Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Anak

Comments? Post away! :)
«1

Comments

  • hi yoshi! la lng, i still havent seen the movie. you know naman the situation here... you know where! so would you recommend that i watch the movie?? d ba naka-b rating siya?

    minion

    [This message has been edited by ^^DooRs (edited 05-10-2000).]
  • YoshiYoshi PExer
    Oh, yes, my dear minion. The movie's reviews have been pretty nice, and I'm sure it will not be disappointing. :D

    If you're waiting for a nice Film Ratings Board-rated movie, you might want to check out Azucena (with Ricky Davao, Glydel Mercado, Dante Rivero, and Alessandra de Rossi), which got an A rating from the FRB (only the second movie to do so, I think, after Bayaning Third World).
  • Haven't watched ANAK yet...

    Grabe, ibig sabihin ang GALING mamili ng movies ni Ricky Davao!??!! Puro A Rating!!
  • parang kinwento na rin nila yung story thru the trailer eh. most of us have an idea what the story's about
  • ANAK isn't Claudine and Vilma's new movies???
    wonder.gifwonder.gifwonder.gif
  • neth_rowneth_row PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ahahahaha oo nga....bat mo pa papanoorin eh sa trailer pa lang, alam mo na yung kahihinatnan ng movie?!?!?
  • YoshiYoshi PExer
    It's a really nice film. No, really. :D

    With such a powerful dialogue, manhid ka kung hindi ka man lang tamaan kahit na konti. :) It's a bit melodramatic, but it builds up to such an interesting climax that will keep you drawn to the film.

    As usual, Vilma Santos delivers such a great performance, and Claudine Barretto is a revelation in this film as the bad daughter. The ensemble cast (Joel Torre, Amy Austria, Cheery Pie Picache, Baron Geisler) also do their roles with flair.

    This is Star Cinema's second Ate Vi film, the first being Bata, Bata, Paano Ka Ginawa, and it's as good as the previous one. Unexpectedly, the story not only dwells on the family problems of "domestic helpers", but also becomes a social commentary on how Filipinos still need to go abroad to earn money.

    My rating: B+/B

  • is it really good becuase i'm really waiting for it....
  • RöttenMindRöttenMind PEx Influencer ⭐⭐⭐
    wow, yoshi, kwento mo na lang kaya saken? tinatamad akong manood eh, samahan ko pa tong nanay ko, then ulan pa! hapfac01.gif

    pero mukhang mas ok azucena... arf! skull.gif

  • I agree with Yoshi, it's very melodramatic. Kaka-umpisa pa lang ng movie, tinamaan na ako. I was crying most of the time.

    The portrayal of the plight of domestic helpers abroad was very realistic. It is true that some DH get locked up in their employers' house when their employers leave. It is a reflection of reality. Studies about migrant workers reveal that one of the effects of overseas employment is broken families. It is also true that sometimes parents/migrant workers no longer know their children and vice-versa.

    The movie is not only about domestic helpers, but about migrant workers in general. Filipinos work abroad bec. there are not enough compensating jobs here in our own country. They would risk their lives and compromise their feelings in order to have bettter lives for themselves and/or for their love ones.

    Vilma Santos' performance was great. Kuhang-kuha nya yung mannerisms at arte ng isang DH. Ang galing nya!

    Bottom line: the movie can be categorized under social realism.



    [This message has been edited by Meiji (edited 05-16-2000).]
  • sadirmatasadirmata PEx Veteran ⭐⭐
    So 'Anak' is RP's official entry to Oscar's, what can you say/comment/praise about this movie? For me the acting of Vilma and Claudine are excellent, the direction and cinematography is also good, but the script or story outline sucks I couldn't believe it was written by the likes of Ricky Lee.

    There are so many flaws and improbabilities in the script. One thing, sa pamilya (Agbisit) nila Josie (Vilma Santos) at Rudy (Joel Torre), tila wala silang mga kamag-anak na malapit sa kanila or concerned sa kanila. Noong nag-abroad sa HK si Josie, ang tumitingin lang sa mga anak nila ni Rudy ay yung kaibigan/kapitbahay nila na hindi (yata) nila relative. Noong namatay si Rudy, wala ring mga kamag-anak na pumunta (yata, ewan lang kung nandon sila sa mga extra!), at yun na namang kapitbahay nila (na nagsilbing yaya) ang umalalay at umaalo doon sa mga naulilang bata! Ang tanong: wala na bang parents both sina Josie at Rudy, or mga kapatid kaya? or mga uncles and aunties? Hindi yan malinaw sa istorya. As if nag-iisa na sa mundo sila Josie, walang mga relatives na malapit o lumalapit, tila sila na lang ang mga Agbisit. Maski nga noong nagbalikbayan si Josie, ni walang mga relatives na sumalubong, walang kalaman-laman yung dyipni, at sa bahay kung saan may handaan, tila mga hindi kaano-ano lahat ni Josie yung mga bisita, walang pinakilalang nanay o tatay o kapatid o pinsan o uncles/aunts, etc! Sa totoong buhay, pag ganyang may OFW na umuwi, sangkaterba ang kamag-anak siyempre! (Idagdag pa dito na noong dumating si Josie sa bahay, ang unang binati at kinatsika at bineso-beso ay yung mga kaibigan at di man lang agad hinanap o niyakap yung bunso niya--tila nalimutan na niya!)

