Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

GMA Network: The One That Got Away

samecut123samecut123 PEx Influencer ⭐⭐⭐
WATCH: Rhian Ramos, balik teleserye na sa September


By Michelle Caligan
August 19, 2017

DJCOUdTUEAAsvzi.jpg


Puro pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kapuso actress Rhian Ramos. Pero may magandang balita naman siya sa kanyang fans dahil malapit na rin siyang bumalik sa paggawa ng teleserye.


Sa ulat na napanood sa 24 Oras, ikinuwento ni Rhian na malapit na siyang mapanood sa isang series.


Aniya, "Right now, mga movies muna. Pero in September, may pinag-uusapan na rin kaming soap. Very exciting, and although alam kong medyo magiging hectic, parang handa na rin ako."


Naisingit din ng aktres ang isang beach trip sa kanyang schedule.


Narito ang buong report:





http://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/33355/watch-rhian-ramos-balik-teleserye-na-sa-september/story
«1

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Insta Scoop: Rhian Ramos, Lovi Poe, and Max Collins in New GMA Primetime Show

    20170921_210645_resized.png
    Image courtesy of Instagram: kapusoprgirl

    20170921_210700_resized.png
    Image courtesy of Instagram: gmanetwork
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    “Hindi ako malandi!” – Rhian Ramos

    By Dondon Sermino September 22, 2017 at 1:00:52 am


    Happy go lucky ang role ni Rhian Ramos sa ilalabas na teleserye ng GMA 7, ang Triple Ex. Gaganap si Rhian bilang si Zoe, isang flirty swimwear designer, na social media darling, at mayamang-mayaman. Pero, kulang nga lang siya sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. At higit sa lahat, desperado siya sa pagmamahal ng isang lalake.

    Sabi ni Rhian, malaki ang pagkakaiba nila ng karakter niya.

    “Pero, all people naman, kahit magkaiba tayong lahat, I think, we’re the same in some ways. Kaya kahit may mga napapanood tayo sa TV, nakaka-relate tayo, kahit hindi naman tayo ganu’n.






    “’Yung parts na nagma-match sa akin sa character ko is, flirty swimwear designer raw siya. Eh, sobrang hindi naman ako flirty (malandi)! Ha! Ha! Ha! Ha!

    “Pero, ‘yung difference naman sa amin is ‘yung sobrang possessive. Eh, hindi ako ganu’n. Wala akong kaselos-selos sa katawan. Pero, in some ways, we’re the same, rich, joke lang.

    “Sa fashion sense naman, sobrang iba rin. Ako kasi, para akong lalake kung manamit, lalo na pag wala sa showbiz. Eh si Zoe, super-duper fashionista talaga,” sika ni Rhian.

    Makakasama ni Rhian sa Triple Ex sina Lovi Poe at Max Collins, at mula ito sa direksiyon ni Mario J. Delos Reyes.
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Marlon Stockinger, type pag-agawan nina Rhian, Lovi, Max

    HANGGANG ngayon pala, hindi pa rin ipinapa*kilala ng Kapuso network ang magiging leading man nina Rhian Ramos, Max Collins at Lovi Poe sa bagong primetime series ng GMA-7 na hindi pa rin naman kumpirmado ang saktong title.

    Ang tila sure lang, may “ex” na word sa title nito dahil pawang mga ex ng naturang leading man ang tatlo. Pero bukod sa “ex” nilang tatlo, meron pa rin silang ibang leading men.

    May naiisip kaming Hollywood series na tila peg ng bagong seryeng ito, if yun nga, siguradong bongga ang mga pa-fashion, paseksihan at pasos*yalan ang tatlong Kapuso actresses.

    May narinig kaming kinonsider ang boyfriend ni Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger na ma*ging isa sa leading men, pero wala pang kumpirmasyon kung matutuloy ba ito o hindi. At siya kaya ang pag-aagawan nina Lovi, Rhian at Max?
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Lovi, Rhian at Max, paiibigin ng isang lalaki sa bagong GMA soap


    Published September 21, 2017 7:02pm

    By Jamil Santos, GMA News




    Can you be friends with your ex's exes?

    Nitong Huwebes, inanunsyo ng GMA Network na isang "adult" romantic-comedy ang aasahan sa primetime sa huling quarter ng taon, na katatampukan ng hottest Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Lovi Poe at Max Collins.

    640_lovi-rhia-and-max_2017_09_21_18_55_19.jpg


    Iikot ang istorya sa tatlong dalaga na magiging magkakaibigan dahil madidiskubre nilang iisa lang pala ang kanilang naging ex-boyfriend.

    Gaganap si Rhian bilang si Zoe, isang "happy-go-lucky" at "flirty" na swimwear designer. Pinagkaitan siya ng pagmamahal ng magulang kaya magiging desperada sa pagmamahal at atensyon ng iba.

    Gagampanan naman ni Max ang karakter ni Darcy, isang personal trainer na naninirahan sa isang apartment at sumusuporta sa kanyang mga kapatid sa probinsya.

    Role naman ni Alex ang gagampanan ni Lovi, na nagtatrabaho sa cable network na nangangarap na magkaroon ng sarili niyang travel show.

    Silang lahat ay magiging magkakilala dahil sa ex-boyfriend nilang si Liam, na dapat abangan kung sino ang gaganap.

    ikinuwento naman ng tatlo ang kanilang mga pagkakapareho at pinagkaiba sa mga karakter na ginagampanan nila.

