COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

The LA LUNA SANGRE vs MY LOVE FROM THE STAR Thread

steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
[instagram]


[center-hidden]stock-vector-versus-letters-vs-logo-584218597.jpg[/center-hidden]



[instagram]
«13456736

Comments

  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [instagram]


    [instagram]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [instagram]


    [instagram]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [instagram]


    [instagram]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Meet the main characters of 'La Luna Sangre'
    ABS-CBN News
    Posted at Jun 10 2017 05:57 PM

    la-luna-sangre-2017.jpg?ext=.jpg

    Star Creatives released on Saturday a slew of new clips introducing the main characters of "La Luna Sangre,' the upcoming fantaserye about warring vampires and werewolves.

    Check them out below:

    1. "Ang Jeepney Driver," Tristan (Daniel Padilla)
    Starting with Tristan stealing hearts with his infectious cheeriness and charm, the short clip takes a rather serious tone as it is revealed that he lost his father to a vampire attack. The new footage also provides a glimpse of Padilla showcasing his newfound action moves.



    [instagram]


    2. "Ang Bagong Itinakda," Malia (Kathryn Bernardo)

    This new teaser shows Malia struggling to live up to her "chosen one" title, growing frustrated that her powers have yet to manifest.



    [instagram]


    3. "Ang Pinakamakapangyarihang Bampira," Mateo (John Lloyd Cruz)

    It is hinted in the following clip that Mateo, once dubbed the strongest vampire of all, lost his powers somehow.



    [instagram]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    4. "Ang Hari ng Bampira," Sandrino (Richard Gutierrez)

    Sandrino is described as the crazed king of vampires hellbent on killing Malia to avenge the death of his father Magus, the vampire who led his race's war against humans and werewolves in 2010's "Imortal."



    [instagram]


    5. "Ang Itinakdang Lobo," Lia (Angel Locsin)

    Like in Mateo's clip, Lia could be seen hiding the fact that they have indeed lost their powers.



    [instagram]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [instagram]

    ilovephumba Bitin ang pilot. Whaaa... Ganda
    ronnie_janellalove Can't wait sa next episode 😊
    menthology @starcreativestv Sobrang Ganda po at sobrang saya namin dahil hindi niyo kami binigo, Ang laki ng improvement sa Special Effects and CGI at sobrang galing umarte ng mga bata lalo na yung gumanap na Daniel Padilla. Ang galing ni Angel at JL at lahat ng cast at ang mysterious ng story. We are satisfied, Maraming Salamat po. Sanalang palitan ang Ikaw Lang Ang Mamahalin na themesong. Mas ok po yung Hanggang Dulo.
    swetkhen Superb
    mswhiterose Basta sa oras ng la luna sangre stop muna games at chat sa mga anak ko.sa abroad , wait sila matapos ko ng buong buo .
    tiptoetothesky Ganda :) inabangan ko talaga. Tinapos ko on time ang mga trabaho ko pra maka nuod ng La Luna Sangre. Kaabang-abang ang mga eksena kakamiss si @richardgutz umarte. Lalo pa magkasama cla ni @therealangellocsin :D #ChardGel
    iamjhelayyyyy Super Saya.. The Best 👏👏 Thumbs Up 👍👍👍
    nuriko525 Congratulations team LLS best pilot episode ever! Keep it up 👏👏👏👏👏👏
    bubbly_biblee Sobrng saya. Di ko na mhintay ung pra bukas...
    superem65 Ang cute ng name ng ni Puso 😍
    dranrebabril EXCITED SA RATING NG PILOT EPISODE 😭
    delossantosamy25 Nmn bsta kathniel plus angel john loyd
    ayim21buendia Kahit wla kming tv dahil bagong lipat... kmi gumwa aq nang para mka nood... kathniel can't wait to see u.. soon
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [instagram]
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Confirmed: Maymay, Edward ka-join sa La Luna Sangre
    Bandera
    12:01 am | Tuesday, June 20th, 2017

    maymay-entrata-at-edward-barber.jpg

    TUWANG-TUWA siyempre ang mga tagasuporta nina Maymay Entrata at Edward Barber dahil kumpirmado na ngang makakasama ang dalawang Kapamilya youngstars sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang La Luna Sangre.

    Ayon sa MayWard fans, isa na naman itong blessing para sa kanilang mga idolo. Bukod nga kasi sa pelikulang ginagawa nila ngayon, ang “Loving In Tandem” kasama sina Kisses Delavin at Marco Gallo, heto’t pasok na rin sina Maymay at Edward sa La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

    Isang loyal fan ng MayWard (may handle name na @mayward4me) ang nag-post ng poster ng La Luna Sangre sa kanyang Instagram account kung saan nga nakalagay ang pangalan ng dalawang bagets na may “introducing” sa billing.

