Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

WCN: SOMEWHERE IN TIME (Alden Richards & Maine Mendoza)

18447352_1688929757791731_5082623744787250676_n.jpg?oh=86455e1386aaa0671d14fcc256875a33&oe=59B6C3D6


AlDub Gagawan Ng Web Series Sa WCN


PAGILAS - Maraming mga AlDub Nationals ngayon ang katulad sa nararamdaman ni Mama Maverick n'ong magsalita ito sa podcast ni DJ Maverick sa ADN iRadio with DJ Maverick.

Ito ay dahil na rin sa sinabi ni Suzette Doctolero na "FLOP" daw ang unang teleserye ng AlDub​ sa prime-time TV na pinamagatang "Destined To Be Yours" na talaga namang ikinagalit ng maraming AlDub Nationals at Maichard Nationals.

Ayon pa sa ibang mga fans nina Alden Richards​ at Maine Mendoza​, hindi naman daw flop ang kanilang soap opera. Sadyang hindi lang daw ganun kataas ang ratings nito dahil marami daw sa mga senior citizen na fans nila ay natutulog na sa time-slot ng show nila. At yung iba naman, hirap daw makuha dahil mas nakatutok sa kabilang network na may show na maganda rin ang istorya. Ang iba naman ay nasa abroad o nasa social media nanunood ng DTBY.

Subalit marami ang sang-ayon sa sinabi ni DJ Maverick na hindi maganda ang flow ng story nito dahil halatang binago ang takbo ng kuwento. Marami rin ang naiinis sa papel ni Thea Tolentino​ na Trish na halatang pinilit lang daw ipasok sa show.

Kaya naman napapabalita ngayon na gagawan ng WCN - World Cybervision Network​ ng web series ang phenomenal love-team na AlDub para sa ADN MCN na nadismaya sa takbo ng kuwento ng DTBY. Ayon pa kay DJ Maverick, kakaibang plot daw ang isinulat ng creative department ng WCN para kina Alden at Maine at talagang magugustuhan ito di lang ng ADN MCN kundi pati na rin ng buong mundo.

Dagdag pa ng WCN, hindi man ngayong 2017 o sa 2018, gagawin ito ng WCN para sa ADN MCN sa tamang panahon. Ika nga nila, patience is a virtue at ang goal ng WCN ay quality kaya ayos lang na maging 3 to 5 years ang "THE MAKING" ng ALDUB web series sa WCN.

Ang writer-producer-director ng AlDub web series sa WCN ay walang iba kundi si Direk Julius Roden. At sa ngayon, ayon pa sa Pagilas Insider, ang working title nito sa Tagalog ay "DITO SA DAIGDIG", "DINHI SA KALIBUTAN" sa VisMin audience naman. At dahil multi-languages ito, ang English title naman ay "SOMEWHERE IN TIME", "DOS MUNDOS CRUZARON" sa Spanish at この世界の愛 (Kono Sekai No Ai) sa wikang Nihongo.

Abangan natin ito AlDub Nation.
«13

Comments

Sign In or Register to comment.