Home PEx Local Entertainment Showbiz - General

The FPJ'S ANG PROBINSYANO vs SUPER MA'AM Thread


FPJ's Ang Probinsyano September 18, 2017 Teaser
ABS-CBN Entertainment
Published on Sep 15, 2017


[center-hidden]BXazCXa1zeGo-ppo3o5nJwh1h7iIFwSW9I7jQIUQFhIsMyFLIngrhx6jUij5i5zFDh2bqg=s129HTTP2ltYWdlcy56YWF6dS5jb20vaW1nL3Rrby1ib3hpbmctYm94ZXItYXRobGV0ZS1zbWlsZXktZW1vdGljb24tMDAwNTc5LWxhcmdlLmdpZgloglog.gifBXazCXa1zeGo-ppo3o5nJwh1h7iIFwSW9I7jQIUQFhIsMyFLIngrhx6jUij5i5zFDh2bqg=s129[/center-hidden]




Super Ma'am: Ang pinakabagong action-fantasy series ng GMA
GMA Network
Published on Sep 15, 2017
Ito ang super tutukan n'yo gabi-gabi. Abangan si Marian Rivera sa 'Super Ma'am' ngayong Lunes, September 18 at 7:45 pm.
«13456760

Comments


  • Super Ma'am: Ang mundo ng mga Tamawo
    GMA Network
    Published on Sep 14, 2017
    Nais ibalik ng mga Tamawo ang kanilang kapangyarihan para maghari sa mundo. Mapipigilan kaya ito ni 'Super Ma'am?'

  • Super Ma'am: 2 days na lang!
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Bakit ba gigil na gigil si Jessica na mapatalsik si Minerva sa eskwelahan? Alamin sa 'Super Ma'am' ngayong Lunes, sa GMA Telebabad!

  • Super Ma'am: Best teacher na, fantastic pa!
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Abangan si Marian Rivera sa 'Super Ma'am' ngayong Lunes, September 18 at 7:45 pm.
  • T1GdV8jD-vUmMxV_RqkUD9HSQL23SICD9AvLgzaD9g_2sH1YgC77sRo9IQnnSSXaikLA7Z4=s170

    ANSABEEEH???: MARIAN-DINGDONG, GUMAGAWA NA NG BABY BOY!
    MARIAN VS. COCO SA PRIMETIME!

    By Rose Garcia
    September 13, 2017

    marian-rivera-081-336x235.jpg

    Sa trailer pa lang ng bagong fantasy-action serye ng GMA-7 na Super Ma’am, ang lakas na ng panghatak nito lalo na sa mga batang manonood.

    Balik primetime series na nga si Marian pagkatapos ng mahigit dalawang taon.

    Instead na dayain o mag-double katulad ng fight scene niya kasama si Ai Ai delas Alas sa bubong ng tren, sila raw talaga ang gumawa nito na sa may Tutuban kinuhanan.

    “Kaya nga si Kambal nagagalit sa akin. Sabi niya, ‘Kambal ang tanda ko na pinapaganito mo pa ko?!’ Tapos tumatakbo-takbo kami sa train, puma-fight kami sa train.”

    Marami rin daw ipinakita sa kanya ang GMA-7 na materyales para sa pagbabalik nga niya sa primetime. Pero, ang Super Ma’am daw talaga ang pinaka-nagustuhan niya sa lahat.

    “Ito talaga ang pinaka-napusuan ko. Especially wholesome kasi siya, tapos teacher pa. Pangarap kong maging teacher and at the same time, nandun yung fight scene na hinahanap ko.”

    Gusto raw kasi niyang talaga ang mga fight scene. Bukod pa rito, feeling ni Marian, puwedeng maging daan din ang Super Ma’am para mas magmulat pa sa moral values ng mga kabataan dahil ngayon daw kasi, medyo iba na talaga.

    At sa Lunes nga, September 18, magkakaroon ng pagbabago sa programming ng Kapuso network sa primetime dahil sila na, ang Super Ma’am, muna ang mapapanood at bababa sa ikalawang time-slot ang primetime series naman ng kanyang Mister na si Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood. Mas pang early time-slot daw kasi talaga ang ARH. <= Hindi ba dapat SM :mconfused:

    Hiniritan tuloy si Marian na ang hari at reyna raw pala ng primetime naman ang magkatapat ngayon dahil katapat niya ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

    “Hindi naman, nagkataon lang na kami ang dapat na mauna,” nakangiting sabi niya. Naniniwala rin si Marian na lahat naman daw ng trabaho ay may pressure. Pero sa ngayon, hindi na raw yun ang iniisip niya, ang mas priority niya ay ang mag-trabaho.