    Sa totoong buhay pa rin, dahil closely-knitted ang Filipino family, hindi maaring basta na lang ipinagkatiwala ni Josie Agbisit yung mga anak sa yaya, at least meron sanang malapit na kamag-anak na naiwang bantay sa bahay nila na maaring a grandmother (mother of Josie or Rudy) o kapatid (sibling nila Josie or Rudy) na maaring mula probinsiya (kasi sa siudad, Maynila, ang setting).

    Marami pa akong puna sa script, kagaya doon sa pagkakulong kay Josie ng kanyang mga employer, doon sa mga ginagawa ni Carla (Claudine Baretto) na pagrerebelde, at iba pa.

    Pero sa next post na lang.

    Kayo naman.

    [Edited by sadirmata on 10-05-2000 at 06:05 PM]
  • sadirmatasadirmata PEx Veteran ⭐⭐
    Isa pang comment ko sa 'Anak'....

    Yung pagkulong kay Josie Agbisit ng kanyang mga employer, puwede ba yun? umabot ng months na locked up siya doon sa flat at hindi man lang siya nag-attempt na lumabas or gumawa ng paraan na makalaya. And to think na meron siyang dalawang kaibigang DH din sa HK (Amy Austria at Cherry Pie Pichache), hindi kaya man lang nagtaka na hindi na siya lumalabas? Upang sana ay pinuntahan siya sa flat at nalaman na nakakulong siya? At sana' gumawa ng paraan para makalabas si Josie? Hindi nilinaw sa script na wala nang ibang paraan pa para makalabas si Josie, although in true life eh may mga paraan sana. Yung dalawang kaibigan niya, marami sanang nagawa ukol sa bagay na ito. Kaibigan niya ang mga hindi lang sa Hong Kong kundi pati sa kanila sa Pinas, magkakakilala ang mga family, and yet when Rudy died, tila hindi nalaman nung dalawa upang sana sila yung nagsadya kay Josie. Of course meron at meron magbabalita galing sa Pinas about sa death ni Rudy--lalo na nang hindi nakauwi si Josie o di man lang ito natawagan. Kawawa talaga ang pamilya Agbisit kasi sila na lang yata ang natitirang mga Agbisit sa mundo, walang kamag-anak at maski yung mga kaibigan (sa HK man o Pinas ay walang concern!) Hindi convincing yung telegram/sulat na pinadala kay Josie (na hindi niya agad nabasa), kung meron lang sanang concerned na tao doon sa Pinas eh hindi yun tumigil ng katatawag o kapapadala ng telegram kay Josie. At kung hindi sana nakontak si Josie eh malamang itong tao/mga tao na ito eh kumunsulta na sa authorities, sa OWWA, sa DFA, sa media, sa Malaca?ang... pero wala, lubhang kinawawa ng scriptwriter si Josie!
  • kahit ricky lee pa ang scriptwriter, oras na hinawakan ng star cinema ang pelikula. sigurado ang approach nila pang-masa at para lang kumita. laging nagiging malayo ang tema nila at di na makatotohanan dahil sa hatak ng komersyalismo.

    hindi ko talagang napanood ang anak ngunit hindi rin ako intresadong panoorin pa ito tulad ng ginawa nila sa istorya ng bata, bata paano ka ginawa ni lualhati bautista. naging malayong malayo na ito sa tunay na buod ng istorya na sinasaad ng aklat.

    'neways, good luck na lang din sa "anak"...
  • crybabymakicrybabymaki PEx Veteran ⭐⭐
    actually, im darn proud that "anak" was chosen to represent the phils.

    come to think of it, do you guys have a better movie in mind????
  • crybabymaki: Actually, I do. I would have preferred Bayaning Third World. Anak is just not Oscar material. It's much too inconsistent to be a good film.
  • yah, i have to agree with Yoshi, Bayaning Third World is better than Anak...and do you actually think we'll win against Crouching tiger??
  • sadirmatasadirmata PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by crybabymaki
    actually, im darn proud that "anak" was chosen to represent the phils.

    come to think of it, do you guys have a better movie in mind????

    the article below says 'Anak' was preferred over 'Azucena' and 'Bayaning Third World'.

