Home PEx Chat Small Talk

Dfa appointment system question

WinterlemonWinterlemon PEx Rookie ⭐
Hello po! So kung mapapansin niyo po, bago na patakaran sa DFA kapag mag-aapply ng passport: bawal na walk-ins. Pahirapan pong kumuha ng slot unless may kakilala ka mismo sa DFA, and to be honest po susuko na po ako eh kasi wala na talagang available 'til September (or August in some sites); pero biglang nagkaroon ng available sa Bicol (THANK GOODNESS :bigcry: )

Ang tanong ko po is paano po yung confirmation? Kasi ganito po:

Sa unang email: May details ng appointment ko, tapos may link para ma-confirm appointment ko. Sabi within 72 hours lang pwede mag-confirm, pero na-confirm ko siya agad-agad KASI SOBRANG CHANCE SLOT NA 'YUN, PALALAGPASIN KO PA BA?

Nag-redirect naman po yung confirmation link galing sa email ko sa isang page na nakadisplay na yung appointment details ko and all. May mga pagpipilian ding buttons/link kung gusto ko mag-cancel ng appointment, mag-reschedule, or mag-download ng appointment details ko.

Tapos nag-email ulit sa'kin (thru reply lang): Nandun ulit details ng appointment ko, tapos may nakalagay na 'Application form can also be downloaded here'. Then may nakasulat na naman na 'if you do not confirm within 120 hours, your provisional appointment will be cancelled'.

I checked everything, wala nang ibang link na sinend sakin. SO ANO 'TONG 120 HOURS? Referring po ba sa unang email? Ilang beses ko po ba talaga ico-confirm appointment ko?

Please help me po, kailangan ko lang po talaga. :mecry:

Comments

  • You should click the downloaded here then try to download the application form, it will prompt you to enter your name and appointment code, then viola, you just have to wait for the appearance date. I was able to process the passport last June 30
  • Hi tanong lang po, may way pa kaya na pwede ako makakuha ng maagang slot sa dfa. Kailangan na kailangan lang talaga... Baka may alam kayo guys kung pano.. Pls. Thank you
  • bigheartbigheart PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jova wrote: »
    Hi tanong lang po, may way pa kaya na pwede ako makakuha ng maagang slot sa dfa. Kailangan na kailangan lang talaga... Baka may alam kayo guys kung pano.. Pls. Thank you

    Yes, try other sites like Lipa, Lucena, or Pampangga. Mas kaunti ang aplikante sa probinsya kaya mas may chance na makakuha ka ng maagang appointment. Good luck!
Sign In or Register to comment.