    Very happy rin si Marian dahil sa mga katrabaho niya, ang cast ng Super Ma’am at ang director nila na si L.A. Madridejos.

    Masuwerte rin si Kim Domingo dahil si Marian pa ang personal na pumili sa kanya at puring-puri pa ni Marian ang sexy star.

    “Si Kim sinabi ko talaga, isa siya sa gusto ko. Pantasya siya at perfect siya sa character tapos, maganda siya, sexy siya. Mabait siya at magaling namang umarte,” sabi ni Marian.
    Pinapili rin ba siya kung sino ang gusto niyang maging leading man?

    “Leading man? Ah, GMA na ‘yan! Pero si Je (Jerald Napoles) gusto ko! Talagang binoto ko si Je! Ha Ha Ha!”

    Bukod kay Jerald, ang baguhang si Matthias Rhoads ang isa pa sa love interest ni Marian bilang si Minerva as Super Ma’am.

    ***

    Pareho silang abala ngayong mag-asawa. Pero mas busy raw si Dingdong sa kanya na halos araw-araw ay may taping at shooting. Siya naman daw, M-W-F lang kaya natutukan pa rin niya ang anak na si Zia.

    Kapag may trabaho, tulad noong presscon ng Super Ma’am, iniwan muna ni Marian ang anak sa Mommy ni Dingdong at nagmamadali na ngang umalis dahil susunduin pa raw niya ito at kinabukasan, may TVC shoot naman siya.

    At pagkatapos ng Super Ma’am, totoong plano na niyang bigyan ng kapatid ang anak. Naghahanap na raw ito ng kapatid.

    “Ang hiling niya baby brother raw! Ha! Ha! Ha!”

    Pero nangako raw siya sa GMA na tatapusin niya ang Super Ma’am bago magbuntis.

    Amazed na amazed naman si Marian sa nasaksihang kasal nina Hayden Kho at Vicki Belo kung saan, naging flower girl si Zia at naging instant favorite ng mga tao sa kasalan.
    Sey ni Marian sa kasal, “Ang ganda!”

    “Sabi ko nga, last na siguro yung momentum na sobrang ganda ng lugar, sobrang sarap ng pagkain, pero mapi-feel mo talaga ang love nila sa isa’t isa.

    “Sabi ko nga, parang fairytale na ang cute ng love story nilang dalawa. Na-amazed ako kasi nagwo-waltz-waltz sila, ang cute nila, promise!”

    Pero para kay Marian, siyempre naman daw, ang dream wedding pa rin niya na nagkaroon ng katuparan ay ang naging kasal nila ni Dingdong noong 2015.

    Ang susunod na a-attend-an ni Marian ay ang kasal naman ng kambal niya na si Ai Ai delas Alas. Siya ang sasagot ng wedding gown nito.

    “Naku ewan ko sa kanya, ipinagsabi pa niya. Sabi ko sa kanya, i-secret na niya. Kausap ko na ang designer niya. Excited ako para sa kanya.”

    Si Ai Ai raw ang namili ng disenyo ng gown nito at nag-suggest-suggest lang daw siya. Isa pa raw sa pinapagawa sa kanya ni Ai Ai ay ang bridal bouquet nito.

    “Pini-pressure niya ko na gawin ang bouquet niya. Sabi ko, Kambal!!! Ita-try ko ha. Kasi, hindi pa ko magaling gumawa baka mamaya mapahiya pa ko. Okey na yung gown na lang yung sagot ko sa kanya.”

    Masaya raw siyang talaga na isa sa maituturing niyang totoong kaibigan ay ang Comedy Queen.

    “Nagpapasalamat ako kasi, dito sa industriyang ito, bibihira ang o makakuha ka ng totoong kaibigan. Si Ai Ai ang makokonsider kong pinakamatalik kong kaibigan in showbiz.”

    Kasama rin silang dalawa ni Dingdong sa wedding entourage. Sila raw ang veil sponsors.

    “Sabi ko nga, huwag mo nang isama ang anak ko ha. Naka-gown na ko, naka-gown pa ang anak ko. Iintindihin ko pa ang paglalakad. Ako na lang! Ha! Ha! Ha!”