    Sabi ng nasabing IG user, “OMG nakikita nyo ba ang Introducing??!!! Congratulations Maymay and Edward waaaaahhhhhh Ang daming blessings [#]mayward[/#] [#]maymayentrata[/#] [#]edwardbarber[/#] [#]MaymayToinksSingleLaunch[/#]!”

    Last Saturday, kinumpirma nina Kathryn at Daniel na makakasama nga nila ang MayWard sa kanilang fantasy-action-drama-romcom series. At excited na rin sila na makatrabaho ang dalawa.

    Wala pa kaming idea kung ano ang magiging role nina Edward at Maymay sa nasabing serye na nagsimula na kagabi pero siguradong may baon silang pakilig sa mga manonood. At sure rin kami na may hatid ding komedya ang dalawang bagets sa programa.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ANGEL, MATIGAS ANG ULO
    By Allan Diones
    June 19, 2017

    angel-locsin-022-336x224.jpg

    MATIGAS ang ulo ni Angel Locsin at ayaw nitong magpa-double sa action scenes nito sa bagong Kapamilya fantaseryeng La Luna Sangre.

    Kuwento ni Direk Cathy Garcia-Molina, alam ng lahat na may diperensiya sa likod si Angel na inayos. So, inaalagaan nila na huwag nang bumalik ‘yon.

    Kaya ang sabi niya rito ay huwag nang gawin ang mga eksenang maaksyon. Pinapadobolan niya ito, pero ayaw.

    “Ang tigas-tigas ng ulo. ‘Ako na lang ‘yan, direk!’” dayalog daw ni Angel kay Direk Cathy.

    At kahit sinasabi niyang, “Hindi, double na lang. Baka mawalan kami ng Angel Locsin!” ay ito pa rin ang gagawa ng action scenes nito.

    “Alam n’yo naman po si Angel, if she could do it, she really will. So, ‘yung action scenes niya, siya po ang gumawa,” sey ni Direk Cathy.

    Katwiran ni Angel, “Kung ang direktor ko nga po, ginagawa niya muna bago niya ipagawa sa artista niya, bakit ko po hindi gagawin ‘yung trabaho ko?”

    Bale pagpapatuloy ng kuwento ng dalawang nauna na Lobo (Angel-Piolo Pascual) at Imortal (Angel-John Lloyd Cruz) ang La Luna Sangre ng KathNiel.

    Ani Angel, masaya siya na naa-appreciate ang pinaghirapan nila dati nina Piolo at Lloydie.

    Honored and thankful siya na in a way ay parang tribute ito sa kanila. Kaya nu’ng tinanong siya kung puwede siya umapir dito bilang ina ni Kathryn Bernardo ay umoo siya agad.

    Sinabi niyang tutulong at susuporta sila kina Kathryn at Daniel Padilla dahil mahal na mahal niya ang proyektong ‘yon.

    Ayon kay Direk Cathy, may ibang timpla ang La Luna Sangre kumpara sa Lobo at Imortal.

    Hindi ito dark na dark at pinasukan nila ito ng romcom.

    Aniya, may mga bata pang gising sa timeslot nila, kaya ayaw niyang bangungutin ang mga ito dahil sa fantaserye nila.

    ***

    Parehong natuwa at na-excite ang KathNiel nu’ng sinabi sa kanilang gagawin nila ang La Luna Sangre dahil matagal na nilang gustong gumawa ng kakaiba naman.

    Sabi ni Kath, honored sila na ipinagkatiwala sa kanila ang ganu’n kalaking project, tapos ay pumayag pa sina Angel at John Lloyd na mag-pilot para rito.

    Si Daniel ay thankful and honored din na itutuloy nila ang seryeng ito na nanggaling kina Angel, Piolo at Lloydie.

    Na-excite siya na ibang timpla ang ipapakita nila sa mga tao.

    daniel-padilla-004-288x336.jpg

    Kuwento ni DJ, sabay silang nag-training ni Kath at hanga siya rito dahil ang dali nitong makuha ang mga tinuturo ng instructor nila.

    “Alam mo, I’m very proud of her. Totoo ‘yon, totoo,” natatawang bulalas ni DJ.

    “‘Yung unang trailer, naglalaban kami, ‘di ba? Medyo siyempre, ayoko namang masaktan si Kathryn, pero pinilit niya ako, eh! Ha! Ha! Ha!

    “‘Yun nga, ang galing, ang galing! ‘Yung mga kaeksena niya sa fight scenes, hindi rin nahihirapan sa kanya. Kasi, nakukuha niya kaagad dahil gusto niya, eh.