    Although hindi ko pa napapanood ang 'Azucena' at 'Bayaning Third World,' nakita ko ang mga trailers ng mga ito saka nabasa ko ang mga reviews dito. Pero hindi pa ako makapag-comment sa mga ito. Actually, superb ang acting nila Vilma at Claudine sa 'Anak', nakakaiyak talaga. Let's just hope na maski papaano, magkaka-Oscar na rin ang Pilipinas. Pero I think hindi mo makukuha sa pagalingan lang ng acting yung mga judges sa Oscar's. Mabigat din yung story, yung script.
    VILMA Santos' recent box office starrer, "Anak," is poised to go Hollywood as the movie was chosen to be the official Philippine entry to the best foreign film category in the 73rd Academy Awards.

    Produced by Star Cinema and directed by Rory Quintos, "Anak" was unanimously chosen by the board of governors of the Film Academy of the Philippines during its meeting last week.

    It's a shot in the dark for "Anak," which will have to vie with over a hundred film entries from around the world for a slot in the nominees list in the Academy Awards next year.

    Last year, it was Gil Portes' "Saranggola" which was the official entry.

    "Anak" bested other local films in the list, including "Azucena" and "Bayaning Third World."
  • Just a fact, When you want to win an Oscar, one needs to make an impression to all the members. This is a popularity game because you would see their ads during the season: "For Your Consideration". An invitation to view the film is done or a tape is given to a member since not all members would be able to watch, let's say all the films under the Foreign Language category.

    Sample, TITANIC, the best picture for 1997? Without the ship sinking and all those shrieking effects, what does the film offer, a very bland love story between the 2 lead stars? Another example was the issue then of Katherine Hepburn for On Golden Pond, besting the superb and stunning performance of Merryl Streep for "Out of Africa". Their reason, comeback film ni Ms. Hepburn.


    So Anak may not really be the best, but ABS-CBN can drum up marketing of the film to the members of the academy. Sila pa ang yaman na nila sa USA, with its TFC and sorts, they can market this easily, sisiw. But in fairness, the film may make a noise since only in the Philippines can they see a new subject on Domestic Helpers, well...
  • I saw Bayaning Third World and I think it is one of the best Filipino films ever made. With that said though, I think that MAYBE the Philippine Oscar Committee did think long and hard which of the films would have the best chances of catching the Oscar voters' eyes. With that goal, I think that they did select the correct Filipino film, Anak, to submit to the Oscars.

    Bayaning Third World is an excellent film but I think that foreigners will not appreciate it as much as we, as Filipinos, do. I may be wrong but I think you have to know a lot, or at least something, about Jose Rizal and our colonial past to not get lost in multitudes of characters in the film (even i had to read a lot of reviews and film summaries before seeing the movie just so I'd become familiar with the different characters). Add to that the fact that the film uses a "fantasy" technique wherein characters from the present interact with the characters in the past. That would certainly confuse a lot of people. And most confused foreigner would certainly not appreciate the central question posed by the film, "Who is the real Rizal?," precisely because they don't even have an initial or basic awareness of who this Rizal is.

    Anyway, Anak's storyline is more universal, I guess, yet a little bit unique too. It's about family relationships with a domestic helper as the central figure. Azucena probably has the same chance as Anak but eating dogs may be too gross for the American sensibilities and may turn the voters off. Also, ABS-CBN and Star Cinema has the money and connections here in the U.S. (although probably far from what the US studios, who have picked up some of these foreign films already, will spend for their foreign-language films) so that should help Anak's cause somewhat. They should put Anak in tapes and send those tapes to the voters. Then they should pray that the voters will see the film.

    To help do that, they should accompany the tapes with provocative or attractive poster or pictures or leaflets to entice the voters to put the tape in their VCRs and check the film out. They should crow about Vilma's past awards. They should probably hire a big-time PR firm in Hollywood to help drum up the film. I agree though that the front-runner for next year is the "Crouching Tiger" movie.



  • Bayaning Third World? Rizal? Good movie? Bull. Why does it have to be about these super heroes in order for the Filipino films to be well-crafted? Are the wells running out of water?

    In Philippine cinema, a Rizal movie is a good movie, a good movie is a Rizal movie, a Rizal movie is a good movie.

    §oulfulHunk

    i]Edited cussing. I will not tolerate that in this forum. Thanks. -Yoshi[/i

    [Edited by Yoshi on 10-06-2000 at 04:48 PM]
Sign In or Register to comment.