  • WATCH: Gabi-gabi n'yong abangan ang bagong GMA Telebabad
    GMA Network
    Published on Sep 15, 2017
    Simula Lunes, September 18, back-to-back-to-back na ang 'Super Ma'am,' 'Alyas Robin Hood' at 'My Korean Jagiya.'
  • T1GdV8jD-vUmMxV_RqkUD9HSQL23SICD9AvLgzaD9g_2sH1YgC77sRo9IQnnSSXaikLA7Z4=s170

    THE SOURCE: MATTHIAS, EXCITED SA ‘ROMANSA’ KAY MARIAN!
    By Jojo Gabinete
    September 13, 2017

    Umuwi sa Pilipinas ang Filipina mother at American father ng 25-year old commercial model na si Matthias Rhoads bilang suporta sa nagsisimula pa lang na showbiz career ng kanilang nag-iisang anak.

    Halata ang saya at pagmamalaki sa mukha ng Rhoads couple nang ipakilala si Matthias bilang leading man ni Marian Rivera sa grand presscon ng My Super Ma’am noong Lunes.



    [instagram]


    Ang Super Ma’am ang primetime teleserye comeback ni Marian Rivera sa GMA 7 na magsisimula sa September 18.

    Hindi naging madali para kay Matthias na makuha ang role niya sa Super Ma’am dahil dumaan siya sa mahigpit na audition process.

    “Super Ma’am is my second teleserye. The first one was Meant to Be. I also had guesting in Karelasyon.

    “It feels amazing to be Marian’s leading man. It’s definitely a bit pressure because I’m very new, foreign and still learning Tagalog but at the same time, it’s so exciting and it’s invigorating and I find I can learn so much because of this opportunity.

    “This is my biggest television project. I auditioned for the role. I auditioned, maybe three times.

    “You go there, ok it looks like you did good and then you go back home and then, hey we got a call back and you go there, you’re hoping, hoping and then you go back home and in a span of one month, two months, you go back finally, hey we got you.

    “I also auditioned for My Love from the Star. That one, the role is not foreigner so hindi bagay sa akin.

    “I moved in the Philippines a year ago. My Tagalog is still konti lang. I’m still learning and still taking lessons.

    “Sa taping, I memorized each line. It’s also Taglish, I have English line and Tagalog line. With the Tagalog line, I memorized, memorized, memorized. I talk to somebody, how do you pronounce, what does it mean?

    “Working with Marian is good, great. We bonded on the personal level and so things were good. She’s also very helpful for the scene, letting me know what I should do.

    “I had acting workshops. Recently, GMA presented two really intensive, one was with Anthony Bova for Eric Morris and before that is by Yani, I forgot his last name but that was also Eric Morris style.

    “All my life, I really enjoyed acting. I watched The Mask, starring Jim Carrey and maybe I was six years old, very young and at that moment, I really wanted to develop how he does his character and the scene,” ang mga impormasyon na ibinahagi ni Matthias sa Abante tungkol sa mga karanasan niya nang pumasok siya sa showbiz.

    Unique ang pangalan ni Matthias na alam na alam ang history ng kanyang pangalan na nagustuhan ng nanay niya nang magpunta ito sa isang simbahan sa North Carolina.

    “My mom was pregnant and my dad, they’re going to church.

    “Inside the beautiful church, they’re looking at all the saints on the walls, on the ceiling.

    “And my mom said, ‘Oh, how do you pronounce that?’ Then my dad said, “Matthias” and my mom said ‘I really love that name Matthias,’ so they chose that name, while I was in her stomach, looking at St. Matthias.

    “The church I believe is in Durham.

    “It’s called Duke Methodist Chapel. Duke University has a church there, it’s called Duke University Chapel at Duke Gardens.That’s in Durham, North Carolina.

    “St. Matthias was the 13th apostle. After Judas Iscariot dies, Matthias replaces him,” ang kuwento ni Matthias tungkol sa pinagmulan ng pangalan niya.
  • M-q-B1f3OOiZr5Q-XHEVmgLStNrFo0ZetEV2xPylH7t8AWMKIUoVdsirdAMsZfxJsmDj=s170

    Meg, LINTA kay Matthias
    By Allan Diones
    September 13, 2017

    meg-imperial-006-336x235.jpg

    ITALIAN citizen ang bagong guy na dine-date ni Meg Imperial.

    Pure Pinoy na tumira sa Italy at 5 years pa lang dito sa ‘Pinas ang binata na na-meet niya nu’ng Christmas last year.

