Home PEx Relationships Love - Dilemmas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

How to get away from a super clingy married woman?

I have this friend na stuck sa isang situation. He cheated on his long time girlfriend for a married woman na nabuntis niya. Wala siyang plan magstay dun sa married woman. Kaso kapit na kapit na sa kanya ngayon to the point na inaayawan na niya yung husband niya kahit may anak din sila nung husband niya. At sobra din magbantay yung babae. Grab driver and operator yung friend ko so si girl ultimo history ng rides niya tinitingnan. Yung Facebook bantay sarado na bigla bigla na lang siya nagbubura ng friends. Minsan habang nasa byahe tatawag siya kahit di sila mag usap basta naririnig niya yung nangyayari habang nagbbyahe. Sakal na sakal na siya. Nirereklamo din niya yung ugali ng babae at pangit daw. Wala naman daw talaga siyang balak tumagal dun pero naipit na siya sa sitwasyon.

Gusto niya yung baby pero di niya kaya tumagal dun sa girl. Hindi din naman niya iiwan responsibilidad dun sa baby. Hindi lang talaga niya alam pano icoconfront si girl na yung baby na lang at wala na sila. Pag sinabi niya yung totoo, baka ilayo naman daw sa kanya yung baby. Medyo erratic kasi ang behavior nung babae. Parang may saltik. Narcissistic ang personality. Tapos nafifeel din niya na parang walang choice na tama. Pag pinili niya magstay dun sa girl para lang sa baby parang di daw tama. Pag sinabi naman daw niya na baby na lang sa girl parang di din daw tama kasi iiwan niya yung baby. Kasi for sure naman na sa girl maiiwan yung baby eh.

Meron na bang nakaexperience ng ganito? Kung sa inyo nangyari ito, ano ang gagawin niyo?
«1

Comments

  • 12343211234321 PEx Rookie ⭐
    Yan ang tinatawag na PIKOT
  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    First tip.. wag pumatol sa babaeng di mo kayang pagtyagaan pag naging klingy.. mapa single o mapa married.

    HOw to get out? You cant control a clingy person.. wala.. they have their own ruleset that cannot be broken. Pagtyagaan nalang hanggang matauhan or be ready at porever na yan.. tsk tsk.. buti nga pumatol kasi sa di kayang pagtyagaan.. once again.. sex is never free.
  • TS kakagawa lang ng account mo tapos detailed masyado yung kwenta. Hula ko ikaw yung guy na tinutukoy mo :glee:
  • gladyskawaiigladyskawaii PEx Rookie ⭐
    cheated on his girlfriend
    got a married woman pregnant
    Now, how to get away.
    Ang a**hole lang ha. Solusyon dyan magpakamatay na siya para mabawasan ang mga taong asal hayop.
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    :lol:
    May reason kung bakit ganyan ginagawa nung nabuntis nya. Sobra ang takot nun. Unang una, pag nalaman ng asawa nya na naanakan sya ng iba, paalam na sa 'masayang' buhay nya. The only person na nakikita nyang makakasuporta sa kanya pag dumating yung panahong yun eh ang kaibigan mong bumuntis sa kanya.

    Ano ang solusyon na makikita nya yung anak nya pero lulubayan sya ng babaeng may saltik? Dapat ganito maging sitwasyon, alam ng asawa nung babae na anak ng kaibigan mo yung bata at tanggap yun nung lalaki. Tuloy din ang relasyon nung mag-asawa at payag yung lalaki na mag visiting rights yung kaibigan mo sa anak nya.

    Samakatuwid, malabo pa sa suntok sa bwan ang gustong mangyari ng kaibigan mo. Either tahimik nyang sustentuhan yung anak nya pero hindi nya makikita, o magpaka *****$hole sya ng todo na totally iwasan nya yung nabuntis nya at yung anak nya.

    Yung first option, nothing to do but suck it up. Tanggapin nya yung saltik na ginagawa nung babae at humanda sya na kapag nahuli nung asawa yung inanakan nya (for sure mahuhuli yun, imposibleng itago na may ini-stalk ka 24/7), sa kanya pupunta yun. Buong buong sa kanya yung binuntis nya.

    Yung 2nd option, totally *****$wipe sya sa mga taong nakakaalam ng ginawa nya at ginagawa nya. Just console himself with the 'excuse' na yan ang best action para di magkahiwalay yung mag-asawa (or for selfish reasons, hindi mapunta sa kanya si saltik forever). Maganda rin siguro na mag-start sya ng education fund para dun sa bata, para naman pag nalaman ng bata ang totoo, given the 'excuse' and the kid's fund, hindi sya totally napakasamang tao, slight lang. :lol:
  • incorruptibleincorruptible PEx Veteran ⭐⭐
    Eto solusyon.