    “Siyempre, kung hindi mo naman gusto, walang mangyayari. Eh gusto niya, interesado siya. So, ayun,” proud pang tsika ng Kapamilya heartthrob tungkol sa kanyang ka-loveteam/girlfie.

    ***

    Ang kuwento ni Kathryn, nandu’n palagi sa training niya si Daniel at ito ang nagku-comment sa form niya, sa sipa niya para hindi awkward at open siya na ikorek siya ni DJ sa lahat dahil inalagaan siya nito.

    Mas marami siyang training, pero ang bilis natuto ni DJ at mas natural ito. Masaya siya na makikita ng mga tao ang action side nilang dalawa.

    Nag-training si Kath ng Pinoy martial arts na Pekiti-Tirsia Kali at saka ng Wushu.

    Pisikal ang role ni Kath bilang bida na si Malia (anak nina Mateo at Lia), so hindi maiwasan na medyo magkaroon siya ng mga pasa.

    But so far ay nae-enjoy niya ito at sobrang saya niya nang makita niya sa trailer ang resulta.

    kathryn-bernardo-004-288x336.jpg

    Sey ni Kath, sobra silang excited ni DJ dahil ang tagal na nilang gustong gumawa ng action.

    Ang medyo challenge lang sa kanya ay kung paano niya gagawin ‘yung choreography ng mga suntukan, na kailangan niyang i-memorize, tapos at the same time ay may emotions.

    Medyo doon siya nahihirapan dahil ang daming iniisip. Mamali lang kasi ng konti ay masasapak ka talaga. Kaya kailangan ay ingat at mas focused.

    Girl na girl at very feminine si Kath, pero this time ay sasabak siya sa bakbakan dahil palaban ang kanyang karakter na half-lobo, half-bampira.

    Dati siyang nag-Muay Thai as an exercise. Nu’ng sinabi sa kanya ang show na ito ay nag-training na siya at nag-gym.

    So, ‘yung katawan niya, batak na sa gym?

    “Hindi pa rin po. Ha! Ha! Ha!”

    Pero handa na siyang sumabak sa aksyon?

    “Kailangang maging handa,” sambit ni Kath.

    Kasama rin si Richard Gutierrez sa La Luna Sangre na magsisimula na ngayong gabi sa Kapamilya Primetime Bida pagkatapos ng Ang Probinsyano.
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    [instagram]

    doppelgangersuperheroine Ang husay2 nilang dalawa.. iba ang dating ng primetime kagabi! Basta jl and gel, may pesos! Napaka good looking, napaka husay sa arte , ang LAKAS ng charisma.. at ang ganda ganda gwapo pa nila. Ang ganda ganda mo @therealangellocsin.. iba talaga screen presence mo..very striking ang beauty at may queenly vibes ka talaga kahit pasuotin ka pa ng dyaryo..
    bubbly_biblee ❤❤❤❤
    pamelaazur Angel & John Lloyd the best
    kathford_11 Sir Mico si Direk CGM pa po ba yung director ng La Luna Sangre?
    honelynv @kathford_11 ..yes po c derik Cathy
    kathford_11 @honelynv how do you know po?
    honelynv @kathford_11 binalita yan sa Tv patrol tsaka nong sa grand,presscon poh clang dalawa neh derik Richard Arellano
    kathford_11 @honelynv they said na Pilot Episode lang siya. @micodelrosario1 si Direk Cathy pa po ba ang director?
    jovymosqueda Congrats po super for sure taas po ng ratings kgv😊😊
    emesparza311 Pahingi naman po ng LloydieGel project na hindi special participation lang. 🤗



    [instagram]