    Bale 9 months na silang nagdi-date, pero hindi pa sila. Dating lang, wala pang label kemerut.

    Guwaping ang nasabing lalaki, na ang tsika sa amin ni Meg ay napagkakamalang artista.

    27-anyos ito at siya ay 24.

    They share many things in common at feeling ni Meg ay male version niya ang nasabing guy.

    Ang alam namin ay naging sila dati ni JM de Guzman, pero itinanggi ‘yon ni Meg.

    As in hindi raw naging sila ni JM, nanligaw lang ito sa kanya at sandali lang ‘yon.

    Si Aki Torio, na isa sa bagets co-hosts noon ni Kuya Germs sa Walang Tulugan ang nag-iisang taga-showbiz na naging boyfriend ni Meg.

    Kasama si Meg sa cast ng bagong GMA show ni Marian Rivera na Super Ma’am.

    After niyang maging parte ng D’Originals ay nag-offer ulit ang Kapuso network, kaya dito muna si Meg.

    Natuwa siya na sunud-sunod ang work niya sa GMA dahil namatay sa cardiac arrest ang daddy niya months ago at siya ang breadwinner ng pamilya.

    Nasa Viva pa rin si Meg at hinahanapan pa siya ng magandang movie project.

    First time niyang makatrabaho si Marian. Kontrabida siya sa Super Ma’am at kaagaw siya ni Yan sa bagong Kapuso hunk na si Matthias Rhoads.

    As in may agawan sa pagitan ng dalawang teacher na dating magkababata.
    May pagnanasa si Meg sa hunkylicious na si Matthias.


    matthias-rhoads-003-231x336.jpg


    Sa school ay demure siya, pero sa labas ng eskuwelahan ay inilalayo niya ito kay Marian at kung makadikit siya sa binata ay para siyang linta.

    May slight malditahan sila ni Yan bilang nag-aagawan sila sa lalaki, pero pa-comedy at parinigan lang dahil teachers sila pareho at parang masagwa kung magbabangayan sila at magsasabunutan.

    Sey ni Meg, nakakatuwa na nakatrabaho niya si Marian. Mabait ito at parang ate sa kanila.

    Nagbibiruan sila sa set at nagkukuwentuhan.
  • M-q-B1f3OOiZr5Q-XHEVmgLStNrFo0ZetEV2xPylH7t8AWMKIUoVdsirdAMsZfxJsmDj=s170

    Joyce, nabawasan ng 15 pounds
    Kristoffer, aminadong napag-iwanan

    By GORGY RULA
    September 13, 2017

    joyce-kristoffer-002-336x235.jpg

    TULOY pa rin daw ang loveteam nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

    Muli silang magsasama sa bagong primetime series ng GMA Telebabad na Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

    Pero kakaiba na ito dahil may pagka-aksyon at never pa nila ito nagawa sa mga nakaraang series nila.

    Gagampanan ni Joyce dito ang role ng isang Tamawo na si Dalikmata, pero nag-transform na maging normal na tao at na-in love kay Ace na ginagampanan ni Kristoffer.

    Sabi ni Joyce, nu’ng inalok sa kanya ang role na ito para sa Super Ma’am, sinabihan siyang kailangan niyang magpapayat lalo na’t may mga eksenang mag-aaksyon siya.

    “For a month, nag-strict diet ako at gym talaga. As in no rice, walang fried na pagkain, hindi rin ako nag-fastfood, tapos sweets, wala din.

    “Ngayon, nagmi-maintain na lang ako sa gym, at hindi na ako nagra-rice,” pakli ni Joyce na nabawasan siya ng mahigit 15 pounds, kaya lalo siyang gumanda.

    Proud si Kristoffer sa pagpayat niya at natutuwa siya sa dating girlfriend.

    ***

    Pinaghandaan ni Kristoffer ang role niya rito sa Super Ma’am dahil marami siyang action scenes at gusto niya ang role niya rito.

    Sinabi mismo sa amin ni Kristoffer sa presscon ng Super Ma’am na napag-iwanan na siya kaya kailangan niyang gumawa ng paraan at hindi mawalan ng trabaho.

    “Sabi ko naman, kung hindi man nag-work as leading man talaga, puwede naman ako sa kontrabida, in-open ko sa kanila ‘yun, eh,” pakli ni Kristoffer sa tanong namin bakit naging support na siya rito sa Super Ma’am.