    Una, Never mangyayari na magkakarelasyon sila nung bata dahil di magiging good terms yung relation nila nung babae na married once hiniwalayan nya eto.

    Eventually maghihiwalay din yan sa asawa nya sigurado. Pero sigurado ako di nya nanaisin na pakisamahan yang girl na yan.

    What he can do, magtago sa malayong probinsya, mag-abroad, etc. Dump his cellphone, delete his FB profile. Maglaho parang bula. That is all he can do. I dont think na magwowork ang makipaghiwalay sa ganyang girl. Malabo yan.

    If he wants na sustentuhan yung bata, for se... He buys an anonymous SIM. text the reference number ng Pera padala sa babae monthly, then remove the Sim afterwards.

    Tapos usapan. Kaso wag sya mag expect na ipapakita sa kanya yung bata, malabo pa yan sa pagputik ng Uwak.
  • Eto nga ang gustong niyang mangyari. Ang mawala na parang bula. Kaso wala naman siyang mapuntahan. Pero gusto niya din yung baby. Gusto yung baby pero ayaw sa nanay ng baby. Eh sabi ko, kung gusto mo yung bata, package deal yun. Kelangan kasama yung nanay.

    Yung babae naman kinausap na yung asawa. Nagpakita na malaki ang tiyan niya. Kaso sinungaling. Ang sabi niya last year lang naging sila. Hindi niya sinabi yung totoo na ilang taon na niya niloloko asawa niya. May iba pa kasi siyang naging boyfriend. Pero eventually nalaman din ng asawa yung totoo. Dahil yung ex gf ginugulo niya. Kaya ang ginawa ng ex gf kinausap yung asawa niya. At dun nalaman ng asawa niya na nagsinungaling nga sa kanya. Mukhang wala namang plan yung husband ng magtake ng legal actions. Nag agree naman siya na ipa-anull yung marriage. Pero kahit pa ma-anull sila, ayaw pa rin ng kaibigan ko sa may saltik na girl.

    Grabe magbantay yung girl. Halimbawa sasabihin niya kakain siya sa Jollibee. Kelangan marinig ng girl na nag oorder siya. Tapos kelangan sabihin din niya yung branch. Hihingin pa daw yung resibo para maconfirm niya kung talagang doong branch nag order.
  • kellysulykellysuly PEx Veteran ⭐⭐
    cheated on his girlfriend
    got a married woman pregnant
    Now, how to get away.
    Ang a**hole lang ha. Solusyon dyan magpakamatay na siya para mabawasan ang mga taong asal hayop.



    finally, ito na ata ang pinakamagandang answer na narinig ko since nag join ako ng pinoyexchange!
  • hahahahaha!
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kumuha lang sya ng barko na inihapas sa ulo nya :lol:
  • tidge wrote: »
    kumuha lang sya ng barko na inihapas sa ulo nya :lol:


    Exactly! Ayun din ang sinabi ko. Hindi naman daw niya akalain na mabubuntis. Yan ang sinabi nilang dalawa. Eh ********* hindi man lang gumamit ng contraceptive like condom. Isasagot nila sakin di daw masarap pag may condom.

    Pinapayuhan ko yung kaibigan ko na lumagay na lang sa tama. Hindi naman dapat talaga sila magsama dahil kasal yung babae. At isa pa kabit ang tawag sa kanya. Etong babae lang talaga ang mapilit at gusto na maging pamilya na sila. Yung asawa niya kasi nasa ibang bansa at inaayawan na rin naman niya kahit may anak din sila. May saltik talaga tong babae na toh eh. Wala din sa tamang pag iisip. Akala mo ganun ganun lang na basta basta pwede palitan yung asawa niya.
  • littlegurllittlegurl PEx Influencer ⭐⭐⭐
    May mga babae talagang sakim. At may mga lalaki ding !nut!l. Sabay sabay sila pakamatay :glee:
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Exactly! Ayun din ang sinabi ko. Hindi naman daw niya akalain na mabubuntis. Yan ang sinabi nilang dalawa. Eh ********* hindi man lang gumamit ng contraceptive like condom. Isasagot nila sakin di daw masarap pag may condom.

    Pinapayuhan ko yung kaibigan ko na lumagay na lang sa tama. Hindi naman dapat talaga sila magsama dahil kasal yung babae. At isa pa kabit ang tawag sa kanya. Etong babae lang talaga ang mapilit at gusto na maging pamilya na sila. Yung asawa niya kasi nasa ibang bansa at inaayawan na rin naman niya kahit may anak din sila. May saltik talaga tong babae na toh eh. Wala din sa tamang pag iisip. Akala mo ganun ganun lang na basta basta pwede palitan yung asawa niya.

    Di nga? Pamilyado, nakikipag jugjugan ng walang contraceptives. Dun pa lang delikado na. Kung ayaw ng kaibigan mo ng condom, dapat sinigurado nyang naka pills yung babae.

