Home PEx Campus The Academe

Help me.

I'm currently 18 and a 3rd year CE student pero tinatamad na ako ituloy 'to kaya nagkaroon na ako ng mga bagsak na subjects (pinili ko eng'g dahil maraming math and physics. Nung 1st - 2nd year okay naman yung performance ko pero nung 3rd year bigla nalang akong tinamad at doon na nag-start bumaba grades ko. Dapat 4th year na ako ngayon lol. At surveying lang ang na-appreciate kong major subject kasi parang field astronomy lol)

Pa-end na ang semester, may plano ako mag-shift ng course (pero nahihiya ako sabihin sa parents ko kasi 3rd year ako), either physics or astronomy (walang physics at astro sa univ. na pinapasukan ko) kaya mag ta-transfer nalang ako ng school, kaso ang inaalala ko may mga bagsak ako, baka hindi ako tanggapin. Balak kong mag transfer sa RTU para sa astronomy (my first choice). Para naman sa physics, 'di ko alam. Or ituloy ko nalang ang eng'g?

Comments

  • kelunjikelunji PEx Influencer ⭐⭐⭐
    My suggestion is ituloy mo na ang civil engg. Pero kung gusto mo talaga ang lumipat I would choose physics. Ditch astronomy. Think about your future. Ano sa tingin mo ang papasukin mo locally sa astronomy? May na-meet ako na astronomy major from RTU. I asked ano ang trabaho niya after graduation: tour guide daw. Astronomy abroad is a graduate course. If you take physics, you can study astronomy and even astrophysics later on.
  • ach_chooach_choo PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang basa ko ay napaaga yung "relaxation" mo, dahil lang kasi nadalian ka sa 1st and second year mo. Nadalian ka dahil masipag ka pa noon. And hindi mo alam, madaming eng majors na nasha-shock pagdating sa engr'ng subjects mismo.

    Kaya dapat, wag tamarin hanggang sa grumaduate ka. Sige, balikan mo yung mga back subjects mo. Walang inom, walang gimik.
  • Ditch mo na civil engg then mag shift ka sa physics tapos tsaka ka mag specialize sa astronomy pag MA and PHD mo na para kung di ka man makapag post grad in case magbago nanaman isip mo at tamarin ka nanaman eh mas okay ang fallback mo.
Sign In or Register to comment.