    Gusto niyang mag-aksyon, kaya kahit support siya rito, okay lang sa kanya.
    Tinanong uli namin sa kanya, bakit niya sinabing napag-iwanan na siya.

    “Aminin naman natin, oo,” mabilis na sagot ni Kristoffer nang tinanong namin siya tungkol sa sinasabi niyang napag-iwanan na siya.

    “Alam ko sa sarili ko na napag-iiwanan na ako. Hindi naman puwedeng hindi ka makisabay, eh.

    “Hindi ko alam kung ano, eh… basta, happy ako na may trabaho naman. Pero… alam naman natin kung sino ang… wala… ‘yun na ‘yun,” medyo naala -ngang sagot ni Kristoffer na parang may gusto pa sana siyang sabihin.

    Naikukumpara ba niya ang sarili niya sa ibang Kapuso young actors na mas nabibigyan ngayon ng atensyon?

    “It’s normal naman ‘yun, eh.

    “Ako kasi, ayokong makaramdam ng inggit. Kaibigan ko naman lahat, eh. Sabi ko nga, ‘pag oras mo, oras mo. ‘Pag hindi mo pa oras, be patient,” safe na sagot ng Kapuso young actor.

    Tingin ba niya ay napag-iwanan na siya ni Derrick Monasterio?

    “No comment na. Okay na. ‘Yun na lang muna. Hindi ko pa oras,” napapangiti niyang sagot.

    Kaya wish niya sanang makagawa siya ng isa pang indie film na hindi pa niya nagagawa dati.

    Okay lang daw sa kanya may pa-sexy, pero mas type niya talagang mag-aksyon. Dito sa Super Ma’am niya patutunayan na kaya niya.
  • Viral loveteam nina Ash at Enrico pinu-push
    SO...CHISMIS ITOH!? Ni Ruel Mendoza (Pang-Masa) | Updated September 13, 2017

    Dahil sa viral video ng Jollibee na Crush kaya nabuo ang loveteam nina Ashley Ortega at Erico Cuenca.

    Pinalabas noong nakaraang Valentine’s Day ang naturang video commercial at marami ang naiyak at kinilig, lalo na ang mga kabataan na nakaka-relate sa video.

    Kaya naman pinagsama na sina Ash at Enrico sa GMA-7 primetime teleserye na Super Ma’am kung saan bida si Marian Rivera.

    Ever since daw ginawa nila Ash at Enrico ang Jollibee commercial, hindi na sila nawalan ng communication. Maganda raw na pinagsama ulit sila sa isang TV show at may pelikula pa silang ginagawa ngayon.

    “Though we know each other since January of this year, we are still getting to know each other more. And doing a TV show and a movie together will help us know one another pa,” sey ni Ash.

    Ang Super Ma’am ang very first teleserye ni Eric na nasanay na sa paggawa ng mga TV commercials. Tinutulungan daw siya ni Ash sa mga eksena nilang magkasama.

    Parehong walang karelasyon sina Ash at Eric at nagkataon pa na pareho silang pinanganak ng December. Hindi kaya meant to be na pagsamahin talaga sila?

    “I don’t know… siguro it’s God’s way of making it all work for both of us. Yung magtulungan kami,” sey ni Ash.

    Sey naman ni Enrico: “Maybe there’s something there, but we’re both young and there’s still lots of time to really get to know somebody. For now, work muna kaming dalawa and let’s see where it takes us.”
  • lolit-solis.jpg STARTALK Ni Lolit Solis (Pang-Masa) | Updated September 13, 2017

    Anak di maiwan, Marian swak sa Super Ma’am!

    Super-Marian.jpg

    Para sa inaanak ko na si Marian Rivera, ang Super Ma’am ang perfect na primetime teleserye comeback niya sa GMA 7 dahil bukod sa super teacher ang kanyang role, super nanay siya kay Zia, ang unica hija nila ni Dingdong Dantes.

    Very true ang sinabi ni Marian sa presscon ng Super Ma’ am dahil saksi ako sa pagiging hands on mother niya kay Zia nang magkita kami sa Paris para sa wedding of the year nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

    Hindi lang si Marian ang Super Mom dahil Super Dad din si Dingdong kay Zia.

    Hindi nagpagabi si Marian sa presscon ng Super Ma’am dahil sinundo pa niya ang bagets sa bahay ng mga magulang ni Dingdong sa Cubao.

