FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Wonderful story: Isang babae ang lumapit sa Pastor.

May isang babae na pumunta sa pastor at ang sabi...
"Pastor, hindi na ako babalik sa church niyo.

"Ngunit bakit naman?" tugon ng pastor.

"Eh! Kasi naman po Pastor may nakita ako sa loob ng church nagdadaldalan at sinisiraan ang kapwa kapatid, may taong magpagkunwari, mayabang, maging ang music team mali ang ginagawa. Maraming tao na tumitingin sa cellphone habang nasa service at ang daming mali na nakita ko sa church Pastor."

Sumagot ang Pastor, "Ok, pero bago ka umalis, pwede ba akong maka hingi ng pabor? Kumuha ka ng isang basong puno ng tubig at umikot ka sa loob ng Church ng tatlong beses na walang matatapon na kahit isang tulo ng tubig. At pagkatapos pwede kanang magpa alam."

Sa isip ng babae...
"Napakadali naman!!!"

At umikot nga ang babae ng tatlong beses sa church.
At nang siya'y matapos, "Pastor pwede na po ba akong umalis?"

Sinabi ng Pastor, "Bago po pala kayo umalis pwede po pa ba akong magtanong muli?"

Nung palakad-lakad ka at inikot mo nang tatlong beses ang church, may nakita ka bang nagdadaldalan, at sinisiraan ang kapwa kapatid?

"Wala po."

May nakita ka bang mapagkunwari at mayabang?

"Wala po."

May nakita ka bang music team na may maling ginagawa?

"Wala po."

May nakita ka bang gumagamit ng cellphone habang nasa service?

"Wala po."

Alam mo kung bakit?

"Hindi po."

Dahil naka focus ka sa baso na may laman na tubig, dahan-dahan ka para hindi ka matisod at para walang matapon. Tama!?

Katulad din sa buhay natin bilang isang Kristiyano. Kung nakatuon lang ang ating paningin sa Panginoon, hinding-hindi tayo matitisod at wala tayong oras para tingnan ang mali ng iba. :)

✔"We will reach out a helping hand to them and concentrate on our own walk with the Lord."
TYPE "AMEN" IF YOU BELIEVE IN GOD. 🙏

[#]Jesus[/#] Saves!
[#]Share[/#].

-Baptist...

[#]No[/#] To Corruption And Crimes.

Comments

  • TrollmeisterTrollmeister B?nned for trolling PEX ✭✭
    isang babae pa la ang nakatukso kay pastor Hokage :lol:
  • sophionsophion Member ✭✭
    At pagkatapos pwede kanang magpa alam."


    anong klaseng kulto iyan na di ka pwedeng umalis hanggat di ka papayagan ng pastor? :hmm:
  • Paki usap yun hindi pamimilit. Bakit ang hirap makaunawa ng mga taong walang Kristo at pilosopo.

    [#]Ignorance[/#].
  • ElCidElCid Roman Catholic ✭✭✭
    Hindi tunay na pastor yan. Hindi nanghihingi ng ikapu eh. Alam mo naman ang aral ng pastorl FAITH ALONE WILL SAVE YOU pero kailangan mo din magbigay ng IKAPU para di mapahamak ang kaligtasan ng iyong kaluluwa lol.
  • Nag hallucinate ka na naman. Justification is in the Bible as well as giving. Old widow mention by Christ gave all she has in the temple and the early Church for the mission.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file