    Kung wala na palang problema sa asawa nung babae, gusto nyang suportahan yung bata pero ayaw nya sa nanay, then the best thing is lumayo sya at sustentuhan ang bata. Mag abroad sya.
    OR
    Sabihin nya ng diretso sa babae na walang karapatan yung babae na bantayan sya sa lahat ng ginagawa nya dahil hindi naman sila. May [email protected] syang bumuo ng bata, gamitin nya rin para masabi ang dapat sabihin.
  • tidgetidge PEx Influencer ⭐⭐⭐
    alam ko status ni TS sa FB nya...

    It's Complicated :lol:
  • Tourjack10Tourjack10 PEx Rookie ⭐
    Mahilig sa bawal. Well masarap naman kasi ang bawal. Pero dapat gumagamit din ng isip..
  • Nils wrote: »
    Di nga? Pamilyado, nakikipag jugjugan ng walang contraceptives. Dun pa lang delikado na. Kung ayaw ng kaibigan mo ng condom, dapat sinigurado nyang naka pills yung babae.

    Kung wala na palang problema sa asawa nung babae, gusto nyang suportahan yung bata pero ayaw nya sa nanay, then the best thing is lumayo sya at sustentuhan ang bata. Mag abroad sya.
    OR
    Sabihin nya ng diretso sa babae na walang karapatan yung babae na bantayan sya sa lahat ng ginagawa nya dahil hindi naman sila. May [email protected] syang bumuo ng bata, gamitin nya rin para masabi ang dapat sabihin.


    Nagchemo kasi yung girl. So side effect nun is may menauposal symptom. Matagal na di nagkakaron si girl. So akala hindi mabubuntis. Si girl din ayaw gumamit ng condom. Siya din ang tumulong sa girl during ng sickness niya. Wala daw kasing kwenta yung family ni girl. Walang paki sa kapatid/anak nila. **** din talaga yung girl. Wala naman siyang reklamo sa asawa niya. Sobrang bait nga daw nun at walang siyang problema sa pambababae. Problema lang niya hindi daw makauwi ng Pinas. Kaya 2 yrs pa lang sa ibang bansa, nag decide na siya magboyfriend ulit. Bago pa yung friend ko may boyfriend pa siya pero di daw siya seryoso dun. Yung kaibigan ko ang sineryoso niya. Parang baliw diba kasal tapos sumeseryoso ng "affair". Di ko alam kung di lang siya makatiis na walang sex. Kating kati na siguro siya. Di kaya mabuhay ng walang lalaki. Yung asawa niya nagrireach out naman sa kanya kaso inaayawan niya dahil sa kaibigan ko.
  • tidge wrote: »
    alam ko status ni TS sa FB nya...

    It's Complicated :lol:

    Lol! Hindi ako naglalagay ng ganyan sa FB ko. Kung gusto mo tingnan mo na lang yung babaeng nabuntis. Kahit kasal na yun at nabuntis ng ibang lalake, Single pa rin ang nakalagay. 😂
  • hassle2016hassle2016 PEx Rookie ⭐
    Perfect Combination! :rotflmao:
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nagchemo kasi yung girl. So side effect nun is may menauposal symptom. Matagal na di nagkakaron si girl. So akala hindi mabubuntis. Si girl din ayaw gumamit ng condom. Siya din ang tumulong sa girl during ng sickness niya. Wala daw kasing kwenta yung family ni girl. Walang paki sa kapatid/anak nila. **** din talaga yung girl. Wala naman siyang reklamo sa asawa niya. Sobrang bait nga daw nun at walang siyang problema sa pambababae. Problema lang niya hindi daw makauwi ng Pinas. Kaya 2 yrs pa lang sa ibang bansa, nag decide na siya magboyfriend ulit. Bago pa yung friend ko may boyfriend pa siya pero di daw siya seryoso dun. Yung kaibigan ko ang sineryoso niya. Parang baliw diba kasal tapos sumeseryoso ng "affair". Di ko alam kung di lang siya makatiis na walang sex. Kating kati na siguro siya. Di kaya mabuhay ng walang lalaki. Yung asawa niya nagrireach out naman sa kanya kaso inaayawan niya dahil sa kaibigan ko.

    Palit fb, palit phone number, palit lahat... Yan ang gawin ng kaibigan mo. Sasaluhin naman pala nung asawa yung babaeng baliw eh.
    O kaya, paininan ng kaibigan mong bagong bf yung chix... para hindi na sya guluhin. [email protected] moves for [email protected] guys.
  • gladyskawaiigladyskawaii PEx Rookie ⭐
    ^maka baliw naman si kuya. Clingy lang daw. Grabe ka naman :bop:

    Oh ayan TS makinig ka kay Master Nils. Tinutururuan ka na nya ng ways nya. Peace po✌🏻
Sign In or Register to comment.