    Inihabilin muna ni Marian si Zia sa lola nito habang nasa presscon siya ng primetime teleserye niya sa Kapuso Network na magsisimula sa Lunes, September 18.

    Matthias at Enrico intimidated kay Marian

    Introducing sa Super Ma’am ang dalawang commercial model na parehong Fil-Am, sina Matthias Rhoads at Enrico Cuenca.

    Si Matthias ang lucky leading man ni Marian at teacher naman ang role ni Enrico sa Super Ma’am.

    Ano ang common denominator nina Matthias at Enrico? Napansin ng publiko ang dalawa dahil starring sila sa television commercial ng isang hamburger chain na malakas ang impact.

    Hindi biglaan ang pagpasok nina Matthias at Enrico sa showbiz dahil mga bagets pa lamang sila, dream na nila ang maging artista kaya nagbalik-bayan ang dalawa.

    Aminado sina Matthias at Enrico na na-intimidate sila kay Marian sa unang araw ng taping nila pero mabait at supportive ang aktres kaya nawala agad ang shyness na kanilang nararamdaman.

    Mama Helen gumaling na, tuloy na uli ang career

    Starring din sa Super Ma’am si Mama Helen Gamboa na first time na mapapanood sa isang primetime teleserye ng GMA 7.

    Natuloy rin sa wakas ang pag-apir ni Mama Helen sa isang show ng Kapuso Network dahil naudlot ang paglabas niya noon sa Ang Dalawang Mrs. Real.

    Nagkasakit si Mama Helen kaya pinalitan siya ng ibang aktres sa drama series na pinagbidahan noon nina Dingdong, Lovi Poe at Maricel Soriano.
  • M-q-B1f3OOiZr5Q-XHEVmgLStNrFo0ZetEV2xPylH7t8AWMKIUoVdsirdAMsZfxJsmDj=s170

    Marian at Matthias, magpapasaya sa mga Cebuano
    September 15, 2017


    marian-rivera-0272-336x244.jpg


    SUPERNATURALLY FANTASTIC ang Sabado (Setyembre 16) ng mga Cebuano.

    Magpo-promote sina Marian Rivera-Dantes, Matthias Rhoads at Jerald Napoles ng Super Ma’am sa Cebu.


    matthias-rhoads-004-336x244.jpg


    3:00 PM ang Kapuso Mall Show nila bukas sa Gaisano Capital South.

    5:00 PM naman ang kanilang Kapuso Fans Day sa Gaisano Island Mall Mactan.

    Mapapanood sa GMA Telebabad ang Super Ma’am simula Lunes (September 18).

    Gagampanan ni Marian si Minerva Henerala, isang dedicated at mapagmahal na high school teacher.

    Dahil sa isang aksidente, nawalan ng nanay at kapatid si Minerva.

    Sa lugar na pinangyarihan ng trahedya, nakaharap niya ang kakaibang nilalang na Tamawo.

    Naniniwala si Minerva na nakakahalubilo ng mga tao ang mga Tamawo na nambibiktima ng mga bata.

    Dahil na rin sa kanyang encounter sa Tamawo, nagkaroon si Minerva ng kapangyarihan.

    Bilang Super Ma’am, naging Tamawo-slayer siya na may misyong sagipin ang sangkatauhan.
  • M-q-B1f3OOiZr5Q-XHEVmgLStNrFo0ZetEV2xPylH7t8AWMKIUoVdsirdAMsZfxJsmDj=s170

    Andrea, wagi sa ‘laban’ kay Marian
    By Alwin Ignacio
    September 16, 2017

    With regard sa chikang tinarayan niya si Andrea Torres na hindi man lang umimik ang dalaga sa talk moment…

    Tama lang ang ginawa ni Torres kung hindi siya pumatol. Respeto na lang sa mas may edad sa kanya.

    Pangalawa, every time na nakipaglaplapan si Andrea kay Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood, tuwing pinagmamasdan siya ni Dantes bilang Pepe na may parang totoong pagnanasa at pagmamahal ito sa kanya… panalong-panalo na siya sa ‘laban’ nila.

    ***

    MAY mga pribadong mensaheng ipinapadala sa diva that you love.

    Itinatanong sa akin kung nananalig ba akong ang Super Ma’am ni Marian Rivera ay ikatutuwa ng loyal ka-Siyete fans?

    Hindi raw ba demotion kay Rivera ang bagong super heroine dahil naging Darna na ito dati?

