He posted this on his Instagram stories last September 8 while watching La Luna Sangre.

    Neil tagged Angel and Richard and asked, "Pwede ba ako maging president ng fans club niyo?"


    MARICAR'S COMEBACK. Aside from Angel, Maricar Reyes has also returned to La Luna Sangre.

    Playing the character of Samantha Imperial, Maricar was the rival of Angel in the 2010 series Imortal, which was the Lobo installment preceding La Luna Sangre.

    Viewers were positive about Maricar's comeback to the show, who now carries the tag "The Lady In White."


    maricar.jpg

    maricar-2.jpg


    As for Angel, she felt excited knowing that people are still clamoring for their rivalry.

    She exclaimed, "Maganda, magandang anggulo yan, ha!

    "Isa 'yan sa pwedeng iexplore natin na pwedeng mangyari. I think irerequest yan ng mga tao.

    "Ako, gusto ko ulit makaeksena si Maricar pero depende siyempre sa plot natin yan, depende siyempre sa creatives kung papaano nila ipakita.

    "Sana. Ako, looking forward ako makaeksena si Maricar."
  • [instagram]
Sign In or Register to comment.