    cocoyass_australia16 Queen Angel ❤️✨😍
    kikay_me1 Cant get enough of ningning nognog so memorable those kiddos :) pwedeng gawing keychain hahah
    krekenchin143 Ang galing talaga ni angel
    aubreycast Queen angel
    doppelgangersuperheroine Sir, ang ganda ganda po ni Angel. Bakit ganun sya? Iba ang dating ng primetime pag andyan sya..samahan pa ng John Lloyd Cruz.. parang wow!! Ang dalawa sa pinaka mahuhusay at good looking at charismatic actors sa bansa.. ang gwapo2 ni jl Tapos ang ganda ganda ni Gel. @therealangellocsin, bakit ang ganda ganda mo? Napaka effortless mo.. Very striking ang beauty.. napakalakas ng charisma.. at may queenly vibes ka talaga kahit pasuotin ka pa ng dyaryo.. Kayo talaga ni JLC..wow.. The legendary king and queen of Phil show biz..bow down kami lahat
    chaychay2713 Super nakakamis kasi si ms.angel eh ..
    bubbly_biblee Iba eh..#LalunaSangre Day 2 tonight..😍😍😍
    jamella143 I miss angel sobra
    preggy2017 Qe love you Queen Angel
    mafiagirlwithtantrums Super beautiful Queen @therealangellocsin 👑👑👑👑👑👑👑💓💓💓💓💓💓💓💘💘💘💘💘💘❤❤❤❤❤❤❤🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
    joanam71 JLC Angel sa prime time sapat na!
    angellocsinforever We miss Angel Locsin!!! Give her a primetime series! She is indeed a queen! she deserve more.
    yuritziavriele Basta Angel Locsin talaga laging trending yan,, sana bigyan na sya ng teleserye starcreative,, ang dami ng nakaka miss sa.kanya
    im_your_angel Queeeen!! @therealangellocsin ❤️❤️❤️ we missed you big time in Primetime!! You deserve anothe solo project with @richardgutz @malousantos3 👏🏻👍🏻🙌🏻🙏🏻😍
    chubanis40 Sir @micodelrosario1 plssssss bigyan nyo sya ng solo project subrang galing n gel wag nyo nman syang burohin sayang yong talent nya thank you
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • steelbardancersteelbardancer Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    images?q=tbn:ANd9GcTpOybloz0Wwv1UMUh68Xe2gWCwzqWC5lsZn9UD1ln5EVs3fJ3L847b

    Sarah Lahbati proudly shows promise ring given by Richard Gutierrez
    by Glenn Regondola posted on June 20, 2017

    2017-06-20_11:21:47_richard-gutierrez-&-sarah-lahbati.jpg
    IMAGE Glenn Regondola

    Sa unang pagkakataon ay ipinakita ni Sarah Lahbati ang promise ring na ibinigay sa kanya ng partner niyang si Richard Gutierrez.

    Suot-suot ito ni Sarah sa advance screening ng pelikulang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz, na ginanap sa Cinema 1 ng Robinsons Galleria, sa Ortigas, Lunes ng gabi, June 19.

    Pahayag ng Kapamilya actress, “I'm wearing our promise ring tonight, it's our promise ring. That's all I can say.

    “The right time will come [for marriage].

    “Actually, matagal na niya itong ibinigay, when we were in L.A. [Los Angeles].

    “I think, mga four years ago.”

    Dahil sa promise ring, mas secured daw ang pakiramdam ni Sarah na kahit hindi pa sila kasal, alam niyang si Richard na ang makakasama niya habambuhay.

    “Oh, yes, I have the best life ever.

    “I'm so happy and I wish I couldn't wish for anything.

    “Darating din tayo diyan, malapit na,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters

    Ano naman ang pangako sila sa isa't isa?

    Pag-iwas ng StarStruck alumna, “Huwag na, sa amin na lang yun.

    “I have shared so many na kaya sa amin na lang yun.”

    FUTURE BRIDE. Kung sakali, anong buwan niya gustong ikasal?

    Sagot ni Sarah, “Mainit ang June... ano ba ang buwan na malamig?

    “December? Ah, baka November bride.

    “Ayoko ng mainit kasi mahuhulas ako. Ha-ha-ha!

    “Kung malapit na? We'll see, we'll see.

    “But, yeah, I'm wearing our promise ring tonight.”

    Samantala, isang malaking sorpresa para kay Sarah ang pagdating ni Richard sa advance screening ng pelikula niya dahil hindi nila akalaing darating ito.

    Kagabi rin kasi ang pilot episode ng La Luna Sangre, ang primetime series ng ABS-CBN kung saan gumaganap si Richard bilang kontabida.

    Nangingiting pahayag ni Sarah, “Since he's a doing a big role dun, alam kong gusto niyang mapanood ito, and I'm watching it na lang online.

    “Sabi ko nga kanina kung ba't wala dito si Richard, sabi ko nanonood siya with the entire family.

    "Nag-order sila ng food, nag-prepare sila ng party sa bahay, tapos magka-text pa kami.

    “Tapos na siya. I'm so happy.”

    Dagdag niya, “I'm also so happy sa nangyayari sa aming careers ngayon. Pareho kaming busy.

    “Actually, we already have plans of having a long vacation again, but we have to postpone it.”
  • MRinLAOS2MRinLAOS2 Member Australian Open 2020 Participant 🎾
    June 19 (Mon) TV Ratings / AGB Nielsen / NUTAM People in TV Homes (Evening)

    1. La Luna Sangre 11.5%
    2. FPJ's Ang Probinsyano 10.9%
    3. 24 Oras 10%
    4. Mulawin vs Ravena 9.9%
    5. My Love From The Star 8.7%
    6. TV Patrol 8.8%
    7. Meant To Be 7.2%
    8. A Love To Last 6.9%
    9. Innocent Defendant 3.7%
    10. Goblin 3.6%

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file