    May tanong din kung may kamalayan ba ako sa mga tsika sa isang oras na tinaray-tarayan umano ni Mrs. Dantes si Andrea Torres sa isang silid?

    Dahil high decibel at octane daw ang aria nito, hindi niya napagtantong the walls have ears at naibulong tuloy sa ilang manunulat ang tungkol sa pangyayari.

    Ang sagot ko sa first set of questions, mukha namang matutuwa ang fans ni Rivera sa bago nitong show dahil wala silang choice masyado tungkol dito.

    Ganyan ka-artistic at creative ang pool of writers sa ka-Siyete at pakiwari nila, angkop na angkop sa stature ni Rivera as Primetime Queen ang ganitong klaseng palabas na hindi mo dapat seryosohing masyado.

    Hindi ba ‘kaaliw ‘yung ‘pag guro siya, kulot na kulot ang kanyang buhok, naka-salamin at matimtimang birhen at may pusong ginto para sa mga naapi?

    ‘Pag super heroine na siya, plantsadong-plantsado ang hair, walang maskara at hindi mo pag-iisipan na siya ang gurong kulot.

    Basing on the TV clip, ang production designer, parang pinag-isipan ang costume ni Marian ‘pag nag-transform na siya.

    Parang mamahalin.

    Parang hindi pan-third world, huh.

    ‘Pag ang mga ito ay pinaniwalaan ninyo, ay! Kailangan n’yo nang bumalik sa pagbabasa ng mga literary classics.

    Ang katauhan ni Marian sa serye, ano kayang subject ang tinuturo?

    Araling Panlipunan? Filipino? MAPE?

    Sigurado akong hindi Reading at Phonics. Lalong hindi English or Literature ang kanyang core subjects.

    Demotion ba ito?

    Hindi na kasi sa ka-Siyete ang Darna, si Liza Soberano na ang bida rito at she is too old already to play the role.

    Hindi na spring chicken si Rivera. Kung mala-Amazon Goddess like siya gaya ni Gal Gadot, pwede pa siguro.
  • M-q-B1f3OOiZr5Q-XHEVmgLStNrFo0ZetEV2xPylH7t8AWMKIUoVdsirdAMsZfxJsmDj=s170

    MARIAN, BAIT-BAITAN KAY MATTHIAS
    By GORGY RULA
    September 16, 2017

    Thankful ang baguhang hunk actor ng GMA 7 na si Matthias Rhoads kay Marian Rivera.

    Hindi siya pinabayaan ng aktres nang nakaranas si Matthias ng pamba-bash dahil sa ipinost niya sa Instagram.



    [instagram]


    Natuwa siya sa kabaitan ni Marian nang magsama sila sa taping ng Super Ma’am. Kaya ipinost niya sa kanyang IG ang kuha nila ni Marian sa photo shoot ng bagong series na ito na magsisimula na sa Lunes, September 18 sa GMA Telebabad.

    Ani Matthias, “I posted the first photo that I had with Marian which is for promotion of Super Ma’am and I told the world that I was fortunate for this opportunity to be working with this you know wonderful lady, Marian Rivera and just so happens we have a powerful combination in Zodiac sign.”

    Magka-birthday sila kaya natuwa siya.

    Tapos, biglang may mga nagkomento na sa post na iyun na sino siya para ilinya kay Marian at hindi man lang daw ito nahiya o respeto man lang daw sana kay Dingdong Dantes.

    Saad ni Matthias, “At first, huh, what’s going on? And then I realized that of course you know…if somebody’s doing something that maybe you might be envious of or you know or maybe they can’t believe it and a big fan with her husband, then they’re *going to react.

    “But I guess that comes with… and that’s something that I have to understand. So, at that point, I stopped.

    “There’s nothing important here. The importance is I’m letting them know that this is the new project.”

    Nagkausap sila ni Marian at pinayuhan siyang ganu’n talaga sa showbiz. Kaya dapat na masanay na ito.

    “We talked about it, and she says… you know, that’s part of the job. Part of the job is dealing with that type of attention which is positive attention, negative attention.