    "Si Alex kasi, she's very bubbly and, according to them, medyo loud at saka crazy and fun. I am very crazy, just kiddin', and fun sometimes. I can somehow relate to Alex especially when I'm with my friends. Yung mga totoong kaibigan, sila naman yung nakakakita kung gaano kakalog ang isang tao," sabi ni Lovi.

    "I enjoy playing any kind of character naman kasi I feel like, all people, kahit magkaiba tayong lahat, we're the same in some ways. Kaya 'pag may character sa TV, nakaka-relate tayo, kahit hindi naman tayo ganun," paliwanag ni Rhian.

    Dagdag pa niya, "Yung part na nagma-match naman sa 'kin dun sa character ko is flirty daw, sobrang hindi ako flirty. Yung difference naman sa 'min is she's very possessive, [pero] wala akong selos sa katawan. In some ways naman we're the same, self-centered... The fashion sense is super different naman. I dress very comfortably, actually, most of the time I dress like a guy, and she's super duper girly for me."

    Kuwento naman ni Max, "I like playing characters na medyo similar sa 'kin pero it's not as exciting as when sobrang different ng character. I play Darcy who is a gym instructor na tough on the outside, tough exterior, but soft on the inside. A woman of few words, poker face most of the time. Sobrang hindi ako yun, siguro very expressive ang face ko masyado. At hindi siya girly, I'm pretty girly."

    Excited si Lovi sa bagong project lalo pa't pamamahalaan ito ng batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes.

    "I'm very excited kasi I'm sure this is going to be a different attack for Direk Mario, but one thing I should share is when he gives us instructions, he is actually showing it with his sense of humor, hindi rin siya dramatic mag-explain, comedy siya mag-explain kahit drama yung ginagawa namin so I'm sure malalabas yun sa teleserye," ani Lovi.

    Sabi naman ni Max, "Funny naman talaga si Direk Mario, so it's exciting to see how it will be kasi I never worked on a comedy with him, puro drama lang."

    "I'm excited to be able to work with him, more on a daily basis.. Pag nagbibigay siya ng intructions, sobrang dami, eh I really love that from directors," ayon naman kay Rhian. -- FRJ, GMA News
  • samecut123samecut123 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pano kaya ma edit yung thread title? Para mapalitan sana... wala na edit button. :(
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Insta Scoop: Meet the Boys of 'The One That Got Away'

    20171018_211006.png

    20171018_210947_resized.png

    20171018_210932.png

    20171018_210906_resized.png

    Images courtesy of Instagram: gmanetwork
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    THE ONE THAT GOT AWAY

    This romantic-comedy series features three Kapuso leading ladies: Lovi Poe, Max Collins, and Rhian Ramos who are all attracted to one man, played by Dennis Trillo.

    totga-5.jpg

    In the teaser, these three girls were all visibly smitten by Dennis when he entered a coffee shop.

    totga-1.jpg

    totga-2.jpg

    totga-3.jpg

    totga-4.jpg

    The scene also showed the three other boys who will be involved with the female leads: Migo Adecer, Ivan Dorschner, and new Kapuso Jason Abalos.

    totga-6.jpg

    Prior to the launch of the omnibus plug, media announcements were already made regarding the lead characters of TOTGA.

    In one of its press launches, program manager Hazel Abonita promised that a new brand of rom-com will be seen in this show, following the success of its predecessors on the third prime-time slot of GMA Telebabad.

    "We wanted to offer a slightly adult romantic comedy on this slot. More than adult than Meant To Be, a little tamer than Juan Happy Love Story."
    Directed by Maryo J. Delos Reyes, The One That Got Away is set to premiere this January 2018 and is rumored to replace My Korean Jagiya, which just announced its impending finale.

    totga-7.jpg

    Read more at http://www.pep.ph/guide/tv/27237/gma-7-bares-shows-for-1q-2018-glaizas-emcontessaem-seeks-redemption#52wWMMmEJZjw9WGv.99
  • samecut123samecut123 PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • plli_1991plli_1991 PEx Veteran ⭐⭐
    THE ONE THAT GOT AWAY
    Ngayong January 15 na, 9:15pm, sa GMA Telebabad!

    Rhian Ramos is Zoe Velasquez
    Sikat na designer and influencer, and she's never without a boyfriend.
  • plli_1991plli_1991 PEx Veteran ⭐⭐
    THE ONE THAT GOT AWAY
    Ngayong January 15 na, 9:15pm, sa GMA Telebabad!

    Lovi Poe is Alex Makalintal
    TV host na ipinagpalit ang proposal ni Liam, para sa career.
  • plli_1991plli_1991 PEx Veteran ⭐⭐
    THE ONE THAT GOT AWAY
    Ngayong January 15 na, 9:15pm, sa GMA Telebabad!

    Max Collins is Darcy Sibuyan
    Fitness and zumba instructor na hindi kinaya ang LDR nila ni Liam.
  • plli_1991plli_1991 PEx Veteran ⭐⭐
    THE ONE THAT GOT AWAY
    Ngayong January 15 na, 9:15pm, sa GMA Telebabad!

    Dennis Trillo is Liam Ilustre
    He is the ultimate gentleman kaya hanggang ngayon may lingering feelings pa sa kanya ang mga ex niya.
  • samecut123samecut123 PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • plli_1991plli_1991 PEx Veteran ⭐⭐
    THE ONE THAT GOT AWAY
    FULL PILOT EPISODE

    In case you missed it. Ito po ang buong Episode 1. Hehehehe
  • BunnygervoBunnygervo PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ganda neto. *okay*
Sign In or Register to comment.