    “But she said to me, you know what that means? You are effective and you made an impact,” dagdag na pahayag ng Fil-Am Kapuso hunk actor.
  • SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 17, 2017

    SEEN: Magsisimula bukas, September 18, ang salpukan ng FPJ’S Ang Probinsyano ng ABS-CBN at Super Ma’am ng GMA 7. Pambata ang Super Ma’am kaya confident ang Kapuso Network na malaki ang laban ng primetime telefantasya ni Marian sa action drama series ni Coco Martin.
  • Kristoffer sa gym na halos nakatira
    SO...CHISMIS ITOH!? Ni Ruel Mendoza (Pang-Masa) | Updated September 17, 2017

    Huling nagbida sa teleseryeng Hahamakin Ang Lahat ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin. Kaya marami ang nagtaka kung bakit tinanggap niya ang maging support sa telefantasya na Super Ma’am.

    Inamin ni Kristoffer na dumating siya sa point na marami siyang questions sa tinatakbo ng career niya. Minsan ay leading man siya, minsan ay supporting role ang natotoka sa kanya. Tulad na lang sa Mulawin Vs. Ravena na parang guest role lang ang binigay sa kanya.

    Pero kahit gano’n ang nangyayari, wala raw plano na iwan ni Kristoffer ang GMA 7 dahil kahit bida or support lang siya, importante ay patuloy ang pag-arte niya at patuloy na may natututunan siya.

    “Pero na-realize ko na I can do both. Puwede akong bida, kontrabida, support… ang importante,” sey ni Kristoffer.

    Nag-workout ng husto si Kristoffer at makikita sa kanyang Instagram account ang magandang resulta ng pagsisikap niya na magpaganda ng katawan.

    “Dahil maraming action scenes dito, kailangan malakas ang katawan natin. Kaya halos nasa gym ako every day para mag-training.”
  • Coco, Yam super close na; ‘personalan’ ang usapan kapag nasa taping ng ‘Probinsyano’
    By Reggee Bonoan
    Bandera
    12:05 am | Sunday, September 17th, 2017

    coco-martin-at-yam-concepcion.jpg

    SITSIT ng aming source, madalas daw magkakuwentuhan sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sina Coco Martin at Yam Concepcion kapag sila’y naka-break at naghihintay ng kanilang mga eksena.

    Marami raw silang mga bagay-bagay na pinag-uusapan lalo na pagdating sa career path at mga projects ng gusto pa nilang gawin in the future.

    Pero ayon sa aming source, never naman daw pinag-usapan ng dalawa ang tungkol sa kanilang lovelife dahil nagkakahiyaan pa.

    Kaya namin ito naikuwento ay dahil maraming nagsabing maganda ang partnership nina Coco at Yam sa kanilang serye at may nababasa na nga kaming tagasuporta ng CocoYam loveteam. Agree kami dahil may chemistry naman talaga sila sa Ang Probinsyano.

    O, baka kaya hindi rin naman nagtatanong si Coco tungkol sa lovelife ni Yam ay dahil alam nitong may boyfriend na ang dalaga dahil kilala namin ang aktor, may mga pagkakataong nagpapaimbestiga rin siya sa mga kasama niya sa trabaho.

    Samantalang si Yam naman ay hindi rin nagtatanong hangga’t hindi nag-o-open sa kanya, pero naririnig naman niya ang pangalan ni Julia Montes na nali-link nga kay Coco.

    Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng FPJ’s Ang Probinsyano ay muling nalagay sa peligro ang buhay ni Cardo (Coco) dahil kumalat na sa social media ang video na nagpapakitang kasama niya ang rebeldeng grupong Pulang Araw.

    Nagwagi si direktor Hipolito (John Arcilla) na sirain ang pangalan ni Cardo sa publiko matapos nitong ipakalat ang video na kasama ang mga taga-Pulang Araw sa pagsugod sa isang grocery store.

    Ngunit mas titindi pa ang panganib dahil mas lumalapit na ang posibilidad na masiwalat sa mga rebelde na miyembro ng Special Action Force si Cardo, na maglalagay sa buhay niya sa bingit ng kamatayan.

    Sa kabila ng patuloy na operasyon ng mga kalaban ay hindi naman padaraig si Cardo dahil nadiskubre niya na ang pagtatraydor ni Alakdan (Jhong Hilario) sa grupo at ang makasariling plano nitong angkinin ang pagkapinuno ng Pulang Araw. Makakasama na rin nito si Anton (Mark Lapid) sa pag-aklas na lalong magpapalaganap ng kasamaan at kikitil ng mga inosenteng buhay.

    Malusutan pa kaya ni Cardo ang mga kalaban? Paano niya nga kaya matatalo si Alakdan at Anton? Magtagumpay naman kaya si direktor Hipolito na tapusin si Cardo?

    Abangan ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Sign In or Register to comment.